Happily Never After – Chapter 2

Happily Never After

Happily Never After

Muli ay namalisbis sa kanyang pisngi ang masaganang mga luha na akala nya ay naubos na mula nang nangako sya sa sarili na hindi na muling iiyak pa dahil lang sa lalaking nanakit sa kanya.

But come to think of it, she is not crying because of him now.

Mabilis nyang ibinalik sa shelf ang fairytale book ni Cinderella. Nagpalit sya ng damit at nawalan na ng tuluyan ng gana para lumabas pa at maglakad-lakad. Nahiga sya sa kanyang kama at pinipilit na wag na muling alalahanin ang nakaraan. So she forced herself to sleep.

 

“…and they lived happily ever after!” masayang itiniklop ni Charlize ang kanyang paboritong fairytale book na madalas na basahin sa kanya ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito. Dinala pa nya sa kanyang dibdib ang aklat at tumingala sa kalangitan. “I missed you mom…” bulong nya sa hangin.

“Who lived happily ever after?” tanong ng isang boses.

Takang binigyan ni Charlize ng matalim na tingin ang batang lalakeng basta nalang sumalo sa kanya sa pagkakaupo sa kanyang picnic carpet.

This is the first time na makita nya ito dito sa kanilang bahay, marahil ay bisita ito ng kanyang ama.

“Cinderella and Prince Charming…” nakataas-babang sabi nya. Pinagtawanan sya ng lalake.

Napahawak si Charlize sa dibdib dahil pumitik iyon na ramdam nyang parang gusto yatang kumawala sa kinalalagyan nito.

“Kasinungalingan! Baka naman happily never after?” sambit nito at prente pang humiga sa kanyang kandungan. “Dito muna ako ha? Pang matatanda kasi ang usapan sa loob” pumikit ito at anyong matutulog.

“Bakit happily never after?” wala sa loob na tanong nya. Ang totoo ay na-starstruck sya sa presence nito na hindi naman maipaliwanag ng mura nyang pag-iisip kung bakit.

Nagmulat ito ng mga mata at nakataas ang kilay na pinagmasdan ang hitsura nya. “You’re 8? 9 or 10?” tanong nito.

“10…”

Ngumiti ito, “No wonder, wag mo nang isipin ang sinabi ko kanina. Ayokong sirain ang imahinasyon mo.” Bumangon ito at tinitigan sya sa mga mata, “Ang ganda mo naman…pag dalaga ka na ha promise mo magiging girlfriend kita”

Para syang nahihipnotismo sa mga titig nito at tumango. “Promise…”

Bumangon ito, “You’re Princess Charlize right?” he asked. Tumango sya, then he leaned and gave her a mind shattering kiss on her little nervous lips. “That’s to seal the deal and remember my name, its Prince Rafael and I will be back…wait for me.” he said and went away.

She felt her heart beating really fast

“When our eyes met for the first time I felt like I was drawn into another world, and my heart… was beating very fast parang gusto na nyang lumabas dito sa dibdib ko. The world seemed to stop moving, and suddenly nawalan na ng kulay ang buong paligid, Everything went blurred and he was the only one clear in my view.”

“I found him, Mom.” she whispered to the wind, as if it will bring that message to her Mom in the heavens.

 

She asked her father about the name of the boy who came that day and he said he’s the son of the owner of the company where her Dad plans to invest.

Maraming beses syang nagtanong dito ng mga bagay tungkol sa batang lalakeng yun at sa pamilya nito. Binibiro na nga sya ng ama na may gusto sya kay Rafael, pero hindi naman nya maamin dahil syempre ama nya ito.

He finally told her one day na sa ibang bansa nag-aaral si Rafael kaya minsan lang ito kung umuwi dito sa Pilipinas.

Nanlumo sya sa nalaman pero hindi parin mapigilan ng kanyang inosenteng puso ang maghintay sa pagbabalik nito gaya ng sinabi nito sa kanya.

“and remember my name, its Prince Rafael and I will be back…wait for me.”

She can’t forget his face and his voice. Napakaamo ng mukha nito, dati ay mayroong gumuguhit na mukha ni Prince Charming sa kanyang balintataw tuwing sya ay nagbabasa ng mga fairytales. Ngayon ang mukha na ni Rafael ang kanyang nakikita tuwing sya ay nag i-imagine kay Prince Charming.

“My Prince Rafael…” she moonily said while smiling and stared blankly at the ceiling of her room. “I will be waiting for you, and that’s a promise…”

 

Binuksan nya ang kanyang locker at napatingin sa nahulog na kung ano sa sahig. Ipiniling nya ang kanyang ulo at bumunot ng isang aklat mula sa loob.

“Charlize! May love letter na naman para sayo oh!” ani Tintin at yumuko para kuhanin ang sulat na nasa sahig.

“Oo nga.” she said without any interest.

Tinitigan sya ng kaibigan na wari ay nahihiwagaan.

“Wow! Napaka-interesado mo naman!” she humored at napalingon-lingon saka bumulong. “Paano kung nakatingin sayo ngayon ang nagbigay nitong Love Letter? Tapos ganyan ang reaksyon mo at hindi mo man lang pinulot nang mahulog. Mahi-hurt yun.”

Isinara na nya ang locker nang makuha ang mga kailangan nya.

“Tin, that’s scary!” nahihintakutan na sabi nya.

“Ano’ng scary ang sinasabi mo?”

“Yung sinabi mong paano pag nakatingin sya? Syempre parang gawain yun ng mga obsessed eh!” at nagpatiuna sa paglalakad patungo sa kanilang klase. “From a far they are secretly spying on you and then hahanap sila ng tyempo na mag-isa ka lang tapos kikidnapin ka nila, tapos sisirain nila ang mukha mo para wala nang ibang magkagusto sayo… tapo-…”

Pinutol ni Tintin ang kanyang sinasabi.

“Snap out of it! You are impossible Charlize. Ang swerte swerte mo nga at andaming nagkakagusto sayo dito sa school natin. At everyday meron kang Love Letter sa locker mo, marami ang naiinggit sayo. Tapos ikaw ni wala ka man lang karea-reaksyon dyan.”

Natawa sya sa sinasabi nito.

“Wag ka ngang masyadong manginig Tin, para kang bale. Ano ka nila, lawyer? Bakit mo sila pinagtatanggol? I do not entertain guys that are not man enough to show themselves! Bakit sila nagtatago sa mga love letter nayan kung totoong gusto nila ako? Why can’t they tell it to my face?” she defended herself.

“Tell it to my face ka dyan! Eh pag nilalapitan ka naman nakakatusok yang tingin mo.”

Itinulak nya ang pinto papasok sa classroom at nilingon si Tintin bago maupo.

“Ibig sabihin lang nyan hindi talaga ako interesado sa kanila. Mahirap bang intindihin yun?”

Pinandilatan sya ng kaibigan.

“Malapit ka nang mag 18! Tatlong buwan nalang debut mo na… paano mo bubuuin ang 18 roses mo kung tinakot mo na lahat ng boys dito sa school?”

Bumuntong-hininga sya.

“Don’t make it a problem, okay? Edi wala nang 18 roses na ganyan… bakit hindi ba matutuloy ang birthday ko pag walang 18 roses?”

Tumayo si Tintin at yumuko sa kanya saka sya tinanong ng mata sa mata.

“Ang ibig kong sabihin… mag i-eighteen ka na Charlize tapos hindi ka pa nagkaka-boyfriend!”

Tumawa sya ng malakas at nakakaloko sa mukha ng kaibigan.

“Race ba ito o competition? Because I didn’t remember myself signing-up for this… padamihan ba ito ng boyfriend in your lifetime? Because really, I don’t care. So, thank you for your concern, Tin.” she smiled sweetly at her.

Meron kasi itong inire-reto na pinsan nito sa kanya na senior kaya napaka-pursigido nitong kumbinsihin sya na magpaligaw na.

But she can’t, may hinihintay kasi sya. It’s been seven years and she had never heard of him since.

Pero hindinya makuhang magkagusto sa ilang mga kalalakihang nagpapakita ng interes sa kanya dito sa school. Marami ang nagtatangkang manligaw sa kanya, and they were the type of boys na pinag-aagawan sa campus. But they are not attractive for her.

Hindi mapagod-pagod ang kanyang puso sa pag-aasam na magkikita pa silang muli ni Rafael. Somewhere inside her heart she knew that he will come back for her.

Kung kelan iyon ay hindi talaga nya alam.

Sana malapit na…

It’s a Friday night, at meron silang date ng kanyang ama. Kakain sila sa isang Chinese Restaurant ngayon kaya nang makauwi sa bahay ay nagbihis agad sya.

Muli ay sumakay sya sa sasakyan nila at inihatid ng kanilang driver sa opisina ng kanyang ama dahil hindi na ito uuwi pa at didiretso na sila sa kanilang destinasyon.

When she arrived, her father’s secretary told her to wait a bit dahil merong kausap ang kanyang ama na importanteng tao.

Naupo sya sa sofa at kumuha ng ilang mga magazines na nakasalansan sa estante. She only scanned the pictures kaya mabilis nyang natapos ang tatlong makakapal na Metro Magazines. Muli ay kumuha sya ng isa pang magazine at nagka-interes syang basahin ang ‘Are you sure he’s The One?’

Narinig nyang umingit ang pinto ng opisina ng ama pero hindi nya makuhang tumingala para siguruhin kung ang ama nga ang lumabas dahil nakuha ng magazine ang kanyang atensyon. Anyway, if it’s her father he will approach her naman.

“Good afternoon, Mr. Salcedo!” magiliw na bati ng sekretarya ng ama.

“Uh, hi… can I borrow a pen?” anang boses ng isang lalake.

Natigil ang kanyang pagbabasa dahil meron syang naalala sa timbre ng boses ng lalake. Nga lang ay mas malaki at mas mamang-mama ang boses na ito ngayon kesa sa boses sa kanyang alaala.

“Here it is, Sir.” sabi ulit.

Tiningala nya ang lalakeng nakatalikod sa kanya at may kung anong isinusulat sa counter.

His back seemed familiar but she can’t recall where she had seen it.

Nilakumos ng lalake ang papel na kanina ay sinulatan nito at ini-shoot sa malapit na trash can.

“Oooppss! I lost my phone number!” biglang sabi nito tapos ay hinawakan ang kamay ng sekretarya ng kanyang ama. “Could I have yours?”

Kilig na kilig na nagmamadali naman sa pagkuha ng isa pang papel ang girlalu at isinulat doon ang mobile number nito at inabot sa lalake.

“Wow! My day is complete now that I’ve got a bridge to you… I’ll call you.” anito at lumakad na.

“Sure! Hihintayin ko ang tawag mo.” at nagpa-cute.

Halos mapunit ang ngiti ng babae para dito.

Sinundan nya ito ng tingin.

Ang boses nya…please look back…

Nag-iba kasi ang tibok ng puso nya, isang pamilyar na reaksyon ng kanyang puso na matagal na nang huli nyang maramdaman.

Papalayo na talaga ito at hindi man lang nya makikita ang mukha nito. Hinawakan nya ang dibdib para kahit papano ay mapayapa nya ang biglaan nitong pagwawala.

“Ay Sir, sandali po!” tawag ng sekretarya.

When the man looked back, she was transfixed.

“The world seemed to stop moving, and suddenly nawalan na ng kulay ang buong paligid, Everything went blurred and he was the only one clear in my view.”

It’s the exact same thing she felt now, exactly the same reaction she found herself stucked with 7 years ago.

Oh my God… He’s back! Prince Rafael is back!

He had grown into a very gorgeous and enrapturing man.

Rafael smiled.

His smile isthe most ravishing smile she had ever seen in her lifetime. He wasn’t even looking at her this time pero pakiramdam nya pati sya ay natutunaw sa mga mata at ngiti nito.

And obviously the secretary liked it a lot.

“Yung ballpen ko po, Sir.” anang boses nito’ng parang inipit sa pinto gawa ng sobrang pa-demure nito.

Nakangiting napakamot si Rafael at bumalik para ibigay sa babae ang ballpen nito.

She stood, gusto nyang tawagin ito at ipaalam dito na sya si Charlize…si Princess Charlize, ang prinsesa nito. Ang babaeng pinangakuan nitong babalikan, ang babaeng matagal na naghintay sa dito.

But just as she opened her mouth, no voice came out.She felt scared, hindi nya malaman ang pinanggagalingan ng takot na ito.

“I’m sorry, my bad.” he said and once again gave the girl his captivating smile. “See you soon… angel.” at mabilis na itong umalis.

Nanlulumong napaupo sya ulit.

Bakit hindi nya nahanap ang boses nya gayong pagkakataon na sana nya ito. Matagal na panahon syang naghintay at ngayong nandito na ay pinalampas naman nya dahil lang sa naduwag sya.

Natatakot syang baka hindi na sya nito makilala, natatakot syang baka sa paglipas ng taon ay nakalimutan na sya nito. At hindi nya yun kakayanin, dahil all these years she spent so much of her time dreaming of this moment.

You could have atleast tried calling him and introduced yourself, then you would know if he still remembers you and you shouldn’t have been wondering what if you tried to do so now.

Naiinis na pinagkuyom nya ang mga kamao. She juddered and groaned.

“Tanga-tanga talaga!”

Magkikita pa kaya silang muli?

Sana naman…

Napalingon sya nang may marinig na natumba na kung ano. Yun pala ay ang trash can ang natumba at ang mahaderang frog na sekretarya ng kanyang ama ay nangalkal doon ng kung ano.

Perhaps she was looking for the paper that Rafael had thrown there.

Iww… Nagkakaubusan na ba ng lalake o sobrang garapal lang nito?

Nainis na tuloy sya sa sekretarya ng ama dahil hindi man lang sya napansin ni Rafael dahil dito.

 

“Are you okay, Princess?” tanong ng ama sa kanya nang mahuli sya nitong nakatitig sa kawalan habang hinihintay nila ang kanilang order.

“Not really, Dad.” she said habang nakapangalumbaba.

“Then eat fast and we’re going home so you can rest, napagod ka ba sa school?”

“Y-yeah…”

She was still thinking about that incident kanina sa labas ng opisina ng ama. Pinagsisisihan nya talaga ang hindi pagkakaroon ng lakas ng loob na magpakilala. Ginagambala sya ng alalahanin na baka yun na ang huling pagkakataon na makita nya ito.

“Tito Charlie! Nandito din pala kayo.”

Biglang na-alarma ang kanyang mga cells at awtomatikong nilingon ang boses na hindi pa natatanggal sa kanyang isipan.

Isang natutuwang ngiti ang kanyang pinakawalan. Suddenly all her worries and sadness disappeared.

We are really fated for each other Mom! Because luck is on my side…

Inayos nya ang pagkakaupo at naisuklay ang mga daliri sa mahabang buhok.

This is my chance!

“Rafael! Good to see you here. Are you with somebody?” tanong ng kanyang ama.

Rafael smiled, parang may mga kamay ang ngiti nitong iyon dahil nakikiliti sya and she can’t help smiling too.

“I was supposed to meet with someone here but she made a last minute change of venue.” he said.

“Ganun ba? Invite sana kitang sabayan kami ng anak ko, pero-…”

Nang dumako sa kanya ang tingin ni Rafael, nahigit nya ang kanyang paghinga. Their eyes met and on the spur of the moment, she heard angels singing and she thought she noticed sparks fly. This is truly enchanting and magical…it’s freaking her heart out.

When she noticed his lips moved to form a curve, hinanda nya ang kanyang sarili. Rafael smiled at her.

“I remember you.” he said, she saw a hint of recognition on his eyes.

Naramdaman nyang parang bumuka ang kanyang atay sa sinabi ni Rafael. Naaalala pa pala sya nito!

Ang nakaplaster nang ngiti sa kanyang mga labi ay mas lalong lumawig.

“You were that beautiful kid on the garden reading a fairytale book!” pagtutuloy nito.

Napakunot-noo ang kanyang ama.

“So you’ve met before?” tanong nito kay Rafael pagkatapos ay binigyan sya ng kakaibang tingin.

‘Tong si Daddy, kunwari pa walang alam pero kung makatukso naman sakin sobra-sobra!

“Oo naman, nung sumama ako kay Daddy minsan and we went to your house when you signed the contract remember?” Rafael reminded her father.

At ito pa talaga ang nagpaalala sa kanyang ama’ng nagpapanggap na walang alam.

“You have a sharp memory, Rafael.” puri ng kanyang ama.

Rafael laughed and she unconsciously felt her chest. Nararamdaman na naman nya ang pag-rigodon ng kanyang puso. His every act is so neat that it only emphasizes his good attributes no matter what he does and how he moves.

“Mahirap naman talaga makalimutan ang mukhang tulad ng sa anak ninyo, Tito Charlie. Her face is very angelic; its one in a million, she is one in a million.”

Tumawa ng malakas ang kanyang ama.

“Ano bang pinagkakain mo sa Amerika at napakamadulas na ngayon ng dila mo, hijo?”

Nagtawanan ang dalawa. It’s such a good feeling that her father and her prince is getting along well.

“I’m eating good Tito… and you won’t mind if I ask your beautiful daughter out sometimes, would you?”

“Hmm… kung ako lang ay hindi ako papayag but that’s not for me to decide.” nakangiting sabi ng kanyang ama na nilingon sya.

“Charlize… right? Oh no, it’s Princess Charlize… sorry about that.” ani Rafael. “Incase you have already forgotten about me… its Prince Rafael.” inilahad nitong muli ang kamay sa kanya.

Tinanggap niya ang mainit nitong kamay na naghatid ng kakaibang sensasyon sa kanyang buong pagkatao.

She opened her mouth to utter a greeting, subalit pinaghiwalay ng kanyang ama ang kamay nilang dalawa.

“Quit toying with my princess right under my nose, young man. I thought you were just about to leave?” paalala nito.

Napakamot sa batok si Rafael sa sinabi ng kanyang ama.

“Right, see you on Monday then.” Rafael stood straight gearing up to leave.

Tumango lang ang kanyang ama at muli ay nilingon sya ni Rafael.

“See you again, Princess.” he said and left.

Napalis ang ngiti sa kanyang mga labi at nilingon ang ama.

“Tinaboy mo sya Dad.” nakangusong sabi nya.

“I’m your Dad so it’s natural that I act like one.You wouldn’t want me to be over-supportive with my daughter’s ultimate crush, right? I’m still a father… a genitive one that is. I’m not giving you up that easily” and he smiled at her.

She rolled her eyeballs.

“In a few months time, my baby is turning into a Lady… a beautiful one!” palatak nito at hinila sya saka masuyong hinagkan sa tuktok. “Wag kang magmadali anak okay? It’s fine to like a guy, but you don’t have to take it too seriously. Take your time because you are still young anyway.”

“Dad! You just said I’m turning into a Lady, so I’m not young anymore.”

“Ofcourse you are still young… a young Lady! Kaya since its still months to go…susulitin ko munang lambingin ang baby ko!” he tickled her. Impit na napapatili siya, ang lahat na napapalingon sa kanilang mag-ama ay napapangiti. Perhaps her mother is also smiling right now.

 

“Wow, nice back!” narinig nyang sambit ni Tintin. But she was busy looking for her hair clip on her bag. Papalabas na sila ng school campus at nasa tapat na ng parking lot.

“There you are…” natagpuan nya sa pinakailalim ng kanyang bag ang clip.

Kinikilig na niyugyog ni Tintin ang kanyang balikat.

“Ayeeee! Hindi lang back ang nice sa kanya Charlize! Pati na ang front! Ay!” para itong kinukuryente sa tabi nya.

Sinundan nya ang tingin nito at saka nagkasalubong ang kanilang mga mata ng taong kanyang pinakaaasam-asam na makita ulit. He smiled…

“My gulay, nakatingin sya sa akin!” tili ni Tintin. Nakataas ang kilay na nilingon nya ang kaibigan. “Biro lang ikaw naman, bayaan mo naman akong mag-imagine for once na may ganyan ka good-looking na anak ni Adam na tumingin sa akin”

“Boyfriend mo oh!” nguso nya sa nobyo nitong nag-aantay dito sa may gate.

Pumadyak si Tintin at kinurot sya ng pino sa gilid.

“Aray!”

“Bukas ha? One whole sheet of paper, back to back, side by side… kuwento mo ang lahat! Aheee! Goodluck girlfriend! You’re so lucky.” drama nito.

Natatawang nilingon nya ulit si Rafael na nakatayo sa tabi ng magara nitong kotse.

She walked closer to him, hindi nawawala ang nakakapanghinang ngiti nito para sa kanya.

“Hi!” he said.

“H-hello.”

“Pinauwi ko na ang driver nyo, I asked permission from your Dad to treat you to dinner tonight.” anito.

Oh my Gosh! He is making a move nah!

“T-talaga?”

Lumapit ito at hinawakan ang kanyang kamay. Napahugot sya ng hininga dahil naamoy nya ang pabango nito kahalo ang natural nitong amoy na napaka-sarap sa ilong.

“Yes, so we better get going now para mahaba-haba ang oras na magkasama tayo.” at inakay na sya nito sa kotse nito.

While he was driving ay palihim nya itong ninanakawan ng sulyap.

“That’s really unfair… I wanted to do that too, but the thing is I’m driving.” anito at saglit na sumulyap sa kanya, may pilyong ngiti sa mga labi nito.

Napayuko sya, he was referring about her secretly staring at him.

“So, nakalimutan mo ba talaga ako Charlize? Because, ako hindi.”

She liked the way he spoke her name.

“U-um, me too h-hindi din kita nakalimutan.” nahihiya nyang amin.

“That’s good to hear.” ginagap ng bakante nitong kamay ang kanyang kamay.

Pupuwede palang malunod ang isang tao kahit wala sya sa tubig, dahil ngayon palang ay nalulunod na sya sa sobrang kaligayahan.

They went to a very fine restaurant. Napaka gentle nito sa kanya, talagang kung ituring sya nito ay parang isang prinsesa.

Dahil sa sya ay natural na may pagka mahiyain ay si Rafael na ang sumalo sa usapan at nagkuwento tungkol sa naging buhay nito sa Amerika at pati narin sa pamilya nito. Masaya naman syang nakikinig dahil atleast she is getting to know more about him.

Habang pauwi ay hininto ni Rafael ang sasakyan sa tabi ng baywalk. Mula sa harap ay kitang-kita nila ang napakagandang karagatan sa ilalim ng mabituing kalangitan.

“Picture perfect, right?” asked Rafael.

“Yeah…”

“I know you loved the beach, Tito told me you would always ask him to take you to the beach at nigh time. Hindi para maligo pero para maglakad-lakad lang.” he said. “What is so special with the beach at night time?”

Napangiti sya.

“The air, the stars, the moon, the sea… the setting itself.I can’t explain, it just makes me so relaxed.” anya at nang lingunin si Rafael ay naabutan nya itong nakatitig sa kanya.

Nag-init ang kanyang pisngi at sya ay napayuko.

“Dalaga ka na…” anito at muli ay ginagap ang kanyang mga kamay. “And I still remember your promise…”

Ofcourse, she still remembers it. Hindi naman yun nawala sa kanyang ala-ala ni minsan dahil iyon nga ang hinihintay nya, ang katuparan ng pangakong ‘yun nang magdalaga na sya.

“Then it’s all clear now… you are my girlfriend as of today.”

Lumapit pa ito lalo sa kanya.

“But just to make it formal… will you be mine Princess Charlize?” tanong nito na sobrang lapit na sa kanya. She could smell his warm breath.

She met her eyes, at kahit pa man may kadiliman sa loob ng sasakyan nito ay namagneto parin sya sa kinang ng mga mata nito sa dilim.

“Yes…Prince Rafael.” mahina nyang sambit.

Naramdaman nya ang paghaplos ng malambot at mainit nitong kamay sa kanyang pisngi.

She knew what he was about to do, and she had been anticipating for this moment to happen again. So she closed her eyes and waited…

When his lips finally brushed on hers ay napakapit sya sa braso nito. Mabilis nyang naramdaman ang isang kamay nito sa kanyang likuran, humahaplos at umaalalay. Habang ang isa ay nasa likod ng kanyang ulo at hinahapit pa sya palapit.

He was very gentle, parang bulak lang na humahaplos sa kanyang mga labi. Pero hindi sya kontento lang doon, she was searching for more, she wants more of him!

Kaya sya ay nangunyapit sa batok nito and pulled him closer.

Rafael recognized her thirst at pinagbigyan sya nito.  He went deeper, and when he found an opening he plunged inside causing her to grasp on his hair.

Her heart felt overjoyed experiencing her Prince Charming’s kiss.

The following two tabs change content below.

athenashih

Latest posts by athenashih (see all)

Read the rest...


196 Responses

  1. Greiz Lusung says:

    Ang bilis n rafael.kilig much

  2. neriza29 says:

    Sana happy ending

  3. Greiz Lusung says:

    Ano b yn.bitin.kelangan q p g gils…..!!!!!! Tnx s author

  4. bunchpie_12 says:

    ganda nman ng story NATO!!!

  5. bunchpie_12 says:

    haist need to read dis!!!

  6. tricxie1302 says:

    wala lang ligaw.. ang fast hahhh

  7. bambiekrypt says:

    Ang bilis. Hindi ba pwedeng magpakipot muna kahit sadali lang.

  8. aijo says:

    ang bilis ah hehehe

  9. aprilmarcellana says:

    Uhummm..may pahanun2 pa c raphael…mdmi ng chiks yan!!!

  10. bka s sobrng bilis mdling mtpos…….hehehe

  11. iiLee says:

    Awe that escalated too fast. But I don’t blame her since Rafael is her ultimate crush lol

  12. phing says:

    bolis naman

  13. Promises are meant to be broken. Haha

  14. phing says:

    promise daw….naks naman

  15. Tamayori says:

    Naksss cute nman promise

  16. lynder2015 says:

    kilig much ako.. :)

  17. sushibar84 says:

    :) smile nlng.

  18. m-grace says:

    hahaha excited!

  19. chinggay says:

    ang bilis nm

  20. tobie says:

    bilis nmn ni prince rafael ! 😀

  21. julie23 says:

    Bilis mu rafael a.. ahaha. Bolero

  22. nesilita says:

    ahahhah..agad-agad

  23. caroline_brown says:

    ganda…beautiful…gils please…

  24. akonatho says:

    sila agad??? porket nagpromise sa pass hnd ba pwedeng ligawan muna si princess ;(

  25. aileen says:

    1st date kiss agad.. d k nmn excited nyan ha….

  26. chubs says:

    ganda ng story! mala fairytale.

  27. hayathie says:

    like it much

  28. iramae_orbiso says:

    bumigay kaagad??hehe..nice

  29. margz says:

    ano ba na
    man
    charlize
    ang dali mo na
    man
    bumigay..

  30. Charm says:

    kakakilig nman!!

  31. Sherilyn says:

    ang bilis ah..

  32. jjhuls says:

    oh? bilis…

  33. margaret says:

    Grabe bills Nya ah

  34. mits namz says:

    i need gils =(

  35. keeehialovesu says:

    ,., kilig naman ,.,hehehe

    kaya naman pala,., ganun nalang nya kaayaw makita ung guy eh,., may past naman talaga cla,., ahhhmmmm,., kung iiwan man xa MASAKIT talaga., ouch,.
    ^_^

  36. lani27 says:

    kainis ubos agad gils q…

  37. kat35 says:

    ang bilis wala man lang ligawan

  38. BrentAshriel says:

    Very nice! ganda nito. magaling ang author!

  39. arkeep says:

    ambilis ng mga pangyayari, hindi nakakabitin! :) good story plot po…

  40. arkeep says:

    ambilis ng mga pangyayari, hindi nakakabitin! :)

  41. gen814 says:

    Agad-agad?hahahaha.

  42. anaroxette says:

    Nice 😉

  43. Jane_ says:

    We3w…bilis ah…

  44. thinkerbell.anne says:

    _so sweet

  45. jcsm14 says:

    ang bilis naman nila… kiss kaagad?

  46. elv_16 says:

    next chapter.. kabitin

  47. bingo says:

    agad agad?! hahaha

  48. marygadan says:

    ang bilis naman

  49. Grace says:

    ang cute naman ng story..nagstart sa puppy love 😀

  50. Hailey says:

    i love her father sana lahat ganyan sa daughter nila

  51. hazelofiasa says:

    nice story.. galing

  52. jemachan13 says:

    ai kabitin!! XD

  53. ella2655 says:

    ang ganda na ng story

    woooooh

    slamat sa mga tagasulat

  54. Crisel says:

    haha sila na agad wala ng ligaw ligaw

  55. agad agad nman..?? hindi uso pakipot no teh??? xD

  56. feby9 says:

    sana ako din…

  57. loronw says:

    Ang sweet naman

  58. Lhadie says:

    nice story super kilig next chapter….

  59. hon says:

    isang labas lang sila na agad.

  60. kring says:

    first kiss is the sweetest daw!

  61. medlyn says:

    sarap ng kiss…

  62. teovids says:

    lightning talga itong c rafael sa bilis…

  63. ayarizelle says:

    bilis ah,d man nanligAW,hehe

  64. kurtlenard says:

    sobrang ganda!sana my gIls n iHuhulog ang langt mkasalo man lng,type q xa mtpos!

  65. tanrhianne says:

    ganun kabilis..haha..kakaloka naman!:)

  66. mojo says:

    KILIG much!!! 😀

  67. ayakabebe says:

    pbb teens?! agad2?!

  68. ayakabebe says:

    agad2 cla na?!hahahah..

  69. gingging02 says:

    Naku Rafael is taking advantage of Charlie shes not even 18 yet…
    Waaaaaaaaaa

  70. nOvie says:

    ‘nku agad cla na,uwaHha

  71. jaimieallyson_25 says:

    Super lyk

  72. emma batulan says:

    guys how to earn gils?

  73. camilla says:

    Panalong panalo tlga ang kwentong to,, yuhooooo so ganda excted na ako sa nxt chap,,

  74. mishey1028 says:

    lucky princes charliz,,, at 10 may first kiss na..LOL

  75. CJHAY0912 says:

    AYIIIIII SO SWEEET.

  76. Al says:

    ang bilis tlaga ni Prince Rafael..

  77. tintin says:

    neeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeext

  78. Yami Francie says:

    hhhmmm..

  79. Daryl Jane says:

    wow!! nkakakilig talga!! 😀

  80. cutiegirl says:

    pls naman yung easy lang po nga tanong sa topresa

  81. cutiegirl says:

    ano kaya ang mangyari sa mga bida dito

  82. Hopeless says:

    grabeh..ambilis hahah

  83. malay says:

    wahehehe……gils

  84. malay says:

    wahhhhhhhhhhh

  85. malay says:

    excited nah ko for the next chap

  86. malay says:

    express nmn tong si rafael……

  87. mistyeyes says:

    bilis ni rafael :)

  88. griffinduck says:

    penge naman gils :(

  89. janna says:

    naku bumigay agad

  90. Aira says:

    kakakilig………!!!

  91. reginamae says:

    mau gusto talaga c charliz kay rafael…

  92. reginamae says:

    ang kilig nilang mag ama…talagng love n alove cya ng daddy niya

  93. reginamae says:

    ang bili snmn ni rafael…

  94. Blackrose says:

    kiligers naman :))

  95. mhaj says:

    love is waiting charlize.. msyado kang nagmamadali ..

  96. mayriz says:

    bumigay ang batang prinsesa sa mabilis na prinsipe hehehe…gillllssss po…

  97. iamjao says:

    ang sweet nilang mag ama :)

  98. iamjao says:

    Ooopppsss!!! I need more gils :(

  99. riemha0814 says:

    Ang bilis ni Rafael, hahaha…

  100. pazawaiy_1901 says:

    kiliG to da mAx!!!
    Ayiiiiieeee!! =)

  101. belle says:

    hehe. naging cla agad.hehe. hehe

  102. jastine says:

    love it!sana nagpakipot ng konti si charlize hehe

  103. dylan louise cerna says:

    ang bilis namn HAHAHa :)) ang ganda talaga kahit masakit sa gills hahahah

  104. irishing says:

    aherm!kilig to the max!

  105. Anna marie Cabanalan says:

    grabe nakakakilig…. :)

  106. Abbythe1 says:

    Hindi man lang nagpakipot ng kahit kunti si ate oh!

  107. aann023 says:

    weee… kilig much naman!

  108. jen says:

    nagpakipot muna sna sya khit ilang days lng lolz.

  109. mae says:

    kakakilig… sarap talagang ma-inlove.

  110. Liv says:

    nice, second time…

  111. karen bunda says:

    naku,,, wla na akong gils.. ang gnda.. kakakilig naman.. bakit kaya sila naghiwalay?

  112. Liv says:

    Galing naman ni Athena mag narrate and describe ng scene pati na ang emotions…hayyyyzzz feeling ko naglalaho ang paligid ko. adik na talaga ako

  113. kat08 says:

    ayiieee….nakakakilig,inlove tlaga si princess..

  114. Hay naku….ang mga babaen inlove talaga. Hahaha..?

  115. Serenity says:

    So high school.. :) but cute..

  116. polskie says:

    wow! technically 3 days pa lang clang nagkikita at cla na! grabe!

  117. rishelL_18th says:

    nice.. naka-score agad si rafael.. ang bilis naman.. 😀 kiligness..

  118. Grace says:

    a moment like this!!!! talaga naman walang ng esep esep 😀

  119. cutiektine says:

    ang tindi ha..

  120. aiza says:

    hahaha parang si bf lang ang bilis….huwwwaahhh…

  121. lukaylovesme says:

    nainlove ka kasi agad!! tsk. tsk/

  122. ilayalfabete22@yahoo.com says:

    nice move …prang kidlat sa bilis

  123. talynhaga says:

    superkilig! grabeh…ambilis ni Rafael, at dahil nga head over heels in love si Princess sa kanyang Prince Charming, she heartily agreed..too yound and too impulsive is Charlize…=)

    next chap! ^_^*)”””

  124. joyz says:

    wow grabe super kilig….

  125. poopzy says:

    ang bilis ng move ni rafael…wooh

  126. boomzshed says:

    Ang! danda!
    nakakakilig to the bones

  127. mjmercado says:

    kilig nmn wala n ligaw ligaw sila na agad agad….

  128. rosan314 says:

    nice story!

  129. ysa says:

    Ang bilis ah! Next chapter n nga ako

  130. laramaeperez says:

    i need some points! hala! pano ko ito matatapos?

  131. laramaeperez says:

    nakakakilig naman!!!!!!!! kaya nga lang bakit kaya parang ang easy to get niya. Please don’t get me wrong. It’s just parang ang bilis niyang sagutin. Hindi man lang nagpakipot kahit konti.

  132. furabells says:

    kilig naman!! hehehe… pero parang ang bilis naman nya atang sagutin c rafael?? sabagay.. 7 years narin syang naghintay!! hahaha…

  133. mara says:

    super kilig..

  134. yuan zhang says:

    wow!!!

    they dated for like an hour and then next thing you know they are together……

    that’s really fast…

  135. leighty says:

    WOW!!! ang bilis nman nyang sinagot si rafz… sabagay kung xa na nga ang tinitibok ng yong puso di “GO” hehehehe.. thrilled to read the next chapter but i have to wait for bunches of hours to read it… huhuhu…

  136. amber says:

    can someone give me gils please?im new here nd i want to finish the story,as in..pleeez people?hehe

  137. im_virus says:

    waaahhh.. ambilis nga… ^-^

  138. ailesgrise says:

    nakakakilig!!! gnda ng mga gntong story.. childhood promises…

  139. prettyatwork says:

    ang bilis ng move ni rafael..sounds exciting…

  140. kastiel says:

    bilis ni price charming.. easy to get, easy to forget kaya ang next nito? abangan..

  141. ivylove says:

    nice…. ipon muna ako ulit ng gils… excited na ako mabasa ung next chapter…

  142. jeytil says:

    😀 nagyes agad c charlize halatang maygusto talaga kay rafael…

  143. saien says:

    ang bilis nman nila…c charlize, di muna ngpakipot kh8 konte oh, tsss kawawa ka lng jan, amp.!

  144. kristine says:

    hayyy dapat di nya agad sinagot… tsk tsk tsk

  145. @jenz says:

    _wow…’ super nice…’
    _di man lang nagpakipot c charlize..hahaha^_^

  146. clarkeys says:

    nice chapter…
    maraming very much thienk u ky ms lou s gils n bnigay nea….
    at dahil dun nbasa q n itoh…
    kie nxt chap n…

  147. habibi says:

    hay… aq din ngaun plang aq ng-reg eh….

  148. steffi says:

    hai naku kelan pa kaya ako makakabasa nit. :(

Leave a Reply