Guitar Series Presents Elaine (Denial Tease-Hater) – Chapter 9

Guitar Series - Elaine

Guitar Series – Elaine

Naka-wig at sakay ng isang wheelchair, ibinaba ni Jael si Elaine mula sa sasakyan. Isang welcome party ang sumalubong sa kanya pag-uwi nila ng San Martin. Pati sina Ruvie, Jael at Alex ay hindi inasahan ang ganito. Naroon lahat ng mga matatalik na kaibigan nila. Pakiramdam nila`y nagdiriwang sila sa paggaling ni Elaine na isang kabaligtaran.

“Welcome home, Ate Elaine!” masiglang bati ng tatlong makukulit na tsikiting na sina Tristan, Joshua at Shey.

“Welcome home, hija!!” bati nina Tita Jane at Tito George.

“Maraming salamat po. Nag-abala pa talaga kayo,” masayang sagot niya sa mga ito.

“Siyempre naman. Ang tagal mo kayang nawala. Ang haba naman ng bakasyon mo,” nakangiting sagot ni Tita Jane na pilit itinatago ang nararamdamang kalungkutan at awa sa dalaga.

“Pasensya na po kayo at ngayon lang ako nakauwi,” sagot niya at pilit ngumiti.

Ipinasok nila ang kanilang mga kagamitan sa loob bago nagpatuloy sa “party”na inihanda ng mga magulang ni Ruvie.

Puro masasayang kwentuhan at mga biruan ang maririnig mula sa mga naroon. Everyone is trying his/her own best to make her happy kahit sila mismo ay nalulungkot sa katotohanang iiwan  na sila ng dalaga. Sa kabila ng masiglang paligid, hindi pa rin naitago ng ina ni Elaine ang lungkot. Talagang masakit sa isang ina ang mawalan ng anak—ng nag-iisang anak. Nasa sulok lang ito at pinapanood ang anak na nakikipagkwentuhan sa mga bisita.

Kahit sandali ay nalimutan ni Elaine na may sakit siya at malapit nang mamatay. Masayang-masaya siya ngayon. Parang naulit ang kanyang kasiyahan noong gabi ng kanyang kaarawan kung kailan ang dami niyang bisita. Naroon ang lahat ng mga malalapit nilang kapitbahay, mga kaklase, kaibigan, ang banda, ang buong mag-anak, at higit sa lahat ang kanyang mga magulang. At hindi siyempre nawala sa tabi niya ang nag-iisang lalaking walang sawang nagmamahal sa kanya nang tunay—si Jael.

Maya-maya`y biglang pumwesto sa gitna ang banda nina Jael dala ang kani-kanilang mga instrumento.

“Ladies and gentlemen, please welcome… JaeLaine !!!” wika ni Ruvie.

Nagpalakpakan ang lahat ng mga naroon. Titig na titig si Elaine sa kanyang nobyo.

“This song is entitled ‘I`ll Never Go’ by Nexxus. Alam n`yo na kung para kanino ang kantang ito… sa pinakamaganda at nag-iisang babaeng minamahal ko –si Elaine!” wika ni Jael bago kumanta.

“You would always ask me those words I say and telling me what it means to me. Every single day you always act this way. For how many times I`ve told you ‘I love you’ for this is all I know… I`ll never go far away from you. Even the sky will tell you that I need you so. For this is all I know, I`ll never go far away from you…”

Naramdaman na lamang ni Elaine na basa na pala ang kanyang pisngi ng kanyang mga luha. Umiiyak siya ngayon, hindi sa lungkot kundi sa sobrang tuwa. Hindi siya nagkamali nang bigyan niya ng pagkakataon si Jael at pinili niya itong mahalin kaysa kay Alex.

Pagkatapos umawit, pinuntahan siya ng kasintahan at pinahid ang kanyang luha bago niyakap nang napakahigpit. Nagpalakpakan ang mga naroon. May ibang napapaiyak. Pigil din ang mga luha ng kanilang mga magulang at mga magulang ni Ruvie.

“Maraming salamat,” wika niya kay Jael nang magsiuwian na ang mga bisita nila at sila na lamang dalawa sa labas ng bahay.

“Para saan?”  tanong ni Jael.

“Sa lahat-lahat. Napakaswerte ko at ikaw ang pinili kong mahalin. Magiging kasing swerte ko rin siguro ang babaeng papalit sa akin kapag nawala na ako…” sagot niya.

Hindi nagustuhan ni Jael ang tinutungo ng kanilang usapan. “Tama na. Huwag ka nang magsalita tungkol sa bagay na iyan,” pigil nito  sa kanya.

“Hanggang kailan ka magiging ganyan? Palayain mo na ang sarili mo. Lalo ka lang masasaktan kapag nagpatuloy ka sa—”

“Sinabing tama na,eh!” tumaas na naman ang boses ng binata. “I`m sorry,” bawi nito. “Huwag mo akong pilitin na gawin ang bagay na hindi ko kayang gawin. Walang papalit sa iyo sa puso ko. Tanggap ko na iiwanan mo na ako pero naniniwala pa rin akong gagaling ka.”

Alam niyang nahihirapan ang binata sa sitwasyon nito ngayon kaya hindi na lamang siya nakipagtalo.

“May gusto sana akong puntahan,” wika niya para maiba ang usapan. “Pwede mo ba akong dalhin sa tabing-dagat?”

“Sa mismong lugar na iyon?” tanong ni Jael na parang nahulaan na ang kanyang ibig sabihin.

Tumango siya.

Pagkatapos makapagpaalam sa mga magulang niya at sa Tito at Tita niya, gamit ang kotse nila na pinahiram ng kanyang daddy sa binata, dinala siya ni Jael sa tabing-dagat—sa mismong lugar kung saan siya unang hinalikan ni Jael. Kinarga siya ng binata at naupo sila sa buhangin.

“Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon,” wika niya. “Nang araw na iyon, napatunayan ko sa sarili kong mahal na nga kita.”

Gulat na napatitig sa kanya ang binata. “Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin nang marinig ko mismo sa bibig mo na hindi mo ako mahal,” sagot ng binata.

“Dahil natatakot ako. Natatakot akong iwan mo lang ako tulad ng ginagawa ng mga magulang ko. Natatakot akong baka binibiro mo lang ako. Kaya pinigilan ko na lang ang sarili kong mapalapit sa iyo.” Tumingin siya sa naglalakihang alon ngunit bumaling agad sa binata. “Pero kahit anong gawin ko, hindi ko kaya. Hindi ko kayang malayo sa iyo.”

“Ako rin,” sagot nito na kinuha ang dalawa niyang kamay. “Sinubukan kong hindi magpakita ng ilang araw sa iyo para kalimutan ka at bigyan ka ng kalayaan pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang hindi ka makita kahit sandali. Kaya kinausap ko si Alex para malaman ko ang totoo…”

Bigla siyang natawa nang maalala ang mga kakat`wang pangyayaring naganap pagkatapos noon. Kung paano niya ito inaway nang pormal itong manligaw sa kanya.

“Mahal na mahal kita at hindi ako magsasawang paulit-ulit na ipaalala iyon sa iyo,” seryosong wika nito.

“Alam ko. Hinding-hindi ko kakalimutan iyan,” nakangiting sagot niya.

Mahigpit siyang niyakap siya ng binata.

Gising pa ang mga magulang niya nang ihatid siya ni Jael sa bahay. Ang mommy niya ang naghatid sa kanya sa kanyang kwarto habang ang daddy niya ang naghatid kay Jael sa labas ng gate.

“Hijo, sandali!” pigil ni G. Rodriguez kay Jael.

“Bakit po, sir?” tanong ng binata.

“Huwag mo na akong tawaging sir. Tito na lang,” pagtatama nito.

“Kung iyan ang gusto ninyo, Tito,” sagot niya. “May gusto po ba kayong sabihin.”

“Gusto ko lang magpasalamat sa iyo sa lahat ng ginawa mo para sa anak namin,” puno ng senseridad na sagot nito. “Ngayon ko lang nakita ang anak ko na ganoon kasaya.”

“Wala po kayong dapat ipagpagsalamat. Mahal ko po ang anak ninyo at handa po akong gawin ang lahat para sumaya siya. Kung pwede ko lang sanang ialay ang sarili kong buhay kapalit ng buhay niya, gagawin ko po. Ganoon ko po kamahal ang anak ninyo,” seryosong sagot niya.

Hindi na napigilian ng ginoo ang emosyon nito. Napaluha ito sa harapan ng binata.

“Wala kaming kwentang mga magulang. Mas inuna pa namin ang trabaho kaysa makasama ang aming anak. Hindi man lamang namin naisip na malulungkot ang aming anak sa tuwing aalis kami.”

“Hindi pa naman po huli ang lahat. May panahon pa po kayo para bumawi. Ipadama n`yo po sa kanya kung gaano ninyo siya kamahal kahit man lang sa huling sandali ng kanyang buhay,” sagot ni Jael na tinapik sa balikat ang ama ng kasintahan.

Bigla siyang niyakap nito at kumalas agad. “Hindi nagkamali ang anak ko sa pagpili sa iyo. Napakabuti mong tao,” anito na tinapik rin siya sa balikat.

“Salamat po, Tito. Mauna na po ako. Magpahinga na po kayo,” paalam niya bago tuluyang umuwi.

Gising pa si Elaine nang tingnan ng ama sa kanyang kwarto. Nakaupo siya sa kama at pinagmamasdan ang larawan nila ni Jael.

“Bakit gising pa ang baby ko?” malambing na tanong ng kanyang daddy.

“Hindi pa po ako inaantok,” sagot niya na tiningala ang ama.

Lumapit ito sa kanya at tumabi sa kanya sa kama.

“Mahal mo talaga siya, ano?” tanong nito na ang tinutukoy ay si Jael.

“Higit pa sa buhay ko. Siya ang lahat para sa akin,” sagot niya habang hinahaplos ang larawan ng kasintahan.

“I guess my daughter is not a baby anymore,” anito. “Masaya ako para sa iyo anak. Napakabuting tao ni Jael. Napakaswerte mo sa kanya.”

“Alam ko. Kaya nga hindi ko siya kayang saktan. Hindi ko siya kayang biguin,” aniya na nagsimula na namang mapaluha. “Gusto kong tuparin ang kahilingan niya. Gusto kong gumaling para sa kanya.”

“Anak, may kakilala akong isang magaling na doktor sa Amerika. Kaya ka niyang pagalingin kung gusto mo,” suhestiyon ng ama.

“Pero malalayo po ako kay Jael. Hindi ko po kayang malayo sa kanya,” sagot niya.

“Hindi kita pipigilan kung iyan ang pasya mo. Magaling din naman si Dr. Sandoval at mahal ka niya. Sigurado akong gagawa siya nang paraan,” anito na hinaplos ang kanyang buhok.

“Alam ko po iyon. Ilang taon din niya akong inalagaan mula pa noong bata ako,” sagot niya at ibinalik ang picture frame sa kinalalagyan nito. Nahiga na siya sa kanyang kama.

“Magpahinga ka na,” hinalikan siya nito sa noo. Kinumutan pa siya nito bago lumabas ng kanyang kwarto. “Good night.”

“Night,Dad.”

Pagkalipas ng tatlong araw, ibinalik si Elaine sa ospital sa Maynila. Sinumpong na naman kasi ang kanyang ulo. Sumama si Jael sa kanya at doon muna ito tumira sa bahay nila. Sumunod naman sina Ruvie at Alex pagkalipas ng ilang araw.

Alas otso ng gabi nang puntahan siya ng kanyang doktor para tingnan.

“Dok, ilang araw na lang po ba ang natitira sa akin?” tanong niya kay Dr. Sandoval nang magising siya habang sinusuri nito ang kalagayan niya.

“Hindi ko masasabi iyan. Let`s just hope magiging okay ang operasyon mo,” sagot ng doktor na naupo sa silyang katabi ng kanyang kama.

“Palagi ko na lang po kayong binibigyan ng problema mula pa noong bata ako. I`m sorry,” wika niya habang nakatitig sa kanya ang doktor.

“Masaya ako sa pag-aalaga sa iyo,” nakangiting sagot nito habang hawak ang isa niyang kamay. “Mahal na kita na parang tunay kong anak.”

“Salamat po. Hinding-hindi ko po kayo makakalimutan,” nakangiti ring wika niya.

“Pangako, gagawin ko ang lahat para gumaling ka,“ seryosong wika nito sa kanya.

“Gusto ko rin pong gumaling sa sakit ko. Hindi pa po ako handang iwanan ang mga mahal ko sa buhay lalo na si Jael,” nakayukong sagot niya. “Hindi ko po siya kayang biguin.”

Niyakap siya nito. “Gagaling ka! Pinapangako ko sa iyo, gagaling ka!” wika nito nang kumalas ito sa kanya. “Magpahinga ka na,” pinisil nito ang kanyang kamay bago umalis.

Kinabukasan, maagang bumisita sa kanya ang mga magulang niya.

Mom, Dad, kayo na po ang bahala kay Jael. Huwag n`yo po siyang pababayaan,” panghahabilin niya sa kanyang mga magulang.

“Huwag kang mag-alala, hija. Hindi namin siya pababayaan. Siya ang papamahalain ko sa business natin sa Laguna,” paniniyak ng kanyang daddy.

“Salamat po,” wika niya. “Kahit wala na ako sa tabi niya, gusto ko maging maayos pa rin ang buhay niya.”

“Huwag mo siyang alalahanin. Ang alalahanin mo ay ang iyong sarili. Sigurado ka na ba sa desisyon mo?”  tanong ng kanyang ina.

“Inihanda ko na po ang sarili ko sa mangyayari. Handa na po ako kahit anong oras. Alam ko kakayanin ko ito,” matatag na sagot niya.

Napaluha ang kanyang ina. “Mahal na mahal ka namin, anak. Mag-iingat ka,” wika nito sa kanya. Hinalikan siya nito sa pisngi at niyakap nang mahigpit.

“I love you ,too, Mommy, Daddy,” sagot niya habang niyayakap ang mga magulang.

Maya-maya`y kumatok si Jael para pumasok. Pinapasok niya ito. Iniwan sila ng kanyang mga magulang para magkausap.

“Kumusta ka na?”  tanong nito na pinilit tatagan ang boses. Lumapit ito sa kanya at naupo sa gilid ng kama.

“Okay na ako. Inihanda ko na ang sarili ko,” sagot niya. “Eh, ikaw?”  tanong naman niya rito.

“Heto, inihahanda na rin ang sarili sa posibleng mangyari,” sagot nito na pinanatili ang matatag na boses.

“Huwag kang malungkot. Ayokong nakikita kang nalulungkot,” wika niya sabay haplos sa mukha nito.

Kinuha nito ang kanyang kamay at hinagkan.

“Pasensya ka na kung naging selfish ako. Alam kong nahihirapan ka na. Kung hindi mo na talaga kaya, pwede ka nang magpahinga. Maiintindihan ko kung pagod ka na talaga.”

“Salamat sa pag-iintindi mo. Hindi naman ako mawawala nang tuluyan sa iyo. Andyan lang ako sa tabi-tabi kahit hindi mo ako nakikita. Babantayan pa rin kita. Balang araw magkakasama rin tayo.”

“Alam ko,” sagot nito bago siya hinalikan sa labi.

Heto na naman ang halik na pinakaaasam niya. Siguro kung mabubuhay siya ulit, ito ang unang-una niyang hahanapin sa binata.

Matagal na namang natapos ang halik na iyon dahil gumanti pa siya. Pinakamatagal ito sa lahat. Naging mas mapusok ang halik ng binata. Para bang sa halik na iyon inilalabas ang lahat ng nararamdamang bigat sa dibdib. Pakiramdam niya`y iyon na ang huling halik na matitikman niya mula rito…Halik ng pamamaalam!

“Mahal na mahal kita,” maluha-luhang wika ng binata nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

“Mahal na mahal din kita,” sagot niya rito na tuluyan nang napaluha.

“Magpahinga ka na,” anito pagkatapos pahirin ng mga daliri nito ang kanyang mga luha. Kinumutan pa siya ng binata.

“Kantahan mo muna ako. Iyong theme song natin,” paglalambing niya sa kasintahan.

Nagsimula itong umawit.

“Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka. Sino ba `tong mukhang gago nagkandarapa sa pagkanta at nasisintonado sa kaba? Meron pang dalang mga rosas. Suot nama`y maong na kupas. At nariyan pa ang barkada nakaporma`t nakabarong sa awiting daig pa ang minus one at sing along …”

Sumabay siya sa chorus.

“…Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangin. Sa iyong tingin ako`y nababaliw giliw.At sa awitin kong ito sana`y maibigan mo. Ibubuhos ko ang buong buhay ko sa isang munting harana para sa iyo.”

Mahimbing siyang nakatulog pagkatapos nilang umawit. Pinagmasdan lang siya ni Jael habang natutulog. Panaka-naka`y hinahaplos nito ang kanyang mukha at buhok. Maya-maya pa`y hinalikan na naman nito ang kanyang noo at kamay.

“Mahal na mahal kita,” wika nito bago siya hinalikan muli sa labi.

Araw ng operasyon.

Ipinasok na si Elaine sa operating room. Hindi mapakali ang lahat ng nag-aabang sa labas. Bagama`t inaasahan na nila ang kinakatakutan nilang mangyari, umaasa pa rin silang magkakaroon ng milagro at gumaling ang dalaga.

Dalawang oras ang lumipas bago lumabas ang doktor. Sa hitsura pa lang nito, alam na nila ang ibig sabihin nito. Hindi na nito kailangan pang sabihin ang masakit na katotohanan.

“Hindi! Hindi maaari! Elaine!!!” sigaw ni Jael habang umiiyak. “Laine!!!”

“Wala na si Elaine! Wala na ang kaibigan ko, Alex,” umiiyak na wika ni Ruvie kay Alex. Agad naman siyang niyakap ng binata na napaluha na rin.

“Anak ko!!!” umiiyak na wika ni Gng. Rodriguez habang niyayakap ng asawa.

Ilang sandali pa ay inialabas na mula sa operating room ang katawan ni Elaine—malamig at wala nang buhay. Agad niyakap ni Jael ang bangkay ng kasintahan habang umiiyak.

“Laine!!! Akala ko kaya ko…Hindi ko pala kaya…” wika niya sa gitna ng pag-iyak.

“She didn`t make it. Her body just suddenly shuts down,” paliwanag ng doktor. “I`m sorry.”

Dinala na sa morge ang bangkay para embalsamahin at mailagay sa kabaong. Habang abala ang lahat sa paghahanda sa kanilang pagbabalik sa San Martin, binalikan ni Jael ang silid ni Elaine sa ospital. Sinariwa niya roon ang masasayang huling sandali nila ng dalaga. Ang mga ngiti nito. Ang maiinit na yakap nito. Ang masasarap na halik nito. Lahat ng iyon ay kanyang sinariwa. Habang nakaupo sa gilid ng kama, nakikita niya ang m-asayang mukha ng kasintahan habang nakikipagbiruan sa kanya.

“Laine…” wika niya habang hinahaplos ang kama.

Maya-maya`y nahagip ng kanyang paningin ang isang papel na nakaipit sa ilalim ng kama. Kinuha niya ito at binasa ang nakasulat doon. Biglang bumuhos ang lungkot sa kanyang mukha nang matuklasang galing iyon kay Elaine para sa kanya.

“Jael, patawarin mo ako. Hindi ko natupad ang pangako ko sa iyo. Hindi ko kayang malayo sa iyo pero ayokong mawalay sa iyo habang buhay. Mahal na mahal kita.”

Napaluha siya matapos basahin iyon. Subalit may hindi siya maintindihan sa sulat nito. Pakiramdam niya ay parang may mali ngunit hindi niya malaman kung alin doon.

Ilang sandali pa ay umalis na siya sa lugar na iyon at hindi na bumalik pa.

~~for the last chapter, password protected ito.

Ano ang unang binigay ni Jael kay Elaine noong debut niya?

w_ _ _ _   r _ _ _

The following two tabs change content below.
Just read my stories and you`ll know who I am.

Latest posts by Anjustin (see all)

Read the rest...


46 Responses

  1. Lucylyn says:

    ang lungkot nman

  2. precious tan says:

    Curious ako s sulat ni elaine

  3. lynder2015 says:

    nakakalungkot naman ‘to.. :'(

  4. anness_23 says:

    grabe nmn sa gils!
    namumulubi na ko
    pero infairness
    sulit sya!!!!! hahahahah

  5. ghia says:

    exciting ito. namatay nga ba c elaine? hmmm?

  6. marz07 says:

    exciting ang susunod na chapter…ano kaya ang ibig sabihin ng sulat ni elaine kay jael?

  7. Anilorac says:

    kalokah naman tumulo na ang sipon ko kainis kalungkot,,,,

  8. tintin says:

    changgala ! para na kong eng eng dito.. next chap na !

  9. Hopeless says:

    more gils needed

  10. mayriz says:

    dahil na naman sa iyo kung bakit nahinto ang buong department ko dito sa work sa pag aabang sa nxt chapter… :) :) :)

    • mayriz says:

      …dahil sayo anjustin.. pinulit sakin basahin ang buong kwento ng mga katrabaho ko dumugo ang ilong ko sa pagtranslate huh para maintindihan lang nila… na cu curios kc sila dahil nahuli nila akong umiiyak hahaha.. kaloka ka naman kc ang hilig mo magpaiyak… hehehe.. thank you so much anjustin for sharing your talent … :) i love your work… at malamang magkaron ka na rin ng fans na Thailander.. :) congrats… and more power…for sure magugustuhan din nila ang lahat ng story dito sa top sana lang may english para di ako mahirapan mag translate hehehe….

      • Anjustin says:

        hala! maraming-maraming salamat po sa pagbabasa ninyo. abot-tenga na ang ngiti ko dahil sa sinabi ninyo. OHMO! super duper saya-saya ko!!!

        • mayriz says:

          you’re welcome… just keep up the good work… isa ang top at mga story ng tulad sayo ang ilan sa mga dahilan kung bakit nakakatagal ako dito sa ibang bansa… :) nalilibang ako at nabawasan ang pangungulila ko, request lang sana magpublish na rin kayo ng english story para mabasa ng mga katrabaho ko dito hehehe para di na rin dumugo ang ilong ko sa pg translate.. hehehe.. thanks. :)

          • Anjustin says:

            toinks. bka ilong ko naman ang dumugo niyan. hehe. sige po try ko. limited kc vocabulary ko sa English. nyahaha. Salamat po

  11. mayriz says:

    huhuhu..lage mo na lang ako pinaiiyak …

    ano na mangyayari sa luv story nila.. ???

  12. Ahne says:

    pahingi ng gils pra mabasa q ang chapter na to… hehehe!

  13. Sam says:

    parang may pag asa na sumaya ang ending!!!

  14. jhen says:

    patawarin mo ko, hindi ko natupad ang pangako ko sayo hind ko kayang malayo sayo pero ayokong mawalay sayo habangbuhay? ano un? bkit may ganon? curius lang, hehe

  15. mae says:

    nakakalungkot naman tong chapter na to.
    may napansin lang ako. d ba kapatid ng nanay ni elaine yung doctor nya? bakit doc ang tawag nya imbes na tito? observation lang po.

Leave a Reply