BBBS: I’m Stuck With You – Chapter 1

I'm Stuck With You

I’m Stuck With You

“I LOVE you, Chloie.”

Tumaas ang kanyang kilay at pinakatitigan ang lalakeng ka-date niya ngayon, ang kanyang latest boyfriend.

He’s Drei Martin, tagged as Bellmar University’s hottest guy by their official school magazine. Maraming mga babae sa loob at labas ng kanilang unibersidad ang umaasang mapapansin nito.

Naaalala niya ang mga naninibughong mga kababaihan sa kanilang eskwelahan nang malaman nilang sila na ni Drei.

She liked how they look at her; they were not only jealous but insecure as well.

He is a good man. Almost perfect na nga ito. He was handsome and reliable. In fact, sa lahat ng kanyang mga naging boyfriends ay ito lamang ang tumagal ng dalawang buwan.

Usually kasi isang buwan lang ang binibigay niya sa kanyang mga relasyon. Kapag hindi pa rin siya nadevelop during that time span, ay goodbye boyfie na.

And because Drei had been such a thoughtful, caring, and loyal boyfriend ay inakala niya na baka madedevelop din siya so she decided for an extension.

But she still hasn’t fallen for him and here was cue to call it quits.

Ang tatlong salitang iyon na kapag narinig niya ay nagiging mitsa ng agaran niyang pakikipaghiwalay.

Umaasa siyang baka makilala niya sa kanyang mga nagiging boyfriend ang lalakeng magpapatibok sa puso niya.

Hindi din naman niya gustong magpa-asa kaya habang maaga pa ay tinatapos na niya agad. Lalo pa’t tulad ngayon sinabi na ni Drei ang three so-called magical words na iyon, at wala pa rin siyang makapang feelings para dito ay kailangan na niyang makipaghiwalay.

She took a deep breath and reached for Drei’s free hand on the table.

“Look, you’ve been such a wonderful boyfriend. Wala akong masabing masama sa iyo, pero sa tingin ko may mas deserving pang babae dyan na mas nararapat mong mahalin.” Mahinahon at malumanay niyang turan.

Nangunot ang noo ni Drei, nasa mga mata nito ang maraming katanungan.

“But you are the most deserving girl, and you are the one that I love.” Madamdamin nitong sabi at hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay.

“I know I deserve the best and I don’t think you are it.” Umiiling pa siya na nanghihinayang kunyari. “I’m sorry Drei, but I really tried.”

“You’re breaking up with me?” tanong nito.

Kung hindi pa ba naman obvious, ewan ko na.

Tumango siya.

“Alam mo kasi, I’ve been searching for Mr. Right and I thought it could be you. But I was wrong, you are not him… I’m sorry, it’s over.”

INAYOS niya ang kanyang nagusot na damit at sinipat ang sarili sa malaking salamin sa girl’s room ng kanilang eskwelahan.

Nang wala naman siyang makitang pwede pang i-retouch ay kompyansa siyang ngumiti sa sariling repleksyon sa salamin.

May pumasok na dalawang babaeng kaklase niya sa isang subject niya at nakataas ang mga kilay at ngusong tiningnan siya ng masama mula ulo hanggang paa.

Nakaramdam siya ng inis kaya kanyang hinuli ang mga mata ng isa.

“Kakainggit di ba?” isang nang-uuyam na ngiti ang kanyang binigay rito. “So stop staring so you can avoid comparing yourself to me. There’s no cure for insecurity, honey…” tinapik niya ang pisngi nito. “Let’s go girls!” tawag niya sa kanyang mga bagong kaibigan dito sa University nila na nasa loob pa ng mga cubicle, taking a pee.

“What’s the commotion out here?” nakataas ang kilay ni Leah na tiningnan ng masama ang dalawang bagong pasok.

“Oh nothing, they’re just admiring me…secretly!” at natawa silang tatlo.

“Keep it up girls! Keep the fans club going!” nang-iinis na dagdag ni Trixie.

Meroon siyang original group way back at highschool and they call their group the Bratinella Bitch Babe Club or simply the 3-B Club and they wee huge in their school. They are her best friends and the best company she’ll ever have. They all complement each other and aside from that they are all beautiful kaya naman marami din silang haters.

But since she graduated highschool at hindi sila pumasok sa iisang University ng mga bratmates niya ay kinailangan niyang bumuo ng grupo niya dito sa new school niya. But that did not mean she quit the 3-B Club. Up until today they still see each other outside of their schools, they still bond and shop together, which she was always looking forward to everytime.

At lumabas na sila bitbit ang mga aklat na gagamitin nila sa susunod nilang klase.

She ruled Bellmar University, she was once again, the IT girl on campus is infact the Ultimate ‘It’ Girl in the scene. Their group is the hippest, fashionable and coolest group of girls around kaya natural lang na kainggitan at pagselosan siya. Marami ang sumusugod sa kanya na babae at nang-aaway dahil daw inaagaw niya ang mga boyfriends nila.

Kasalanan ba niyang pag nakikita siya ng mga boyfriends nila ay nare-realize nila na mas maganda at mas sexy siya?

Isa pa hindi pa naman niya nagawang makipag-flirt, they make the move and never her.

Pero hindi niya inuurungan ang mga babaeng nakikipag-away sa kanya dahil hindi niya gustong inaapi lalo na’t wala naman talaga siyang kasalanan. Kasalanan na ba ang maging sobrang ganda ngayon? Hala!

She flipped her beautiful long, straight and black hair and confidently walked through the corridor. Ang lahat ng mga nadadaanan nila ay napapalingon pa rin kahit na apat na taon na nga siyang naglalakad sa corridors ng university nila.

“Chloie…” tawag ni Trixie at merong inginuso.

Huminto siya nang mapansin ang isang lalakeng nabato na yata sa pagkakatitig sa kanya at medyo nakanganga pa. Katabi nito ang girlfriend nito na nanggigigil na yata sa kanya.

Itinulak niya paitaas pasara ang bibig nito.

“Don’t you wish your girlfriend was hot like me?” natatawa niyang biro dito na ikinatawa na rin ng ibang nakarinig. “Kidding…” maarte niyang sambit pagkatapos.

She leaned to whisper something to his girlfriend.

“Change your get-up darling, kung ayaw mong mapalitan.” Napailing-iling siya sa damit nito na sobra talagang baduy. “Girls, the Bible!”

Inilagay ni Leah sa kanyang kamay ang fashion magazine na tinutukoy niya at ibinigay sa babae.

“There you go… Goodluck!” at tinalikuran na ang mga ito.

Nang malapit na sila sa classroom nila ay nahigit niya ang kanyang paghinga nang makita niya na sumulpot sa corridor si Mark, ang kanyang ex-boyfriend. Noong isang linggo ay hiniwalayan na niya ito dahil sinubukan ba naman siyang nakawan ng halik?

Ang swerte naman niya pag nagkataon at siya ang makaka di-virginize ng kanyang mga labi!

Ang mga labi niyang para lamang sa kanyang Mr. Right.

“Brainsicked osculator alert!” sabi niya at madaling tumalikod at pumasok sa isang bukas na silid aralan.

Mabilis siyang nagtago sa likuran ng pintong nakabukas.

Pinigil niya ang kanyang paghinga dahil eksaktong huminto sa tapat si Mark.

“Where’s Chloie?” tanong nito. He is the captain ball of the school’s basketball team and has this psychotic fangirls who hated her a lot.

“What do you want from her, Mark?” tanong ni Leah.

“We need to talk.”

“Sa pagkakaalam namin wala na kayong dapat pang pag-usapan. Aren’t the words ‘were done’ enough for you to take?” malditang tira ni Trixie.

“No, hindi pa kami tapos okay? Kaya I am going to follow her wherever!” he yelled.

“Tsk tsk tsk tsk tsk, ‘wag nang matigas ang ulo mo hard-court loverboy… hindi yan gusto ni Chloie.” Paalala ni Leah.

“Shut up!” bulyaw ulit nito na nagpatuwid sa kanya.

Aba’t sinasagad ng bruhong ‘to ang pasensya ko ah!

“Tell her we’re not done yet!” bilin nito bago umalis.

Nang lumabas siya sa kanyang pinagtataguan ay napailing siya.

“Another psycho in the making. You are the hottest obsession, Chloie.” Bulong ni Trixie. “We should bottle your pheromones, we’d make a fortune selling it to desperate girls.”

Napangiti siya.

INABANGAN nilang tatlo sa labas ng locker room ng gymnasium ang isa pang ex-boyfriend niyang si Lucas.

“Well well well, what do we have here?” nakangisi nitong sambit nang makita silang tatlo.

Inismiran ito ng dalawa. Napangiti siya, naalala niyang mabigat ang dugo nina Leah at Trixie kay Lucas dahil common denominator nila itong tatlo.

Sinabay kasi ni Lucas na maging girlfriend ang dalawa at magkasabay ding hiniwalayan ng dahil sa kanya.

Sinugod siya ng dalawa at pinaalam na playboy si Lucas, at nang ikuwento sa kanya ang ginawa sa kanila ay nagsanib puwersa na lang sila na saktan si Lucas at turuan ng leksyon.

And they successfully did, dahil nagawa niyang paibigin ng todo si Lucas at paiyakin ito sa gitna ng basketball game nito para lang mapatawad niya.

But that was a long time ago, and just like the others… he is not what she was looking for. And thanks to him she found friendship in Leah and Trixie after that.

“I want you to do something for me.” Anya.

Napahalakhak si Lucas sa sinabi niya.

“Do something for you? You must be chaffing, did you really think I would still do something for you after what you’ve done to me?” umiiling-iling na umatras ito at aktong tatalikuran na sila. “Forget it… wala kayong makukuha sa akin.”

“Dyan ka nagkakamali Lucas.” She evilly said with a whimsical smile on her lips.

And Lucas recognized that smile; it means meron siyang alas dito. Naging interesado si Lucas sa kanyang sinasabi.

Inabot niya ang towel na nakasabit sa leeg nito at pinunasan ang namamawis pa nitong noo at leeg.

“By being the captain of the team, you will have the chance to prove your play. By being captain, you’ll get the bigger part of the spotlight and a high chance for the MVP award.” Sabi habang patuloy na madramang pinupunasan ang leeg nito kahit na wala na namang pawis roon. “These are essential factors for the Drafting of PBA next year. And this is your last season but all their eyes are on the present captain so how will you ever get into the scene and get noticed?”

By present captain, she meant Mark.

Sumeryoso si Lucas at ngayon ay interesado siyang tinitigan sa mga mata.

“What do you want?” tanong nito.

Sabay na sumilay ang matagumpay na ngiti nilang tatlo nang magkatinginan sila.

“Coach Marvin is Daddy’s good friend. I can talk my dad or him personally of building you up this season and make you the new captain.”

“What do you want me to do for you?”

She let loose a guffawed laugh.

“That’s my ex-boy!” tinapik niya ang braso nito.

Kanyang ipinaliwanag na gusto nyang takutin nito si Mark na lubayan na siya. Takutin lang naman kasama ang mga fraternity brothers nito and everything else will be just fine.

“We’ll then takutin it is!” yumukod pa ito sa kanyang harapan na para baga siyang isang royalty. Nagtawanan silang magkakaibigan.

“If you insist.” natutuwa niyang sabi then she curtsied.

MULA nga noon ay hindi na nagpakita pa sa kanya si Mark, at kapag nakikita naman siya nito ay lumiliko at umiiwas ito sa kanya.

Alam naman niyang hindi ito sinaktan nina Lucas, effective lang talaga ang dating ng mga fratboys.

And as promised, naging captain na nga si Lucas ng team. At hindi naman siya binigo nito at nag-champion nga ang kanilang team this year at naging Most Valuable Player pa ito. Perhaps it was a good move for her, because it was beneficial for the team.

Siguro nga ay hindi lamang napapansin talaga ang talent ni Lucas at meron tuloy itong malaking utang na loob sa kanya.

It’s their graduation day and her Daddy and Mommy was there for her. She was even happier because two of her bratmates were able to make it. Empress and Tinzz came to witness her graduation in behalf of the rest of their group.

After the ceremony ay didiretso na sila sa venue ng kanyang graduation party pero sumaglit muna sila nina Empz at Tinzz sa restroom para makapag-retouch.

“Is that the new powder that Hersline Cosmetics just released?” tanong niya sa ginagamit ni Tinzz na cake facepowder.

Maarteng nag-pose pa si Tinzz at inemphasize ang mukha nito na para bang model ito ng face powder. Habang sila naman ni Empz ay parang mga batang nagsparkle ang mga mata habang humahangang tinitigan ang mukha ni Tinzz.

“Wala pa yan dito sa Pilipinas di ba?” tanong ni Empz.

“Uh, yeah?” pinatirik ni Tinzz ang mga mata nito. Cosmetic surgeon kasi ang parents nito kaya basta pampaganda laging nangunguna si Tinzz. “But no worries, I have enough of for all of us.”

Napatili sila ni Empress.

“You’re such an angel girl, thanks in advance!” nag cheek-to-cheek pa silang tatlo at biglang nagtawanan.

Ganito sila ka-lukaret, pero magkaganoon man ay masaya sila.

Nagulat siya nang paglabas nila ng restroom ay inabangan sila ni Mark.

“Who is he?” tanong ni Tinzz.

“Ex-boylet for sure…” ani Empress.

“Uhm, Mark!” nginitian niya ito.

Ginantihan din siya nito ng ngiti, “Congratulations!” anito.

“Well congratulations to you too!”

Nanlulumong yumuko at umiling si Mark.

“I didn’t get to march.” Maikli nitong sabi.

Nagulat siya.

“Why?”

Pilit itong ngumiti.

“It’s nothing, nobody’s fault but mine. Congrats!” at niyakap siya nito.

Nang makaalis si Mark ay sunod-sunod na tanong ang binato nina Empz at Tinzz sa kanya.

Binagtas na nila ang corridor pabalik sa gymnasium nang biglang may dalawang babaeng humarang sa kanila. Ang isa ay merong bitbit na large coke at mabilis nitong isinaboy iyon sa kanyang mukha.

Maarte at mahaba ang pagkakatili nina Tinzz at Empz.

Bago pa sila nakahuma ay rumatsada na ito sa pagsasalita.

“I represent Marks fans… ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit hindi naka-graduate si Mark! Pinaglaruan mo siya kaya hindi na siya nag-seryoso sa pag-aaral nya!” bulyaw nito.

Umentra sa harap niya si Empress at hinarang ang katawan sa kanya.

“Hoy! Mahaderang frog! ‘Wag mong pagbibintangan si Chloie! Sinabi na nga mismo ng sinasamba ninyong santo kanina na ‘It’s nothing, nobody’s fault but mine!’ kaya wala kang karapatan na sisihin at bastusin si Chloie!” nanggagalaiting pagtatanggol ni Empz.

“Eh yan kasing kaibigan mo akala mo kung sinong dyosa na pinaglalaruan ang mga lalakeng nagkakagusto sa kanya! Excuse me, hindi ikaw ang pinakamagandang babae sa mundo kaya gumising ka!” sabat ng isa pa nitong kasama.

“Oh yeah? If she isn’t then why are they all going crazy over her? Kumalma ka nga napaghahalata kayong dalawa na ginagamit nyo lang yang Mark na yan kuno, pero ang totoo personal grudge ninyo iyan dahil naiinggit kayo kay Chloie!” segunda ni Tinzz na itinulak pa ang babaeng nagsaboy ng coke sa kanya.

Na-touch naman siya sa mga kaibigan niya at pinagtatanggol siya talaga.

Hinila niya ang mga kaibigan at siya ang humarap sa dalawa.

“You wouldn’t give up huh! What you haters don’t know is that you are the ones who put me on top. Because while all of you talk about me, I sit back and think to myself, damn! I got myself a fan club!” nanunuyang sabi nya habang inis na inis na lumalapit habang sila ay umaatras sa nakikitang bagsik niya.

“Go Chloie!” cheer ni Empz.

“That’s my girl!” dagdag ni Tinzz.

“So thanks for making me the center of your world.” Hinila niya ang buhok nito pababa na ikinadaing nito. “Jealousy is a terrible sickness, so get well soon!” sigaw niya sa mukha nito na ikina-tumba nito sa sahig. Bakas ang takot sa mukha ng dalawa. “Now you are sophomores right? How dare you challenge me! Be prepared because I will make your every waking day in this school a living hell. So get out of my sight!”

Mabilis na nagsitakbuhan ang dalawa.

The following two tabs change content below.

Read the rest...


238 Responses

  1. Ching Loredo says:

    nku now lng ngocmment ayaw k kc maistorbo s pgbbsa..eh naubos ang gils.ipon ulit.

  2. eunice cadence rimorin says:

    Ahmm..so tapang naman n claire..

  3. laick08012007 says:

    Gnyan nga cloie. Lumban k.

  4. bliss_842000 says:

    wawa naman ni papa mark hehehe

  5. ecinaj says:

    ayan, lumabas ang pagkatigre nya hehe

  6. bunchpie_12 says:

    huh tapang ah!!!

  7. sweet318 says:

    Akala ko free…. tapos may bayad gils pla ohhhhhhh :)

  8. Ailyn Bore says:

    ang mahal ng gilss

  9. aijo says:

    ang taray hehe

  10. ruchelle says:

    need to earn more gils

  11. tricxie1302 says:

    ang galing naman…,…wow talaga

  12. jaf says:

    bratinella nga!!! ,

  13. joana27 says:

    wow taray talaga…..

  14. angeliejoy says:

    ikaw na hehehe

  15. angeliejoy says:

    bratinella heheh

  16. angel.06 says:

    Haha. Taray.

  17. phing says:

    tapang ni chloe…

  18. Sherilyn says:

    wow ang tapang ahh.

  19. joy25 says:

    wow tapang..go girl

  20. tobie says:

    woooohhhh !! .. tary 😀 bgsik hehe

  21. marieposamakulit says:

    ganda!!! need p mrmi gils…

  22. ivyangel says:

    Ang ganda kaso ang mahal ng gils

  23. tintin says:

    rooooooaaaaaaarrr!!!!

  24. aprilmae says:

    kawawa naman si drei napabayaan nya ung studies nya dahil sa pag ibig ni chloie:(

  25. wyn says:

    pamura ng pamura

  26. julie23 says:

    Kala q free.. ahaha

  27. Khizmar says:

    haha akala ko free un pala haha

  28. ghaye says:

    ang taray… haha

  29. Eliza says:

    kwwa nman c mark… hayyy super brat k tlaga.. cloie

  30. keeehialovesu says:

    Bagsik mo girl…

  31. Sahara says:

    more gils plzzzz….

    bitin tlga….

    galing nmn ng author ne2,

  32. Sahara says:

    ang taray nman…

    penge nmn ng gils jn…

  33. Rhenzie says:

    bitch ghurl talaga…
    sayng d q afford ang gils nito
    sobrang mahl

  34. Mavis says:

    Yan ang napapala ng mga inggitera

  35. eli says:

    wala na akong gils…..di pwedeng free to read na lng?

  36. Zirammariz says:

    nys story 4 the true friendship

  37. Yenng says:

    tama ipag tanggol ang tama : ) Laban !!

  38. iramae_orbiso says:

    astig!..heheh..yan ganyan nga..wag magpatalo!

  39. beauty03 says:

    start plang ganda n ng story..haba ng hair ni chloie..hehe

  40. anness_23 says:

    i like your attitude bitch!
    keep it up!

  41. Treasure says:

    Ajaja.,over.,thought nu need of gils..meron pala.,so sad.

  42. Sowinlove says:

    Bitch nah Brat pah! Go Girl!

  43. Sherilyn says:

    huhu ubos gils ko nito..:)

  44. jetsine16 says:

    ganda. .nman. .sobrang palabang ng mga girls. .

  45. dhabie says:

    Maganda e2ng chap na e2 kaya Lang Ang mahal ng Gils once a Wek Lang ako magbabasa ngayon ????

  46. ann06d says:

    Naku ipon muna ako gils, mahal kc ehhh

  47. wyn says:

    hanggang TEASER nalang ako! tsk

  48. wyn says:

    I want to read it pero kelangan ng gils :((
    admin pwede po ba pakibalik naman po sa dating free lang magbasa??
    di eto na nga lang libangan pag avail sa office..

  49. Ambrocia20 says:

    request na na kahit 10 gils na lang kahit wag na ibalik sa dati

    kamalas nmn dapat pala nuon ko pa to nakitang site para hindi na ko nahihirapan sa gils huhuhuhuhuhuh

  50. Ambrocia20 says:

    anu ba yan bago lang ako d2 tapos 50 gil lahat ng chap….gusto ko mabasa lahat tong series d ba pwedeng balik na lang ulit sa dati plssssss

  51. alma rosano says:

    wow, ang ganda naman ng bida…

  52. rubyheart says:

    Ganda sana pero so mahal. I think it would be worth all the gils though. Sayang, I cant afford this. Not yet….

  53. jjhuls says:

    mahal naman…

  54. Xyrhen says:

    ipon muna ako gils bago ko basahin

  55. obe says:

    Hahaha.. Chloei is a w0rthty…Hehehehe…Shes a fighter… I wish.. Shes exist.

  56. obe says:

    Hahaha.. Chloei is a w0rthty…Hehehehe….

  57. applecherry says:

    nalilito ako sa mga charcters

  58. applecherry says:

    OMG!!! mamumulubi ako nito

  59. iscuteme_06 says:

    waaa.. ang mahal naman 50 gils!!!!!

  60. Jean_Fortes says:

    tapang ! 😀 next chap na !

  61. marygadan says:

    bat ang mahal???

  62. aRpogi says:

    ang mahal ng gils.

  63. ling46 says:

    i need to finish this …

  64. pearlqueen says:

    ganda ng story..kso malapt na maubos gils ko

  65. ynahB says:

    wew ! go cloie ! nice story. ^_^

  66. icell says:

    Grabe 5gils talaga…ang mahal! Mamumulubi po ako;'( hehehe joke lang pero totoo rin naman:)

  67. Heart says:

    aRaY aNsAkiT….bAt nmAn 50 giLs…

    iLanG aRaw nA aQ nG_iipOn d pA rIn kAkAsya giLs ko…

    pAnO tOh?? :(

  68. lauren141994 says:

    now i know bat 50 gils gnda kc

  69. belle012 says:

    whoa!..50 gils????it seems like a good story but 50 gils per chap?..grabehan nman…ung ibang story mganda dn nman pero 10 gils lng tsk.tsk..

  70. paula says:

    gild gils gils nid ko ng gils enge nmn ganda ng story^^

  71. jaime19 says:

    hindi kaya ng powers ko ang mahal ng story 50gils per chap oh no!

  72. Jean_Fortes says:

    kelan sale nito ? ^^ pls naman oh haha ang mahal e :-X

  73. wilmalyn24 says:

    waaaaaaaaaaa…..50 per chap? my!

  74. raboyme says:

    Bat nmn 50 gils .. . .

  75. hanna_17 says:

    Hehe nabasa ko to nung libre pa hehehe.

  76. zcha says:

    ang mahal naman po ng gils.. nakaka beggar!.. huhu super ganda pa naman ng mga stories nila.. pwede tumawad po? hehehe

  77. gregzildjom says:

    Ang mahal ng kwento,.

  78. roseghelaine says:

    haha, grabe much naman.
    hindi ko ata kakayanin pag may umaway sakin.
    masyado akong takot sa ganyan.

  79. Anilorac says:

    Thats my bitch,,, hmmmm love it…

  80. princesscasey says:

    antaray!

  81. escapegoat says:

    thanks top….nabasa o rin to dahil sa holiday….yes!!!!!!!

  82. malay says:

    bkit nmn 50….pd b ten nlng hehehehe…..

  83. Hopeless says:

    asa pang me magdonate haha

  84. Hopeless says:

    accepting gils donation… chareng!

  85. Hopeless says:

    sana naman pag 24/7 na nakalog-in e di lang 10 gils kundi 50 gils per day ang earnings…PLEASE!!!!

  86. Hopeless says:

    amassing gils…slowly..but surely..CHOS!

  87. Hopeless says:

    amass gils daw e paisa-isa lang naman kayang gawin harush

  88. Hopeless says:

    need to amass gils

  89. Hopeless says:

    stuck with gils

  90. Hopeless says:

    haysus! 50 gils ba naman

  91. jhem23 says:

    i want to read this, pero wala nmn me gils kailangan ko pang mag-ipon huhuhu

  92. matet says:

    Grabe toh ah

  93. pazawaiy says:

    i mean donation. . .=)

  94. pazawaiy says:

    thatz my gurl!!. . .
    karo ang mahal aman pu ng gilr nito. . .
    Cnu pu bng mabait jan??

    pede pu bng makahingi ng donatin?? =(

  95. mayriz says:

    sana may mag shower ng gils dito at makasalo kahit man lang enough to read this story :)

  96. mayriz says:

    kailan ba kita mababasa ??? :( :(

  97. Jury says:

    ohh my.. shock naman ako dun ang mahal ng gils.. for sure sobrang ganda ng story na to..

  98. pia says:

    sana hinabaan ng konti ang story hihihi–just expressing my thoughts though

  99. pia says:

    the story is fine. i wont say good yet kasi its just starting

    but im impressed with the dialogues. its not corny

  100. pia says:

    makahanap nga ng ways para madagdagan pa ang gilsssss!!!

  101. pia says:

    im about to start na!!! pero like you guys, i noticed na 50 nga..mabigat to ah hahha

  102. mayriz says:

    waaahhh mahal 50 gils… 5 days on line for 1 chapter….huu abutin ako ng next year to finish this story sayang ganda pa naman.. :(

  103. Loisa says:

    ang mahal namn…. sana wala na lng mga gils :(

  104. m-grace says:

    tapang! ang mahal naman nito. 50gils!

  105. cutiie says:

    ang taray neh chloie …!!

  106. lina says:

    Hahahaha…..Sakit pla ung jealousy…

  107. ang laki naman ng kailangan

  108. love2read says:

    Kwawa nmn ang mga boylets!!!! C chloe na tlga. :)

  109. love2read says:

    Sostal na matapang pla c chloe.

  110. love2read says:

    Ang mahal mo nmn. Pero cge nlng. Masubukan nga. Hehehehe

  111. pia says:

    naku po ito pala ang 50 gils sa 1st chpter pa lang.yarii ako nito

  112. Sam says:

    Pwedeng gawing movie to ah, I like the lines, catchy!

  113. fairlady17 says:

    …nice…but super mahal…super ouch s gils:(

  114. rewin says:

    pwd bang 2mawad ng bayad hehehe :)

  115. rewin says:

    pwd bang 2mawag hehehe… :)

  116. pia says:

    aruy malaki laki pala gils na kailangan sa chapter na ito. yari!! hahha magawan nga ng paraan

  117. love2read says:

    Sana may sale din dto. Pra kayanin ng gils ko. Hehe

  118. love2read says:

    Haist!!!!! Ke
    An ko kaya ito mbbsa. Kulang na kulang ang gils ko :(

  119. ladyferit says:

    bitch…love 8..haha..

  120. cutiie says:

    huhuhu.. mahal naman nito.. ipon muna ako ng maraming gils para mabasa to T_T

  121. Ara Luz says:

    “Jealousy is a terrible sickness, so get well soon.” Nyahaha! Love this.

  122. Regine says:

    i want to read all bbbs
    @@@@ lovehh yahhh

  123. Rudgie Mae Manicad says:

    ouch sayang wala na akong balance tsk.tsk.

  124. Esnairah says:

    go biatch!
    >=)
    “jealousy is a terrible sickness, get well soon”
    soo mean yet REAL :)

  125. Abbythe1 says:

    50 gils! Mahal, puwedeng tawad, hehehe! Ip0n muna ako ng gils.

  126. danicarose says:

    Worthy syang gastusan ng gils….. Kung pwede lang bumili ng gils uubusin ko pera ko eh hahaha

  127. Liv says:

    ang mahal nman nito…

  128. gbarlisan says:

    maldita talaga tong si chloie

  129. Faige says:

    a brat indeed.. haha… nice one…

  130. Liv says:

    bakit ang mahal naman nito..gaano ba kaganda to?

  131. Rei says:

    haha. bitches ain’t shit but good people!

  132. annamay says:

    GRABE!!! nice..

  133. mane9185 says:

    cheers! ganda

  134. joyz says:

    bakit po ang mahal naman ng bayad dto?mauubos agad ang 500gils nito ang tagal ko pa namang na ipon to…huhhuhhuh

  135. darlaine_628 says:

    grabe taray….

    kakatakot talaga si chloie…..

  136. darlaine_628 says:

    want to read it..

    bahala na kung mawalan ng gils…

  137. jhapsz25 says:

    waaaaaaaah!
    gusto ko na mabasa yung next chap..
    pero kelangan ko pa ng madaming gils :(

  138. @jenz says:

    _whaaaaaaaaa 😀
    _konti na lang.. mababasa na rin kita!!!
    _hahaha

  139. bhemeg says:

    hahahhaha.,.,.
    hndi kopa nabasa kc nababaliw ang net ko huhuhu…

  140. chibisuke says:

    kailan ko kaya e2 mababasa!!!

  141. eniamreg_022 says:

    Wow ang ganda ahahahha

  142. brenda says:

    i want 2 read the nxt chapter kaya lng kulang pa ang gils ko …:(((

  143. brenda says:

    umpisa palang pero maganda na ang takbo ng istorya ..haha nakakabitin nga lang:)

  144. eniamreg_022 says:

    Kelan cuh kea mba2sa 2?? Ahahahah

  145. aclabmhie says:

    waaaa nabasa q din s wakas hihi

  146. chieove says:

    2thumbs up …

  147. Rayearth13 says:

    ..hAhaha..

    ..nAbAsa kO dEN sa wAkas..

  148. steffi says:

    ang mahal nman pala ni2. pero gus2 ko pa rin basahin 2.. magiipon pa ako ng maraming gils..

  149. poopzy says:

    finally nabasa ko din ang chaper 1..199 gils pa para mabasa ko ang chapter 2 tsk tsk..kylan kaya un^^

  150. ckrawrrie says:

    taray ni Chloie .

    lovethisCHAPTER !!

    first chapter pa lang maganda na.

    harhar

  151. gieann says:

    taray ah…haha
    buti nga…
    talagang mahaderang frog??haha

  152. jeh089 says:

    buti nga sa dalawang un! nananaboy pa ng coke!>:(

  153. purplee says:

    TARAY! HAHAHAHAHAHA. grabe tong mga brat nato!

  154. Queen says:

    sana may mamigay ng gils.. tssskkk need ko si santa claus T_T

  155. creative16 says:

    di ba pwedeng bawasang ang gils dito..bakit di na lang 100 para medyo di masyado mahal….suggestion lang po

    • support says:

      regular stories are 50 gils. special po itong BBBS kaya 200 gils. short stories ranges from 100-200 gils or dpende sa mood ng author kung magkano niya gusto i-set. hope you understand creative.

  156. andy001 says:

    hayzz…. di pa rin abot ng gils ko.. pero over a hundred na gils ko… so happy na.. ^^

  157. tohru-chan says:

    hope to read this REALLY soon . . . need to earn gils muna :(

  158. ocean322002 says:

    yari na ang gil ko bawas agad di bali maganda naman ang kwento kailangan ko lang makarami ng gil…

  159. zizpreya says:

    Grabe ang sa taray!

  160. Ikai08 says:

    Ang taray ng lola! ang ganda ate athena at ate lemon! kung sinu man gumawa nito!

  161. anjun28XD says:

    ouch ouch ouch.. 500 gils eh bago palng aq dito.. ouch naman…huhuh

Leave a Reply