Bitch Babe Meets Mr. Head Turner [CHAPTER 8]

Bitch Babe Meets Mr. Head Turner

Bitch Babe Meets Mr. Head Turner

What now?

            Sasabihin niya ba sa mga 3B ang nangyari?

            No way will I do that! I’ve always been the tough one. I’m the bossy one. I should not tell them. Pero taliwas ang sinasabi ng kaniyang puso.

            “Problem?” Umupo si Tinzz sa tabi niya.

            “No,” aniyang hindi makatingin ng diretso sa mga mata nito.

            “C’mon, baby taray. I’m not a Pentium 3 processor!” Pagpapatawa nito, “alam kong may gumugulo sa isipan mo. Is it, Basti?”

            Sukol talaga siya, parang may nakadugtong na kung ano sa kanilang dalawa ni Tinzz at nararamdaman nila ang bawat isa.

            Kinuha niya ang flute na hawak nito at hinipan-hipan iyon. “I’m in love.”

            “Nasabi mo na `yan,” anito.

            “I said I’m in love.”

            “Duh!”

            Napatawa siya, “You will not believe what I’m going to tell you, trust me.”

            “You know how much I trust you, Empz.” Seryosong sabi nito. How unusual.

            “Pinaglaruan lang niya ako,” panimula niya.

            “What? Pakilinaw nga.”

            “That’s what Radley said, na pinaglalaruan lamang ako ni Basti.” At lumungkot siyang bigla.

            “Here,” abot ni Tinzz ng tissue sa kaniya. “Cry it all out, marami pang dick diyan, naglalakad lang.” Pagpapagaan nito sa kaniyang loob.

            “But I like that big penis,” wala sa loob na sabi niya.

            Nanlaki ang mga mata ni Tinzz at biglang napailing, “So vulgar.”

            “Virgin ka pa ba?” Tanong niya nang lingunin niya ito. “You will understand kapag naranasan mo nang makipagtalik, parang…parang ayaw mo nang tumigil. Mas masarap pa sa alak, baby girl.”

            Namumula ang mukha nito. As clearly as the crystal water, wala pang karanasan ito. “But sex is nothing without your feelings for him, iyong made-develop na feelings…suddenly, mabibigla ka na lang na mahal mo na pala `yung tao. But in my case, I can’t accept the fact na pinaglaruan niya lang ako. Yeah, I’ve asked him `bout it, it ended up unanswered.”

            “Nasasaktan lang ang ego mo,” sabi naman ni Tinzz. “Dahil lagi ka namang nagbibigay ng advises sa amin, gusto mo bang payuhan din kita?”

            She hesitated but shrug and look at Tinzz. “Please.”

            “Okay, una…hindi si Basti si Warren, dapat mong isipin na magkaiba sila. Pangalawa, isipin mo nalang kung bakit nakaya mong h’wag makipag-date sa iba nang kayo na ni Basti ang naglalalabas. Pangatlo, mas malala pa yata ang love na nararamdaman mo ngayon.”

            Wala siyan maisip na matino sa mga sinabi nito. “And?”

            “Una, si Basti ay hindi si Warren — remember, head turner ang fafa mo, si Warren naman iyong tipong serious, so stop comparing.”

            “`Di naman ako nagkukumpara, ah,” at hinampas niya rito ng mahina ang flute.

            “Pangalawa, napaka-submissive mo naman yata ngayon? Dati kapag may mga guwapong umaaligid sa iyo, eh, pinapatulan mo agad. Pero nang makilala mo si Basti, siya lang ang naging sentro ng buhay mo. I wonder kung alam na niyang nilalagay mo sa ref ang mga sanitary napkins mo.” Napaisip na sabi nito sa bandang huli kaya binatukan niya ito.

            “D’you want me to cut your clit?” Tanong nito, “thirdly, noong nag-break kayo ni Warren, dinaraan mo lang sa biro ang lahat, na que cio nasasaktan ka pero nakakita lang ng guwapo sa Italy, eh, nagkakandarapa nang matikman iyon, pero kay Basti? Bakit hindi ka naghahanap ng lalake ngayon? You’re too serious that you didn’t notice na hindi na ikaw ang dating Empress.”

            Sa hinaba-haba ng sinabi nito, ni isa ay wala siyang naalala!

“GAGO ka pala ,eh, bakit hindi mo pa sinabi?” Tanong ni Brent sa kaniya. Nasa tambayan siya ngayon ng mga Campus Hearthtrobs ng St. Benedict University, naikalat na ni Radley ang feelings niya para kay Empz. Ang sarap sapakin! Hindi nga siya nagkakamali sa sinabi noon ni Tinzz sa kaniya na tsimoso ang kaniyang pinsan. Na pareho lang namang mahilig sa gossip ang dalawa.

            “Naumid ba ang dila mo kay Empz, hah, pare?” Tanong ni Darcey.

            “Nahi—” itutuloy pa sana niya ang sasabihin niya nang biglang pumasok ang kaniyang pinsan dala ang dalawang bote ng Chivas Regal. Tiningnan niya ng masama ang pinsan, ngingiti-ngiti lamang ito sa kaniya.

Tumayo si Brent at kumuha ng limang shot glasses.

            “Bakit lima ang kinuha mo? Apat lang naman tayo, ah?” Tanong ni Darcey.

            “Baka kasi dumating si Warren.”

            Pagkarinig sa pangalan ni Warren ay napaisip siya. Mula nang maging sila ni Empz ‘unofficially’ ay hindi na niya masyadong nakakausap si Warren. Balita niya’y girlfriend na nito si Alyanna, ang kaibigan ni Empz. Paano kaya `pag nagkaharap na sila nito? Napangiti tuloy siya ng pagak dahil sa sinabi ni Empz dati sa kaniya.

            “Kapag talagang in love ka, akala mo lagi kang nananaginip ng gising,” tudyo ni Brent.

            “Brent, kailan ka pa naging makata?” Tanong ni Radley.

            “Just because of a kiss,” pagsagot ni Darcey sa tanong ni Radley at humarap sa kaniya. “Really, Basti, bakit hindi mo pa sabihin kay Empress `yang nararamdaman mo?”

            “Yeah, mabait naman `yung tao.” Si Brent. Sasagot sana siya nang may magsalita na nanaman, “nasabi ko na rin `yan,” sabi ni Radley.

            “Hindi naman mahirap pakitunguhan si Empz kapag nakilala mo talaga siya,” Si Darcey.

            “Sandali lang,” pagtigil niya sa mga ito na ikinalingon naman ng lahat sa kaniya.

            “What?” Sabay-sabay na tanong ng mga ito.

            Napatawa tuloy siya, “hindi ako makasingit sa mga sinasabi ninyo, eh.”

            “Bakit ba hindi mo nasabi sa kaniya na mahal mo siya?” Tanong ni Darcey.

            “Naumid nga dila ko,” pero ang totoo, hindi niya masabi kay Empz na mahal niya ito. Naduduwag yata siya.

            “So not you,” komento ni Brent. “Maiintindihan naman ni Empz kung magko-confess ka sa kaniya. Mabait iyon, maalalahanin, masarap kasama—”

            “Dahil laging nanlilibre.” Dugtong ni Darcey at natawa silang lahat.

            “Sabi ko nga sa iyo, `insan, na nasa kaniya naman na ang lahat…puwera lang ang kakaibang ugali niya.”

            “We’re getting along with each other dati kaso…”

            “Masakit lang naman ang ginawa niya kay Warren.”

            So, gusto ng mga ito si Empress pero simula nang malaman nila — through Radley — na niloloko nito si Warren ay tumabang ang pakitungo ng mga ito sa dalaga.

            “Sinisiraan niyo na naman ba ang ex ko?” Nakangiting bungad ni Warren sa kanila.

            “Ang tagal mo, ah.” Aniya at tinapik ito sa balikat.

            “Inihatid ko lang si Alyanna sa kanto,” at nakita niyang umingos si Radley.

            “Suntukin na kaya kita Rad?” Sabi niya sa pinsan. “Hindi ka parin maka-get over kay Yanna?” Napatawa tuloy si Warren. “Baka gusto mong mabuska kay Laiza niyan? Hinay-hinay lang pinsan, baka maging under de saya ka niyan.”

            “Puwede ba, ikaw at si Empz ang topic dito, ano. Hindi ako at si Laiza, at lalong hindi si Warren at Yanna.”

            “Talaga?” Baling naman sa kaniya ni Warren ngayon.

            “Don’t mind them,” aniya at ininom ang alak.

            “How’s the relationship?” Interesadong tanong nito.

            “What? There never been a relationship between the two of us.”

            “Then you should find out if there is a chance for one,” nangingislap ang mga matang sabi nito.

            “I guess so.”

            “Hey, did she tell you that she loves you?” Tanong nito na sinagot niya ng iling. “Give her time to think, ganoon talaga siya, mag-iisip muna ng marami bago makapa `yung totoong nararamdaman. Pero minsan kapag may sinabi siya, inaamin niya talaga iyon pero itatanggi sa iyo.”

            “What if she’s not in love with me too?”

            “Too? You mean, you’re in love with her?” Parang batang tanong ni Warren. Again, tumango ulit siya. “Ano pang hinihintay ninyo?”

            “Pasko,” natatawang sabi ni Darcey.

            “Maraming buwan pa bago magpasko,” gatol ni Radley at sabay sabay silang tumawang lahat kahit na nararamdaman na niyang medyo nahihilo na siya dahil sa bilis ng pag-inom nila.

ILANG araw na ang nakakaraan nang huli silang nag-usap ni Basti.

            Sabik na siyang makita ito. Gusto na niya itong yakapin at halikan.

            Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang gagawin. Kinuha niya ang iPad niya at tinitigan ang mga litrato nilang magkasama.

            Parang kahapon lang, umiiyak na naman siya.

            “Señorita,” sabi ni yaya Jane nang mabuksan ang pintuan niya.

            “Yes,” mahinang sabi niya.

            “May padalawa po kayo galing kina Ma’am at Sir.” At inilapag nito sa kama niya ang maliit na package.

            Nang makaalis ang katulong ay dagli niyang kinuha ang naka-seal na kahon at binuksan iyon.

            Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Isang moon rock na kasinlaki ng holen ang nasa kamay niya ngayon. Yeah, it sounds weird pero mahilig siyang mangolekta ng rare items katulad ng mga Ferrari cars niya na limited edition lang at mga jewelries na ina-auction pa.

            Sa loob ng kahon ay may nakasilid na papel. Binasa niya iyon…

            Jane and Marzel told me you’re sad and looks miserable. Kinapa niya ang nararamdaman at tumingin sa salamin sa kaniyang tokador.

            `Di naman ako mukhang miserable, ah? At itinuloy ang pagbabasa.

            Hope this makes you smile, sweety. I wanna see your sweet face and joyous laugh when I and Dad will come back. Love you.

            Mom.

            Dahil sa nabasa niya ay napangiti siya. Tama ang kaniyang ina, hindi siya dapat malungkot. At ang malamang uuwi na naman ang mga ito ay nagbigay ng kasiyahan sa kaniya.

            Tiningnan niya ang moon rock at kinuha ang cellphone.

            Pinindot niya ang numero ng ina at dagli namang nag-ring iyon.

            “Hello?”

            “Hi, Mom.”

            “Oh, hi, baby.” Sabi nito. “Did you receive my present?”

            “Yeah…uhm, thanks, Mom.”

            “Basta ikaw.” At nakita niya ang kaniyang ina sa monitor na tumingin sa kamera, as if nakikita siya nito, nag-blow pa siya ng kiss para kunwari ay nasa harapan niya lamang ang ina. Kumaway naman itong bigla na parang nakikita siya kahit hindi naman, “you take care, sweety. I’m going to work now.”

            Kumaway pa siya para magpaalam, “Bye Mom, take care.”

            “Bye too, Empz, `love you.”

            “Love you too.” At pinindot na niya ang end button.

            Maya maya ay naisip niyang i-text si Tinzz.

            “Tinzz…”

            Ilang sandali lang at nag-reply na ito.

            “Ego lang iyan.” Marahil nga ay tama ito. “Lunukin mo at balikan si Basti.” Gusto na niya tuloy maniwala na kambal sila ni Tinzz dahil nararamdaman nito ang nararamdaman niya at vice versa.

            “I think you’re right.”

            “Go!”

            “I will.”

            Mas matimbang ang pagmamahal niya kay Basti kaysa sa ego niya…kaya babalikan niya ito.

“MALI iyang ginagawa ninyo, eh,” ani Warren sa mga kaibigan.

            “Just help me open the door,” ani Radley na pasan sa kanang kamay ni Basti habang si Brent ay nasa kabila naman.

            “Wala namang masamang mangyayari.” Sabi naman ni Brent at bumaling sa babaeng nakahawak pa sa braso ni Darcey. “`Di ba, Angelyn?”

            “Yeah,” sagot ng babae at malanding nakipagtitigan kay Darcey na sinuklian naman ng huli ng nakamamatay na ngiti.

            Kinuha ng mga CH ang babaeng si Angelyn para aliwin kahit kaunti ang lasing na si Basti. Hindi biro ang maghanap ng malinis na babae, dahil baka AIDS, STD or HIV ang makuha ni Basti sa bandang huli kapag marumi ang mahanap nila.

            Iiling-iling si Warren, “You’re not helping them. I know more what you think.”

            “Talaga?” Natatawang tanong ni Darcey dito.

            “Darcey, honey,” anang babae, “baka naman gusto niyang siya ang aliwin ko?” Sabay titig kay Warren.

            “No…no, hindi puwede, Angel,” lingon ni Brent kay Angelyn habang inihihiga nito at ni Radley si Basti sa kama. “Mga manang ang tipo ni Warren, as in old fashion ang type niya…as of now.” At kasabay ng tawa nito ay tumawa narin ang dalawa pa maliban kay Warren.

            “Please, guys, listen to me.” Nagsusumamong sabi ni Warren.

            “No, we’re off here.” Ani Radley na tinutulak palabas ng kuwarto si Warren, at sumabay pa ang dalawa, lumingon kay Angelyn at kinindatan ito.

            Wala namang masamang mangyayari sa isang gabi.

SUOT niya ngayon ang mini black tutu skirt niya at glittery na red tank top. May ngiti siyang pumasok sa loft ni Basti kahit na kanina pa masakit ang kaniyang pakiramdam, mabuti na lamang at nasa kaniya pa ang duplicate key nito.

            She’s going to clear things up, but first and foremost, sasabihin muna niya ritong mahal niya ito.

            Somethings telling her that Basti is inside his loft pero bakit sobrang tahimik naman yata?

            Nang tumapat na siya sa pintuan ng kuwarto nito ay may boses pusa siyang naririnig, the sound keeps on purring and meowing.

            Kinutuban siya ng masama at binuksan agad ang pinto nang biglang mapatda…

            May kalaguyo si Basti sa loob ng kuwarto nito! Well, not literally since hindi pa naman hubad lahat ng mga suot ng mga ito. Pero napaka-intimate pa ng scene. Akala ba niyang naghihintay ito sa sagot niya?

            Biglang uminit ang ulo niya.

            “How dare you touch what’s mine!” Feeling emperatris na pag-aari si Basti ang drama niya.

            “Ano’ng—” sabi ng babae.

            Nailapag niyang bigla ang purse na hawak at sinugod ito. Hinila niya ang buhok nito at kinaladkad palabas ng silid.

            “Huwag na huwag kang magpapakita rito, impakta ka!” Galit na sabi niya at kinakalmot-kalmot ito. Siyempre, wala naman laban ang pobreng babae. Nakakaawa itong tingnan dahil sa mukha pa naman niya kinakalmot. Bakit ba hindi? Halata naman sa mukha at pustura nitong isa itong mariposa sa gabi?

            “Kung ayaw mong manghiram ng mukha sa maganda kong tigre sa bahay, huwag ka nang babalik pa!” Dagli niyang binitawan ito na daig pa ng isang kidlat kung makatakbo palabas ng loft.

            Pumasok siya sa loob ng silid na galit na galit. Nakita pa niya ang bra ng babae sa itaas ng kama ni Basti, kinuha niya iyon at ibinalibag.

            Galit na binalingan niya si Basti na nakahiga ang kalahating katawan sa kama at tulog pala.

            Kinuha niya ang dalawang kamay nito at hinila palabas ng silid. Nagising itong bigla at dagli niyang kinaladkad. Bigla siyang lumakas na ipinagtaka niya dahil kaya niyang hilahin ang malaking bulto nito. Adrenaline rush?

            “W-what are you doing?” Biglang sabi nito at hinablot ang mga kamay nang nasa sala na sila.

            “Me? What am I doing?” Galit na tanong niya, “ask the whore who was sitting on top of you a while ago!” Turo niya sa labas ng pintuan.

            “What are you talking about?” Kunot ang noong tanong nito na may halong galit na at iritasiyon ang tono. Ika nga nila, `wag galitin ang bagong gising lalo na kung bagong gising na lasing. Amoy alak kasi ito.

            “What am I talking about? I came here to talk to you, then what the f-ing hell were you doing? Didn’t I tell you to stop dating?”

            “Didn’t I also tell you that?” Salubong ang mga kilay na sabi nito.

            Well, she’s not afraid. “Huh!” Aniyang nakahawak ang kamay sa baywang at hindi makaharap kay Basti. Guilty?

            Sumalubong ang nagwawalang si Basti sa kaniya. “Wala akong alam sa mga pinagsasasabi mo! In case you do not know, wala akong ginagawang masama! Baka ikaw?” Inilapit nito ang mukha nito sa kaniya.

            Through that, she smelled alcohol. Nakainom ba talaga ito? Err…halata naman.

            “So, nakainom ka. Okay, paano mo naman malalaman na aware ka sa mga nangyayari, eh, lasing ka naman pala?”

            “Liar! Hindi ako nagdala ng babae rito!”

            Napatda siya hindi dahil sa lasing ito, kung hindi dahil sa wala na sa pinag-uusapan, este, pinag-aawayan nila ang mga sinasabi nito. Siya? Liar? How could he!

            Bakit ba hindi nito aminin ang totoo? Alangan namang guni-guni lamang niya ang kumalmot at manabunot? “Wow, I’m a liar?” Tanong niya sa sarili kaysa sa kaharap. Pumatak ang kaniyang mga luha.

            “Don’t give me that look! Don’t cry in front of me if you do not want me to be mad or upset!”

            Okay, you don’t wanna be mad at me like what you’re doin’ right now? Okay, I’ll stop crying. Tinitigan niya ito sa mata na may pagkasuklam at pinahid ang mga luhang naglalandas sa mga mata at pisngi niya.

            “You are such a selfish, egoistic, bitchy brat!” Simula ni Basti nang naayos na niya ang sarili.

            “W-what?” She asked blinking so that the tears wouldn’t fall. She was too shocked.

            “You are so insensitive, kaya alam na alam ng mga tao ang ayaw nila sa inyo…sa inyo ng mga kaibigan mo.” Pagpapatuloy nito sa panlalait sa kaniya—isinama na rin ang kaniyang mga kaibigan. “Sometimes I ask myself, bakit ba ikaw ang pinakisamahan ko? Wala ka nang ginawa kung hindi ang maglambing, para kang bata na hindi makuntento sa isa! Lahat na lang nirereklamo mo at lagi kang nagbibigay ng mga walang kuwentang payo! Hindi ko alam kung bakit natitiis kita at ng mga kaibigan mo!”

            Tumulo na naman ang mga luha niya, ngunit ngayon ay walang patid sa pagpatak ang mga iyon, masaganang lumalandas sa kaniyang mga pisngi. “Ayos lang naman na ako ang laitin mo at pagsabihan ng kung anu-ano, pero h’wag na h’wag mong pagsasalitaan ng masama ang mga kaibigan ko!” At binigyan niya ito ng mag-asawang sampal.

            Galit na tinitigan siya ni Basti at sa isang iglap ay ibinalik nito sa kaniya ang mag-asawang sampal na iginawad niya rito, at hindi pa nakuntento, naibalibag siya nito sa pader. Na naging dahilan para mabunggo ang kaniyang puson sa dulo ng mesang kinalalagyan ng isang round mirror.

            Malakas ang pagkabog ng kaniyang katawan sa sahig. Hindi niya alam na ganito pala kung magalit ang isang lalaki. Nakakatakot, nakakapanlambot ng tuhod at nakakanginig ng kalamnan. Dahil sa masakit ang pakiramdam niya kanina pa ay mas lalong sumakit iyon nang pagbuhatan siya ni Basti.

            “A-are you alright?” Parang natauhang bigla na sabi ni Basti sa kaniya. Lumapit ito sa kaniya at itinayo siya.

            “Let go of me!” Aniya at itinabig ang mga kamay nito. Naging mabuway ang kaniyang pagtayo at napaupong muli.

            “What the—” ani Basti at tumingin siyang bigla kung saan nakatitig ang mga mata nito.

            “Bloody…hell,” she said with fears in her eyes and looked at Basti. And then she passed out with tears flowing down her cheeks.

            Basti didn’t know, she’s hemaphobic.

NOTE: Ulitin ang pagbabasa, dito kukunin ang password para sa Epilogo ng istorya. Kung hindi ka matandain, kawawa ka! Hehe.

The following two tabs change content below.
Hindi ako mahilig magreply, kaya wala akong nakukuhang gils sa ganoon. Kung gusto niyong makita ang mga replies ko, refresh lang kayo, baka sakaling in-edit ko `yung comment ninyo :) Add me sa Facebook: www.fb.com/TOPEmpress

Latest posts by Empresz Regnant (see all)

Read the rest...


67 Responses

  1. laick08012007 says:

    Ala basti ano gnwa mo?

  2. bible says:

    I don’t like u basti

  3. Ching Loredo says:

    kw kaya itulak ko bsti…wawa nman beauty n empress.

  4. Ailyn Bore says:

    heehe cute

  5. marfi ann says:

    poor empz…..

  6. Mr. TweetHeart says:

    sakit nun anu yon dahil sa bagong gising oh galit lang ouchenesss

  7. tricxie1302 says:

    Omg nakaka tense… Kawawa naman si empz

  8. phing says:

    hate na hate ko yung guy na nananakit ng girl…

  9. jaf says:

    gosh kaloka sa gilssss

  10. angeliejoy says:

    ayoko na sau basti

  11. iiLee says:

    Awe dang it basti, ima kick ur arse u knuckle head

  12. julie23 says:

    Auq na xau basti. Nananakt ka ng babae.. ai nku

  13. nesilita says:

    ang sakit nun basti..

  14. aprilmae says:

    omg! baka buntis na un sya,, grabe ka basti

  15. suzybae20 says:

    I hate basti:( so sad to empress

  16. chusii says:

    Looking forward to read this one

  17. keeehialovesu says:

    anyare dun?

  18. iramae_orbiso says:

    grabe naman c basti!…

  19. rachel says:

    grabeh na to… nagawa ni basti un?

  20. sheryl says:

    bati na kc ee

  21. nOvie says:

    Nku bat naman 2lak c empz,.

  22. alma rosano says:

    bakit nya pinatulan…babae pa naman yun…grrr

  23. rosanna says:

    Ano ka ba naman, Basti, grr, eh, Basti naman, eh,

  24. Ganda4 says:

    Ouch!,,,, sakit nian gurl…

  25. joy_0925 says:

    Masama yan basti, d ka dapat mahalin, nanakit ka ng babae.

  26. Joycee says:

    ano po passwoed nito..?!

  27. Anilorac says:

    namannn kung kailan maganda na doon pa….

  28. buntis si emps ungentle man ka basti ha!

  29. jenni says:

    ha? bakit ganon?

  30. Akaya says:

    mahirap hanapin ang password ha

  31. mitchicana says:

    Wow ganda na hehe…

  32. princesscasey says:

    ay,nananakit si basti :(

  33. princesscasey says:

    hehe.nakatikim ng mg-asawang sampal!

  34. Hopeless says:

    penge gils

  35. saany says:

    Hay,,, bakit ba Ibibitin ang mga mambabasa.per chapter 50 Gil’s, Bakit Lagyan pa ng password.

  36. ging says:

    pwede po bang kahit malaki yung gils pero para na sya sa buong story hindi na per chapter para mas marami kaming mabasang stories? Ka inspire po kasi. Tnx.

  37. cutiegurl says:

    ahm awawa aman c empz …
    can’t wait na mag sunday n ulit hehe !

    Ur so awesome ate empsz ! super danda ng story.. kht 50 gils oks lan sulit aman hehe :)

  38. IcyCold6 says:

    ayoko na sayo basti. kawawa c empz

  39. kaykay says:

    ano ba yan..kawawa naman si empz…

  40. dong don says:

    ganda misz empz… ndi nasayang ung pag aantay ko kso nakakabitin pa din… hehehe… antay nlng ulit ako… nkakatakot magalit c basti… kaawa tuloy c baby taray…

Leave a Reply