BBBS 6: Mary, The Seducing Genius – Chapter 6

Mary, The Seducing Genius

Mary, The Seducing Genius

“WHY are you still here? Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong naman nito ng madatnan ang dalaga sa labas ng terasa ng kwarto nito. Sa totoo lang ay maghapon na siyang hindi mapakali. Hindi niya alam kong paano makakausap ng matino ang dalaga, isa pa paano nga ba niya ipapaliwanag ang lahat dito? In the first place siya man ay naguguluhan rin.

“How can I sleep sa isang lugar kung saan ikaw ang kasama ko?” Pagmamatigas na sagot niya. She’s wearing pajamas and a razorback, ng mabuksan niya kanina ang closet ay hindi siya makapaniwala na may kumpletong damit pambabae ang kwarto niyang ito. Actually isa pang pinagtataka niya ay halos same brands ng mga gamit niya ang mga naroon, mula sa damit, perfume, at tsinelas.

“Talaga? Let me remind you that you can, well in fact you just did. Antagal mo ngang nakatulog kanina, remember?” he smiled in mischief.

“Napapagod na ako!” naibulalas na lang niya sabay hilot sa may sintido niya at humarap sa kawalan. Ngunit hindi pa man din siya nakaka-recover ay may naramdaman na siyang mga bisig na humahapit sakaniya.

“Ano bang ginagawa mo?” pagpupumiglas niya sa pagkakayakap ng binata mula sa kanyang likuran.

“There!” lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap “You said napapagod ka na, take a rest here in me.” referring to his arms. For the longest time ito ang pinakahinintay niya. Ang makasama si Mary physically, to hold her and just enjoy being with her. “Huwag ka ng malikot, baka matumba lang tayong dalawa. Just enjoy the moment, kahit ngayon lang.” muling saway nito sa pagpupumiglas na namang ni Mary.

NAPABUNTONG hininga siya, hindi niya alam kong para saan ba iyun basta ang alam niya hindi siya makahinga. Paano ba naman kasi mahigit na sigurong trenta minutos ay nasa ganoong ayos pa rin sila ni Rayver, kapwa hindi nagsasalita.Basta ang nauunawaan niya lang kahit nahihirapan siya sa simpleng pagkakadikit nilang iyun ay para namang may kong anong kumikiliti sa kaniyang puso. Aminin man niya o hindi ay nagugustuhan niya ang masarap na pakiramdam na dulot ng pagkakabalot sa kaniya ng mga bisig ng lalake. Teka nagugustuhan mo na ba siya Mary Brianna?

“How.. uhm.. What will I call you? Lance? Rayver? River?” biglang naisatinig niya.

“Ikaw, you can call me, fiancé, husband to be, pwede ring boyfriend o special friend?” natatawang biro nito na kinasimangot naman ni Brie kaya nag seryoso na ito. “Okay, okay pinapatawa lang kita. I’ve known as Rayver in my field but few relatives and your father called me River.” Paliwanag nito na hindi pa rin binibitawan si Mary.

“Sino si Rivero Alfort then? Also known as Sir River sa campus at bakit niya ako dinala rito? Ano ang kaugnayan mo sa kanya?” pag uusisa niya. Para bang ang gaan ng pakiramdam niya sa lalakeng ito. They can talk brutally at one point then on a second they can act like what normal people does.

“He’s actually my… half  brother. He’s older than me.” Anito.

Sa narinig niya ay napalingon siya sa mukha ng binata na halos isang dangkal na lang ay maaari ng maglapat ang mga labi nila dahil sa kanyang ginawa. Gusto niyang magsalita ngunit gaya ng una nilang tagpo tila napagkit na ang mga mata nila sa isa’t isa. Savouring the connection, again it was there. Halos nanlaki pa ang mga mata niya ng makitang dahan-dahang tinatawid ng mukha ni Rayver ang pag itan nilang dalawa. Shocks, is he about to kiss me? Automatically she relied on her instincts.

She was never been kissed by anyone at ang naalala niya sa mga movie na napanuod niya nuon ay dapat ipikit na niya ang mga mata sa mga ganitong sitwasyon.So she close her eyes too. Nararamdaman na niya ang hininga ng binata, ang mabangong samyo ng after shave nito.She knew the smell, ganun rin kasi ang sa kanyang ama.

Ngunit matagal na rin siyang nakapikit ay hindi pa rin niya nararamdaman ang mga labi na pinaka-aasam niya na maggagawad sa kanya ng unang halik. Kaya napamulat siya at ang nakangiting mukha ng binata ang nasilayan niya. He quickly kissed her forehead ng mapansin nitong namumula na ata siya sa kahihiyan. Ano ako Lola? Nakagat niya ang pang-ibabang labi sa inis, not knowing it sended an erroneous message to Rayver.

Hindi niya napansin na halos namula pang lalo ang mga labi niya dahilan upang halikan na siya ni Rayver ng tuluyan. Giving her a gentle kiss and slowly nipping her upper lip. Iyun pala ang tinatawag nilang halik. And nibbling her lower lip. His lips tasted so good against hers. And as she about to open her mouth para mas palalimin pa ang halik na ginagawad sa kaniya ng binata ay iniwan na nito ang mga labi niya saka kumalas sa pagkakayapos sa kaniya.

“This is why I’m not trusting myself na malapit sa’yo. Matulog ka na, good night.” saka walang kaabog-abog na tumalikod ang binata at naglakad palabas.

Naiinis siya sa sarili niya. The man is obviously toying with her emotions. First it was that Sir River na pinabagsak na yata ang level ng self esteem niya and now this asshole Rayver, ganun din ang ginagawa sa kanya. Making her senseless and unconscious na tanga, she’s down to her lowest point level now at mukhang mahihirapan pa siyang i- revive ang sarili sa pagkalugmok.

“GOOD morning Ma’am.” isang boses ng babae ang pumukaw sa kanya. Si Marlyn, ang isa sa katulong ni Rayver na nakilala niya kahapon.

Napakurap-kurap pa siya habang inaaninag ang lugar kung nasaan siya. She’s not dreaming, totoo lahat ang nangyayari. Napatayo siya sa kinahihigaan saka nag-inat. Nakita niya si Marlyn na hinahawi nito ang mga giant curtains ng mga glass windows.

“Ma’m naka-ready na po ang breakfast niyo sa baba, sabi po kasi ni Sir Rayver gisingin ko raw kayo dahil baka malipasan na naman kayo ng gutom.” Anito.

“Where is he? I mean asan ang Sir mo?” aniya.

“Nasa laboratory po niya, kapag po ganoon ay may pinagkakaabalahan siya at ayaw magpaistorbo. Tanghalian na lang daw po niya kayo mahaharap at sasabayan ng pagkain. May kailangan lang daw siyang tapusin.” Patuloy na paliwanag naman nito.

Napatango na lang siya, ayaw na rin naman niyang mag usisa pa. Pero she said nasa laboratory? Ano ba si Rayver, a doctor or what?

Pagkatapos niyang makakain ay napagpasyahan niyang libutin ang buong kabahayan. Breathtaking naman talaga ang kalinisan sa bahay na ito, parang hindi lalake ang nakatira. Well he has two maids, one gardener at three guards na pinagtataka niya na solo lang naman ang lalake na pinagsisilbihan ng mga ito. Oh god, hindi kaya ang Daddy niya ang nag pro-provide ng lahat dito? Hindi nga ba’t nasabi sakaniya ng ina na isang ulilang lubos si River so how can he afford this kind of life? Pero teka how come si Sir Rivero Alfort ay half brother nito? Pagulo na talaga ng pagulo ang sitwasyon niya at hindi man lang nakikicooperate ang Rayver na ‘yun.

She was in the state of awe ng mapadpad siya sa likuran ng bahay. Akala niya ay ang mini-park at ang fountain na sa main entrance ng bahay ang pinaka-highlight sa lugar na ito, hindi pa pala. She sawa rectangular pool na may mini-falls sa kabilang dulo. Sa haba ng pool area ay pwede ka nga sigurong magboat ride kung gugustuhin lang, halos kasing lapad nito ang haba ng bahay. May mga ornamental plants din sa paligid, gaya ng mga inaalagaan ng Mama niya, bigla niyang naalala. Why is this place is so much reminding of her home and part of her life. Umupo siya sa isang gilid, tamang naka-short lamang siya kaya nailubog niya hanggang tuhod ang mga paa sa tubig.

Sa sobrang pag-iisip niya ay nagulat na lang siya ng may dumamping labi sa kanyang pisngi kaya napapitlag siya. Napakabilis ng pangyayari sabay naramdaman na lang niyang nababasa na ang ilang parte ng mukha niya. Paano ba namang hindi ay pagkatapos halikan siya sa pisngi ay agad namang tumalon sa pool ang binata na ikinasigaw naman niya. “Errr Rayver ano ba?” bulyaw niya habang pinupunasan ang mukha gamit ang kaniyang mga kamay.

“Good morning!” bati nito sabay ngiti habang nakatunghay malapit sa kinauupuan ni Brie.

Ang ngiti na napaparigudon sa puso niya considering ngiti pa lang iyun. “Ano ba kasi, you know what everytime na nanahimik ako susulpot ka para manggulo.”

He scrunched up his face “Nagsisimula ka na naman future bride ha, haven’t you notice I’m here para pasayahin ka?”

“Making me happy, or making my life miserable?” nayayamot na buska niya.

“Okay,” sabay lumapit ito sa kinauupuan ng dalaga at pinalibot ang dalawang kamay sa paligid ni Brie, leaning his hands on the flooring tiles at halos nakadikit na ang dibdib nito sa tuhod ng dalaga. “I wanted to make everything easy for us, pero mukhang hindi ka talaga titigil sa pagtatanong at pag iisip ng kung anu-ano.” Simula nito.

“Natural, of course magtatanong at magtatanong ako until you answer me. I’m here not knowing why I’m here. So you’re Lance Rayver Villamor, the sophomore,” low brain at manggagamit, “From Computer Science Department ng St. Benedict, half brother ni Sir River Alfort, and so what now? Oh, the tennis player na nakatama sa ‘kin ng tennis ball before, did you plan that too?” she madea  face bago nagpatuloy. “Other than that, could you at least explain to me further ang iba pang details ng sa ganun ay maliwanagan naman ako,” halos pandilatan niya na ito. Ang hirap ng kausap, ang hirap pang pakiusapan ng lalakeng ito ha! Lalo na at nararamdaman niya ang init na nagmumula sa balat nito.

“Half of you’re assessment are correct. Sige ask me now, then I’ll answer,” sinserong pahayag nito.

Gusto niya sanang itanong at kumpirmahin dito lahat ng nalalaman niya pero baka hindi naman niya magustuhan ang mga isasagot ng binata. Isa pa, kahit anong galit niya, sa kaibuturan naman ng puso niya ay gusto niya pang makasama ang lalake, makilala ito ng lubos. “Bakit tayo ipapakasal ni Papa?” She didn’t like to entertain the idea, pero yuon lang ang alam niyang dahilan, ipapakasal siya ng ama dito dahil sa pangako nito sa Regine na iyun na sa pagkakaalam niya ay first love ng Papa niya at ina nga ng lalakeng nasa harapan niya.

“He has his own reasons, pero ito lang ang sasabihin ko. Hindi ko papayagang matali ang sarili ko through marriage sa isang taong hindi ko minamahal, Mary Brianna.” Titig na titig na pagkasabi nito.

Napakaliwanag ng tinuran ng binata at hindi niya alam kung bakit may gumuhit na sakit sa parting dibdib niya pero ano bang dapat asahan niyang isagot nito? “That answers all my questions, napipilitan ka lang din sumang ayon sa Papa ko dahil he’s giving you everything.” Sarkastikong wika niya para pagtakpan ang sariling hapdi na nararamdaman.

Mapaklang napangiti ito “I thought you’re smart, why can’t you read me between the lines?” saka lumayo ito kay Mary para makaahon sa pool. “Think whatever you like Mary, pakakasal ka sakin when the right time comes so prepare for that.” Iyun lang at gaya na naman ng paboritong drama ng lalake ay nag walk-out na naman ito sa eksena.

Balak ba talaga niyang sirain ang buong pagkatao ko? She bet, hindi pa natatapos ang linggo na ito ay wala na talaga sa tamang huwisyo ang pag iisip niya.

NAGTATAKA man kung bakit hindi siya sinabayan ng tanghalian ng Rayver na iyun ay hindi na lang niya pinansin. Tutal hindi pa rin siya ready ma encounter nanaman ang mukha ng lalake.

“Ma’m pag pasensiyahan niyo na lang si Sir Rayver. Marami po kasi siyang inaasikaso ngayon lalo na at kababalik pa lang niya galing Canada.” Biglang nasaad naman ng katulong habang nakatungahay siya sa kitchen at pinapanuod itong magligpit ng mga pinagkainan niya. She needed someone to talk to at ito lang naman so far si Marlyn ang nakikita niyang natitirang matino sa loob ng bahay na iyun. Ang isang katulong kasi ay palaging nasa likod bahay at inaasikaso ang mga labahin at pagpaplantsa kaya madalang niya makausap.

“Canada? You’re saying kararating lang niya?” pag uusisa niya.

“Opo, mga dalawang buwan rin siya roon pabalik balik para sa trabaho niya.” Anito.

“Trabaho? Pero hindi ba, nag-aaral pa lang siya sa St. Benedict?” pagtataka naman niya.

“Marlyn, iwan mo muna kami.” ang baritonong boses na ito ang nagpataas naman sa kilay ni Brie.

“No, I prefer to talk to Marlyn than you!” walang abog na bulyaw niya. Para namang nahihiya pa ang katulong kaya napayuko ito at dali-daling pinunasan ang kamay at nagpaalam sa kaniya para lumabas ng kitchen sa kabila ng pagalma niya kanina. Napakibot ang mga bibig niya sa inis.

“At sino naman ang nagsabi sayong mag-uusap tayo?” malamyos na tanong ni Rayver na ngayon ay nasa harapan na pala niya.

Nakita niya ang pilyong ngiti na sumilay sa mga labi nito and the moment she open her mouth to say a protest, nasakop na ng binata ang kanyang bibig. Giving her a mind shattering kiss. Hindi pa niya pinipikit ang mga mata dahil baka isa nanaman ito sa mga pakulo ng lalake at pagkatapos ay bibitinin lang siya at iiwang nakatanga… pero mukhang hindi. Nadadarang na siya sa ginagawa ng binata. Bahagya pang nanginginig ang mga labi niya dahil ngayon lang naman siya nakaranas ng ganitong klase ng halik. Palalim na ng palalim ang pagkakadiin ng mga labi ni Rayver sa mga labi niya habang hinahagod lang ng mga kamay nito ang kanyang batok at nilalaro ang kanyang mahabang buhok. And she found it so gentle and sweet.

Then she shut her eyes as she moaned helplessly and kissed him back with all the knowledge she knew to please him. Malay ba niya, napanuod lang naman niya sa ibang love scenes at video sa net ang mga kissing scenes na ganito. And now she’s experiencing it and little learning kung paano ang tamang pagtugon sa mga halik na ginagawad sa kanya ng binata.

RAMDAM niya ang nabubuong tensiyon sa pag itan nila ng dalaga. This is out of his plans… and actually kung sakaling kasali man ito sa mga plano niya ay sa last part pa ito dapat mangyayari.Pero ano bang gagawin niya? He can’t help but want totouch her and kiss her. He wanted Mary to stay beside him. Pero hindi, he must stop now.

But I can’t, in fact, I don’t want to. Mabigat man sa kalooban ay pinaglayo niya ang mga labi nila, there nakita nanaman niya ang bahid ng pag alala sa magandang mukha ni Mary, just like their previous encounter, was it doubt? Or was it desire?

“You could love me forever and  be like this for the rest of our lives, you know?” sabay muling hinapit niya ang dalaga at hinalikan. This time nararamdaman na niya ang mas lalong mainit na pagtugon ng dalaga. Hindi nga ba’t ang mga kamay nito ay naglalaro pa ngayon sa buhok at batok niya. He found exhiliratingly odd na sa simpleng paulit-ulit na pagsuklay ng mga daliri ng dalaga sa kanyang buhok ay naliligayahan siya. He found her so innocent at tama nga ang hinala niya, siya ang first kiss nito. Though it felt like he wasn’t, he just knew. Mabilis talagang matuto si Mary, halos siya pa ang hindi makahinga sa ginagawang pagtugon ng dalaga sa kanya. But of course he can’t take her purity dahil lang sa pansariling kagustuhan niya.

Read the rest...


64 Responses

  1. bliss_842000 says:

    nice nice nice…..

  2. AJ says:

    Sarap cguro ng halika nila..

  3. bunchpie_12 says:

    Sana mtapos KO to gnda

  4. bulaklaksapader says:

    ayiiiiii……..kilig much!!!!

  5. tricxie1302 says:

    Wow soo excited… Ang Ganda ng story

  6. angeliejoy says:

    hmmm..hot

  7. tobie says:

    Omo ! That kiss so hott !!

  8. MichelPila says:

    umpisa na!

  9. Mr. TweetHeart says:

    Ang hirap mag isip huh…hmmm

  10. moony says:

    awww.. pag ako yan d na ako aangal!

  11. chinggay says:

    wahhhhhh…. ubos n gils q

  12. julie23 says:

    More gils po..

  13. keeehialovesu says:

    My God Margaux., huhu
    -ang pinaka-latest expression here at cor jesu college., digos city., hahaha

  14. jose0118 says:

    haaaayyyyy!

  15. eli says:

    cla kaya ni rayver ang maging couple?….hmmmm

  16. ice_9 says:

    Wala n ko gils :(

  17. nOvie says:

    ‘ano kyang plano,ni rayver sa knya?

  18. alma rosano says:

    ano na kaya ang kasunod?

  19. rosanna says:

    Rayver, what’s ur plan?

  20. elv_16 says:

    buti nlang libre ngaunmagbasa.. thanks TOP

  21. shaina08 says:

    hay… hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako…

  22. roseghelaine says:

    waaaaah, kiss lang ang katapat, HAHA.

  23. dadhay21 says:

    . .anu b tlgang nararamdaman nla.haha.

  24. Nlove says:

    Haist… Wla nko gils…

  25. Nlove says:

    Ang ganda…..

  26. Alma says:

    Kakainggit!!hope i have one….

  27. Alma says:

    super like ko ang kuwento..sana madami AKONG GILS…

  28. Anilorac says:

    nyahahahaahhhh siya tuloy ang pinlay hay naku..

  29. princesscasey says:

    hmmm..interesting! next pls! :)

  30. mitchicana says:

    Ang sarap hehehe ako rin …

  31. tintin says:

    ano na namang plano ? naguguluhan na naman ako.. wew! nyts muna :)

  32. reinalaramae says:

    ako man ay naguguluhan dn mary:-)

  33. lpilapz says:

    waaaaaahhhh kiliggggg… 😡

  34. Hopeless says:

    more gils needed

  35. fairlady17 says:

    ..ohh lala..no more gils…:(…iike how braty the BBBS are..hahahah :)

  36. Cristine says:

    Rayver ! akin ka na lang ! ahaha

Leave a Reply