BBBS 6: Mary, The Seducing Genius – Chapter 5

Mary, The Seducing Genius

Mary, The Seducing Genius

NOW she didn’t know kung ano itong nasuungan niya. Basta heto siya si lukaret, bigla na lang sumama sa Sir River na ito na buong byahe ay tahimik lamang mula ng sunduin siya sa napagkasunduan nilang lugar na pagkikitaan kanina.

“Nasaan na ba tayo?” natanong niya pagkatapos ng halos kwarenta minutos na byahe nila at makitang papasok na ang sasakyan nito sa isang mini-park at huminto sa isang dambuhalang gate. Nakita niya na may dalawang guards na nagbukas noon.

“The place we’re you should belong.” Makahulugang sambit naman nito sabay pinasok na ang kotse sa loob.

Namamangha siya sa nakikita, hindi pa pala natatapos sa mini-park kanina na nadaanan nila ang lugar na kinaroroonan niya ngayon. May park pa rin sa loob ng gate na pinasukan nila. Sa paligid makikita ang mga pine trees, at nagtatayugang mga halaman na naka disenyo, perfectly trimmed. May nakita pa siyang isang dambuhalang fountain sa harap mismo ng isang napakagarang bahay.

“Is this your home?” lingon niya sa kanyang katabi na palagi lang nakangiti. Oh my ipagtatapat na kaya sa kaniya nito na siya si Rayver? And she was trapped now? Shocks, hindi pa naman siya sure kung gusto niya nga talaga ang lalakeng ito idagdag pang lalo kung ito nga ang totoong River Villamor na hinahanap niya.

Hindi na? Tama ba yun Brie? Dahil ba sa tennis player? Naramdaman na niyang hinimpil ng binata ang sasakyan sa may tapat mismo ng entrance ng bahay.

Napahinga ito ng malalim. “Brie, I don’t want you to get the wrong impression about things.” Biglang saad nito habang nasa loob pa rin sila ng sasakyan.

“Okay, I’m listening to you, go on! Oh shot, you’re gay?” out of nowhere ay nabiro niya kaya pinandilatan siya ng binata. “Okay, you’re not, so?Anong meron? Bakit tayo narito? Ipapakilala mo na ba ako sa parents mo?” lakas-loob na muling biro niya na isang malakas na halakhak naman ang tugon nito sa kanya.

“You’re funny, sister.” Natatawang sabi nito na nagpakunot noo naman kay Brie. He called her what? Sister? Bading nga siya? “Kaya pala takot siya sayo eh.” Sa tinuran nitong iyun ay halos nag isang linya na talaga ang bawat kunot sa noo ni Brie.

What is he up to? “Oh come on, please, stop talking in riddles.Kanina pa kita hindi naiintindihan sa totoo lang. Who’s afraid sa ‘kin?” aniya sa pagkalito.

“You’ll know when you get there.” Saka umimbis na ito sa sasakyan at may isang boses babae siyang narinig.

“Babes!” isang sexy ngunit napaka-simpleng babae na hindi gaanong katangkaran ngunit may cute na mukha ang nagbukas ng pintuan sa main door entrance ng bahay at ngayon ay nakita niyang sinalubong si Sir River at humalik pa sa mga labi nito.

“Wow ha, pagulo na talaga ng pagulo, Do I have to be the witness ng mga ganitong scenes? Errr.” Mahinang sambit niya sa sarili habang nakatuon ang tingin sa dalawang lover ata?. To her surprise wala man lang siyang naramdaman ni katiting na selos. Bakit kaya ganun? Hindi kaya dahil sa alam mong gay si Sir River ayon sa mga sinasabi at pinapakita nito sa kanya kanina pa? Nagulat pa siya ng ang babae mismo ang magbukas ng pintuan ng sasakyan para sa kanya.

“Hi, welcome here sa Villa, I’m Mae. Let’s go, kanina pa siya na tetense at naghihintay eh.” Masayang bati naman ng babae ng bigla siyang may maalala, ang boses nito sa sinehan at ang mukha nitong parang pamilyar. ‘Miss, steady ka lang naman o, di ko masyado makita, kahit nakaupo ka na kasi ang tangkad mo pa rin.’ So she’s the reason of Sir River smiled that time? Argh!

Oh shoot, siya nga yung babae, ngayon lang niya napagtagni-tagni ang lahat. So she’s spying with them ni Sir River sa mall? But why? Lalo lang siyang naguluhan.

“Babes!” narinig naman niyang warning ni Sir River sa babae na tinawag rin nito na Babes? So may relasyon sila, tapos siguro hindi alam ni girl na bading pala si Sir River? At siya si Mary Brianna? Anong role niya rito? Ang gulo talaga ng mundo! Tiningan niya muna si Sir River at saka bumaba na rin siya ng sasakyan.

“Brie, she is Mae, my fiancee!” maya-maya ay pagtatapat naman ng Professor sa kanya habang magkapanabay sila papunta sa may main door ng bahay.

“I’m clueless! Okay, Mae is your fiancé, but what now? Why am I here?” naguguluhang tanong niya.

“Dito mo matatagpuan ang hinahanap mo, at ang matagal na ring naghihintay sayo.” Aniya.

Napapagod na talaga siyang kausap ang Sir River na ito. Andaming paligoy-ligoy nito sa buhay, ba’t hindi na lang siya diretsahin kong anong gusto nito sabihin.

“Take a look inside, baka nasa loob ang kaligayahang hinahanap mo.” Saka nakita niyang nakasakay na pala ang Mae na yuon sa passenger seat ng sasakyan habang nakangiti sa kanya at ngayon naman ay nakikita niya si Sir River na pabalik sa kotse nito.

“Wait! Where are you going? Are you guys leaving me here?” nag aalalang tanong niya. Ugh! Sumasakit ang ulo niya. Ano bang klaseng laro ito?

“Don’t worry siya na ang maghahatid sa ‘yo pauwi. Don’t worry din about your Granny, pinaalam ko na sakaniya na you’re staying here until Monday. Afternoon pa naman ang class mo right? So I guessed maihahatid ka niya on time sa Manila.” Saka nakangiti pa itong nag wave sa kanya bago tuluyang pumasok ng driver’s seat.

Gusto niya sumigaw sa inis. Ano daw? Dito siya titira until Monday? At sino ba ang walang-hiya na nasa loob? At paano ang mga gagamitin niya? At ang Granny niya pumayag? Naiinis na kinapa niya ang phone sa kanyang bag and to her dismay! “Shit! Shit! Nasan ang phone ko!?” Could it be him? Kinuha kaya ni Sir River kanina ng magkatulog siya sa byahe?

“Come on!” gusto man niyang habulin ang sasakyan ngunit mabilis itong pinaharurot at natanaw nga niya na palabas na ng ito main gate at ng makalampas ito ay dali-dali ng kinandado ng dalwang guards ang gate. “Kalma, okay, hinga lang Brie. Whatever this is, malalampasan mo rin ito.” Naiinis pa ring pag aalo niya sa sarili hanggang sa nakita niya ang nakapinid na giant wooden door na nilabasan ng Mae na iyun kanina.

Napaawang ang bibig ni Brie ng makapasok siya sa loob ng bahay, actually hindi nga niya mawari kong mansion o palasyo ba ang mas dapat itawag niya sa nakikita niyang karangyaan ng bahay. Napakaluwang ng espasyo sa groud floor at sa nakikita niya ay halos apat na palapag ang taas nito.  Napakalinis ng lugar dahil sa off white setting nito mula sa mga muebles, sofa at flooring. She felt oddly at  home, halos ganito rin kasi ang bahay nila sa Italy. Naglakad-lakad siya sa paligid but just finding no one. Ano ba kasi ang sinasabi ni Sir River? Sino naman yung hinahanap ko-? Bigla siyang napatigil. My god, hindi kaya?

“KAMUSTA ang byahe mo?” isang boses na hindi malilimutan ni Brie ang halos nagparigudon sa mga lamang loob niya. Why the man affecting her this way? Napa- angat siya ng tingin sa pinanggagalingan ng boses. Hindi nga siya nagkamali mula sa ikalawang palapag ay pababa na ngayon ang lalakeng iyun. Ang tennis player sa campus? Napatunghay siya rito habang hinihintay itong makalapit sa kanya.

The man is making a perfect portrait ng isang charming knight. Gaya ng una niya itong matitigan ay matikas talaga ang pangangatawan nito, parang alaga sa gym o exercise. Hindi man kasing puti ni Sir River ang binata ay napakakinis naman ng balat nito, napaka-manly kung tingnan. Tantya niya ay hindi nalalayo sa bente-singko anyos ang edad nito. Ang buhok nito na two-sided ay bahagyang umaalog pa habang naglalakad, para itong bata at gustong-gusto niya ang gesture ng paghawi nito ng buhok na pa- brush up habang palapit sa kanya, lalo kasing lumalabas ang kagwapuhan nito. Pero teka, anong ginagawa naman ng lalakeng ito rito?

“Are you done?” nakangising tanong nito.

“Ano?” ngunot noong tanong niya.

“Did I pass your ocular inspection?” swabeng tanong nito na kamuntik na niyang ikapula mabuti na lamang at nagsalita itong muli “Ang sabi sakin ni Tito ay hinahanap mo raw ako.”

“Tito?” naniningkit nanaman ang mga mata niya kakaintindi sa lalakeng kaharap.

“Kanina mo pa ginagawa ‘yan, pretending to be innocent.” Anito.

“Excuse me, but the truth is, I’m not pretending talagang hindi ko nakukuha ang mga sinasabi mo. Just like Sir River, hindi ko rin siya maintindihan kung bakit dinala-dala niya ako rito. Ano bang kailangan mo sakin?” naiinis na sagot niya.

“Mary Brianna, as far as I know, you’re the one looking for me, hindi ako.” He said casually.

Nagtaka man sa paraan ng pagtawag nito sa kanyang pangalan ay napalitan naman ng yamot ang isip niya kaya “And why in this world would I be looking for you? In the first place, I don’t even know you!” ngali ngaling singhal niya. Talaga naman nauubusan na siya ng pasensiya, kanina pa siya nahihilo ah! Sino ba kasi ang lalakeng ito? At siya ang naghahanap dito? Come on! Argh! Nasa ganoong pag tatalong isip siya ng may bigla siyang naalala. “Sino ka – ?”

Ngumiti nanaman ito, ngiting nakakatunaw. Hindi tuloy malaman ni Brie ang gagawin, iba kasi ang dating sa kanya ng lalake. Bakit ba pakiwari niya ay matagal niya na itong kilala. “Answer me first, bakit ka umuwi rito sa Pilipinas?” anito.

“And who are you para sagutin ko ang mga tanong mo?” pagmamatigas niya.

“As of now siguro, I’m not in the right position. But soon, maiiba na rin ang lahat and you’ll learn how to respect me.” Bagamat hindi man nanakot ay nagbabadya ng awtoridad ang boses nito.

“Respect you? Look here, you psycho, I wanna go home, now! Please I won’t ask anything kung ano man ang kalokohan na ito. Just let me go, kahit ipahatid mo lang ako sa pinakamalapit na terminal pabalik ng Manila.” Matigas na sagot niya.

“I’m afraid I can’t, you’ll be staying here with me until Monday. At para sa mga katanungan mo, we can talk about that over lunch. For the meantime, ihahatid muna kita sa kwarto mo.” Tangkang hahawak naman ito sa kanyang siko ng mapa-piksi siya.

“Don’t touch me! I’m not staying here with you!” tangkang tatalikod na siya ng mahagip ng binata ang isang braso niya.

“Trust me on this one, there are three guards here sa loob at labas ng bahay. Nakita mo naman siguro ang ilan sa kanila kanina habang papasok kayo rito. Kaya wag ka ng magtangka pang umalis dahil kahit anong gawin mo ay hinding-hindi ka makakaalis ng lugar na ito kung hindi ako ang kasama mo!” maawtorisadong pahayag nito saka mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ni Brie. “Now come with me, you should rest!” walang sabing hila nito sa dalaga na kahit anong piglas ay hindi man lang makawala sa animo bakal na mga kamay nito.

Para siyang presong nakakulong sa karangyaan. Sa sobrang inis ay hindi niya namalayang hapon na pala, akala niya ay maiidlip lang siya ng ilang oras at saka pag iisipan na niya kung paano makaalis sa lugar na iyon ngunit bigo siya. Halos alas-tres na ng hapon, base sa giant wall clock na una niyang nasilayan sa may gilid. Akala ba niya eh manananghalian silang sabay ng lalakeng iyun? Eh bakit ni hindi man lang siya nito ginising? Ano ba talaga Brie, di ba naiinis ka sa kanya? Tapos gusto mo siya makasamang kumain? Tsk.

Eh siyempre gusto ko rin malaman lahat ng kasagutan sa tanong ko no! Kanina pa kaya ako nagmumukhang tanga sa harapan ng lalakeng iyun at sa Sir River na’ yun.

Pero bakit hindi man lamang ako nakakaramdam ng takot sa lalakeng iyun? Sa kabila ng commanding acts ng binata ay hindi ko man lang napag-isipan na gagawan niya ko ng masama. In fact I felt safe here, especially that I know, he’s just somewhere around the house. Napabuntong-hininga siya, lately palaging na-eexercise ang isip niya. Hindi nauubusan ng rason ang utak niya eh!

 

“Feeling better now?” halos mapalundag pa siya sa kinahihigaan ng marinig niya ang boses ng binata na hindi niya napansing nasa may paanan lang pala niya. Nakaupo ito sa isang reclining sofa patapat sa king size bed na hinihigaan niya at may hawak na libro.

Dali-dali naman siyang nag ayos ng sarili at napaupo pasandal sa head board ng kama. Binantayan ba siya ng binata mula kanina pa simula ng makatulog siya? But she saw him walking out in this room dahil sa hindi siya mapatigil sa kasisigaw rito na parang isang mabangis na tigre kanina lamang bago siya nakaramdam ng hapo at makatulog nga.

“Bago pa kong ano na naman ang tumakbo diyan sa isip mo, bumalik ako rito to check you before lunch. Pero dahil sa tulog ka pa ay hindi na lang kita ginising, I’m sure napagod ka rin sa hysterical drama mo kanina.” patuya nito.

“Drama? Argh!” bumabangon na naman ang inis niya.

Napailing ito. “Don’t start with me again Mary I’m sure you’re hungry, ako rin nagugutom na kaya sumunod ka na sakin sa baba after fixing yourself. Ipapa-prepare ko lang ulit ang lunch for us dahil sigurado akong malamig na iyung nakahanda pa roon until now.” Saka tumayo ito at binalik sa isang bookshelve ang librong hawak nito saka nagtungo na palabas ng kwarto. “I’m warning you Mary, masamang pinaghihintay ako. You wouldn’t like it, trust me.” Saka sinara na nito ang pintuan.

Damn you! All of a sudden eh uutos-utusan na lang siya ng lalakeng ito! Nakakapanginig laman naman talaga. Pero eto siya si Mary Brianna Mancini ay parang walang isip na pumapayag naman sa mga pakulo ng lalakeng ito. Clearly the way the man is addressing her, kilala siya nito. Pero paano?

 

“KUNG kutsilyo lang ‘yan, kanina pa ako nakahandusay at duguan rito sa upuan ko Mary.” Matamang biglang saad ng binata na nagpabalik naman sa reyalidad ni Brie. The man is obviously referring the way she was staring at him mula pa kanina ng magsimula silang kumain sa round table ng kitchen habang magkaharap.

“Basic question, kanina mo pa ko pinapaikot-ikot, Who are you?” matalim na saad niya.

“The person entitled to have a hold to your life aside from your parents.” Kaswal na sagot naman nito sabay subo ng pagkain.

“Pwede ba diretsahin mo na nga ako!” biglang dabog niya at sabay pang naipalo niya ang dalwang palad sa mesa.

“I see now, it’s your patience!” maraang saad nito na wari ay pinupunasan ang bibig.

“What?” bulyaw niya.

“You’re definitely lacking in that area.” Panunuya pa nito.

Halos maningkit na sa pagkakadiin ang mga talukap ng mata niya sa sagot ng binata. “Because you’re trying my patience so badly! Pinipilit ko kayong intindihin. I was a foolto come here. And now I am talking with you about things na hindi ko maintindihan.” Nanlulumong sagot niya.

Patlang. Katahimikan ang naghari sa tinuran niyang iyun.

“Natatakot ako, alam mo ba iyun? I thought madali lang ang lahat, na nandito ka and I will explain everything to you.” Anito na lumanlam ang mga mata habang nakatitig sa kanya.

“Try me, from here on I’ll listen to you. Basta wag lang yung ganito, yung parang ginagawa mo akong tanga, na parang may alam ka. In fact I’m guessing tama ang instinct ko, mas marami ka pang alam tungkol sa ‘kin, hindi ba?” asik niya.

“How can I not know everything about you, eh pakakasalan kita!” parang wala sa loob na saad nito ngunit ang impact naman ng sinabi niya ay nagpalupaypay sa mga balikat ni Brie.

Halos magulantang ang mundo niya sa narinig, parang eruption lang ng isang bulkan na biglang nagpasabog sa katinuan niya. Is he –  “Lance Rayver Villamor?” naiiritang tanong niya.

“I’m glad, kahit papano eh na research mo ang pangalan ko or Tito Fernan told you?” anito.

“He never told me anything about you! Never knew you even existed   pero nagawa mong guluhin ang nanahimik kong buhay sa Italya.” Sumbat niya.

“Me? Ruining your life? Whoa, mabigat na paratang yan Mary Brianna considering ako ang future husband mo. How could  I  possibly do such a thing at sa babaeng pakakasalan ko pa?” napapantastikuhang sagot nito.

“You talk as if you know everything!” bulyaw niya.

“Because I do.” matamang titig nito sakaniya. “Trust me, I really do! You’re just eighteen, it as if I’m baby-sitting a child.” Nailing na sambit pa nito.

“What, at bakit akala mo kung sino kang makapagsalita ah, base sa records mo, eighteen ka pa rin lang naman ah!  Though you don’t look like one.” Dagdag pasaring niya, well true, he looks like a man, not a boy. “A sophomore! Teka  eh sino si Sir Rivero Alfort? I just heard your name na River and confirmed your surname na Villamor through my mother at inassume ko lang na si Lance Rayver na nga ang River Villamor na hinahanap ko then Sir River Alfort came to picture!” walang patid na litanya niya.

 

“Na kamuntikan mo na sanang akitin, hindi ba?” mapang-uyam na sabi nito.  Nang malaman niya ang tungkol sa pag-uwi ni Mary dito sa Pilipinas ayon na rin sa ama nito ay minadali niya ang lahat ng trabaho sa Canada, kaya lang ay hindi niya talaga maaring iwan agad ang mga iyun dahil nasa final stage na ng testing ang program na dinevelop niya para sa contest na sinalihan.Naisip na lamang niyang pakiusapan ang kapatid na kasalukuyan namang Professor ng St. Benedict na bantayan si Mary. And that is his second favor to him, ang una ay ang hilingin niyang bantayan ng kapatid ang operating system ng St. Benedict habang busy siya sa contest sa Canada dahil isang IT rin ang kapatid niya at ngayon nga ay sakto naman ang pagdating ni Mary na naipasama pa niya sa kapatid upang bantayan. He told him everything about her mula pa noon kaya naiintindihan siya ng kapatid. Not knowing that Mary would get a wrong impression about Rivero na River din kung tawagin dahil sunod sila parehas sa pangalan ng yumaong ama nila na si Ernesto River Alfort.

“How dare you accuse me of seducing anyone!”  napaigkas naman ang kilay niya.

“I don’t wanna argue with you.” Sabay tayo naman nito at iniwan si Brie na halos mapaluha na.

Bwisit na talaga! Hindi pa nga kami tapos mag-usap eto at nag walk-out na naman siya ! Ano ba ang gusto niyang patunayan? He’s killing her every time na matatapos ang pag uusap nila. Para bang palagi siyang unconscious sa mga nangyayari at palaging naiiwang talunan at nakabinbin sa ere ang utak niya na malapit nanaman talagang sumabog dahil sa mga nag-uumapaw na katanungan sa isip niya.

 

Read the rest...


63 Responses

  1. bliss_842000 says:

    exciting :):) :)

  2. bible says:

    Kaka tense talaga

  3. black Angel says:

    Hahaha ganda n ng story……

  4. azhylle says:

    Well well well….

  5. AJ says:

    Mapang-akit talaga tong si Brie..

  6. bunchpie_12 says:

    huh player

  7. jomhel says:

    i need more gils

  8. jomhel says:

    naubos na gils ko. =(

  9. bulaklaksapader says:

    gulay!!!!!!

  10. tricxie1302 says:

    Ang. Gulo .,, nakaka tense grabe na to… Ang ganda

  11. tobie says:

    kaloka amn .. buti amn ng kita n cla 😀

  12. myromeo18 says:

    omg…100% kilig to

  13. MichelPila says:

    next please.

  14. Mr. TweetHeart says:

    Love.love.love.

  15. leinad1977 says:

    ka suspense… supladong gwapo

  16. leinad1977 says:

    ka suspense…

  17. moony says:

    so nagmeet na din sila sa wakas..

  18. chinggay says:

    hahaha… kktuwa

  19. julie23 says:

    Ka lerky.. ahahaha

  20. keeehialovesu says:

    Whooosh..
    Malaking MALING AKALA., lang pala ang lahat.,
    Yan kasi napakaTalino ., hehe

  21. Eliza says:

    kya nman pala dedma epect sya ky sir river whhhoaaaa….sister pala..

  22. eli says:

    kitams?…magkapatid pala eh…

  23. rachel says:

    ayun naman pala brothers sila.

  24. jjhuls says:

    ayiesttt….enjoy naman…

  25. alma rosano says:

    ang ganda naman…

  26. rosanna says:

    Ayyiiie, kinikilig ako,,

  27. Shunyeee says:

    Nice story..oh its n0t nice its great.

  28. shaina08 says:

    yeah! kinikilig ako!!!

  29. Anilorac says:

    ahhhhh sabi ko nanga ehhhhh….

  30. mitchicana says:

    Hahaha… Wagas

  31. tintin says:

    ahhh… now I know .. un naman pala eh .. next chap !

  32. lpilapz says:

    waaaahh i loved it… i love this chapter… kaloka… :)

  33. fairlady17 says:

    …hahaha..indeed a nice story..kaloka ang twist ng story..:)

  34. Clarisse says:

    haha.Kitams ! Ung tennis player ung taong hinahanap ni Brianna ! : ))

Leave a Reply