BBBS 6: Mary, The Seducing Genius – Chapter 4

Mary, The Seducing Genius

Mary, The Seducing Genius

“THANKS!” mahinang nasambit na lang niya habang inaalalayan siyang makatayo ng lalake sa harap niya. Dahil sa pagkahilo ay hindi pa rin niya masyadong maaninag ang mukha ng binata kanina pero ngayong nagtama na ang paningin nilang dalawa habang nanatili pa ring nakahawak ang mga kamay nila sa isa’t isa ay kamuntik ng masiraan ng bait si Brie dahil sa nakikita niya.

Is she in heaven? Oh dear Lord. The man, he’s a demi-god flowing with hotness! His massive chest and biceps, at ang clef chin nito na nagpadagdag pa ata sa over all appeal ng mukha nito. He looks a bit rough and rugged and obviously not her type pero bakit parang andaming forces na gustong magsabi sa kanya na gusto niya ang lalake?

Teka Brie, mind check, hindi bat ganyan rin yung naramdaman mo the first time you saw Sir River? At ngayon seeing another man at first sight again eh gusto mo na rin? Aba, Brie ang bilis mo naman yata ma in-love sa mga panahong ito. Gusto niya ng batukan ang magulong pag iisip niya. Ngayon nga, parang may spell sa pagitan nila, no one seems to break it. Kapwa sila nagpapakiramdaman habang nakapagkit lang ang tingin sa isa’t isa. The connection is there.

“Pare, come on, pinapatawag na tayo ni OIC.” Singit na sigaw ng isang boses sa may di kalayuan na kung malapit lang siguro sa kanila ay gusto na sana niyang sabunutan dahil sa pang iistorbo nito sa kanila.

“Yep, susunod na ako.” narinig niyang sagot ng binata ngunit nakatitig pa rin sa kanya.

“Uhm” dali ay napabitaw siya sa mga kamay ng lalake sabay napakamot sa may parteng batok niya. “Sige na, okay na ko.” Tanging nasambit niya. Gusto niyang itanong ang pangalan ng lalake pero wala siyang lakas ng loob. Wow ha, nahihiya ka ba Brie, eh bakit kay Sir River nung nakaraan kung ano ano mga ginawa mo eh wala lang naman sayo? Hmmm.

“Sige, sorry again.” saka dali dali na itong tumakbo papunta sa isang kasama na tumatawag rito.

“Nakakainis hindi man lang sinabi ang name niya!” mahinang bulalas niya sa sarili habang sinusundan na lang ng tingin ang binata. Siguro tennis player iyun dahil sa suot nitong all white shorts and polo na ngayon lang niya napansin. Eh diba nga he said, natamaan ka niya ng tennis ball?

Tigilan mo na Brie ang ilusyon, hindi siya ang pakay mo rito sa Pilipinas remember?

Eh kung ganun si Sir River ba eh pakay mo? Ang utak niya talaga madalas ang hirap kausapin. Naiiling na lang siyang pinagpagan ang likurang bahagi ng damit saka naglakad na para hanapin si Tinzz.

 

Shan Hille Mall…

“IT’S been a month ka ng sunod ng sunod sa Sir River na ‘yan, baka naman nalilimutan mo na kung bakit ka umuwi dito sa Pilipinas?” muling pagpapaalala naman ni Tinzz.

“Tinzz.. that’s your twentieth time that you’ve reminded me of that.” While rolling her eyes. “Don’t you get it? I might be hitting two birds with one stone.I know, si Sir River ay si Lance Rayver, basta malakas ang kutob ko that they can be just one person.”

“Okay, what if he’s not?” sabad na tanong naman ni Claire.

“Then, napagod ka lang, nagsayang ng panahon na sana ay para na sa pagtutuos niyo ng River Villamor na yun.” Singit rin ni Tinzz.

Nasa ganoong pag-uusap silang grupo ng bigla magsalita si Laine. “Guys, teka, speaking of, is that him?” sabay turo naman nito sa isang lalakeng papasok pa lang sa isang bookstore. Saka mabilis pa sa segundo na bigla naman nilang nakita si Brie na naglalakad na sa direction ng binata.

“Hey Brie, where are you going?” mahinang pahabol na tanong naman ni Empz. “Hay naku, bahala ka.”

THE man was different now, maybe because he’s not wearing the usual faculty uniform ng St. Benedict. Wearing a blue shirt, and simple faded jeans, he looks younger than their previous encounter, so fresh and neat.

“Hello, Sir.” simula niya. She’s wearing a short and long sleeve white polo na naka unbutton hanggang sa bust line, revealing her black bra lace tube while holding her black Chanel bag.

“Why are you wearing that kind? This is Philippines, who’s with you?” ngali-ngali ay tanong nito.

Bigla namang nawala ang ngiti niya. Kanina ay super confident siyang lumapit dito pero ngayon? Bakit ba napakagaling ng lalakeng ito magparamdam na ang baba niya. Hindi pa nga siya nakaka isang sentence eh nagsusungit na agad sa kanya ang lalake. “Pardon?” tanging nasagot niya.

“I mean, what do you want this time?” biglang mahinang angil nito dahil may ilang customers na rin ang nakatingin sa kanila.

“Let’s go on a date!” tama ba yun Brie, niyayaya mo siya, hindi tanong? Gusto lang niyang malaman kung ano ba ang tumatakbo sa isip ng lalakeng ito. Dahil kung totoo ngang si Rayver ito ay talagang maghahalo ang balat sa tinalupan.

“Ano?” nagtatakang tanong nito.

“Not because you’re a professor eh may license ka ng maging deaf, I said mag-date tayo! Haven’t you experienced that? You’re alone and -”

“And clearly you’re not.” Sabay tingin nito sa mga brats na nakatingin sa kanilang dalawa ilang metro lang ang layo.

Saka napatingin rin naman siya sa may likod niya. “You know them?” tukoy niya sa mga brats.

“Yes, very well.” makahulugang sagot naman nito.

“Well trust me, hindi mo pa sila ganoon kakilala. If you’re saying that you know them because of their reputation, well I think you’re wrong about that.” Paliwanag niya pero kibit balikat lang ang tinugon sa kanya ng lalake at saka nagpatuloy na ito sa pagtingin kuno sa mga libro sa bookshelves.

“What now?” untag niya.

WHO would’ve thought na ganito ka-aggressive ang babaeng ito? Sa totoo lang ay nag aalala siya dahil hinihintay niya ang kanyang fiancé. Kaya lang pagkakataon nga naman at biglang dumating si Brie at niyayaya pa siya ngayon ng date? He must be nice to her para na rin sa isasakatuparan ng mga plano nila. And this is the perfect timing to do so. He’ll just let her fiancé be aware sa plinaplano niya. Pagkatapos ng mahabang pag iisip, he gave her the friendliest smile he could ever have. “Miss Mancini, do you really believe na mabait ako at hindi gagawa ng masama?”

“Siguro. You’re a professor, right?” kinakabahan man na depensa niya pero hindi niya pinahalata.

Napahalakhak naman ito. “Even if I’m a teacher, doesn’t mean I’m a good person or hindi na pwedeng gumawa ng masama… lalo na sa isang napakagandang babae gaya mo.” Makahulugang saad nito sabay ngiti.

“Ano?” siya naman ngayon ang naguguluhan sa inaakto ng lalake. Though she took his last statement as a compliment.

“Let’s go somewhere.” pakli nito sa kanya.

“Wait, saan tayo pupunta?” nagtataka naman siya. Pagkatapos mo magyaya kanina, ngayon maang maangan ka pa Brie.

“Let me check, kanina lang you’re inviting me. Oh well, it was more of a demand than a request. Umaatras ka na ba sa offer mo sa ‘kin?” waring paghahamon nito.

Napalingon siya sa kinaroroonan ng mga brats, nakita niyang busy ang mga ito sa loob ng katapat na store. Napangiti siya. “Let’s go!”

Napangiti rin naman ang binata saka walang sabing hinawakan ang braso niya at hinila siya palakad. Hindi naman niya maintindihan ang sarili sa mararamdaman. They were walking hand in arms, kaya lang ewan ba niya parang ang tingin niya sa kanilang dalawa ay perfect picture ng magkapatid. Parang kuya niya ito na hila-hila siya. Oh well, wala siyang kapatid, kaya ganun na lang siguro siya ka affected sa mga lalakeng nakagagaanan niya ng loob.

Halos lahat ng nakakasalubong nila ay mga lovers, kung hindi magka -kbay ay holding hands rin gaya nila pero napapansin naman ni Brie na halos lahat ng madaanan nila ay nakatingin sa kanila. Kunsabagay they are the tallest couple kung saka sakali, she’s 5’7 idagdag pang naka-Prada wedge heels siya, reaveling her flawless tanned legs. At si Sir River naman, bagamat simple ay nakaw atensiyon dahil sa lampas 6 feet ata na height nito. Para silang mga modelo sa runway na hindi nga lang niya alam kong saan sila pupunta.

“Wait, where are we going?” muling tanong niya sa mahabang katahimikan na namagitan sa kanilang dalwa.

“Hmmm.. diba sinabi mo na we’ll have a date? So naisip ko na lang, we can watch movie together.” Sandali namang lumingon si River sa kanya bago nagsalita muli “Okay lang ba ‘yun sayo?”

“Of course.” halos maumid pa niya ang dila dahil sa paraan ng pagkakatitig sa kanya ng lalake. Napaka-misteryoso talaga  nito. She should not trust him, pero eto siya at manunuod pa ng movie with him. Hmmm.. she’s young but she knew what couples do inside the cinema. Bigla namang napangiti siya sa kapilyahang naisip.

SPELL BORING! Iyun ang nararamdaman ni Mary sa upuan niya hindi sa movie dahil it’s the Premier ng holywood romantic comedy movie na ‘Life as we know it’ na pinagbibidahan pa ng super crush niyang si Josh Duhamel kundi sa katabi niya. Well ano ba ang gusto niya, mag-usap sila ni Sir River eh mukha namang concentrated ito sa panunuod. Obviously halos karamihan ng mga tao sa loob ay lovers at magka-akbay pa habang nagtatawanan sa ilang scenes ng pelikula. Habang siya naman ay heto at tahimik lang na nakaupo hawak ang popcorn and drinks. Sayang the film.  Maganda sanang panuorin iyon kasama ang talagang boyfriend niya. Creating a family kasi ang theme. Kaya lang tuod ang kasama niya, ano bang problema ni Sir River sa kaniya? Halos siko niya ata ay ayaw nitong madikitan.

Napataas ang kilay niya at naisip niyang gumawa ng first move, maya-maya ay unti unti na niyang hinihilig ang ulo niya papunta sa balikat ni Sir River na hindi naman ganoon kalayuan ng bigla naman may biglang magsalita sa likod niya.

“Miss, steady ka lang naman. Di ko masyado makita, kahit nakaupo ka na kasi ang tangkad mo pa rin.” narinig naman niyang sabi ng isang babae mula sa likod niya. Napataas naman ang kilay niya, lalo pa ng makita niyang nakataas nag isang sulok ng mga labi ni River, is he laughing at me?

Naiinis na sinalampak na lang niya ang buong katawan sa upuan at tinuon ang atensyon sa panunuod.

“Did you enjoy the movie?” walang abog naman na tanong nito kapagdaka.

“Uhm, pwede na rin, favorite ko kasi si Josh.”She dreamily said “He’s so adorable.”

“Mas gwapo pa ako dun.” Hirit nito.

“Okay!” natatawa naman siya rito. Ano nga bang klaseng lalake ito at once, pwede niyang iparamdam na you don’t exist, then the next parang close na kayo? Ay ewan sa mga utak ng lalakeng kagaya nito. Pero ang mahalaga nakita niya ulit itong nakangiti. “Mas bagay sayo yan,” sabay pisil niya sa pisngi nito na nakita naman niya mula sa mga mata nito na nagulat sa kanyang ginawa kaya dagli niyang tinanggal ang kamay sa pisngi nito. Not knowing na may isang babaeng nakatingin pala sa kanila at kanina pa nagmamatyag sa loob pa lang ng sinehan.

“Nagugutom ka na ba?” anito.

“Sa dami ng popcorn and drinks na pinakain mo sakin.. I don’t think so.” Pangongonsensiya na lang niya.

“You see, I’m boring.” seryosong saad nito.

“Because you’re trying to be one.It’s because you want me to dislike you, right?” may simpatyang tanong naman niya.

If you just know the truth Mary Brianna. “No, I never wanted a beautiful lady like you to dislike me. I just told you, we’re not in the right place to do things like this.” And I’m not the right guy! Gusto niyang idagdag.

“Are you referring to my flirtirations sa campus?” she blurted.

“Partly.” Sabay kibitz balikat nito. “So let’s eat? Yun ay kung gusto mo pa kong makasama.” Anito.

“Of course, your my friend now, right?” aniya saka napangiti sila sa isa’t isa.

“IKAW Tinzz.. napapansin ko nung isang araw ka pa may abot.” nakangiting pukaw niya sa kaibigan. Masyadong kasi siyang masaya nitong nakaraan kaya hindi na niya gaanong napapansin na kabaliktaran na niya si Tinzz na laging aburido.

“Ako? Brie, Why naman?” wala sa mood na arte nito.

“Eh kasi po sa tuwing maririnig mo ang pangalan ng varsity na si Duke ay nagsusungit ka. Di mo pa nga nakikita yung tao eh, or hindi pa nga ba?” Sita naman niya kay Tinzz habang naglalakad sila papunta kung saan man sa may likod lang ng gym nang may narinig na naman silang nagtitilian.

“I Love You, Duke! – Waaah! Go, Duke!”sigaw ng ilang mga kababaihan.

“Mother fu-! Mukhang ayaw nilang tumigil.” kunot ang noong mura ni Tinzz na lalong pinagtaka naman niya. Saka bigla siyang napangiti. Type kaya ni Tinzz ang lalakeng iyun?

Maya-maya pa ay nagulat na lang siya ng makitang kinakawayan ni Tinzz ang isang lalake na makakasalubong nila at parang may gagawin na naman itong hindi kaaya-aya sa pobreng bata.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita kong paanong dinakma ni Tinzz ang maselang parte ng katawan ng lalake na tinatakpan ng hapit na pantalon nang magkatapat ang dalawa.

“Ay! Ang liit naman.” Narinig pa niyang sambit ni Tinzz na hindi niya mapaniwalaan kaya napakamot na lang siya sa batok niya.

“Are you kidding me? Nababaliw ka na ba Tinzz?” Lalong namilog ang mga matang tanong niya na sinuklian lang naman ni Tinzz ng mataginting na halakhak at saka iniwan na nila ang lalaking naengkanto yata dahil mukhang hindi ito makagalaw sa pagkabigla.

“YOU’RE crazy Tinzz!” Muling sita niya habang naghihintay sa susunod na subject ay nagpahinga muna sila sa covered court sa may likod ng gym nang may lumabas na mga kalalakihan. Dito pala ang lugar ng varsities! Malamang gym nga, diba?

“Nice one, Duke. Ang ingay ng mga babes sa mga bleachers ah!” narinig nilang natatawang sabi ng isang lalake.

“Huy, Tinzz. Tingnan mo,” nguso naman niya sa lalakeng tinatapikan ng mga kasama nito, “So, he’s Duke.” pang iintriga naman niya, waiting sa magiging reaction ni Tinzz.

“Alamin mo kung sino ba iyan Mary Brianna, gagapangin ko siya!” Nangingislap ang mga matang utos ni Tinzz sa kanya na lalo niyang kinahalakhak.

 

Now she knows, mukhang mai-inlove na ang never been never to have a boyfriend sa grupo. Teka, bakit Mary Brianna, nagka boyfriend ka na ba?

Si JanRae, siya lang naman ang una, according sa pagkakalam niya. Bigla siyang napaisip para sa sarili ng biglang narinig niya ang pangalan niya.

“Miss Mancini!”

Pareho pa sila ni Tinzz na napalingon sa pinanggagalingan ng boses.

“River?… I mean Sir!” nanlaki naman ang mga mata niya.

“Ehem! Ehem!” singit na papansin naman ni Tinzz.

“Ah sir, si Tinzz, my friend. I think you know her already.” Ngiti pagpapakilala niya.

“Yeah. Hi, Miss Salvador.” He pleasantly recognized.

“Whoa, kilala mo pala ako? Hi din, Sir Rivero Alfort!” saka makahulugang tingin naman ang pinukol ni Tinzz sakaniya. “O siya, may nalimutan ako sa library, exit muna ako, bye girl.” saka nakipag beso siya rito. “Ingat siya sayo.” Tinzz almost whisphered sa kanya na kinatawa naman niya. “Bye,sir.” saka isang kaway naman ang binigay nito sa Professor.

“Sir, may problema ba?” nagtatakang tanong niya ng mahagip naman mula sa gilid ng mata niya ang isang lalake na papasok sa gym. Bigla naman siyang naalarma, kilalang kilala niya ang likod na iyun. Ang tennis player! But this time, the man was just wearing something casual but manly and oozing with sex appeal. Pero agad rin naman siyang nagbalik ng tingin kay Sir River na hindi naman napansin ang ginawa niyang pagnakaw tingin sa ibang lalake.

“Kailangan bang may problema para lapitan kita? Anyway, are you.. free this weekend?” anito.

“Oo.” wala sa loob na sagot niya dahil hindi pa rin mawaglit ang tennis player sa isipan kaya dagli naman niyang pinagalitan ang sarili. “I mean, bakit? For what?”

“Can we continue our date?” nakangiting tanong nito.

 

Read the rest...


66 Responses

  1. bliss_842000 says:

    ahemmmm……….ano kaya ung plan mo sir river?

  2. Kevin Martin says:

    Ano n mary nagguluhan k n?

  3. azhylle says:

    Galing naman ng writer Hirap hulaan Kung anu mangyayari

  4. AJ says:

    My 2nd date pa sila..ahaha

  5. bunchpie_12 says:

    pls need one

  6. jomhel says:

    naku, napaka unpredictable ng story. kaexcite =)

  7. marfi ann says:

    haba ng hair mo gurl….

  8. Mia Garcero says:

    well, cno kaya the two misterious guy.

  9. xcting ang story the best tlaga

  10. bulaklaksapader says:

    wahhhh!!!!!!!!!!!!!!!

  11. tricxie1302 says:

    Nakakaloka

  12. iiLee says:

    I’m confused

  13. iminlovewithyou says:

    i’ve read this.. i just dont remember if i finish it!!!

  14. Need gils guxto q tlga 2 mbasa

  15. MichelPila says:

    ano kaya ang plan ni Sir River!

  16. antabagare says:

    Baka isa sa kanila si JanRae :)

  17. Mr. TweetHeart says:

    anu kaya ang plano hmmmm

  18. moony says:

    who is river ba tlaga?

  19. julie23 says:

    Mal nmn po ng gils.. xayang…

  20. uchie says:

    excited sa next chapter! 😀

  21. chinggay says:

    cge nlilito n aq, gling ng author ha

  22. Khizmar says:

    ai dont have enough gils po

  23. akonatho says:

    wala na akong gils

  24. keeehialovesu says:

    Nalilito aketch., ano bang connection???????

  25. Eliza says:

    palaisipan kung ano ba at cno cno tong mga gwapitong nagppwala ng tinong isip n may?

  26. eli says:

    confused on wo hot guys?

  27. margaret says:

    Haba ng hair

  28. rachel says:

    hhhhmmm? cnu sa dalawa?

  29. ice_9 says:

    Cno kaya yun tennis player n yun?

  30. nOvie says:

    Excting k2lito,

  31. alma rosano says:

    i think, its referring to 1 person…next chapter please…

  32. elv_16 says:

    anong plan mo sir?

  33. roseghelaine says:

    haha, torn between 2 hot guys.

  34. shaina08 says:

    anong meron sa fiancee ni River?

  35. dadhay21 says:

    . .hahay more gils 2 come..aguinaldo nyo nlng po samin.

  36. ms.jjawod says:

    what?.,? Ang gulo cno b tlaga s 2 guy brie. Nxt chapter n nga!

  37. joy_0925 says:

    Nid gils gusto ko nto mbasa.

  38. Anilorac says:

    hmm mukhang interesting na to…..

  39. mitchicana says:

    Pala isipan hehehe

  40. tintin says:

    mysterious effect ! amp! next chap …

  41. lpilapz says:

    baliw si Tinzz ahahaha.. :) cno kaya si River dun…? xD

  42. Hopeless says:

    gils…i need some gils donation

  43. fairlady17 says:

    …hmmmmm kaexcite namn to…

  44. Clarisse says:

    naiintriga naman ako dito kung sino ba talaga ung hinahanap ni Brianna …sana ung tennis player . haha

  45. Melody says:

    hmm…mukhang may kaugnayan iton si Sir River sa family ni Brie and may masama atang plano…I think ung tennis guy at si Lance Rayver ay iisa… :)
    wooh…excited na kong malaman…

Leave a Reply