When Love Reigns – Teaser

When Love Reigns
When Love Reigns

Simple at masaya ang naging buhay ni Alva Vergara kahit pa nga naabot na niya ang pangarap na posisyon ng kompanyang pinaglilingkuran. Mayroon din siyang nobyo-nobyohang gwapo ngunit mas bata sa kanya ng dalawang taon na si Brady. Wala siyang hiniling rito na hindi ibinigay ng binata. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating ang bestfriend nitong si Atty. Neil Gonzalo.

Sa unang pagkikita nila iniinsulto siya nito. Hindi niya napigilan ang sariling gamitin ang tuhod para saktan ang ‘dingdong’ nito. Pero hindi iyon sapat. She worked so hard to reached her status now. And a man liked Neil Gonzalo should respect that.

When she learned that, his near to perfection girlfriend was their intern, it put a smile on her face and built a plan in her head on how to make Neil realize that Alva Vergara is not a nobody.

Nang bumalik si Neil Gonzalo sa Pilipinas mula America, wala na siyang mahihiling pa. Natagpuan na niya ang babaeng pag-alayan niya ng lahat, successful ang operation sa puso ng kanyang kaisa-isang kapatid at tuwang-tuwa ang kanyang tatlong bestfriends na pawang mga lalaki sa kanilang pagbabalik.

Subali’t ang nobya sa isa sa lalaking nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay nilang magkapatid ay may nobyang ipinaglihi sa sama ng loob. Matanggap sana niya kung hindi ito maldita at dominante. Ngunit nang makita niya kung paano nito utus-utusan si Brady, hindi niya napalampas iyon. Lalo pang nadagdagan ang kanyang galit nang malamang utak ang babae sa pagkasira ng kanyang engagement party. Nagawa niya ang bawal dahil sa galit.

Subali’t dahil sa ginawa niyang iyon nalaman niyang may damdaming unti-unting umuusbong sa kanyang dibdib para sa babaeng kung makalakad akala mo may stiff neck. Hindi lang ang leeg nito ang stiff pati rin pala ang puso. Nagulo ang kanyang buhay, iniwan siya ng kanyang dreamgirl ngunit pursigido siyang hilutin ang stiff neck ni Alva Vergara pati na ang puso nito…

124 thoughts on “When Love Reigns – Teaser

  1. salamat po… may bago na naman kaming aabangang story. maganda po sa teaser palang nakakakilig na lalao na siguro ang susunod pang chapter ng story.
    keep it up po….. salamat.

  2. naks!
    ganda ng teaser…
    kala ko tuluy tuloy na to hanggang end
    hehe

    i’ll definitely like it
    nakakapanabik ang teaser niya e
    haha

    1. hello emily. oo nga mukhang mahaba. anyways mwf ang sched ko. i tried to post the first chap pero d ko alam paano siya hindi muna ma-post sa preview, d ba pwedeng mga writers muna makakita nun kasi d pa perfect ang formatting? i am still learning. appreciate your kindness.

      emily: hi Rain! paki-post mo na lang tapos may option tayo na ‘scheduled’ posting. meaning, you can select a certain date kung kelan siya lalabas.

Leave a Reply