The Grief

Short Story

Short Story

Eto na naman sya, nakatitig sa kawalan. Kung gano na sya katagal sa ganung posisyon, di nya alam. Araw-araw na nyang ritwal ang pagtitig sa kawalan at magnuni-muni ng mga bagay na kahit kelan di nya malalaman ang kadahilanan.

Ilang taon na ba ang lumipas… Ahh, may dalawang taon na pala. Hanggang ngayon, balot pa rin siya ng dalamhati. At mukhang di na kailanman makakawala sa paghihinagpis ang puso nya. Palagi pa rin nya itong hinahanap, palagi nyang naiisip.

“Good morning, babes. Musta na ang pakiramdam mo?” samyong sambit ng kanyang asawa ng mapansing nagising na sya.

Nangiti sya at biglang nahiya. Kaharap nya pala ang asawa at tiyak na mabaho pa ang kanyang hininga. Binawi nya ang tingin at alumpihit sa pwesto. Tumalikod ito sa kanya. Bigla syang tumagilid.

“Okay lang. Aga mo yatang nagising?” wika nya sa ilalim ng unan na pinatong nya sa kanyang ulo.

Tumatawang pinapalis ng kanyang asawa ang unan at hinalikan sya. Pero di pa rin sya mapakali kaya kahit na gusto na nyang madala sa halik ng asawa, binawi nya ang mukha dito.

“Babes, okay lang ‘yan. Mawawala din yan. Kung talagang di ka sanay, sige na… bumangon ka na at magmumog o magsipilyo o kung ano pa man… sige na, bangon na!” masigla nitong sabi na nakaupo na rin sa higaan. Tinatapik sya nito sa braso.

Bumangon syang di humaharap dito. Nangingiti habang tumungo ito sa banyong kalapit ng kwarto.

Matapos ang morning ritual, di pa rin ito umalis sa pagkakatitig sa salamin. Tiningnan maigi kung me bangis pa ng bagong gising ang kanyang itsura. Nangiti sya. Naghilamos ulit. Sa pagsaboy nya ng tubig sa kanyang mukha, may naramdaman syang mga kamay sa kanyang bewang na biglang nagpaangat ng ulo nya. Di naman nya ito sinaway. Hinayaan lang nya ito. Niyakap na syang tuluyan sa kanyang bewang. Bumubulong ng kung anu-ano.

 “Ang ganda talaga ng babes ko.” Wika ng asawa.

 Nagdala ito ng kiliti sa kanya. Inabot nya ang tuwalyang nasa bandang kanan lang nya. Pinunasan ang mukha. Nanatiling nakaharap sa salamin, pinapanood nya ang asawang nabigay ng mga maliliit na halik sa kanyang kaliwang balikat, sa leeg, batok, tenga at pisngi. Nagdulot ito ng kuryente sa buo nyang katawan. Ngumiti sya. At tuluyang nagpalukob sa kanyang pagnanasa. Humarap sya sa asawa at hinalikan ito. Sa una’y malambot, masamyo hanggang sa naging marubdob ito. Tuluyan na nilang pinakawalan ang kanilang mga sarili. Binuhat sya nito habang patuloy ang paghalik sa kanya at naramdaman na lang ulit ng likod nya ang malambot na kama.

At ang umaga ay sinalubong nila ng puno ng pagmamahal at saya.

Biglang tumulo ang kanyang mga luha sa alaalang iyon ng di nya namamalayan. Gano na ba sya katagal sa ganong posisyon, di nya alam. Nakatitig pa rin sa kawalan. Iyon ang araw-araw na nyang ritwal sa loob 2 taon.

The following two tabs change content below.
look for me at about me! :)

Latest posts by Bebekoh (see all)

Read the rest...


22 Responses

  1. amcel says:

    unbeliievable..story :-)

  2. Mr. TweetHeart says:

    nakakalungkot nga yon… ang sweet pa naman ng asawa nya…

  3. bambiekrypt says:

    Lalo ako nalungkot

  4. aprilmae says:

    hmmmmmmmmmmmmmmm

  5. shaina08 says:

    grabe naman ‘to… kahit maikli lang ay nalunkgot ako dito… :'(

Leave a Reply