The Cueshe Fantasy Love Story

Short Story

Short Story

September 28, 2011.

Alas otso pa lang ng gabi, nakapwesto na agad si Charry at kapatid niyang si Cheen sa city plaza kung saan magtatanghal ang bandang Cueshe. Hindi niya ganoon ka-idol ang banda pero dahil first time niyang makapanood ng live band ng isang sikat na banda sa Pilipinas, sumama na lamang siya sa kanyang kapatid.

“Ang tagal naman,” reklamo niya.

Hindi siya nag-iisa sa pagrereklamo dahil halos lahat ng mga naroon ay nababagot na sa kahihintay sa banda.

Ilang saglit pa`y may isang banda na ang nag-perform pero hindi pa rin ito ang Cueshe`. In-enjoy na lang muna nila ang mga kanta nito para kahit papaano`y mawala ang pagkabagot nila.

“Ladies and gentleman, at last! The band you, all, have been waiting for tonight…”

“Ayan na!” excited na wika ng kapatid niya.

“Cueshe!!!” sigaw ng emcee bago umalis sa stage.

Nakakabinging hiyawan ang maririnig sa buong siyudad nang lumabas na ang lahat ng miyembro ng banda. Sa unang pagkakataon, nakita niya nang personal ang vocalist nitong si Jay.

“Ang gwapo ni Jay!” sambit niya na biglang nahawa sa pagka-jologs ng kanyang kapatid.

“Sabi ko naman sa iyo, eh,” wika nito.

Nagsimulang tumugtog ang banda. Rakrakan to the max ang buong plaza ng Iligan City.

“Jay, I love you!!!” hindi napigilang sigaw niya sa gitna ng hiyawan, pagtatalon at kantahan.

“So baby come on, don`t let this go. You know I love you so. Don`t throw away let our love grow. I can`t let you go…”

Titig na titig siya kay Jay at ito lang ang tangi niyang nakikita nang gabing iyon. For the first time in her life, ganoon na lang ang naging epekto nito sa kanya.

“Jay Justiniani, mahal na kita!!!” muli ay sigaw niya sa kabila ng ingay doon. Wala siyang pakialam kung marinig o hindi man iyon ng binata. Basta mailabas niya ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.

Mula noo`y naging Cueshe addict na siya. Bawat tindahan na may poster ni Jay at ng Cueshe ay binibilhan niya. Pati playlist niya ay puro cueshe` na ang maririnig.

“Ate, mukhang nasobrahan ka na yata,” wika sa kanya ni Cheen.

“Tseh!” sita niya rito. “Sinasabi ko sa iyo, balang araw ay magkikita rin kami ulit at paiibigin ko siya. Itaga mo iyan sa bato,” pagmamayabang niya.

 

 

Five years later.

Nagtrabaho siya bilang isang service crew ng isang hotel sa Cebu. Hindi aksidente o kapalaran ang nagdala sa kanya sa lugar, kundi ang kanyang puso. Nang malaman niyang taga-Cebu si Jay, nag-uumapaw ang kagustuhan niyang makarating dito upang bakasaling makita ito ulit. Talagang na-love at first sight siya sa vocalist ng Cueshe at walang araw na hindi niya hinangad na sana makita niya ito muli at makilala siya nito nang personal.

Papunta siya ng third floor para ihatid ang mga unan at kumot sa room 306 nang may mabangga siyang isang lalaki sa hallway papunta sa elevator. Nahulog sa sahig ang ibang bitbit niya.

“Naku, sorry, Miss!” paumanhin nito sa kanya.

“Kasalanan ko po. Sorry po,” sagot niya sabay pulot sa nahulog na unan. Halos sabay pa silang napayuko upang pulutin iyon. Ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang makilala kung sino ang taong nakabangga sa kanya. She was speechless habang titig na titig dito at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Then suddenly may lumabas mula sa kanyang bibig. “J-Jay? Jay ng Cueshe?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Yeah?” nag-aatubiling sagot nito.

Lalo lang siyang nawala sa kanyang sarili. “Miss, are you okay?” untag nito sa kanya.

“Y-yeah,” sagot niya at nagmamadaling pumasok sa elevator. Doon, kinalma niya ang kanyang sarili at ang puso niyang napakabilis ng tibok. “My gosh! Si Jay nga iyon,” kinikilig na wika niya sa kanyang sarili. “He`s here. He`s here in this hotel!”

Sa kakaisip niya kay Jay, hindi niya namalayang 5 pala imbes na 3 ang napindot niya kaya umabot siya sa fifth floor imbes na sa third floor ang punta niya. Bumalik na naman siya pababa ng third floor.

“Charry, umayos ka! Baka masisante ka nang wala sa oras,” sita niya sa kanyang sarili.

Narating na niya ang room 306. Kumatok muna siya sa pinto bago pumasok.

“Sino iyan?” tanong ng isang boses lalaki na umuokupa ng kwartong iyon.

“House keeping lang po, Sir. Papalitan ko lang po ng bagong kumot at unan ang bed ninyo,” sagot niya.

“Bukas iyan,” sagot nito.

Binuksan niya iyon at pumasok. Wala siyang nakitang tao sa loob pero narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. Mukhang naliligo ang guest nila.

Mabilis na pinalitan niya ang mga unan at kumot at inayos ang kama nito. Patapos na siya sa kanyang ginagawa nang lumabas ang guest mula sa shower room. Para siyang nananaginip habang nakatitig sa bagong ligo na guy. Ang lalaking pinapantasya niya noon limang taon na ang nakakaraan ay nandito ulit sa kanyang harapan. Biglang nanuyo ang kanyang lalamunan. Paulit-ulit siyang napalunok ng sariling laway.  The half-naked Jay of Cueshe is coming towards her at hindi niya magawang humakbang palayo ni kumurap.

“By the looks in your eyes, parang gusto mo nang hubarin ang twalyang nakatabon sa lower body ko,” nanunuksong wika nito sa kanya. Napakalapit na nito and his breath was fanning her face.

Pero gayon pa man, pinilit niyang bumalik sa sariling katinuan at ayusin ang sarili sa harap nito.

“I`m sorry. I have to go, Sir,” magalang na paalam niya rito sabay talikod. Ngunit bigla na lamang siya nitong pinigilan sa braso.

“Don`t play hard to get on me, baby. Kabisado ko ang mga babaeng may pagnanasa sa akin,” mayabang na wika nito sa kanya.

Biglang napalis ang lahat nang naramdaman niya kanina at naningkit ang mga mata sa sinabi nito.

“Hoy, Mister!” mataray na sabi niya sabay turo dito. “Hindi porke`t sikat ka, maganda ang boses mo, gwapo ka, maganda ang katawan at crush kita ay pwede mo nang gawin ang gusto mong gawin  sa akin. Excuse me, pero hindi ako ganoong klase ng babae,” tuloy-tuloy na turan niya na hindi iniisip ang kanyang pinagsasabi.

“Oh, yeah?” nanunuyang wika nito sa kanya at mas inilapit pa ang mukha. Nagawa niyang umatras but only to be cornered by him. Pader na pala ang nasandalan niya at nakaharang pa ang mga kamay nito sa kanyang mukha habang titig na titig ito sa kanya. “Tell me, what`s your name, honey?”

“C-Charry,” nauutal na sagot niya at kinakabahang napatitig dito.

“Do you believe in love at first sight, Charry?” tanong nito sa kanya.

“Y-yeah? Why?” aniya.

“Because I fell in love the first time I saw that lady in green shirt five years ago, shouting “I love you” with my name on it.”

“Sino?” kinakabahang tanong niya.

“The same lady I bumped into in the hotel lobby awile ago with some pillows with her.”

“Jay…” Nangingilid ang kanyang luha sa labis na tuwa. It`s not just fate. It`s destiny! She made her own destiny and now, here she is! Pinapakinggan ang mga salitang hindi niya inakalang maririnig niya mula mismo sa lalaking kaharap niya ngayon. “I love  you,” wika niya rito. “Ikaw ang tanging dahilan kung bakit…”

Siniil siya nito ng halik bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin. Hindi siya nakakilos.

“…ako pumunta dito,” dugtong pa niya pagkatapos ng kapangahasang ginawa nito.

“I know. I`ve already heard that five years ago,” sagot nito sabay haplos sa kanyang mukha.

Napangiti siya. Inalis na ng binata ang pagkakaharang sa kanya. Kinuha niya ang mga kumot at unan na pinalitan niya. Pero bago siya lumabas, isang kapilyahan ang kanyang naisipan.

“You know, you`re right,” aniya.

“What?” nalilitong tanong ng binata.

“Gusto ko talagang gawin ito kanina,” sagot niya sabay hinubad ang twalyang nakatakip sa lower body ng binata at nagmamadaling lumabas para hindi siya nito abutan. Napatawa siya nang malakas sa labas at panay ang ngiti habang papunta sa laundry area ng hotel. Punong-puno nga kaligayahan ang kanyang puso at hindi siya nagsisising sinunod niya ito.

 

 

Author`s Note: This was my entry for T.O.P October 2011 Monthly Contest.

The following two tabs change content below.
Just read my stories and you`ll know who I am.

Latest posts by Anjustin (see all)

Read the rest...


16 Responses

Leave a Reply