(2nd Place) Sa Ilalim ng Ulan – by Mharliz

 

Hoy miss, anong ginagawa mo dyan? Bumaba ka dyan.” Malakas niyang sigaw sa babaeng nakatongtong sa ibabaw ng malapad na side rails. ‘Anak ng kamatis naman oh, kapag minamalas ka nga naman. I am here to find peace tapos itong babaeng ito ang madadatnan ko rito, tsk!’

Agad niyang nilapitan ang babae ng hindi ito tuminag sa kinatatayuan. Bigla siyang kinabahan, ‘Baliw na yata itong babaeng ito o baka naman… di kaya multo itong babaeng nasa harapan ko?’ lalo siyang kinilabutan.

“Miss?” hindi pa rin ito nagsalita. “Magpapakamatay ka ba?” parang tangang tanong niya.

“Obvious ba?” sumikdo ang puso niya ng marinig ang malamyos na tinig nito. Sarkastiko man ang tinuran nito ay may hatid iyong lamig sa kaibuturan ng pagkatao niya.

“Bakit mo gagawin yan? Masama yang gagawin mo sa mata ng tao at sa mata ng Diyos. Gaano man kabigat ang dahilan mo, gaano mo man kagustong mawala sa mundong ibabaw hindi yan kokondenahin ni san pedro sa langit,” gaano man niya kagustong patulan ang pagiging sarkastiko nito ay nagpakapigil siya. Pasensya ang kailangan niya sa babaeng ito.

Matagal na natahimik ito. Muli siyang naglakad papalapit dito. Nang matitigan niya ang mukha nitong tigmak ng luha ay tila piniga ang puso niya sa awa.

“Wala kang pakialam,” nagbalik sa wisyo ang tibok ng puso niya ng marinig ang pagsinghal nito.

 

“Meron akong pakialam kasi ako ang nakakita sayo. Baka mamaya pagbintangan pa akong tinulak kita diyan e. Tapos baka multuhin mo pa ako,” mauubusan siya ng maidadahilan sa babaeng ito.

Sa gulat niya ay tumawa ito ng pagkalakas lakas. “Sa tingin mo ba isa kang hero? Isang Knight in Shinning armor na magliligtas sa akin sa kamatayan,” lumingon ito sa kanyang may mapait na ngiti sa labi. “Well mister, you are so darn wrong. Kahit anong gawin mo. Mapigilan mo man akong tumalon dito ngayong gabi mamatay at mamatay pa rin ako. Bakit ko pa papatagalin ang paghihirap ko? Hah, e di uunahan ko nalang siya. Gusto ko ng mamatay. Gusto ko ng matapos lahat ng paghihirap ko at wala kang karapatang hadlangan yun.”

Nahaluan ng inis ang pagkagulat na naramdaman niya sa dahilan nito. Walang sabi sabing hinaltak niya ang kamay nito dahilan upang mahulog ito mula sa kinatatayuan. She awkwardly fell on top of him. Nang mapagmasdan niyang mabuti ang mala-anghel nitong mukha ay parang tumigil ang pag-inog ng kanyang mundo. Moments ago he went up the hotel resto-bar roofdeck to find peace and escape from the hassles of his office works; he never expected to find someone like this girl. May isang anghel na bumagsak sa buhay niya na gustong bumalik agad sa langit. Well, hindi niya papayagan yun by hook or by crook makukumbinse niya ang Anghel na itong wag magpakamatay ngayong gabi o kahit kalian man.

Kung gaano kabilis tumama ang pana ni kupido sa puso niya’y ganoon din kabilis nakahuma ang babaeng nakaupo ngayon sa kandungan niya. Walang pakundangang pinaghahampas nito ang matipuno niyang dibdib habang pinauulanan siya ng milya milyang mura. Halos mabinge na ang tenga niya sa lakas ng boses nito pero hinayaan niya lang itong ilabas lahat ng sama ng loob na nadarama. Kapag wala ng agiw ang utak nito ay saka niya kakausapin.

Ilang saglit pa’y paghikbe nalang ng babae ang maririnig sa pagitan nila marahil ay napagod na sa pagpaparusa sa kanya. Napatingala siya sa langit bago napabuntong hininga. He looked at her beautiful face again. Odd but she still looks cute in his eyes even with her eyes swollen and with smeared mascara over her cheeks. Mahina pa siyang napatawa na nagpatigil sa paghikbe ng babae. She quizzically looked up at him.

“W-what’s so funny?” sumisigok-sigok na tanong nito. Napalakas ang tawa niya. “Hey, tumigil ka sa pagtawa nakakainis ka na!” muling bulyaw nito. Imbes na tumigil ay lalo pang napalakas ang pagatawa niya. “Ano bang nakakatawa?” tanong nitong muli.

“Your face!” bulaslas niya. Napahawak ito sa pisngeng basang basa ng pinaghalong luha at smeared mascara. Nahintakutan ito ng makita ang bakas ng kumalat na mascara sa kamay nito. Muli siyang napatawa. Kaninang magpapakamatay ito’y di man lang mababakasan ng kahit anong takot ang mukha nito tapos ngayong kumalat lang ang mascara nito sa mukha ay tila tako na takot ito. ‘What a weird lady!’

“Ah, sandali.” Pilit niyang kinapa ang likuran ng blue pants niya. Nang makapa ang panyong nakalagay sa bulsa ng pants ay agad niyang ini-offer iyon sa babae. Nang aabutin na nito iyon ang mabilis niyang iniiwas iyon mula dito. “Hep hep… I won’t let you borrow my hanky unless…”

“Unless?” nagugulumihanang tanong nito.

“Unless you tell me your name,” sandali itong napaamang pero agad ding sinabi sa kanya ang pangalan nito.

 

Julie…

 

Simula ng gabing iyon ay hindi na niya tinantanan ang dalaga. Palagi niya itong dinadalaw sa bahay nito. Pinapadalhan ng kung anu-ano. Hindi rin lihim ditong na love at first sight siya rito. Ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay malaking palaisipan pa rin sa kanya ang tunay na dahilan kung bakit nito gustong magpakamatay. Hindi nagkwento o nag-elaborate man lang. Hindi na siya nagtanong o nagusisa ang mahalaga’y ang nakikitang tila wala na itong balak wakasan ang buhay nito. Masaya na siya noon.

Tulad dati sakto alas syete ng gabi ay nasa harap na siya ng apartment nito. Pero ilang minuto na siyang kumakatok ay wala pa ring nagbubukas ng pinto. Dati rati’y tatlong katok lang ay nakabungad na agad ang nakangiting mukha ng Anghel sa harap niya. Wala ring sumasagot sa cellphone nito. Nagtanong na siya sa kapitbahay kung naroon ang dalaga at sinigurado nitong hindi pa ito umaalis ng apartment simula pa kaninang umaga. Kinabahan na siya baka kung anong nangyari dito sa loob ng bahay. Ilang katok pa’y nagdesisyon na siyang gibain ang pinto.

Parang sinuntok ng isang libong kabayo ang puso niya ng makita itong nakahandusay sa sahig. Ilang sandali rin siyang hindi nakakilos sa kinatatayuan. Nang mahimasmasan ay agad niya itong pinangko at sinugod sa hospital.

Sobrang kaba ang nadarama niya habang hinihintay ang sasabihin ng doctor na nakatayo ngayon sa harapan niya.

“She has leukemia,” napahilamos siya sa mukha sa narinig. “Baka po nagkakamali lang kayo,” he refused to believe what he had heard. Kahit pa sa utak niya ay paulit-ulit na rumorolyo ang mga pagkakataong napapansin niyang nagkakapasa ito, ang pangangayayat nito, ang pagkahilo nito magkaminsan, at ang pagkalagas ng buhok nito ng minsang marahan niyang isuklay ang mga daliri niya sa malabot nitong buhok. He refused to believe those facts dahil sa likod ng isip niya ay ang sakit at takot na nadarama sa kaalamang may posibiledad na mawala ito sa kanya.

“Wala na bang solosyon? Gamot? Oo, magpapachemotherapy siya… tama ganun nga ang dapat niyang gawin,” napadiretso ng tayo ang doctor.

“We had tried that but her body was not responding to the treatment so we discontinued it. I am sorry but there’s no other way,” umiiling iling na pahayag nito.

“No! That can’t be. Surgery? I read in some article that bone morrow transplant can cure Leukemia.” Muling napailing ang doctor.

“Bone morrow transplant would be too late, kumalat na sa sistema niya ang abnormal cells,” napasabunot siya sa buhok niya. Niyakap ng lamig ang bawat parte ng katawan niya na nanunuot sa kaibuturan ng puso niya.

 

“I am sorry, hijo.” Tinapik siya nito sa balikat saka siya iniwang tigalgal sa hallway ng hindi na nakikipagtalo pa. Napako ang tingin niya sa pintuan ng kwarto ni Julie. Nagtatalo ang isip niya kung papasok ba o hindi. Sa bandang huli ay nanaig ang pagnanais niyang makita ito.

Marahan niyang kinuha ang kaliwa nitong kamay ingat na ingat na hindi ito magising. Hinagkan niya iyon at saka dinala sa kanya pisnge. Gusto niyang madama ang init na hatid ng haplos nito. Baka sa ganoon paraan ay makalma ang kalooban niya.

“Dan…” napatingin siya sa mukha nitong may nakapaskil na munting ngiti. Ngiting lagi niyang baon sa kanyang pagtulog.

“Julie, okay ka lang? Anong gusto mo?” umiling lang ito’t iniwas ang tingin sa kanya. Hinigpitan niya ang kapit sa kamay nito sa takot na baka sa isang kisap ng kanyang mata ay maglaho ito sa kanyang paningin.

“Juls, kung ako ba ang nasa kalagayan mo ng mga panahong iyon pipigilan mo rin akong magpakamatay?” out of nowhere ay nagawa niyang maitanong. Hindi ito agad nakaimik tila nililiming mabuti ang isasagot nito sa tanong.

“Kung ibang tao iyon… Ah, siguro… ewan ko… depende. Pero kung ikaw? Hahawakan ko ang kamay mo’t sabay tayong tatalon sa ganoong paraan ay may makakasama ako. Huwag na huwag mong bibitawan ang mga kamay ko ah baka mawala ako. Kung hawak mo ang kamay ko gaya ngayon hindi ako matatakot dahil kasama kita,” nang pagkakataong iyon ay hindi na niya namalayan ang mga luhang naglalandas sa kanyang mga mata. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang magalit sa nasa itaas pero hindi niya kaya. Natatakot siya lalo lang mahihirapan ang babaeng pinakaiibig niya.

“Uy, pasensya ka na sa sagot ko ah walang kwenta, ang morbid. Joke lang yun,” pilit pa itong tumawa kahit sa gilid ng mata nito ay may nakasungaw na ring luhang nagbabadyang bumagsak ano mang sandali gaya ng isang ulang nakakulong sa makulimlim na ulap.

“Julie, mahal ko huwag mo akong iiwan!” ang impit niyang usal. Muli’y sumilay ang mabining ngiti sa mga labi nito. “Saan ba ako pupunta? Ito nga’t ang higpit ng kapit mo sa akin,” may himig birong wika nito.

“Basta… Basta wag mo akong iiwan, hah?” nagpilit itong umupo’t marahang ginulo ang may pagkakulot niyang buhok.

“Kapag dumating ang sandaling kinakailangang iwan kita gusto ko nasa ilalim tayo ng ulan para hindi ko makikitang maglandas ang mga luhang iyan sa iyong pisnge,” anito. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilan ang bugso ng damdamin. Isinubsob niya ang ulo sa balikat nito’t doon humagulgol na parang bata. Hinayaan lang siya nito doon habang patuloy sa marahang paghaplos sa kanyang buhok.

Nang humupa ang damdamin ay muli niyang ginagap ang kamay nito. “Marry me!” Bakas sa mga mata nito ang pagkagulat, pagkalito at pag-aalinlangan. Ang sa kanya’y determinasyon, pagmamahal at pagmamakaawa. Gusto niyang makasama ito sa mga nalalabing araw nito. Gusto niya mayakap ito sa natitirang gabi nito. Nais niya mapasaya ito’t gawing memorable ang mga sandaling iyon.

“Sandali, Dan baka naman nabibigla ka lang. Ano bang nakain mo?” she attempted to laugh it off pero napalis ang façade na nais nitong ipakita ng hindi man lang siya tuminag sa kanyang posisyon. Nanatili siya nakatingin sa mga mata nito. “Bi-bigyan mo ako ng panahong mag-isip,” muli itong nagiwas ng tingin.

Doon natapos ang kanilang pag-uusap. Halos dalawang araw na itong hindi nagpapakitaa sa kanya. Sa tuwing dadalaw siya sa bahay nito ay itinataboy siya nito ng hindi man lang pinagbubuksan ng pinto. Hindi rin nito sinasagot ang mga tawag at text niya.

Nawawalan na siya ng pag-asa hanggang sa isang text mula rito ang nagpasaya sa kanya.

“Mag-picnic tayo bukas. Pick me up at around 2pm.”

Nagulat ito ng wala pang alas dos ay nasa harap na siya ng apartment nito. Pero hindi na ito nagkomento pa. He let her decide kung saan sila magpipicnic. Habang daan ay wala silang kibuang dalawa ni hindi rin ito tumitingin sa kanya nakatutok lamang ang tingin nito sa labas ng sasakyan.

In less than two hours ay narating nila ang destinasyon nila. Isang breathtaking mini garden park sa Laguna ang piniling lugar ng dalaga.

“Palagi akong nandito dati tuwing weekend bago… bago ako ma-diagnosed with Leukemia,” anito ng nasa entrance na sila ng park. She had that sad look in her eyes that made him want to hug her pero pinigilan niya ang sarili niyang gawin ang nais.

Magsasalita sana siya ng bigla nalang itong humarap sa kanya. “Tell me, gusto mo bang magpakasal sa akin dahil naawa ka sa kalagayan ko o dahil may iba ka pang motibo?” nagulat siya sa tanong nitong iyon kaya agad na hindi siya nakasagot.

“Wala akong ibang motibo at mas lalong hindi ako naawa sayo. Mahal kita, yun lang ang tanging dahilan ko,” he uttered almost breathlessly.

 

Nakahinga siya ng maluwang ng ngumiti ito, a genuine smile. “Then, ask me again if I want to marry you,” utos nito na dagli niyang sinunod.

Like the old fashioned way gasgas na gasgas man ay lumuhod siya sa harap nito’t mula sa likod ng jeans na suot ay kinuha ang panyong inialok din niya noon sa rooftop sa dalaga.

“Will you marry me?”

“Teka sandali, para saan ang panyong iyan?” naguguluhang tanong nito. Binuklat niya ang panyo at sa gitna noon ay nakahimlay ang isang white gold engagement ring. He had it engraved with their names and instead “till death do us part” ay ang mga katagang “For all eternity” ang nakaukit doon. She gasped.

“So, will you marry me?” muli’y tanong niya. Maluhaluhang tumango ito’t yumakap paluhod sa kanya. He held her tightly afraid to let her go. ‘Huwag mo akong iiwan!’ usal niya sa sarili.

“Kiss!” nang magkalas sila mula sa pagkakayakap sa isa’t isa ay may mga audience pala silanng mga bata kasama ang mga yaya ng mga ito. Natatawang pinagbigyan nila ang kahilingan ng mga ito. Napakasaya niya ng mga sandaling iyon.

But like all happiness darating ang pagkakataong may katapusan ang emosyong iyon. It was suppose to be their wedding day sa halip ay nakaratay ang fiancée sa hospital. She fainted habang nagmamartsa papunta sa dulo ng altar kung saan siya naghihintay.

 

She look so pale, so weak. Ang daming nakakabit na kung anu-ano sa katawan nito. He  chose to deny that this will be the end.

Mahigpit ang hawak niya sa mga kamay nito. Kahit anong pilit ng hospital staff na paghiwalayin sila ay hindi siya umaalis sa tabi nito. May pakiramdam siyang kapag nawala ito sa paningin niya ay hindi na niya ito makikita pang muli. Hindi na naman mapigilang maglandas ng mga luha sa kanyang mga mata.

“Julie, natatandaan mo ba? Itong mismong araw na ito tayo nagkita one year ago. Natatandaan mo pa?” wika niya sa basag na tinig. “How can God be so cruel? Isang taon palang kitang nakakasama kukunin ka na niya sa akin. Don’t be like that, hindi ba’t nagpromise ka sa akin? Hindi mo ako iiwan,” tuloy pa rin ang pagdaloy ng luha. Ang sakit ang sakit sakit. Bakit ngayon pa?

“D-dan… Dan asan ka?”

“I’m here. I’m just here hindi kita iiwan.”

“Hin—hindi kita makita? B-bakit hindi k-kita makita ng mabuti?” tarantang tanong nito. Ginagap niya ang kabila nitong kamay ay dinala sa kanyang pisnge. Kumunot ang noo nito. “Y-You’re crying,” gusto niyang batukan ang sarli sa katanghan niya. Hindi na dapat nito nalamang umiiyak siya kung hindi niya ipinatong ang kamay nito sa kanyang pisnge.

“Umu… umuulan ba?” hirap na tanong nito.

“Hindi!”

“Bakit?”

“I-I want t-to be o-outside. I wa-want it t-to rain so I w-wont see your t-tears.”

“You won’t see it. I won’t cry,” pinahid niya ang mga luha sa pisnge. Umiling ito. “I know ka-kahit hindi kita makitang masyado na u-umiiyak ka. M-my heart can feel your pain… can taste your bitter tears. S-so, let’s go outside. D-dalhin mo ako sa lugar kung saan umuulan.” Muling tumulo ang mga luha niya. Why does she have to say does words? It only makes his pain even worse.

“Dito kalang they will treat you. Gagaling ka tapos itutuloy na natin ang kasal.” She let out a deep sigh.

“A-ayaw ko na. I am so tired. I-I’m sorry if I didn’t even make it at the end of the altar. I need you, b-but all I want right now is to rest.”

“You will rest. I will give you time to rest then tomorrow you’ll see malakas ka na ulit as if walang nagyari,” pati sarili niya ay nahihirapan siyang kumbinsihin but he has to try. Ayaw niyang bitawan ang katiting na pag-asang pinanghahawakan niya.

Muli itong umiling. “P-please? Y-you need to let me go!” pagsusumamo nito. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siyang napahagulgol.

 

“Sabi ko sayo huwag mo akong iiwan e. Diba? Diba? Liar… you promise me… I won’t let you go, see…”itinaas niya ang hawak niya ang kamay nitong hawak-hawak, “ Ikaw ang may sabing hindi mo ako bibitawan, e pero bakit ngayon ay gusto mo ng sumuko?” tila batang maktol niya.

“Don’t… don’t cry for me. D-don’t let me see those tears,” Napayupyop siya sa tangang kamay nito.

‘This is pointless, kung pati ikaw nawalan na ang pag-asa. Lord, give me the courage to accept this…’

“Okay, I am letting you go and you won’t even see me cry,” pinahid niyang muli ang mga luha at inumpisahang tanggalin ang mga apparatus na nakabit sa katawan nito, giving her extension to live.

“Sir, anong ginagawa niyo?” tinangka siyang pigilan ng nurse na kapapasok lang. Iwinaksi niya ang kamay nito at pinagpatuloy lang ang nais gawin. Tarantang pinindot nito ang emergency button sa bedside. Pumasok ang isang doctor at tatlo pang medical staff. “Doc, gusto niyang tanggalin ang mga contraption ng patient!”

Umiling ang doctor na siya ring nagsabi sa kanya noon na may Leukemia ang dalaga. “Let him be,” anito saka niyakag na ang staff na lumabas ng kwarto.

Nang matanggal na niya lahat ng nakabit sa katawan ng dalaga ay binuhat niya ito papasok ng comfort room. Tumapat siya sa binuksang shower.

“Now you won’t see me cry,” hirap man sa kalooban niya ay tama nga lang sigurong pakawalan na niya ito. So, she would be at peace.

“T-that’s why I love you, napaka-resourceful mo,” she attempted to joke in her weak voice.

“Shh… just close your eyes and rest.”

Mahabang sandali ang lumipas. Tila kuntento lang silang nakaupo’t magkayakap sa ilalim ng shower. Palalim ng palalim ang paghinga nito. He can’t even feel her pulse.

“When I first met you I thought you’re an Angel,” tila sa sarili niya lang sinabi iyon.

“Y-you did? I-I thought y-you’re my A-angel,” they both smiled.

Deep inside he knows he’s an idiot. Ang dami namang babae sa mundo bakit ito pa ang minahal niya? Bakit yung mamatay na? Maraming bakit, maraming dahilan but his heart chose not to answer nor reason with him. Ito ang pinili niya, ito ang mahal niya that alone is enough. Kahit sa bandang huli… kahit ngayon ang nasasaktan siya dahil sa katangahan niya.

Ilang sadali pa’y lumuwang ang pagkakayakap nito sa kanyang leeg. Siya’y lalong humigpit ang yakap dito. “I-I lo-love y-you…” huling katagang namutawi sa mga labi nito bago lumungayngay ang ulo nito sa kanyang balikat.

Wala na siyang nagawa niyakap niya nalamang ito’t tahimik na umiiyak kasabay ng pagbuhos ng tubig sa kanyang mukha.

His heart is aching. His world had collapsed. But he has to let go… he had to…

The following two tabs change content below.

poeticveela

Latest posts by poeticveela (see all)

Read the rest...


26 Responses

  1. lucylyn cabang says:

    gils

  2. Ailyn Bore says:

    eeeeeeeeeeeeeeee

  3. bernadette says:

    Bgyan nyo ko n gils………gusto kong bsahin to,ala me gils eh,kakajoin ko lng kc s site nto…..

  4. belle says:

    bt puro sad at nkakaiyak ang entry.huhu.

  5. nicah naling says:

    wahhhhh umiiyak nanaman me :O……bakit kasi namatay pa yung girl :O

    pero maganda tong story….hnd ko mapigilan ang aking pag iyak….

  6. darlaine_628 says:

    nakakaiyak naman po to……

    ngayon ko lang nabasa pwo…..

    sa totoo lang umiiyak pa rin ako….tagos kasi ehh…

  7. mane9185 says:

    sa ilalami ng ulan nababasa ako .. joke.. wala kasing gils eh kaya comment lang muna ako hihi

  8. cally23 says:

    ang ganda nya.. kakainis lang di happy ending ganun naman ata talaga di lahat kelangan happy ending..

  9. micato1324 says:

    Nice story, short but captured all aspect!

    MHARLIZ: Thanks for that micato! :)

  10. kyl says:

    WOW GANDA NMAN TALGA,… SANA mka gwa dn ako ng story ,,, pano ba maka gwa ng story dito sa top,,,

    MHARLIZ: Kyl, basahin mo doon sa READ ME ng TOP! :)

  11. cally23 says:

    sana makagawa din ako ng magandang story

  12. abengalmario says:

    tear jerky..nice story..

  13. MizTinz says:

    napaiyak talaga ako ng bongga nito… galing mo talaga pika… :)

Leave a Reply