My Novel, My Love Story

“Bwisit talaga! Nakakainis! Kala mo kung sinong magaling! Napakapangit naman ng mga isinulat niya,” naiinis na wika ni Cheska sa kanyang sarili habang kaharap ang kanyang laptop.

“Sino`ng kaaway mo?” tanong ng kaibigang si Marie na kagagaling lang sa klase nito nang makita siyang nakaupo sa student lounge.

“Ang administrator isang site na pinasukan ko. Kala mo kung sinong magaling sumulat ng novel. Pinagalitan ba naman ako kasi ang dami daw nilabag na rules ang novel na pinost ko? Nakakainis! Porke`t siya ang administrator nito,” nag-aalburutong paliwanag niya.

“Hay naku!” nawika na lamang ni Marie. “Huwag mo na nga lang dibdibin. Eh, sa ganoon talaga ang rules nila. Wala tayong magagawa.”

“Paano naman kasi…sinira niya ang mood ko. Masaya na sana ako kasi maraming may gusto ng novel ko at mas ginanahan na akong ipagpatuloy pa iyon…Tapos ngayon…Naku! Siguro, naiinggit lang siya sa akin,” patuloy pa rin niya.

“Tigilan mo na nga iyan. Kumain na lang tayo,” yaya sa kanya ng kaibigan. DInala siya nito sa canteen.

Habang kumakain, hindi pa rin nawala ang kanyang pagkainis kay LoveStory, username ng administrator ng www.romanticstory.com . Agad siyang nainis nang sabihan siya nito na dapat niyang sundin ang mga rules at

standards sa pagsulat ng mga stories sa kanilang site dahil kung hindi ay ide-delete nito ang kanyang pinost na novel. Unang novel pa naman niya iyon at ilang gabi niyang pinagpagurang i-encode iyon sa kanyang laptop. Isa pa, love story nila iyon ni Michael, ang nag-iisang lalaking minahal niya noon hanggang ngayon. Pero bigla na lamang umalis ang binata at hindi niya alam kung saan na ito nakatira. Kaya mahalaga sa kanya ang novel na iyon. Para talaga siyang nainsulto sa sinabi nito sa site nila. Kaya naman sinagot niya ito kanina ng hindi magagandang mga salita. Alam niyang galit na ito ngayon at malamang na i-ban na siya sa site. Pero wala na siyang pakialam. Ang mahalaga ay nailabas niya ang kanyang saloobin kanina.

“Humanda ka, LoveStory. Ipapakita ko sa iyo kung gaano kalungkot ang site mo kapag nawala ako. Who cares about your standards? You don`t deserve my next novel,” mahinang wika niya sa sarili.

Binuksan niya ulit ang kanyang laptop at binasa ang mga comments sa ibaba ng kanyang novel. Naroon ang comment ni LoveStory.

If you can`t follow our simple rules, then maybe, this is not the right place for you.

Nireplayan niya ito. “This will be the last comment I will post here,” wika niya.

The hell with your rules! I won`t change or delete any single word in my novel to fit your standards. Not even a single dot. You don`t deserve my novels at all. You`re right. This is not the right place for me. Good bye!

Pagkatapos noo`y nag-log out na siya at niligpit ang kanyang laptop. Maya-maya`y nagpaalam siya kay Marie para pumunta sa C.R.. Tahimik siyang napaluha sa loob. Goodbye, romanticstory!

Talagang pinanindigan niya ang pag-alis sa romanticstory.com. Kahit gustong-gusto na niyang mag-log in ulit, pinipigilan niya ang kanyang sarili. Pride na niya ang nagdidikta sa kanya ngayon. Gayunpaman, ipinagpatuloy pa rin niya ang pagsusulat ng mga love story at novel na naiisipan niya.

“Okay, makinig kayong lahat,” wika ng kanilang teacher sa Filipino 1 na si Mrs. Cruz. “May bisita tayo mula sa M&C Printing Press. May sasabihin sila sa inyo kaya makinig kayong mabuti.” Pagkatapos niyo`y pinapasok nito ang mga bisita na nakatayo sa labas. Isang babae at isang lalaki na pawang naka-ID at naka-T-shirt na may tatak na M&C Printing Press ang pumasok at tumayo sa harapan nilang lahat.

“Good morning, guys!” wika ng babae. “As what your teacher said, we are from M&C Printing Press. Maybe only a few of you heard about it or maybe none of you yet. Anyway, we are here to invite you to join our writing contest which is now starting and will be judged next week…”

Nagsimulang magbigay ng mga flyers sa kanila ang lalaking kasama nito.

“ Nakasulat sa flyers ang lahat ng impormasyon tungkol sa contest na ito,” patuloy ng babae. “I`ll give you few minutes read about it. If you have any questions, just raise them.”

Tumahimik ito at hinayaan silang basahin ang nakasulat sa hawak nilang flyers.

Binasa niya isa-isa ang mga impormasyon doon. Nainteresado siya nang mabasa ang tungkol sa premyo ng mananalong entry. Ilalathala ito ng kompanya para sa susunod na buwan kasama ng iba pang nobelang regular na inilalathala nito. May premyo ding pera at victory party para sa nanalong writer kasama ng lahat ng staff ng kompanya.

Maya-maya`y nagtaas siya ng kamay. “I`m joining,” walang kagatul-gatol na wika niya.

“Wow! That`s great,” sagot ng babae. “Sino pa sa inyo ang gustong sumali?”

“Kung sasali si Cheska, siguradong talo na ako agad,” pabirong wika ni Nick.

Nagtawanan ang lahat maliban sa kanya.

“Well, I guess walang gustong kumalaban sa iyo, rito,” anang babae. “Can I get your number? Tatawagan ka na lang namin para sa ibang detalye.”

Pag-uwi niya ng bahay, pinag-isipan niyang mabuti kung ano ang kanyang ilalaban na entry para sa contest na iyon na siguradong makakapagpanalo sa kanya. Nag-search siya ng mga tips sa internet para sa pagsusulat ng

novel. Bigla na lamang sumagi sa isip niya ang romanticstory.com.

“Tama,” wika niya sa kanyang sarili. “Iyon ang ipapasa ko. Maraming may gusto noon. Sigurado, pati ang M&C Printing Press ay magugustuhan ang ginawa ko.”

Ni-review niya ang kanyang ginawa nang novel at sinunod ang format na ibinigay ng kompanya. Ang font style, font size at page set-up lang ang nabago sa ginawa niya. Freestyle naman iyon kaya hindi na niya kailangang i-edit ang laman ng kanyang ginawa. Gumaa din siya ng kanyang resume’ dahil kasama iyon sa requirements. Pagkatapos ma-print lahat, inilagay niya iyon sa isnag folder para ipasa bukas sa staff ng M&C Printing Press na pupunta bukas sa school nila.

“Humanda ka, LoveStory! Kapag nanalo ang entry ko at nailathala ng M&C, ako mismo ang magbibigay ng kopya nito sa iyo,” wika niya at parang baliw na ngingiti-ngiti bago tuluyang natulog.

Ilang araw na mula ng maipasa niya ang kanyang entry. Ngayon ang judgement day ng lahat ng sumali sa writing contest na iyon. Kinakabahan siya. Ipinagdasal niya na sana manalo ang kanyang ginawa. Lord, please. Sana manalo po ako.

Ilang ulit na niyang tinitingnan ang kanyang cellphone. Wala ni isang text o tawag mula sa M&C. Nagsiuwian na lang sila galing sa eskwela, wala pa rin siyang natatanggap na confirmation. Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. Nagmukmok siya sa kanyang kwarto. Hindi pa rin siya mapakali. Hanggang sa pagtulog ay ang cellphone pa rin niya ang kanyang hawak-hawak.

Tanghali na nang magising siya dahil sa ingay ng kanyang cellphone. May tumatawag sa kanya. Hindi

naka-register ang number nito sa kanyang cellphone. Gayon na lamang ang kanyang kasiyahan nang malamang taga-M&C iyon.

“Did I wake you?” tanong ng boses-lalaki sa kabilang linya.

“Hindi naman po,” pagsisinungaling niya.

“I assume wala kayong pasok ngayon dahil Sabado,” anito.

“Opo,” sagot niya. “Bakit po? Nanalo po ba ang entry ko?”

“Kaya nga ako tumawag para ibalita iyon sa iyo…”

“Talaga po?” masaya at hindi makapaniwalang tanong niya.

“Pwede ka bang pumunta sa kumpanya namin ngayon? Alam mo naman siguro ang address namin, hindi ba? Nakalagay iyon sa flyer na binigay ng staff namin sa school ninyo,” anito.

“Sige po. Pupunta po ako, ngayon din. Salamat po.”

Dali-dali siyang naligo at nag-almusal bago umalis. Nagpaalam siya sa kanyang ina na matatagalan ng uwi.

Narating niya ang M&C sa loob ng kinse minutos na byahe ng taxi. Nagpakilala siya sa gwardiyang naroon at itinuro nito kung saan sa loob ang dapat niyang puntahan. Nagtanong ulit siya sa isang staff doon na walang ginagawa at sinamahan naman siya nito sa isang silid kung saan naghihintay sa kanya ang in-charge ng contest.

Biglang napalis ang kanyang kasiyahan nang makitang hindi lang staff kundi mga contestants din ang naroon sa loob ng silid na iyon. Wala rin siyang narinig na surprise greetings o kahit malakas na “Congratulations!” mula sa kanila. Ano`ng ibig sabihin nito?

“Take your seat, Miss Ordonez,” pormal na wika sa kanya ng lalaking naroon. Palagay niya iyon lang ang staff doon. Hindi rin niya masabi kung ito ba talaga ang may-ari ng kumpanya.

Noon lang niya napansing may kanya-kanyang computer na kaharap ang mga naroon maliban sa lalaking nagsasalita na nakatayo sa gitna. Naupo siya sa bakanteng upuan an sadyang nilaan para sa kanya.

“Okay,” nagsalita ulit si Jerry. “By the way, I`m Jerry. Siguro iniisip ninyong naliligaw yata kayo, but you`re not. Your entries have been judged yesterday and have entered the top five. Congratulations for that…”

Kanya-kanyang react ang iba maliban sa kanya. Seryoso siyang nakikinig at naghihintay sa sususnod na sasabihin nito.

“All of your entries are great, but we will only print one—the best of the best entries. Isa pa, we have observed that all of your entries does not fit perfectly to our printing standard…”

“But we followed your given format,” reklamo ng isang babaeng katabi niya.

“I know. Pero kung ilalathala namin ang isang entry, dapat naming sundin ang printing standard ng kompanya,” sagot nito.

“Bakit hindi ninyo inilagay iyon sa format na binigay ninyo?” malamig na tanong niya.

“Kung nilagay namin iyon, it won`t be a freestyle anymore,” sagot ng kapapasok na lalaking naka-shades. May dala itong mga folder.

“Sir…” usal ni Jerry at bahagyang yumukod para magbigay galang sa lalaking ito.

“I`ll handle it, Jerry,” wika nito bago pinalabas ang binata. Bumaling ulit ito sa kanya. “You must be Cheska?” tanong nito bago inabot sa kanya ang isang folder. Ganoon din ang ginawa nito sa apat pang iba. “The final judgement will be after this.”

“But you were judging our entries not only based on the criteria that you have given but also based on your printing standard, right?” tanong ulit niya.

“Printing standard is already part of technicalities,” sagot nito. “Iyan iyong entries ninyo,” tukoy nito sa folder na ibinigay nito. “Nariyan din ang ‘printing standard’ ng kompanya. Your new entries will be judged according to the same criteria already given to you, after you follow the new format.”

“Don`t you think it will affect the content and essence of the story?” matigas na tanong niya.

“That`s your challenge, Cheska,” sagot nito. “How well can you convey your story to everybody in just… twelve chapters?” nakangiti pa ito na parang hinahamon siya. “You can use the computers to encode your entries and print it afterwards,” itinuro nito ang printer. “Then pass it to me.”

Biglang uminit ang kanyang dugo rito. Naaalala na naman niya si LoveStory. May similarities ang dalawa. Parehong mayabang ang dating. Hindi lang niya alam kung babae o lalaki ang taong iyon, o kung tao rin ba iyon o robot. Isa pa, kung tawagin nito ang kanyang pangalan, para bang close na close sila.

“You may now begin. Goodluck,” anito sa kanila. Naupo ito sa harapan nila.

Nagsimulang mag-type ang kanyang mga kalaban niya sa contest. Nakaharap lang siya sa computer at walang ginagawa. Kinuha niya ang folder at binasa ang nakasulat na bagong format. Nakakunot ang kanyang noo habang binabasa iyon. Kumukulo ang kanyang dugo sa inis. Kailangan niyang i-edit ang kanyang ginawa para bumagay sa format ng kompanya. Nagtatalo ang kanyang isip. Kapag sinunod niya ang format nito, para na rin niyang kinain ang kanyang sinabi kay LoveStory na wala siyang babaguhin ni isang salita sa novel niya—kahit isang tuldok.

Kapag hindi naman niya ito sinunod, madi-disqualified siya sa contest na ito. Either way, she loses.  Aling pride ang susundin niya?

“By the way, you only have one hour and thirty minutes left,” maya-maya`y wika ng bintang nakaupo. “If you think, you can`t or don`t want to do this, you are free to give me back the folder and leave this room.”

Alam niyang siya ang pinariringgan nito. Maya-maya`y tumayo siya dala ang kanyang folder at ibinigay iyon sa binata.

“I`m not gonna change any of it to fit your standard. Not even a single dot,” wika niya.

Napahinto naman saglit ang apat sa ginagawa pero nagpatuloy din.

“Well, then,” nakangiting sagot ng binata nang tanggapin ang folder. “You made your choice.”

“It`s not stated in your rules that the new entry is a revision of the old one, right?”

“Yeah?” nakataas ang isang kilay nito.

“Thanks,” nakangiting sagot niya.

Imbes na lumabas siya, bumalik siya sa kanyang upuan at nagsimulang mag-type nang napakabilis. Mula sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niyang napailing ang binata sa ginawa niya.

“Thirty minutes,” wika ng binata.

Isa sa kanila ay nagsimula nang mag-print ng kanyang entry at ipinasa iyon sa binata.

“Thank you,” sagot naman nito. “You may go back to your seat.”

Sumunod na ring matapos ang iba. Ilang minuto pa ang natitira. Malapit na siyang matapos sa ginagawa. Ibang kwento ang kanyang sinulat bagama`t kapareho ito nang konti sa una niyang ginawa. Iniba niya ang settings at characters. Si LoveStory ang kanyang iniisip habang sinusulat iyon kaya naging kwento nila ni LoveStory ang kanyang bagong entry. Nilagyan niya iyon ng mga twists. Sinali pa niya ang nakakainis na binatang nasa harapan niya ngayon. In-imagine niyang si LoveStory at ang lalaking ito ay iisa na nainlove sa kanya. Siya naman daw ay unti-unting nahuhulog  sa binata. Bigla siyang natawa dahil kabaligtaran sa tunay na buhay ang kwentong kanyang sinulat.

“What`s so funny, Cheska?” tanong ni binata nang mapansin siya.

Biglang napalis ang kanyang ngiti nang marinig ang boses nito na tinatawag ang kanyang pangalan. “Wala po,” sagot niya at lihim na umismid. Suplado!

“Two minutes,” wika ng binata.

“I`m done,” sagot niya at tumayo para i-print ang ginawa. Ipinasa na niya ito at bumalik sa kanyang upuan.

“Thank you, contestants. You`ve done a great job,” wika ulit nito sa kanila. “By the way, I`m Michael,” inalis nito ang shades. “I`m the owner and editor-in-chief of this company.”

Gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang makita nang buo ang mukha nito na wala ang shades. Hindi siya maaring magkamali. At ang pangalan nito. Kahit alam niyang maraming magkapareho ng pangalan sa mundong ito, hindi siya maaring magkamali. Si Michael niya noon at ang Michael na kaharap niya ngayon…

“We`ll let you know the results. That`s all,” patapos na wika nito.

Nagmamadali siyang lumabas sa silid na iyon. Pagkalabas niya ng building, pumara agad siya nang taxi para umuwi.

“Hindi. Hindi maaari. Kung siya talaga si Michael, wala na akong mukhang maihaharap sa kanya,” mahinang wika niya sa sarili habang sakay ng taxi. “Shit,” napamura siya. “Sana umalis ka na lang kanina, Cheska. Sana nagpa-disqualified ka na lang.”

 

“Dapat nga masaya ka at nakita mo na siya ulit,” sagot ni Marie nang ikwento niya ang tungkol kay Michael. “Nakilala ka ba niya?”

“Ewan ko,” sagot niya. “Hindi ko alam. Hindi ko rin sigurado kung siya iyon.”

“Kung siya talaga iyon at binasa niya ang novel mo, alam na niya na hanggang ngayon mahal mo pa rin siya,” sagot nito.

“Iyon na nga, eh. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya kung siya nga iyon,” sagot niya.

Maya-maya`y isang tawag ang kanyang natanggap mula sa M&C.

“Miss Ordonez, congratulations. Kayo po ang nanalo sa writing contest namin. Please come to your victory party tonight at eight. Thanks,” iyon lang at pinatay na nito ang linya.

“Ano`ng sabi?” tanong ni Marie.

“Nanalo ako at may victory party para sa akin mamayang gabi,” mahinang sagot niya.

“Talaga?” masayang tanong ng kaibigan.”Bakit parang hindi ka masaya?”

“Nahihiya na akong makita niya ulit,” sagot niya.

Gayon na lamang ang pagkagulat niya nang makita ang isang box sa ibabaw ng kanyang kama. Nang buksan niya iyon, isang napakaganda at napakagarang gown ang tumambad sa kanya.

“Inihatid iyan dito kanina ni Michael para sa iyo. Isuot mo raw iyan sa victory party mo at susunduin ka niya rito. “Congratulations, anak,” wika ng kanyang ina na nakatayo sa pintuan at lumapit sa kanya.

“Michael? Sa M&C?” tanong niya.

“Oo. Si Michael na kuya-kuya mo noon. Nagkwentuhan nga kami kanina bago siya umalis,” sagot nito.

Ang tadhana nga naman kung magbiro. Ngayon, hindi na niya alam kung ano ang gagawin o sasabihin kapag pumunta ito rito mamaya para sunduin siya.

Mag-aalas siyete na, hindi pa rin siya kumikilos. Maya-maya`y dumating si Michael.

“Anak, andito na si Michael. Magbihis ka na,” tawag ng kanyang ina mula sa baba.

Sumilip siya mula sa pinto ng kanyang kwarto. Nakita niya ang binata na bihis na bihis at kausap ng kanyang ina.

“Okay lang po iyon, Tita. Maaga pa naman po,” narinig niyang wika nito.

Bumalik siya sa loob at bumuntong-hininga. Bahala na. Naligo na siya. Nakaharap siya sa salamin habang suot-suot ang napakagandang damit na binigay ni Michael para sa kanya.

Napanganga ang binata nang bumaba siya. Hindi nito inalis ang tingin sa kanya. Bigla naman siyang na-conscious.

“Wow! You look so great,” puri nito sa kanya.

“Thanks,” tipid na sagot niya.

Sa isang hotel ginanap ang party. Naroon ang lahat ng staff ng M&C pati na ang apat na contestants na kasali sa top five. Bigla na namang napalis ang kanyang ngiti. Ano na naman ito?

“Don`t worry. You`re the real winner. I just invited them here,” wika ng binata nang mahulaan ang kanyang iniisip.

“Ladies and gentlemen,” wika ng emcee. “The winner of M&C Printing Press`s Writing Contest Miss Cheska Ordonez!”

Nagpalakpakan ang lahat nang tawagin nito ang kanyang pangalan. In-escort-an siya ni Michael papunta sa stage.

“First, I would like to thank God for the gift He has given to me, wika niya. “Next, I would like to thank all the staff of M&C Printing Press for this opportunity and privilege tonight. Thank you so much for believing in my talent. Hindi ko in-expect na mananalo ang entry ko dahil hindi  ko iyon pinag-isipang mabuti. Basta ko na lang naisip na iyon ang isulat. Anyway, thank you at nagustuhan n`yo pa rin iyon. Thank you.”

“Cheska, may tanong ako,” wika ng emcee. “Bakit ka sumali sa writing contest na ito? I mean who is your inspiration or motivation, etc. para sumali ka rito? Sabi ni Naomi, hindi ka raw nagdalawang-isip na sumali nang ibigay nila ang flyer sa iyo.”

“Inspiration si Michael, ang kaibigan ko noon. Motivation, si LoveStory,” sagot niya.

“Wait,” anito na parang naguguluhan. “Iba ang iyong inspiration at iba rin ang iyong motivation. Really? Unahin natin itong si inspiration. He`s the same name with our head. Ano`ng meron kay Michael?”

“Actually, he and your head is the same person. Magkaibigan na kami noong nasa probinsya pa kami. Nagkahiwalay kami nang lumipat sila nang tirahan at hindi ko alam kung saan. Nalaman ko lang na siya pala ang head ng kompanya ninyo pagkatapos ng finals,” sagot niya.

“Woah. May makulay na past pala itong si Sir Michael,” wika uli nito. “Well, we all have read your novel and it was great. Kaya walang bias na nangyari, if that`s what you were thinking after discovering his real identity.”

“Thank you,” nakangiting sagot niya. Pakiramdam niya ay nasa presscon siya.

“Let`s now talk about this motivation of yours. Sino si LoveStory?” tanong ulit ng emcee.

“He or she is the head of www.romanticstory.com, isang site ng mga iba`t ibang writers at readers ng mga romantic novels. I got pissed when he told me to edit my novel para bumagay sa standard nila. I know it`s a selfish and childish act but I did not do anything. Inisip ko kasi na baka naiinggit lang siya sa akin dahil mas marami ang nagko-comment sa akin kesa sa kanya. Umalis ako bilang member ng site. Sinabi ko sa sarili ko na patutunayan ko sa kanya na magaling ako at maganda ang mga novels ko kahit hindi pasado sa standard niya.”

“That`s why you did not really edit your old entry para sa final judging. Instead, you made a new one,” wika ng emcee.

“Yeah. Pakiramdam ko talaga kaharap ko siya nang mga sandaling iyon,” sagot niya.

“What`s so special about this novel? This old entry?” patuloy na tanong nito.

“It`s my love story. Kapag may binago ako ni isang salita roon, pakiramdam ko hindi na akin iyon,” sagot niya.

“That`s enough, Kyla. Let her enjoy her night,” awat ni Michael.

Nagpalakpakan ulit ang lahat nang bumaba sila ng stage. Bumati ang mga ito sa kanya.

Masayang-masaya siya ngayon. Pakiramdam niya`y nakalaya na siya kay LoveStory. Isa pa, nakita na niya ulit si Michael. Parang nagkakatotoo ang mga isinulat niya sa kanyang novel.

“Changing your novel will change your fate. Was that what you wanted to say awhile ago?” tanong ni Michael sa kanya nang magsayaw sila.

“Siguro nga,” sagot niya. “May sentimental value na sa akin ang novel na iyon kaya ayoko siyang baguhin.”

“At iyon ang ikinagagalit mo kay LoveStory? Hindi dahil sa mga rules niya?”

“Kaya ko namang sumunod sa mga rules at standard ng kahit anong kompanya or site para sa mga nobelang isusulat ko. Hindi ko lang talaga kayang gawin iyon sa isang ito.”

“Pwede ba tayong mag-usap nang tayong dalawa lang?” tanong ng binata.

Tumango lang siya. Dinala siya nito sa ginawang garden ng hotel na iyon. Naupo sila sa swing na naroon.

“Cheska, may gusto sana akong sabihin sa iyo. Huwag ka sanang mabibigla,” nag-aatubiling wika nito.

“Ano iyon?” tanong niya na kinakabahan.

“I am LoveStory,” diretsong sagot ng binata. “Ako ang administrator ng romanticstory.com.”

“Really?” hindi naniniwalang tanong niya. Hindi niya alam kung matatawa o magagalit sa trip nito.

“Totoo ang sinasabi ko,” kumbinsi nito sa kanya.

“So, what do you mean by all of these? You made all this contest stuff dahil alam mong sasali ako? Gusto mong gumanti sa akin dahil sa pang-iinsulto ko sa iyo sa site?” galit na tanong niya rito.

“No. That`s not it,” katwiran ng binata. “Totoong lumabag sa ibang standards at rules ng site ang ginawa mong novel. Pero …I don`t know how to explain it…”

“Then don`t explain it. I don`t need your explanation at all,” galit na turan niya at iniwan ang binata roon.

Bumalik siya sa reception para kunin ang kanyang bag bago umalis.

“Cheska, sandali!” tawag ni Michael habang hinahabol siya. Nagtaka ang mga naroon.

Inabutan siya ng binata sa labas ng hotel.

“Cheska, makinig ka muna sa akin, please,” pigil nito sa kanya.

Huminto siya at nilingon ito.

“Inaamin ko, ginawa ko ang contest na ito dahil alam kong sasali si BabyGirl. Gusto ko siyang hanapin pagkatapos niyang mag-reply sa comment ko. Gusto kong makilala kung sino ang taong sumulat ng novel na iyon na sinali ang pangalan ko at ang pangalan ng babaeng mahal ko. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit niya kami kilala at bakit niya alam ang lahat ng tungkol sa pinagdaanan namin. Gusto kong malaman kung bakit ayaw niyang baguhin ang sinulat niya. Gusto kong malaman kung alam niya kung nasaan ang babaeng minamahal ko hanggang ngayon,” mahabang paliwanag nito.

“Ngayong nahanap mo na ako, ano ngayon ang balak mong gawin?” naluluha sa tuwang tanong niya.

“Gusto kong sabihin kay BabyGirl na hindi ako galit sa sinabi niya sa site at kay Cheska na mahal na mahal ko siya mula noon hanggang ngayon,” sagot nito.

Bigla niyang niyakap nang mahigpit ang binata. Niyakap din siya nito.

“Mahal na mahal din kita, Michael,” wika niya. “Mahal na mahal ka ni Cheska.”

Maya-maya`y nakarinig sila ng maugong na palakpakan sa kanilang likuran. Lumabas pala ang mga nasa reception at sinundan silang dalawa.

Nahihiyang kumalas siya kay Michael. Pinahid ng binata ang kanyang mga luha at hinalikan siya sa labi. Lalong lumakas ang palakpakan ng lahat.

“Bumalik na tayo sa loob,” wika nito nang hiwalayan ang kanyang labi.

“Mabuti pa nga,” sagot niya. “Nakakahiya rito sa labas.”

“By the way, M&C stands for Michael and Cheska,” bulong nito sa kanya.

The following two tabs change content below.
Just read my stories and you`ll know who I am.

Latest posts by Anjustin (see all)

Read the rest...


43 Responses

  1. Cute Salvacion says:

    Weh…. mabasa nga to..

  2. Cute Salvacion says:

    Hhhhhhnm mabasa nga to..

  3. aket says:

    Wanna read this story but no gils

  4. Ailyn Bore says:

    nice story

  5. kateykitkat says:

    ganda !!!!!!!!!

  6. shucks! is it me or parang may similarities short story na ito sa pinagdaanan ko noon? and i’m not joking po, ha? the one i posted on /talk is actually the memories that i had in high school… especially the flashbacks there. i only changed a few names pero iyong mga events po doon sa flashbacks ay totoong nangyari sa akin. so basically, based on real life iyong mga events na iyon. just like cheska in this short story, hindi ko mai-let go iyong memories kaya sinulat ko na lang para may mabalik-balikan ako.

    hehe! drama mode na naman po pala ako. sorry.

    i love this one short story… for the reason na sobrang naka-relate po ako. :)

  7. renzmharie says:

    Ang sweet ni Michael… Nakakakilig

  8. doves says:

    I searched it already but can’t find the teaser..if walang teaser so meaning, short story po ba to?

  9. doves says:

    saan ba makita ang teaser nito? pls help me naman po….

  10. pretty hanzkie says:

    kakakilig super :)) nice one author !

  11. janet says:

    Cant wait to read the whole story!

  12. Anjustin says:

    maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsusubaybay sa mga kwento ko kahit ilang ulit ko na tong na-post sa bawat site ng TOP. thank you po!

  13. Ronnelyn says:

    Kkakilig at mganda ang story…..

Leave a Reply