Fate (Short Story)

 

May mga bagay at pangyayari sa mundo na mahirap ipaliwanag…

Mahiwaga…

Gaya nalang sa pag-ibig…Kung minsan may mga bagay at pangyayari na hindi natin maintindihan…

Nagkataon lang ba?O sadyang itinadhana?

Magulo,nakakatakot.

But when it comes to love?

We should never stop loving…

We should never stop believing…

Because if it’s meant to be,it will be.

That’s what fate is.

~ ~ ~

“Never stop loving..Never stop believing..Because if it’s meant to be,it will be.That’s what fate is…”

~ ~ ~

Ako si Alex,madalas akong tahimik dahil gusto ko mag isa lang ako sa sarili kong mundo.Mahilig ako sa anime,sa ballad at romantic na music,at naniniwala ako sa mga destiny at love story.

Oo, aminado naman ako e. Kumpara sa ibang lalake na makikila mo,weird ako.May isa pa kong katangian na di ko alam kung nakakatuwa ba o nakakatawa.Selfie addict ako.Nabasa mo yun ng tama, selfie addict ako.Gusto ko kasi na kada pangyayari sa buhay ko e makukuhanan ko ng litrato,remembrance kumbaga.

 

Bukod sa weird na ako,e may nangyayari pang weird saken.

 

Nagsimula to nung bata pa ako,seven years old siguro ako nun.Madalas ako makapanaginip ng isang babae,maganda.Gabi gabi dinadalaw nya ako sa panaginip ko.

Nung bata pa ko,madalas kami maglaro sa panaginip ko.Pero habang nagbibinata ako,nagdadalaga na din yung babae na madalas sa panaginip ko.

At habang tumatagal at habang lumalaki kaming dalawa,lalo syang gumaganda.

Sayang nga lang dahil sa tuwing tatanungin ko na ang pangalan nya,nagigising na ako bigla.

 

Medyo creepy,siguro…Pero alam mo ba kung ano yung weird? Sa tingin ko,nai-inlove na ako sa babae sa panaginip ko.

 

Parang sa teleserye diba?

 

Gusto ko sya hanapin,matagal na.Pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula dahil hindi ko naman alam ang pangalan nya at ni hindi ko nga sigurado kung totoo o nag e-exist ba sya sa mundo.

 

February 2011 nung magbakasyon ako sa bahay ng tita ko sa Laguna.Seven years old ako nung huling makapunta ako dito.

 

Isang hapon,nakatambay ako sa tapat ng bahay ng tita ko.May mahabang kahoy na upuan sa harap ng bahay nila tita,sa bahay nakaharap yung upuan,kaya naman nakatalikod ako sa kalsada..Dahil matagal na ng huli akong makapunta dito at gusto ko ng remembrance,naisipan kong magselfie.

 

Tumigil na ako nung nakalimang shots na ako,baka naman mapaghalataan na masyado na selfie lord ako,hehehe..Isa isa kong tinignan ang mga pictures na kuha gamit ang phone ko.

 

The first four pictures was great. I mean,I look great (lol) pero the last one caught my attention.

 

Pakiramdam ko literal na napalundag ang puso ko.Tinitigan kong maigi ang picture at zinoom ko para makita ko ng maayos.

 

.

 

.

 

.

Sya nga!

 

Luminga linga ako sa paligid pero wala na.

 

“Jon,kilala mo ba to?” Tawag ko sa pinsan ko sabay pakita ko sa kanya ng kuha kong litrato.

“Oo kuya,ikaw yan e” natatawang sabi ng pinsan ko matapos nya makita ang selfie ko.

“Sira!” Binatukan ko naman agad sya at zinoom ko ang picture. “Eto oh” at ipinakita ko ulit sa kanya ang phone ko.

“Hala kuya?Baka multo? Pero parang pamilyar sya ah” Tinitigan nya ng maigi ang babae na nasa picture ko.Nakatayo ito sa gilid ng kalsada na nasa likod ko.

“Gusto mo ipagtanong ko sa mga tropa ko?” Tumango naman ako at hinablot na ni Jon ang cellphone ko tsaka nagtatakbo sa labas.

 

Hindi ako maaring magkamali,sigurado akong sya yun…Nagtimpla muna ako ng kape habang hinihintay ko ang pinsan ko.Ilang minuto din ang lumipas pero wala pa din si Jon.

 

 

“Alex…hanapin mo ko.Alex…”

 

 

 

“Huy kuya Alex!”

“Mmmmm” tugon ko ng maramdaman kong may yumuyugyog saken.

“Kuya Alex!” Malakas na sigaw ni Jon,agad naman akong napabalikwas.

“Nakatulog ka na dyan”Panaginip nanaman. Napanaginipan ko nanaman sya.At gusto nyang hanapin ko sya?

“Jon,anong balita? Kilala ba ng mga kaibigan mo yung babae?”

“Kuya, sabi ng kuya ng kaibigan ko,naging kaklase nya daw yan dati.Pero wala na daw syang balita kasi tatlong buwan na daw mula nung huli syang pumasok,bigla nalang daw yan nawala e” Pahayag ng pinsan ko.

“Ganun ba? E alam ba nya kung saan nakatira?” Kailangan ko syang hanapin.

“Oo kuya,eto ang address oh” May iniabot sya saking maliit na papel.

“Ah eh Jon,alam mo ba kung saan to?”

“Sa kabilang baryo yan kuya”

“Samahan mo naman ako bukas oh” Magdidilim na din kasi kaya mas ok kung bukas nalang.Pansin ko naman na parang nag aalangan pa ang pinsan ko.

“Wag ka mag alala,ako ang magpapaalam kay tita” Bigla namang nabuhayan ang mukha ni Jon.ayos!

“Osige na nga kuya.Bakit ba kasi?Love at first sight ba ang peg mo?” Natatawang tanong nya. Tumawa nalang din ako.

 

 

Nung naghahapunan na kami,nagpaalam na ako kay tita tungkol sa lakad namin ni Jon. Luckily,pumayag sya.Dun ko na din naikwento sa kanila kung bakit ako interesadong mahanap sya.

 

Kinabukasan,maaga akong gumising at nag asikaso.Ito na ang araw na makikita ko sya.Habang nasa jeep,hindi ko na alam ang mararamdaman ako.Kinakabahan ako,at the same time excited.Pakiramdam ko isa akong fanboy na excited makaharap ang idolong mahal nya na sa panaginip nya lang nahahawakan at nakakasama.

“Kuya, ngiting ngiti ah?” Pang aasar ni Jon.

“Sira,oo nga pala,ano nga palang pangalan nya?”

“Eh hehe. Kuya, nakalimutan ko kasing itanung e” Sagot nya sabay sheepish smile.

 

Pagkababa namin ng jeep,agad namin pinagtanong kung asan ba yung bahay na nasa address na nakasulat sa papel.Isang up and down na bahay na gawa sa kahoy ang napuntahan namin.Eto daw yung bahay na nasa address.

“Kuya, tanungin mo na yung ale” Siniko ako ni Jon at nginuso yung babae na nagwawalis sa labas ng bahay.Tumibok ng mabilis ang puso ko.Eto na…

“Magandang umaga po nay,dito po ba nakatira ito” Sabi ko sabay pakita ng picture.

“Ah oo, bakit iho,sino ba kayo?”

“Ahm.Kaibigan po nya” Pagpapalusot ko.Agad kaming pinapasok ng ale sa bahay.Sa tyanta ko,nasa mid 40s na sya.Malinis at maaliwalas ang bahay pero pansin kong napakatahimik nito.

“Inom muna kayo” Sabi ni Aling Lorna,sya yung ale kanina.Naupo na kami sa sofa.

“Alam mo iho,parang pamilyar ang mukha mo” Sabi nya habang pinagmamasdan ang mukha ko.

“Ho?” Litong tanong ko.

“Teka sandali” Paalam ni Aling Lorna. Hindi ako makasingit at makahanap ng lakas ng loob para tanungin kung asan yung babae.

“Eto oh.Tama,ikaw nga!” Excited na sinabi ni Aling Lorna sabay abot saken ng isang makapal na sketch pad.Binuklat ko ito at nagulat ako sa nakita ko.

 

Mga drawing ng itsura ko mula bata pa ako.At pati na din ang mga lugar kung saan kami nagkikita ng babaeng nasa panaginip ko.

 

“Ako nga,sino po ang gumawa nito?” Namamanghang sabi ko.

 

“Si Alex”

 

“Alex ho?” Naunahan akong magtanong ni Jon.

 

“Oo, si Alex yung anak ko”

 

“Alex din po ang pangalan ng anak ninyo?” Napanganga ako.

 

“Oo iho,bakit?”

 

“Alex din po kasi ang pangalan nitong kuya ko.Naks! Meant to be!” Birong hirit ni Jon.

 

“Asan po si Alex?Andito po ba sya?” Excited na tanong ko.Pansin ko namang lumungkot ang mukha ni Aling Lorna. Napakunot ang noo ko.

 

.

 

.

 

.

 

“Patay na si Alex. Nung nakaraang buwan lang” malungkot na sabi ni Aling Lorna.Nabigla ako at ramdam kong nanlalambot ang mga kalamnan ko.

 

“Pero imposible ho,kahapon lang po kuha yang litrato ko na nakasama sya” Pagmamatigas ko,umaasa akong biro lang ang mga narinig ko kanina.

 

“Impossible nga iho.Kaya nga hindi ako nag alangan agad ng makita ko ang litrato kanina ay pinapasok ko na agad kayo.” Natahimik ako.

 

“Alam mo ba?Simula bata pa si Alex madalas na nyang ikwento na may napapanaginipan daw syang lalaki.Nung bata pa daw sya e bata din yung lalaki,at habang nagdadalaga sya e nagbibinata din ang lalaki sa panaginip nya.Noong una nga akala ko e nagbibiro lang sya,palabiro kasi at masiyahan ang anak ko.Pero nagsimula syang iguhit yang mga yan”Nanatili akong tahimik,ramdam kong may nangingilid ng luha sa mga mata ko.

 

“3months ago ng malaman namin na bumalik ang leukemia nya, at lumala pa.Hindi na nga sya nakapasok nun sa school.Ang sabi nya ikaw daw ang isa sa nagbibigay ng lakas sa kanya, kaya patuloy ka nyang iginuhit kahit pa nanghihina na sya.”

 

Kaya siguro nitong mga nakaraang buwan lagi nya sinasabi sa panaginip ko na yakapin ko sya.

 

“Hinintay ka ng anak ko.Dahil sabi nya,sigurado syang anu man ang mangyari,darating ka.Bago sya mamatay,bilin nya na ibigay ko daw sayo iyan” Napatingin ako sa sketch pad na hawak ko.

 

“Alam mo bang ikaw lang ang lalaking minahal ng anak ko kahit pa hindi ka pa nya nakikita ng personal?”

 

Isa isa kong binuklat ang mga drawing at inalala ang masasayang sandali sa panaginip ko habang kasama ko sya.Wala akong pakealam kung mas lalo akong magmukhang wirdo sa paningin nyo pero nasasaktan ako ng sobra.

 

Napakasakit na malaman na wala na ang taong minamahal mo.Na kahit hindi mo sya nakita at nakasama ng personal e minahal mo sya ng totoo.

 

Ang huling drawing na nasa sketch pad ay yung madalas kong mapanaginipan nitong mga nakaraang araw. Magkayakap kaming dalawa at bakas sa mukha namin ang saya.Napansin ko ang sulat na nasa sumunod na page ng sketch pad.

 

 

Dearest man of my dreams,

Maraming salamat sa pagpunta.Sabi ko na nga ba’t kahit anong mangyari ay hahanapin mo ko.Sinubukan kong hanapin ka.Pero hindi ko naman alam kung paano ako magsisimula.

What happened between us is just so magical.Sa panaginip lang tayo nagkakausap at nagkakasama.Noong una akala ko dala lang yun ng pagiging bata ko,pero narealize ko na totoong nakakasama kita sa panaginip ko.

Hindi ako sobrang sigurado kung nage-exist ka ba talaga sa totoong buhay pero sigurado akong nage-exist ka sa puso ko.

Alam mo bang ikaw ang naging lakas ko nung mga panahon na hinang hina na ako?Pinilit ko hintayin ka pero sorry dahil hindi ko na kinaya.

I know that we are destined for each other.Sure ako dun kahit di pa kita nakakasama ng personal.But I guess,we are not fated to be together.

Sayang nga lang at hindi ako makakapagtake ng picture kasama ka.Hilig mo pa naman iyon,diba?

Ikaw na ang bahala sa sketch pad ko.Puro memories natin ang nandyan.

Thank you for everything. Iloveyou so much!

See you soon,Alex.

 

 

 

Nag uunahang tumulo ang mga Luha ko.

Gusto ko syang yakapin at kausapin pero wala na sya.

Alam kong maraming tao ang hindi maniniwala pero mahal ko talaga sya.

Ganun pa man,maswerte ako dahil kahit papano nakasama ko sya sa panaginip ko.

Marahil tama sya.Maybe we are destined to love each other.But our fate is not to be together.

 

Written by Ferma Tabor (Summerfate)

 

14 thoughts on “Fate (Short Story)

  1. It’s an amazing story. I just really love it nakakatouch. It’s a fantasy, mystery romance story. Saying di sila nagkita personal.

  2. woooow napaka genius mo naisip mo gumawa nitong story. nakakadala sya sobra kahit parang hindi totoo pero madadala ka nya ng buo

  3. Magaling ang writer tama hula ko patay na c girl though I didn’t expect na both of them were dreaming about each other. Maybe it’s destiny???

Leave a Reply