Si Orange (The Pinay Cinderella) 1 by Amor Filia (Now Available)

‘Posible ngang inosente ako, Carlo, pero huwag mo naman sana akong gawing tanga.’

TEASER

book1Nang mamatay ang nanay ni Anastacia (aka Orange) at nagdesisyong muling mag-asawa ang kanyang ama ay tila gumuho ang kanyang mundo. Ang masakit, ang madrasta niya ay kaibigan pang matalik ng kanyang ina, si Tiya Rosa.

Nang tumira ito sa kanila kasama ang dalawang anak na sina Marsha at Hanna ay nagsimula ang kalbaryo sa buhay ni Anastacia. Lumayas ang dalawa niyang kapatid na babae at naiwan siya sa ama. Ang mga dating kanya ay pilit na inaagaw ng step sisters niya pero sa huli ay siya pa rin ang lumilitaw na masama. Pakiramdam niya, pati ang ama ay unti-unti na ring nawawala sa kanya.

Dahil dito ay isang solusyon ang pumasok sa utak ni Orange—ang kunwaring makipagtanan at sumama sa Fine Arts student na si Carlo, ang cute na transferee sa unibersidad na kanyang pinapasukan. Tiyak na mapapansin na siya ng ama. Baka tuluyan na ring iwan nito si Tiya Rosa at mabuong muli ang kanyang pamilya.

Pero ganoon nga kaya ang mangyari o sa halip ay lalo lamang masuong si Anastacia sa isang masalimuot na buhay? At si Carlo, paano niya aangkinin ang puso nitong pag-aari na pala ni Portia kung alam naman niyang simula pa lang ay pagpapanggap lang ang ‘deal’ na tinanguan nito sa kanya?

Heto na po ang book 1 ng SI ORANGE (The Pinay Cinderella Series). Grab your copy now!

Order Now

How to self-publish your works?

Click here

 

 

 

 

 

 

 

 

8 thoughts on “Si Orange (The Pinay Cinderella) 1 by Amor Filia (Now Available)

  1. gusto kung mabasa, lalo na at mukhang may karugtong na story pero matatagalan ko pa itong mabasa wala akong gils. I really love to read, hu, hu hu!

Leave a Reply