PROYEKTO: Eskwela – First Love Dies (POEM)

PROYEKTO: Eskwela

PROYEKTO: Eskwela

 

First day of school, ika nga nila

Ako`y nasa isang tabi nakaupo nang mag-isa

Unang taon ko noon sa sekondarya

Ni isa sa mga kaklase ko`y wala akong kakilala

 

Maya-maya`y may lumapit lalaking bagong gupit

Nakangiti siya sa akin, dibdib ko`y sumusikip

Tibok ng puso`y bumilis, sa upuan ay napakapit

Nang tanungin niya aking pangalan, dila ko`y naipit

 

Frederick ang pakilala ng binatang nasa harapan

Siya ay nagmula sa isang pribadong eskwelahan

Ako nama`y si Ana, ang sagot ko sa kanya

Ikaw ay  aking ikinagagalak na makilala

 

Sa simpleng tagpong iyon, ako`y hindi na natahimik

Ako`y napupuyat, siya`y laging iniisip

Puso ko`y may kakaibang tuwa kapag siya`y nababanggit

Sa pagpasok sa eskwela, ako`y laging nasasabik

 

Musmos na puso`y natutong umibig

Sa binatang kaklase naging kaibigang matalik

Subalit natatakot baka hindi niya tugunin

Ang pag-ibig kong ito`y akin na lamang inilihim

 

Sa paglipas ng panahon, damdamin ay yumabong

Ang simpleng paghanga, pag-ibig na nga nang lumaon

Puso ko`y nagdurusa, bakit di ko magawa

Ang ipagtapat sa kanya itong aking nadarama

 

Ngayo`y nasa ikaapat na taon na kami

Kailangan ko nang sabihin bago pa ang lahat ay mahuli

Isang araw, ako`y nakipagkita sa kanya

Sa aming tagpuan sa ilalim ng punong mangga

 

Subalit walang dumating kahit anino niya

Ako`y nalungkot at labis ang pagtataka

Hindi siya pumasok nang hapong iyon sa klase

Paghihinala ko`y lalo lang sumidhi

 

Lunes ng umaga ako`y nasa loob ng library

Naghahanap ng mababasa para libangin ang sarili

Sa aking paghahanap ako`y may napansin

Nakaipit na papel sa lumang aklat nang aking buklatin

 

‘Dear Melva,’ mga salitang una kong nabasa,

‘Masakit sa akin dahil mahal na mahal kita

Ngunit kung iyon ay iyong nais ay tatanggapin ang tadhana

Hiling ko lang n asana ika`y sumaya sa piling niya.’

 

Napaluha ako matapos basahin ang liham

Biglang kinabahan nang mapansin ang pangalan

Fred ang nilagay sa ibaba ng may akda

Ayokong isipin pero sa kutob ko`y nagpadala

 

Pinuntahan ko ang aming adviser at agad nagtanong

Sino itong Melva at Fred sa nakaraang panahon

Dating magkasintahan, ang sabi ng guro ko

Subalit hindi nagkatuluyan sa huli diumano

 

Ang puso ni Melva iba na ang nagmamay-ari

Labis na nasaktan kaya nagbigti si lalaki

Higit na lumakas ang tibok ng aking puso

Lalo na nang makita ko ang larawan ng lalaking ito

 

Si Frederick iyon, ang aking sinisinta

Ako`y napaiyak napagtantong ako`y tanga

Ako pala`y umibig sa isa nang multo

Kaya ngayon, puso ko`y sugatan at isang bigo.


Ang PROYEKTO: Eskwela ay isang espesyal na handog ng mga manunulat ng TOP sa lahat ng aming mga mambabasa, lalo na sa mga estudyante naming mga miyembro. Ang layon nito ay bigyan sila ng inspirasyon at upang paalalahanan sila na bigyang prayoridad ang pag-aaral bago ang ibang mga bagay. Maaari ka ring makapag-bahagi ng anumang uri ng kontribusyon na makikita mo sa aming mga tinatanggap na kategorya. Pumunta lamang sa SUBMIT page para sa karagdagang impormasyon.

The following two tabs change content below.
Just read my stories and you`ll know who I am.

Latest posts by Anjustin (see all)

Read the rest...


30 Responses

  1. aket says:

    Parang Ang lungkot ng poem na Eto

  2. Hirap talaga kalimutan ang first love noh???

  3. angel.06 says:

    Ganda. Katakot.

  4. garf_75 says:

    sad love story sa poem

  5. margz says:

    nice ang tula ah!!!

    galing mo!

  6. wyn says:

    wow ah! galing!

  7. jjhuls says:

    ngeek…!!!! oh?

  8. Hopeless says:

    shucks! horror! hahahaha

  9. pia says:

    makata din ito ah

  10. anndoot says:

    Aw..

    Hahahaha..
    Multo pla…

  11. anyat11 says:

    Ganda nang tula;)

Leave a Reply