Paglalakbay by Ann Bentulan

Ako’y nagmula sa malayong layon
Nakikipag-sapalaran at nangibang bayan
Iniwan ang bayang pinagmulan
Na saksi ng aking kamos-musan

Dala dala’y pangarap na gustong makamtan
Tibay ng loob ang aking puhunan
Nag lakbay sa malayong lugar na walang kasiguraduhan
Sapagkat gustong maranasan ang kaginhawaan

Sa paglayo, buhay ko ay mas magulo
Di alam ang gagawin, di alam kung saan patungo
Maraming taong nakasalamuha, na ang iba’y nagturo ng masamang bisyo
Nalulong sa alak, sugal at sigarilyo

Aking napagtanto hindi ito ang gusto ko
Pangarap ko’y kaginhawaan at hindi ang bisyo
Ngunit kay hirap talikuran ang mga ito
Pero alam ko panginoon sayo ako’y matoto

Nakilala ka sa panahong, buhay ko ay patapon na
Tinanggap mo ako at iyong inaruga
Tinuring na anak mo at iyong tagapagmana
Buhay ko ngayon ay napakaganda at napakasaya

Sayo ko lang natagpuan ang tunay na kaligayahan
Ikaw ang nagbigay liwanag sa madilim kung kapaligaran
hindi ako mag sasawang ika’y paglingkuran at pasasalamatan
Buhay ko may hindi sapat upang ika’y ay mabayaran
Maraming salamat panginoon sa iyong kadakilaan

May Akda: Ann Bentulan
Ipinadala Noong: Agosto 21, 2016

4 thoughts on “Paglalakbay by Ann Bentulan

  1. Napakahirap talaga ang buhay ng isang OFW. May mga araw na nami-miss mo ang iyong pamilya at wala kang magawa kundi umiyak nalang. Kaya maraming napapariwala na OFW dahil sa lungkot at pangungulila.
    Kudos to the author, maganda ang mensahe na dapat wag tayong magpadala sa mga kalukuhan at manalig lang tayo sa poong maykapal.

Leave a Reply