Masokista

Sabihin mo man na hindi,

Ako sa iyo’y mananatili

Kahit makulitan ka na,

Ako sa iyo’y di magsasawa.

 

Gawin mo man akong alalay,

O kaya’y tagapagbantay.

Sa umaga, tanghali at sa gabi,

Hinding-hindi ka magsisisi.

 

Ihulog mo man ako sa bangin,

At sa mga pating ay ipain.

Magdusa man sa’yo habang-buhay,

Gawin mo man akong pilay.

 

Saktan mo man hanggang gusto mo,

Ayos lang.

Di ako sa’yo maninimdim;

Paningin ay hindi magdidilim.

 

Hindi mo man ako pakainin,

Walang problema.

Mga damit ko man ay sunugin,

Lahat ito ay titiisin.

 

Ipakagat mo man ako sa aso,

Ayos lang.

Pagtingin ko’y hindi magbabago,

Peksman.

 

Ipadala mo man ako sa Iraq,

Hinding-hindi ako iiyak.

Ipaglalaban ko ang aking pag-ibig,

Kahit pa tuhod ko’y nanginginig.

 

Batukan mo man ako oras-oras,

At ibigay sa’kin lahat ng pintas

Hindi ako kaylanman kikibo,

Tatanggapin ito nang buong puso.

 

Ipasok mo man ang ulo ko sa oven,

Iisipin ko na lang na ito ay heaven.

Paglinisin mo man ako ng buong barko,

Isama mo pa pati eroplano.

 

Masama bang ikaw ay mahalin?

Kahit pa nga mundo ay pasanin.

At kahit saan ka man magtago,

Hinding-hindi ka sa akin makalalayo.

 

Pag-ibig ko’y abot hanggang langit,

Kahit puno pa ito ng hirap at pasakit.

Gawin mo na ang lahat sa akin,

Ikaw ay patuloy na mamahalin.

 

July 10, 2006

5:00 pm

9 thoughts on “Masokista

Leave a Reply