Ikaw Parin Talaga

Lagi kong sinasabing ayaw ko na sa’yo,
Na wala ka na sa akin,
Na nakalimutan na kita,
Na hindi na kita hinahanap,
Na wala na akong pakialam sa’yo,
Na hindi na kita iniisip,
Na hindi na kita mahal.

Pero nakakatawa lang isipin na kahit gaano kasang-ayon ang isip ko sa sinasabi ng labi ko
ay ganoon na lang ang pag-kontra ng hangal kong puso.

Dahil kahit ilang beses kong sabihing tapos na ako sa kabaliwan ko sa’yo.

Laging sumusingit ang puso ko at sinasabing,
Kaya mang magsinungaling ng bibig,
Pero hindi ang puso.

10 thoughts on “Ikaw Parin Talaga

Leave a Reply