Huwag Mo Akong Husgahan

Huwag mo akong husgahan,
Sa katotohanang ako’y isang mahirap lamang,
Sapagka’t ako rin ay tulad mo
Na may prinsipyo at dignidad.

Huwag mo akong husgahan
Sa nakikita mong nakakasuklam kong anyo,
Sapagka’t kahit ako’y ganito,
Busilak naman ang aking kalooban.

Huwag mo akong husgahan
Sa kaalamang ako’y isang magdalena,
Sapagka’t ako’y biktima lamang
Ng mapait na kapalaran.

Huwag mo akong husgahan ,
Dahil sa ako’y isang bilanggo,
Sapagka’t ako’y nandirito
Dala ng mga taong ganid sa kapangyarihan.

Huwag mo akong husgahan
Dahil sa udyok ng iyong isip,
Sapagka’t nababasa lamang nito
Ang nakikita ng mga mata.

Unawa at pagmamahal
Ang sa aki’y ipadama,
Sa halip na ako’y,
Iyo lamang husgahan.

by emmalyn lepiten

7 thoughts on “Huwag Mo Akong Husgahan

  1. Sa buhay natin di tlga natin maiiwasan ang mga taong mapanghusga at mapanglait!!! kung makahusga ay Kala mo kung sino nang perpekto d man lng tinitingan muna ang sarili kung wla ding bang maipintas ang iba..
    Ang feeling kasi nila sa sarili ay perpekto at mas lamang pa sa hinuhusgahan nila d nila alam na mas mababa pa sila dhil wala silang alam kung ano ang salitang “respeto”!!

  2. “Huwag mo akong husgahan…” tama… pero sa katotohanan, hindi natin mapipigilan ang mga tao sa paghusga. Hindi pa man sila nagsasalita pero nanghuhusga na ang isip nila. Maraming pagkakataon na “isa” ako sa mga milyon-milyong mga taong nanghuhusga, dahil sa nakikita ko at sa kung ano ang alam ko… hindi ko mapigilan pero sinasarili ko na lang o kaya naman sinasabi ko sa sarili ko, “Huwag. Hindi tamang manghusga ka. Kung husgahan ka man, hayaan mo na lang din. titigil din yan at magsasawa.” – “just me talking… :)”

Leave a Reply