HOTSEAT: Rosanna Leonidas

Login or Register to use your gils to read this post! You can earn gils by registering for an account, leaving a comment, subscribing in our newsletter, participating in our social media events, making us a fansign, having a good great in school, telling us if it's your birthday, reporting a bug and many more!
Read "HOW TO EARN GILS" for more information about our virtual point system.
Read "HOW TO EARN GILS" for more information about our virtual point system.
 

66 thoughts on “HOTSEAT: Rosanna Leonidas

  1. hi siszy…
    gusto kong malaman kung anong mga pananaw mo sa mga usaping ito,,since sa edad na 17 aware ka na sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa,,,^_^

    > Bakit kaya may tao na nakakagawa ng masama sa kanilang kapwa?
    > May pagasa pa ba kaya ang ating bansa na masolusyonan ang trapik sa EDSA?
    > Pabor ka ba RH Bill?
    > Kung makakagawa ka ng isang himala ano ito?
    > Nakakaboto ka na hindi ba? sa darating na halalan paano ka makukumbinsi ng isang kandidato na iboto mu siya?
    > Sa mga karahasan ngayon tulad ng pagpatay, pagnanakaw, pagrarape sa mga kababaihan sa kamaynilaan na napapanood natin sa balita? natatakot ka na bang tumuntong ng maynila?
    > Bilang isang kabataan ano kaya ang pwede mong gawin para sa bansa?
    > Alam natin na may iba’t-ibang personalidad ang tao, sa mga nakasalamuha mu na anong pinakamahirap pakisamahan?

    eto ang pinakamahirap na katanungan ko sayo:

    Ano ba talaga ang flavor ng bear brand?
    gatas na choco o choco na gatas?

    hahaha,,,^_^

    1. Ehem ehem ehem,,

      >. Sa totoo lang siszy hindi ko alam, Kasi minsan may mga taong magawa lang ang nais nila ay masaya na sila so kaya ganun sila.
      >. Siguro kapag ako na ang naging bagong presidente.. hahaha
      >. Siguro ako oo.
      > Kung nakakagawa ako ng isang himala, Siguro ang himalang gagawin ko is lahat ng bansa ay pantay pantay, Nakapa unfair kasi ng mundo eh..
      > Hindi pa ako nagboboto! Siguro para makumbinsi nila ako na ibuto ang isang kandidato sa susunod na halalan ay dapat kailangan niyang sundin kung ano ang ipinangako niya.
      > Hindi naman kasi syempre hindi naman siguro sa kamaynilaan lang nangyayari ang ganyang bagay so bakit naman ako hindi na pupunta ng maynila.
      > Bilang isang kabataan siguro ang kaya kong gawin sa bansa ay ipakita na hindi por que kabataan ka palang ay hindi muna kailangan maging responsable sa lahat ng bagay,,
      > Sa lahat ng taong nakakasalamula ko or nakilala ko ang mahirap pakisamahan na ugali ng tao is ung kailangan mo munang sabihin na tulungan ka sa ginagawa mo e halata namang needed mo ang tulong, saka marami akong ayaw na ugali ng tao. ako kasi practical pagdating sa mga bagay bagay, expect love, Ayaw ko ung ugali na nasa harap mo ang isang tao ang ganda ng ipanapakita niya sayo but kapag wala kana sa harap niya kabaliktaran na lahat ang sasabihin niya tungkol sayo, Ok lang naman na sabihin ng harapan kung masama ang loob ng isang tao sayo, Mas taggap ko un kasi ganun ako eh, harapan ko talaga sinasabi na ayaw ko sa kanya, naks haba ah,, marami pa akong ayaw sa isang tao.. pero next time nalang ung iba mahirap mag type eh,,

      Ehem mahirap nga ito siszy,,

      > Sabi ng kapatid ko kasi tinanong ko sa kanya kung ano nga ba talaga ang flavor ng brea brand na yan,, Sabi niya sa akin choco na gatas at gatas na choco,, ahahahaahha,,

  2. hi bunso 🙂 yan tawag ko sayo ok lang? batang-bata kasi dating mo sa akin eh:)
    napadaan ako dito…tyming at ikaw pala ang nasa HOTSEAT ha? puwes makatanong nga…(Meh ganun???) wahahhaa
    1. WISH
    a. Anong wish ang gusto mong matupad this xmas?
    b. Anong wish ang naibigay na ni papa God sayo?
    c. ANong wish mo sa sarili, pamilya, mga pilipino at sa buong mundo? hahaha
    ( Libre lang mangarap,,kaya wish ka na 🙂

    2. LOVELIFE
    a. Mga katangiang hinahanap mo sa isang guy
    b. Mukha o kalooban?Anong mas matimbang sayo?
    c. Anong ideal age ang gusto mong magkaroon ng bf?

    3. UNFORGETABLE MOMENTS
    a. Nakakatawa , example pls.
    b. Nakakalungkot, example pls.
    c. Nakakakilig, example pls.
    d. Nakakatakot, example pls.
    e. Nakakahiya, example pls.

    ….tatlong questions muna…isip2 pa ako ng susunod..wahaha…stay young…bubbly and pretty bunso:) thanks nga pala sa suporta mo sa novel ko..mwah…God bless. Love love love 🙂

    1. Hi ate 🙂 ok lang po un 🙂 Salamat ate at napadaan ka. hahahhaaha..

      1. Wish.
      a. Wish this xmas is sana mapatawad na ako ng pinsan ko sa kasalanang hindi ko ginawa. at sana this xmas ay kumpleto kaming pamilya sa bahay namin. hehehe.
      b. Ung matulungan ko ung mama ko kahit papaano..
      c. Ang wish ko to my self, ay sana hindi na ako masyadong prangka kung magsalita kasi may tao akong nasasaktan sa mga salita ko. Sa Family naman sana Makatulung pa ako sa kanila kahit papaano. at buong mundo sana maging Fair ang lahat.. hehehehe.

      2.LOVELIFE.
      a. Katangiang hinahanap ko sa isang guy, Ung mabait kaya akong irespeto at pati ang mama ko at syempre kahit hindi gwapo basta gentlemen diba hehhehehehe.
      b. Kalooban para sa akin.
      c. Sa akin at nasabi ko na rin ito sa lahat ng nanliligaw sa akin, ang gusto kong age talaga kung magka boyfriend is 19 o 20..

      3.UnFORGETABLE MOMENTS.
      a. Nakakatawa, Ung niloloko ko ung Kapatid ko at naiiyak siya dahil doon un ang nakakatawa para sa akin,
      b. When my Father died sobrang lungkot ko noon.
      c. Nung kinantahan ako ng kababata ko.
      d. Nung nagsha-shower ako ng gabi tapos paglabas ko nag-open ung tubig sa faucet at nag flash bigla ung CR ng walang tao.
      e. Ung Ninakawan ako ng halik sa cheek in public ng kababata ko. hehehe

      Wow naman nakaka touch ka naman ate, tsaka ok lang iyon noh, masaya nga ako eh kasi naapreciate mo ung mga comment ko sa mga novela mo. hehehe, I love you too din.. 🙂 <3

  3. Hahaha may naisip na akong itatanung………..
    1. Mahilig ka ba magluto?
    2. Kung oo…. anu ang specialty mo?
    3. Diba sabi nila “The best way to a man’s heart is through his stomach”? May naipagluto ka na bang special guy sa life mo?
    4. What’s your favorite dessert and why?
    5. Ano ang pinakapaborito mong dish na niluluto ng mom mo?
    6. What kind of food best describe you and Why?
    7. Sa pag-ibig anung prutas o gulay ka at bakit?
    8. Maarte ka ba sa pagkain?

    Okay yan lang muna… Hehehe napansin mo bang puro pagkain ang topic? Well ala lang hehehe….. Mahilig lang talaga akong kumain wahahaha…_xyr

    1. Hahaha,, ano yan?

      1. Oo naman kahit papaano
      2. Adobo.
      3. Special guy sa life ko. Meron na mga kapatid ko kasi especial naman sila sa akin..
      4. Macaroni salad lalo na kapag ung boss ko ang nagluluto masarap kasi eh,,
      5. Adobo.
      6. For me adbo kasi simple lang siya hindi siya masabaw at para sa akin ok siya, (kasi favorite ko un hehehe)
      7. Sa pag-ibig siguro para akong ampalaya hahaha, kasi daw bitter ako, wahahahaha
      8. Minsan.

      Ok salaman sis pansin ko nga pero ok lang mahilig din akong kumain..

  4. Ako may Tanong diba you are working in a call center? Now this is my question hehehehe…..
    1. How do you deal with people who are hot tempered?
    2. Di ba usually kapag ang babae nagwowork isa iyon sa pinagmumulan ng away, now kunwari ikaw ay may asawa at anak at nag-away kayo ng asawa mo dahil sa work and you really need to work para madagdagan ang incom nyong mag-asawa, how would you deal about it?

    ok yan lang muna hehe isip isip muna ako ng question hehe
    _xyr

    1. Ahm, Hindi po ang nagtra-trabaho sa call center. pero sasagutin ko parin ang tanong mo.

      1. Pinapasok ko sa freezer para lumamig siya, (pis hehehe) Actually hindi ko alam kasi kapag meron ganun kasi nagwo-walk out ako hahaha.
      2.Maybe i-explain ng maayos sa kanya hanggang makuha niya ang ibig kong sabihin kasi para din naman sa amin iyon kung saka-sakali,

      Hehehe,, ok sis 🙂

      1. ahy akala ko kaw yung nagwowowrk s call center hehehe enxa ka na hehehe sa dami ng nakakasalamuha ko sa TOP napagbabaligtad ko na tuloy hehehe…
        pero thnx din sa pagsagot 🙂

  5. seryosong tanong….^_^

    Kung may LANDLINE at AIRLINE may SEALINE ba?

    Hotdog parin kaya ang tawag dito kung ilalagay na sa ref?

    Kung may entrance fee bakit walang exit fee?

    kaano-ano kaya ni DORA the explorer si INTERNET explorer? long lost brother?

    Bakit kapag nakapikit nakakakita ka ng madilim?

    Bakit laging nananalo ang bida?

    Bakit may mayaman at mahirap?

    Pwede bang tawagin na santo claus si santa clause lalaki naman siya?

    Nagpapahinga din ba ang isip kapag natutulog?

    Kapag sinabing “walang basagan ng trip” nababasag ba ang trip?

    Kung may tinatawag na drive thru meron din bang walk thru para sa mga walang sasakyan?

    1. Uhm ehem,,

      Siguro meron din naman, hahaha.

      Hindi na para sa akin, Colddog na iyan.

      Syempre lalabas kana eh.

      Ay oo long lost brother niya iyon sabi niya sa akin.

      Syempre nakapikit iyon eh,

      Pangit daw kasi kapag kontra bida ang nanalo pangit tignan.

      Dahil un ang kapalaran nila.

      Pwede rin kung gusto mo.

      Hindi ko alam tatanungin ko pa sa kanya.

      Siguro para sa kanila pero para sa akin hindi.

      Meron siguro para sa akin kasi wala eh, hahahaha

    2. oo naman may SEALINE din, may faultline nag di ba?

      OO nga no tanong ko rin yun bakit nga Hotdog pa rin kahit na ref na?

      minsan nga pag nag drive ako sa express way may ganyan din akong tanong nasan ang Entrance ng Exit?

  6. Oh dahil walang n0.19 ito na c0ntinueti0n.

    1. Kung iiyak ako sa harap m0,sasapakin mo ba ako?
    2.tatawagin mo ba ak0ng baliw?
    3. Ok lang ba malasing? O umin0m?
    (okasy0n naman kc naun)
    4. Kung kakantahan mo ako,an0ng s0ng?
    5.pag inaway kita, aawayin mo din ba ako?
    6.pag ako ikaw, sin0 ka?
    7.okey ka lang ba ngaun?
    8.sa tingin m0?okey lang ba ako?
    9. Wahahaha,,cno ang bestfrnd m0?
    10.cn0,best enemy m0?
    11. Pag ikaw nakapunta sa m0on, isasama m0,ba ako? Bakit?
    12.sa tingin mo sasama ako?
    13. Pag inimembetahan kita sa min,here sa cebu,papaunlakan mo ba?
    14. Magtitiwala kaba sakin?
    15.gutom na ako,kaw ba?
    16. Makikipag 1on1 kba ng iyakan sakin? T0ink.

    Yan na muna parang di ko na clear!

    Lashing na ata!

    1. Wahhh hahaha,,

      1. Of Course not, Yayakapin kita and then i will comfort you.
      2. Hindi.
      3. For me ok lang naman pero huwag nman sobra,
      4. Just the way you are. hehehe.
      5. Kung iaway mo ako at sobrang nasaktan ako, Yes aawayin din kita hahaha
      6. Ako ikaw, hehehe
      7. Sa ngayon yes naman.
      8. I think so. Kasi naman i can’t see you eh, hehehe
      9. Jackie Medina, Alona Asuncion if girl. if boy naman Ariel Respicio and Anthony.
      10. Ahm Rosalyn Gonzalo.
      11. Yes naman para may kasama ako parang nakakalungkot kasi kung mag-isa lang ako kaya isasa kita.
      12. Siguro, hahaha
      13. Yes naman basta sagot mo pamasahe ko ah,, hehehehe.
      14. Why not basta wag mo akong lolokohin.
      15. Hindi pa kasi kakatapos ko lang kumain eh,, hahaha
      16. Kung ok lang sayo.. Bakit hindi wahahahaha.

      Ok ok hehehehe..

  7. Personal info . .. .

    1.Sa Isabela ka ba naipanganak?
    2. Bilang isang Pilipino ano ang salita mo?
    3.ano ang karaniwan tawag sayo ni mama mo kapag nagagalit na siya?
    4. anong palayaw mo?
    5. may kulay na mga kuko mo?
    6. anong size ng mga pants mo?(ahaha….curious lang^_^)
    7. alam mo ba kung anong oras ka ipinanganak?
    8. ilan kayong magkakapatid?
    9. alam ko gitna ka…gaano ito katotoo?(ahaha)
    10. Purong Pilipino ba mga magulang mo?
    11. anong asset mo?
    12. aside sa mga sinabi mong attitude sa iyong intro ano pang ugali meron ka?
    13. Anong kadalasan ang ginagawa mo kapag magisa ka?
    14. para sayo at sayo lamang ito. . . .feeling mo ikaw ay sexy o siksik?(^_^peace,,ahaha)
    15. ano ang nakakapagpagalit sayo?
    16. ano ang nakakapagpatawa sayo?
    17. kung turning 18 ka this coming year ibig sabihin 16 ka last year?
    18. paano namin makikilala ang isang Rosanna Leonidas?
    19. anong pangarap mo sa buhay?
    20. if u have one wish saan mo ito gagamitin?
    21. may mga collection ka din ba?
    22. ano ang fashion style mo?
    23. alam ko mahilig ka sa musika…what kind of music ang gusto mo?
    24. anong style ng buhok ang gusto mo?
    25. mahilig ka bang kumain?
    26. anong kadalasan mong minimeryenda sa gabi?
    27. anong pinagkakaabalahan mo ngayon?
    28. saang lugar gusto mong nagpupupunta?
    29. ano naman ang greatest fear mo?
    30. kung nakakakita ka ng mga hindi nakikita ng mga karaniwang tao para sayo
    Ito ba ay gift o curse?
    31. anong brand ng sabon mo?
    32. anong ginagamit mong colgate?
    33. anong maipagmamalaki mo sa iyong katawan?
    34. kung may isang bagay ka na gustong gusto ano un at bakit?
    35. ano favorite mong kulay?
    36. anong bonding moments w/ ur family ang hindi mo makakalimutan?
    37. sa paglog-in mo sa TOP anong kadalasan ginagawa mo?
    38. anong oras ka matulog?
    39. anong oras ka nagigising?
    40. nanaginip ka na ba ng nakakatakot?
    41. kapag naliligo ka anong bahagi ng katawan mo ang unang binabasa mo?
    42. anong pinagkaiba ng lumpiang shanghai sa lumpiang sariwa?
    43. anong nasa isip mo sa mga oras na ito?
    44. kung nakikinig ka ng radio,anong istasyon mo?
    45. paano mo nalaman ang TOP sites?
    46. sinong paborito mong author sa TOP?
    47. anong mannerism ang ginagawa mo?
    48. iyakin ka ba?
    49. may pangyayari na ba dito sa TOP na hanggang nayon hindi mo pa nakakalimutan?
    50. what is the essence being a TOPpers?

    G-O-O-D-L-U-C-K S-I-S-Z-Y ^_^
    ,,hinga muna,,ahaha

    Usapang lovelife

    1.anong cycle ng buhay mo na una mong naramdaman ang love?
    2.nagkaboyfriend ka na ba?
    3. kung oo,,pangalanan. . . .kung hindi sino gusto mong maging boyfriend?
    4. sino ang crush mo?
    5. paano ka magmahal?
    6. selosa ka ba?
    7. nung batang bata ka nakapaglaro ka ban g bahay-bahayan?
    8. ano naman role mo sa bahay-bahayan?
    9. anong larong pambata ang pinakgusto mo?
    10. sinong crush mong artista?
    11. nahalikan ka na ba ng isang lalaki?
    12. saan ka madalas kiligin?
    13. naranasan mo na ba ang sinasabi nilang 24/7 inlove?
    14. anong gusto mo sa isang lalaki?
    15. ano naman ayaw sa kanila?
    16. w/c one r u. .. . hard 2 get or easy 2 get?
    17. pagdating sa usaping pagibig… . . .good adviser or good listener?
    18. bakit kaya nasasaktan ang isang tao?
    19. habang umiiyak ka ano ginagawa mo?
    20. sino pinagsasabihan mo ng iyong mga problema?
    21. anong nakakakilig na ginawa ng isang lalaki sayo?
    22. bakit napapapikiy ang isang tao kapag hinahalikan siya?
    23. bilang isang anak sa tingin mo naging mabuti ka bang anak?
    24. sa pagkakataon na ito may bagay ka ban a pinagsisihan?
    25. paano mo nakikita ang iyong sarili after 10 years?
    26. anong karaniwan na mood mo?
    27. ano ang love para sayo?
    28. noong bata ka anong madalas mong pinoproblema?
    29.eh ngayong malaki ka na ano naman?
    30.may mga WHAT IF’s ka ba sa buhay?
    31. anong buhay ang mas gusto mo NOON o NGAYON?
    32. lahat ba ng mga lumuluha ay mahihina?
    33.kung mapapadpad ka sa isang remote island at may 3 bagay ka lang pwedeng dalhin anong dadalhin mo?
    34. I know bata ka pa but paano mo malalaman na siya na nga ang gusto mong makasama habang buhay?
    35.ano favorite cartoon mo?
    36.naniniwala ka ba sa fairytale?
    37.have you ever feel like giving up?
    38. anong gagawin mo kung pinakamamahal mong tao ay nagsinungaling sayo?
    39. paano mahahanap ang isang tunay na buhay?
    40. anong masasabi mo sa mga taong nanghuhusga sayo?
    41.anong kanta ang tumutugma sa nararamdaman mo ngayon?
    42. sa iyong paniniwala saan tayo nagmula?
    Kay eba at adan o evolution of man?
    43.bakit kapag crush mo ang isang lalake hindi mo siya matingnan sa mata?
    44. paano kung makasakay mo ang crush mo at naupo sa tapat mo…anong gagawin mo?
    45. paano malalaman kung totoo ang isang hinala?
    46. bakit maraming matatalinong tao ang nagiging tanga pagdating sa love?
    47. naniniwala ka bang lahat ng tao ay may nakalaan sa kanila ung tipo na makakasama nila habang buhay?
    48. kung oo,,bakit meron pa ding tumatandang magisa?
    49. sabi mo “There’s a story behind every person” pwede ba namin malaman ang sayo?
    50. anong life para sayo?anong age mo balak mag-asawa?ilan anak gusto mo?

    1. PERSONAL INFO.

      1. Oo
      2. Ilocano.
      3. Sanang!
      4. Anna, Rose, Siony, Sanang,
      5. Wala bawal sa mama ng boss ko yan,
      6. Wahahaha,, 30.
      7. Hindi siszy.
      8. 7
      9. Hindi ako gitna.. hehehe.
      10. Oo
      11. Mahirap mag type kung sasabihin ko pa basta marati.
      12. Masayahin ako, palabiro, ayaw kong kinakausap ako kapag malungkot ako dahil bulyaw lang abot kung pipilitin akong magsalita.
      13. Nagbabasa ng Romance book at nagsusulat ng Quotes.
      14. Siksik syempre want ko kayang magpapayat,
      15. Ung kapag pinagkakaisahan nila ako.
      16. Ung mapasaya ko lang ung mga taong nasa paligid ko.
      17. Hahaha, oo naman siszy,
      18. Kapag makasama muna ako hahaha..
      19. Matulungan ang mama ko at nakababata kong kapatid.
      20. Gagamitin ko ito sa tamang dahilan at pangangailangan.
      21. Mga Collection sa pocketbook meron hahaha.
      22. Wala dahil simple lang ako.
      23. Ung makabagbag damdamin at full of happiness..
      24. Straight.
      25. Yes kaya mataba ako.
      26. Kahit ano pero kadalasan kasi gabi-gabi naman kami may kinakain ng lola ko, Ice cream at Prutas mahilig ako sa prutas eh..
      27. Nakikinig ng music while answering your question to me.
      28. Sa amin lang kasi hindi naman ako gala, wala akong pinupuntahan kundi sa amin lang.’
      29. Wala ang pamilya ko sa buhay ko.
      30. I don’t know.
      31. Dove
      32. Colgate.
      33. Ang mga mata ko kasi hindi daw siya nagsisinungaling hahaha.
      34. Damit kasi nakakahiya naman lumabas ng nakahubad diba,, pis siszy 🙂
      35. Red, Blue, Green, Violet, and Black.
      36. Ung nagkakasama kaming lahat na nag pasko at meron pa ung papa ko noon,
      37. Nagbabasa ng mga comment.
      38. 1, 2, 3, depende kung anong oras ako dalawin ng antok, madaling araw na kasi ako nakakatulog eh,
      39. 4:30 or 5:00 am.
      40. Yes always,
      41. Mukha ko.
      42.Ung lumpiang shanghai kasi niluluto pa iyon ung lumpiang sariwa naman ay hindi na niluluto.
      43. Nasa isip ngayong oras na ito ay ano kaya ang isusunod mong itatanong sa akin hehehe.
      44. Love radio.
      45.Nag research ako sa Internet.
      46. Ate Liz, Ate Louise, Calla lily, Mhelai at marami pa.
      47. Magbasa at makipag kwentuhan sa gustong makipag kwentuhan sa akin.
      48. Oo pero palihim
      49. Wala pa naman.
      50. Siguro bilang TOppers uhm I can’t explain eh,, hahhaahahaha..

      Yan muna bukas nalang ung iba kasi uuwi na ako siszy,,, 🙂

      1. USAPANG LOVELIFE.

        1. Uhm nakalimutan ko na siszy hahaha, makakalimutin kasi ako.
        2. Hindi pa kasi hindi natuloy hindi niya ako nahintay eh,, hahahaha.
        3. Wala kasi wala na ung gusto kong maging boyfriend.
        4. Ung kapatid ni sislab HELENA hahhaha..
        5. Simple lang naman akong magmahal sa akin kasi kung nagmamahal ako pantay sa sarili ko.
        6. I don’t think so.
        7. Oo naman.
        8. Ako ang anak hahaha,,
        9. Chinese Garter.
        10. Coco Martin
        11. Oo sa cheek,
        12. Sa mga taong gentlemen at seryoso.
        13. Oo naman
        14. Mapagmahal Gentlemen, at kaya akong igalang pati magulang ko.
        15. Ayaw ko ang mahangin, Hambog, at no respect to me.
        16. Hard to get.
        17. Good adviser daw ako sabi nila pero tingin ko naman parehas.
        18. Kasi nagpapasakit sila.
        19.Nagkukulong.
        20. Pinsan ko kaso dahil sa nangyari sis Helena na.
        21. Ung kinantahan niya ako. Tapos inaalala lagi,,
        22. Hindi ko alam sa kanila hahah
        23. Siguro naman sa mama ko oo,,
        24. Meron ung sinagot ko ung mama ko noon at nasampal niya ako.
        25. Hindi ko alam.
        26. Malungkot.
        27. Ang love para sa akin ay kumplikado at nakaka bobo.
        28. Laruan.
        29. Pera hahaha
        30. Marami.
        31. Ngayon na kasi nakakatulong ako sa mama ko.
        32. For me hindi,
        33. Mga damit ko, Cellphone, kasama na tao para naman may kasama ako noh. hahaha..
        34. Hindi ko alam kasi hindi ko pa iniisip un
        35. Wala hindi ako mahilig jan,
        36. Noong bata ako oo pero ngayon hindi na,
        37. Hindi ko pa naramdaman iyon,,
        38. Mapapatay ko siguro, joke,, Siguro patawarin siya pero not sure kung pwede pang ibalik ung trust na iyon sa kanya.
        39. Bahala kana kung saan mo ito hahanapin
        40. Magsawa sila hanggang gusto nila.
        41. Ahm, ngayon Kung alam mo lang kaya.
        42. Kay adan at eva
        43. Hindi ko alam siszy kasi tanong ko din yan.
        44. Titigan siya ng palihim, hahaha.
        45. Kung hindi tugma ang palusot niya.
        46. I don’t know kasi hindi naman ako matalino pero nabobo ako pagdating sa love
        47. Hindi lahat, Kasi may nakikita akong hindi na nakapag asawa.
        48. Kasi tadhana na nilang maging nag isa lang
        49. Hahhaa,, pwede bang hindi ko dito sagutin yan,,
        50. 25 kung aabutin at dalawa lang ang gusto kong anak,,

        Hahahha sige uwi na ako bukas ulit

  8. Pakilalahad:
    1.Most embarassing moment
    2.Happiest Moment
    3.First Boyfriend Name
    4.Paano ka magalet
    5.Pag galit ka ano nagiging reaction mo
    6.Ilang kaibigan meron ka noong highschool
    7.Fevorite mong number
    8.Hollywood crush
    9.Local crush
    10.Saddest moment
    11.Fevorite food
    12.Best author for you
    13.Who is your best friend since you were young
    14.Ano ang Dream mo
    15.Sino gusto mo makita ng personal
    16.Nainlove knb ng todo
    17.Rock or RNB
    18.Guwapo o Gentlemen
    19.Sino si Ariel haha
    20.Anong award na natanggap mo sa school
    21.Hobby mo
    22.Habbit mo or yung tinatawag na mannerism
    23.Your Color
    24.If nagkaroon ka ng chance na manalo sa lotto ano una mo gagawin at bakit
    25.For you LOVE is
    26.For You Hate is
    27.Ano prepare mo Restaurant o Fastfood and why
    28.Rose or Orchid at bakit
    29.Anong Prepare mo sa Guy
    30.Saan ka matakaw sa kanin o Ulam

    hehehe.. isip pa ako tanong ko

    1. 1. When someone kiss me in public.. sa cheek ito ah, 🙂
      2. Nung nakita ko lahat ng pinsan ko.
      3. Wala pa akong naging boyfriend kasi hindi naman kami natuloy dahil hindi siya nakapag antay,
      4.Paano ako magalit bakit may balak kang galitin ako, hehehe, Pag galit ako sa lalaki, Tinatandyakan ko at at sinusuntok hindi ako titigil haggat hindi ako nakuntento sa ginawa ko. sa girl naman dinadaan ko sa masasakit na salita ung tagos buto talaga ayaw manakit ng girl eh,
      5. Pulang pula ako mukha ko at kuntodo kunot ang noo ko, nagiging isang line nalang ang kilay pag galit ako.
      6. Uhm 13 pero ung talagang pinakaibigan para sa akin is 5 lang.
      7.Lahat ng # fav ko.
      8. Brad pitt.
      9. Justine Bandoy,
      10. When my father died.
      11. Lahat gusto ko pwera lang sea food kasi allergic ako dun.
      12. Mandie Lee/Yumi Sagara.
      13. Jackie Medina.
      14. Ang dream ko is sana makatulong ako sa mama ko kahit papaano.
      15. Kayo ni Sislab Helena at si kuya foo, ate Louise, lahat ng member ng TOPpers.
      16. I think Yes.
      17. RNB.
      18. Gentlemen.
      19. Personalan talaga eh noh, Si ariel ay kababata ko at first love ko, siya din ang unang lalaking iniyakan ko, maliban sa papa ko.
      20. Uhm wala hahahha,,
      21. Kumain, Matulog, Magbasa ng romance book, manuod ng tv, Magsulat ng poem at makipag kulitan sa mga taong willing makipag kulitan sa akin. hahaha.
      22. Magbasa, Makipag kwentuhan sa taong gusto kong kausapin.
      23. Red, Blue, Green, Violet, Black.
      24. Kung may chance na manalo sa lotto Uhm syempre iki-claim ko muna ung panalo ko and then Tutulungan ko ung mga nangangailangan ng tulong even my family at pupunta ako sa bahay niyo ni sis Helena,,
      25. Love is so complicated and nakaka bobo,
      26. Hate para sa akin ay nakaka sama sa kalooban at nakaka dagdag sa mga kasalan mo,
      27. Dalawa sila para maganda,
      28. Same kasi gusto ko silang dalawa.
      29. Wala..
      30. Sa ulam..

      Hehehehe,, Sige lang sislab..

  9. Anong paghahanda ang ginawa mo sa pagsalang dito sa hotseat?

    ang totoo niyan. . . . .

    dahil sa pagsalang. . ..

    hindi ko alam. . . .

    kasi naman. . ..

    talaga bang. . ..

    pwede bang . . .

    kung sakali. . . .

    kailangan ba talagang. . .

    ahaha,yan muna para may pagkaabalahan ka habang titype ko ibang question 4 u,,,
    sasagutin mo ung tanong na ang kasagutan ay yang mga salitang yan ang umpisa,,,aha^_^

    1. ang totoo niyan,, nahihirapan na ako,

      Dahil sa pagsalang, ko dito sa HOT SEAT,

      Hindi ko alam.. kung matutuwa ba ako sa tanong mo na ito,

      Kasi naman,, talagang kailangan kong sagutin ang tanong mo.

      Talaga bang, kaya ko to.

      Pwede bang, ikaw ang isunod ko dito

      Kung sakaling, tapos na ako.

      Kailangan ba talagang, Pahirapan mo ako sa mga tanong mo hah,, hehehe

      Wahahhaha,, Siszy tapos ko na. Huhuhuhu,,

      1. hahahaha,,kaya mu yan siszy,,,
        i love u all,,,but i cant be here(hotseat),,,alam mo naman madalang lang ako mgonline,,,andito lang ako to support u guys,,,
        yakang yaka mu yan,,,go go go
        pagchicheer kita ok,,,gumagawa lang ako ng pom-pom^_^

    1. hahahaha! Kung alam nyo lang kung gaano dumugo ang utak at ilopng ko sa mga tanong nyo, hahaha Eto yung naipon dun sa mga dugong iyon.. wahahahahaha

  10. Eto na ko! wahahahaha Ituring mo na lang na exam ito sister. wahahahaha

    1. Kung ikaw si BATMAN, sino ang bahala sayo? Give 3 examples.
    2. Ano ang mas malaki, BAG NI DORA o BULSA NI DORAEMON? Ipaliwanag.
    3. Sino ang kumagat sa logo ng APPLE at bakit hindi nya ito inubos?
    4. Kung may UPCAT, bakit alang UPDOG? Please elaborate.
    5. Sa produktong CRAYOLA, ano ang pinagkaiba ng yellow green sa green yellow? Explain using logarithmic functions.
    6. Kung ang 1kg ay may 1000g, ilang grams naman ang meron sa instagram? Show your solution.
    7. Kung sa Kasaysayan ng Pilipinas may “Panahon ng Amerikano, Hapon, Kastila at Pre-Colonial”, kailan naman matatagpuan ang panahon ng kopong-kopong? Ilahad ang ma mahahalagang pangyayari at magpakita ng archeological evidences.
    8. If men are from Mars and women are from Venus, bakit sila nagpunta sa Earth?
    9. Shoul you give up or should you just keep chasing pavements? Expound.
    10. Ano ang meron kay “Brand X” at galit na galit ang ibang brand sa kanya? Explain.
    11. Masasabi mo bang fair ang Miss Universe kung lahat ng contestants at judges ay galing sa Earth? Explain.
    12. Gaano kataas ang lipad ng Whisper with wings? Graph your solution.
    13. Kung may nag-imbento ng powdered water, anong idadagdag mo?
    14. Kung walang kamay ng mga ibon, then why do birds suddenly APIR? Ipaliwanag.
    15. Sabi ng iba, napuntahan na nila lahat ng sulok ng mundo. Paano mo masasabi na may “sulok” and mundo kung Oblate Spheroid naman ang hugis nito? Explain and draw your answer on a 1/4 sheet of graphing paper.
    16. May nalunod na ba sa lalim ng gabi? Kung meron, enumerate.
    17. Bakit ang taag sa “building” ay building kung tapos na sya? Justify.
    18. Is this the real life? Or is this just fantasy? EXPLAIN.
    19. Gaano kadalas ang minsan? Enumerate.
    20. How did Adele set fire to the rain? Write the chemical formula,
    21. Kapag ang ipis ay nahulog sa tubig na may sabon, dudumi ba ang tubig o lilinis ang ipis?
    22. Bakit pababa ng pababa ang spaghetti? Explicate using Newton’s Law of Gravitation.
    23. Does the moonlight shine on Paris after the sun goes down?
    24. Kung ang nakatusok na baboy ay ‘barbeque’, and nakatusok na saging ay ‘bananaque’, bakit ang kabayo, carousel?
    25. Ilan ang butas ng isang cracker ng skyflakes? Illustrate.
    26. Kung ang tao nagmula sa unggoy, bakit si Vice mukhang Kabayo? Explain.
    27. Nauuhaw din ba ang mga isda? Ipaliwanag.
    28. Bakit pag rush hour ay saka mabagal ang daloy ng traffic? Explain your answer using sign language. (hahahaha hagalpak ang tawa ko dito sa tanong na to, promise sister! haha)
    29. Nasaan ang Edge of Glory? Write your final answer in nautical miles.
    30. In 140 characters, ibuod ang talambuhay ni Jose Rizal.
    31. Ang breakfast ba at dinner, pwedeng ilagay sa lunchbox/ Prove your answer.

    (Credits to the owner of this questions! haha)

    Peace sisterlab, hahaha Love you! mua*

    1. Sabi ko na nga ba eh nasa akin ang tanong na ito mahihirapan talaga ung susunod sa akin dito.. Nanay ko po.

      1. kung ako si batman sino ang bahala sa akin,, Uhm ikaw, si sis ZCHA at si Master na ah,, wahahaha,,,
      2. Kay DORAEMON kasi ilalabas palang niya eh malaki na kaya siya hehehe..
      3. Ako ang kumagat nun kaso hindi ko inubos kasi hindi masarap.
      4. Kasi hindi hindi daw bagay kapag UPDOG hahaha
      5. ang pinagkaiba ng yellow green at green yellow, ay ung sa yellow green,, nauna ung yellow at sumunod ung green. at sa green yellow naman, nauna ung green at huli ung yellow. hahaha,
      6. Naku bahala na ah kung ilang grams ang pwede sa instagram.. (sakit sa ilong)
      7. Sa kung kelan nila sisimulan doon ko nalang ilalahad ang mga dapat ilahad,,
      8. Kasi daw hindi daw sila bagay doon kaya nagpunta sila sa Earth.
      9. Should i give up para matapos na…
      10. Hindi ko alam kasi hindi ko pa name-meet si Brand X eh,
      11. Hindi ko alam ipag tanong ko pa yan,
      12. 2 feet lang kasi sinubukan ko na.
      13. Powdered rice,.
      14. Siguro kakausapin ko pa ung ibon tungkol dito 🙂
      15. Baka naman nakatulog sila nun nung sinasabi nila iyon… Kaya hindi ko na kaylangan pang i-drawing.
      16. Wala pa.
      17. Kasi pangit daw kung unfinish building ang tawag sa tapos ng buliding.
      18. Totoo kasi kung pantasya lang ito malamang hindi mo ito makikita bukas.
      19. Kung hanggang kelan ang minsan.
      20. Aba malay ko sa kanya,, hayaan mo itanong ko, hehehe
      21. Syempre lilinis tignan ang ipis,,
      22. Hindi pababa ng pababa, kundi pataas ng pataas.
      23. I don’t know.
      24. para naman daw maiba.
      25. 63 ang rebisco cracker ewan sa iba
      26. Pinaglihi daw siya sa kabayo kaya naiba siya ng itsura.
      27. Hindi kasi nasa tubig siya eh paano siya mauuhae.
      28. Next time nalang alamin ko pa ang sagot dito.. wahahhahaha.
      29. ganito nalang 🙂 wahahahaha
      30. Pag-aralan ko muna ito ah,, Next question nalang.
      31. Siguro kasi hindi ko pa naman nasusubukan,, wahahaha.

      Naku sisterlab love you too,,, Wahahahahhaaaha,, walang basagan sa trip ah,, LOL

      1. hahahahaha.. nyaw.. naku! hahaha.. dami ko tawa.. pag nakikita ko kayong tambak ng tanong, mas masarap nakkta kong sumsagot kayo.. kaysa magtanong pa ako.. kasi mga tanong ko naitatanong na nila.. buwaahhaha.. sorry peace tlga..demonyita lang minsan..hindi lang ako makabanat dahil madalas busy! hahaha

  11. Hahaha .eto siszy!

    1.anong fave food mo?
    2.gusto mo ba magdiet?(sabay tau? Haha)
    3.naranasan mo na bang mapahiya dahil sa figure mo?
    4.may nagsabi na ba sayo ng “ang cute mo?”
    5.sino?
    6.an0ng feeling?
    7.paano mo masasabi na toto0 ang tao sayo?
    8.naranasan mo na bang matraydor ng friend?
    9.pagtaksilan ng bf?
    10.nakapag cheat?
    11.nag lie ng matindi?
    12.umiyak ng walang dahilan?
    13. Umiyak dahil sa bf?
    14.tumawa ng parang timang?
    15. Mal0ko ng ibang tao?
    16. An0ng pinaka ayaw m0,sa part ng b0dy mo?
    17.an0 naman ang pinakagusto mo?
    18. Sino 1st love mo?
    20. Nagka crush ka na ba sa c0uzin mo?
    21. Nagpakatanga sa l0ve?
    22. Nang away in fr0nt of many people?
    23.napahiya sa sch0ol?
    24. Ano naman ang dahilan?
    25. Bumagsak sa class?
    26. Nadapa na may nakakita?
    27. Pinakaworst na nangyari sau?
    28. Ung pinakahappy naman,
    29. Pinakamalungkot?
    30. Wala bang kwenta ang mga tan0ng ko?

    Sensya . .b0red kasi ako naun hahaha!

    Later na ung ibang Q.

    1. Hehehehe,, ok 🙂

      1. favorite food ko. lahat naman fav, ko kaso seafood lang ang hindi,, allergic kasi ako doon,
      2. Oo naman no,, ang hirap kaya ang maging mataba ang hirap mamili ng danmit.. ( sige sige sabay tayo 🙂 )
      3. Oo isang beses,,
      4. Oo meron na.
      5 Marami sila, lahat ng friend ko un ang tawag sa akin kapag gusto akong pag gigilan..
      6, Ang feeling ay ok lang naman, pero kapag si crush ang nagsabi syempre kinikilig ang lola mo.
      7. Depende sa mga sinasabi niya kung totoo o hindi, tsaka nagtatanong din ako sa mga ka kilala niya kung totoo nga ang pinag sasabi niya,
      8. Nope, not even once sila ang gumagawa nun sa akin,,( mabait kaya ako hahhaha)
      9. Hindi ko pa naman siya boyfriend noon kasi sabi kong bawal pa ako mag boyfriend, alam naman niya iyon pero nag- away kami noo kasi nga gusto niya dapat boyfriend ko na siya, eh bawal pa nga, umalis siya nun hindi niya ako kina-usap tapos after 2 weeks he come back tapos sila na pala ng pinsan ko.
      10. Minsan haahhaha,,
      11. Hindi! kasi pinag-iisipan kong mabuti kung tama ba na magsinungaling ako.
      12. Oo, ahahahaha,, sinabihan pa akong baliw dahil doon,,
      13. Umiyak sa boyfriend hindi pero iniyakan ang kababata oo.
      14. Oo palagi,, gawain ko kasi yan wahahahaaha,
      15. Oo naloko na ako before at nakakabaliw iyon.
      16. Bibig ko madal-dal kasi masyado hahaha.
      17. Mata ko kasi nakikita niya ang tama. naks.
      18. Kababata ko. his name is Ariel… 😛
      19. wala kang # 19 siszy.
      20.Yes! at first kasi hindi ko alam na pinsan ko siya, kasi hindi pa kami nagkikita noon, hehhehe,,
      21. Yes! minsan.
      22. Nope, kasi kapag nakikipag away ako sa walang tao na lugar para walang aawat sa amin.
      23. Hindi pa dahil ako ang nangpapahiya sa kanila.
      24. Sinabi kasi sa maraming tao ang pangalan ng crush ko.
      25. Hindi,,
      26. Oo.
      27. Ung inaway ko ung Mama ko at nasampal niya ako dahil sa kagagahan ko. hehehe.
      28. Ung nakita ko lahat ng pinsan at sama-sama kaming nagba-bonding..
      29. Ung namatay ung Father ko kasi siya ung nakaka-intindi sa mga trip ko, Sobrang lungkot ko noon as in malungkot.
      30. Naku siszy meron noh,,

      Ok lang yan sisszy, Ok sige ba sabi mo eh 🙂

Leave a Reply