Adik Sa’yo – Part 2

NAGING masaya si Mitch sa piling ni Ohrys. Masaya rin siya sa malaking pagbabago ng binata. Mula sa pagiging adik ay naging disente at presentable ang binata. Naging habulin na nga ito ng mga babae na minsan ay ikinaseselos niya.

“Huwag mo silang pansinin. Wala pa ring papalit sa iyo, Mitchy. Pangako iyan,” malambing at
sensirong wika ng binata sa kanya.

Iyon lang ang kanyang pinanghahawakan. Alam niyang hindi sila magkapantay ng binata kung
yaman lang din ang pag-uusapan. Hindi rin siya kasing ganda ng ibang babae na laging nasa uso
kung manamit. Hindi rin siya ganoon katalino at lalong wala siyang talent maliban sa pagsusulat.

Sinaway niya ang sarili. Unfair kay Ohrys lalo na sa kanya ang pangungumparang ginagawa niya. Subalit kahit anong gawin niya, hindi rin niya iyon naiiwasan.

Habang papalapit ang kanilang graduation, lalong lumalaki ang agwat nila ni Ohrys. Alam niyang pagka-graduate nito, ito ang mamahala sa kumpanya ng pamilya nito—ang Briones Glass and Steel Corporation, isa sa pinakamalaking supplier ng glass and steel sa bansa. Samantalang siya ay mamasukan lamang bilang empleyado sa kung anong kumpanyang tatanggap sa kanya.

“Bakit hindi ka sa kumpanya namin magtrabaho?” offer sa kanya minsan ni Ohrys subalit
tinanggihan niya ito. Mas lalo lang liliit ang tingin niya sa sarili niya kapag nangyari iyon dahil boss niya ang kanyang nobyo.

Birthday ni Ohrys. Isang salu-salo ang ginanap sa bahay ng binata. Imbitado ang lahat ng mga
mayayamang kaibigan ng pamilya nito at mga kaklase nito sa kolehiyo. Hindi ito siyempre
pumayag na hindi siya dumalo sa gabing iyon.

Pagpasok pa lang nila sa gate, naging alangan na agad ang pakiramdam niya sa sarili. Puro mga  mayayaman ang mga naroroon. Pakiramdam niya ay hindi siya nababagay sa ganoong klaseng lugar.

Sa malawak na garden ng bahay idinaos ang handaan. Napapalibutan ito ng makukulay na mga
ilaw. Maraming mesa kung saan nakaupo ang mga bisita ang nakalatag sa madamong sahig nito.
May inarkila pang banda na nasa isang sulok na siyang nagbibigay ng malamyos na musikang
bumabagay sa okasyon. Sa isa pang sulok naroroon ang tatlong waiters na siyang nagbabantay
ng mga pagkain at inumin sa mesang iyon.

“Relax ka lang,” bulong ng kasintahan sa kanya habang papalapit sila sa mga magulang nito.
Napahigpit ang kapit niya sa braso ng binata nang mahalatang nakatingin sa kanya ang mga
bisita. Tiningnan pa siya ng ilan sa mga ito mula ulo hanggang paa.

“Huwag mo akong iiwan, ha?” pakiusap niya rito.

“Ako’ng bahala,” sagot nito sabay pisil sa kanyang kamay.

Napalingon ang mga magulang ni Ohrys nang mapansing nakatingin sa kanila ang mga bisitang
kausap ng mga ito.

“Ohrys, hijo. Andito ka na pala,” masayang bati ng ina ni Ohrys. “Happy birthday, son.”

“Thanks, Ma!” nakangiting sagot ni Ohrys dito.

Yumukod ito upang batiin ang amang naka-wheel chair dahil sa tinamong aksidente. “Hi, Dad!”

“Happy birthday, hijo,” wika nito sa binata.

“By the way, isinama ko ang girlfriend ko. Si Mitch,” pakilala sa kanya ng binata sa mga magulang nito. “Mitch, my Mom and my Dad.”

“Good evening po,” kinakabahan at nahihiyang bati niya sa mga magulang ng nobyo.

“Hi, Mitch! Welcome,” masayang wika sa kanya ng ina ni Ohrys sabay yakap at halik sa kanyang pisngi. “Mabuti naman at nakasama ka kay Ohrys ngayon.”

“Salamat po,” nakangiting sagot niya.

“By the way, my sister, Arianne,” pakilala nito sa kapatid na babae. Noon lang niya nalamang may kapatid pala ito.

Tumayo ito at lumapit sa kanya para makipag-beso. “Hi, Ate Mitch!”

“Hello, Arianne,” nakangiting sagot niya. Bumalik na ito sa kinauupuan.

“Ohrys, pakainin mo na ang girlfriend mo,” mahinang utos ng ama nito sa binata. Inalalayan siya ni Ohrys paupo sa bakanteng silya sa mesang iyo at naupo ito sa tabi niya. Tahimik silang
kumakain kasama ang pamilya nito. Kahit papaano`y napanatag naman ang kanyang loob dahil
sa pagiging mabait ng pamilya ni Ohrys sa kanya.

Wala ng mahihiling pa si Mitch sa araw na iyon – ang katatapos lang na birthday party ng kanyang boyfriend. Halos hindi humiwalay sa kanya si Orhys sa kabila ng halos ipagtulakan niyang iwan na siya nito at asikasuhin ang mga bisita. Siya naman ay kampante na sa bahay ng mga ito, higit pa at maganda ang pakikitungo ng pamilya nito sa kanya.

Sa kabila ng pagpupumilit niyang magta-taxi na lang siya pauwi ay hindi pumayag si Orhys. Hinintay ng binatang makauwi lahat ang mga bisita upang siya ay ihatid sa kanila. Iyon ay sa kabila ng pag-aalinlangan ng mommy nito na lumisan ng bahay ang anak sa dis-oras ng gabi sa araw ng kapanganakan nito. Mas lalong naging mapamahiin ang mommy ng kanyang boyfriend mula ng maaksidente ang asawa nito.

Napahugot ng malalim si Mitch bago sinulyapan ang boyfriend sa tabi, hawak ang manubela at diretso ang tingin sa daan. Sinulyapan siya saglit nito nang mapansing dito siya nakatingin. Bumitiw ang kamay nito sa kambiyo, inabot ang kanyang kamay at dinala sa labi nito upang hagkan. Marahan nitong ibinaba ang kanyang kamay at muling naging abala sa pagmamaneho. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa nakangiting labi mga labi ng binata. Hindi man ito nagsalita ay sapat na ang ginawa nito upang ipahiwatig sa kanya ang pagmamahal.

Sa isipan ni Mitch ay sinabi niyang, “I love you very much, Ohrys.” Tiyak niya sa sariling mahal na mahal niya ang binata. Pagmamahal na sa bawat sandaling magkasama sila ay lalong nagiging lubos. Lalo pa at maganda ang pakikitungo sa kanya ng mga magulang nito, at kapatid.

Napalunok si Mitch nang maalala si Arianne. Bakit ni minsan ay hindi ito nabanggit sa kanya ng boyfriend? Inaamin niyang tinanggap siya nito kanina ng buong ngiti, subalit may iba siyang pakiramdam na hindi niya matukoy.

Huminga siya ng malalim, at marahang ibinuga sa bibig. Maaring naiilang lamang siya sa mas nakababatang kapatid ng boyfriend dahil sa hindi siya sanay sa pakikipag-beso-beso. Adrianne was a galraised with a silver spoon… and might be a spoiled brat. Pero siya na rin ang kumontra sa sariling husgahan ang babae. Ohrys might had been spoiled brat too, tulad ng first impression niya dito, but she proved herself that judging a person based on first impression is wrong.

“Hey,” Untag sa kanya ni Ohrys. “Masyado kang tahimik. Anything wrong?”

Sinalubong ni Mitch ang paningin ng bitana bago ngumiti at umiling. Orhys smiled. Wari bang nabunutan ito ng tinik sa lalamunan nang makitang nakangiti siya. He responded with even wider smile, then ikinanan ang manubela going to a gasoline station along the side of the high-way, at ipinarada ang kotse sa sulok, next to a fast-food-chain.

Sinarili ni Mitch ang pagtataka sa ginawa ni Orhys. There’s too many reason for stopping by. More than thirty minutes na sila sa road, nakainom ng konti ang binata ang might need a couple of minutes sa toilet. Or, maybe magpahinga saglit dahil sa nakakapagod din ang mag-asikaso ng mga bisita. Buying food was not one of the options. Labis-labis ang handa sa birthday nito, at nag-cake and lumpiang-sariwa sila before hitting the road.

But Orhys stayed on the wheel after maiparada ang kotse. Bumaling ito sa kanya, raised his hand and touched her chin. Sinalubong niya ng may pagtataka ang mga mata nito.

“Are we staying here for… ” binitin ni Mitch ang sinabi upang dugtungan ng binata. She was aware na malalim na ang gabi. May liwanag mang nagmumula sa malaking ilaw exactly above them, buhat sa ilaw ng poste, ay may kadiliman pa rin sa loob ng kotseng kinaroroonan nila.

Hindi dinugtungan ni Ohrys ang kanyang panimula. Instead, without a word, ay inilapit nito ang sarili at hinagkan siya sa labi. Though she was not shocked, ay natigilan siya ng madama ang init ng labi ng binata sa kanyang mga labi. It was a soft kiss, but still warm enough for her to taste him – ang sari-saring alak na tinikman nito, ang lumpiang kinain nila. but more than those tastes, the taste of his kiss.

“I love you, Mitch. For the first time my birthday had been complete.” His hand was still touching her chin tenderly.

“I love you too.” She said almost without a sound. She cleared her throat and pinasigla ang sarili. “Happy birthday ulit. Nagustuhan mo ba ang gift ko? Pinag-ipunan ko iyan…”

Ohrys glanced at the Seiko watch on his left wrist and tried to examine it under the darkness inside the car, then muling nag-angat ng paningin sa kanya. “You don’t have to spend this much for my birthday, sweetheart.”

“Nothing is much for you para sa akin, Ohrys. Kahit pa alam kong munting bagay lang ito para sa iyo.” Alam ni Mitch na bale-wala sa binata ang halaga ng kanyang gift kung ikukumpara sa mga regalong natanggap nito buhat sa mga magulang, friends, at higit sa lahat ay ang tinanggap nitong regulo mula sa sister – kay Arianne – a proof of purchase sa hi-fi car stereo pamalit sa existing stereo ng kotse nito. She was forced to ignore ang pagyakap ng mahigpit ni Ohrys kanina sa kapatid nang matamo ang regalo nito.

She hesitated upon remembering the scene. Ganoon na ba siyang nagiging super-in-love sa boyfriend at pati ang kapatid nito ay nais pa niyang pagselosan? She almost laughed at herself, and exerted a great effort na isantabi ang isang katanungan – bakit ni minsan ay hindi nabanggit sa kanya ni Ohrys ang tungkol sa kapatid nito.

“Hey, don’t be sad. I would still have the best gift from you.” His nose touched hers as he spoke.

Kumunot ang noo ni Mitch sa sinabi ng binata. Halos maduling siya sa pagsalubong sa mga mata nito. “‘Do you mean?”

Umubo bahagya si Ohrys before saying, “It’s my birthday, sweetheart.”

“Then…” bigla ang kaba ni Mitch sa kung anumang hinalang umusbong sa kanya.

“Don’t I deserved the best gift a man can receive in his birthday from his girlfriend?”

Bumilang ng sampu bago alanganing nakapagsalita si Mitch. “Which is… ”

Unti-unti gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Ohrys until he almost laughed sa nakitang pangamba sa hitsura ng girlfriend. “A kiss. Of course.”

Nagpaubaya si Mitch nang muli siyang hagkan ng binata. It was a deep kiss – a deep taste. His tounge probed her mouth…deeper… and deeper. Napasinghap pa siya nang kumalas ang labi nito sa labi niya. Parang galing siya sa matagal na pagsisid na humabol ng paghinga. She didn’t know if she had to thank him that it was only a kiss he meant by the “best gift”.

He planted a kiss on her forehead, nagbuntong-hininga ng malalim, then switched-on the engine.

 

SATURDAY. Hindi mapakali Mitch sa harap ng salamin. Abot-abot ang kaba niya habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. She was wearing pink blouse, and white square pants – too formal for her taste. Her mom bought her a pair of a pearl-like-earings – actually Swarovski lang iyon from binondo – to match her attire.

It was thirty minutes earlier pa sa usapan nilang pag-sundo sa kanya ni Ohrys, subalit para bang alalang-alala siya na wala pa ito. Kita niya sa kanyang mommy ang tuwa at pang-unawa. Marahil ay nababatid nito ang kanyang pinagdaraan sa mga sandaling iyon. Hindi siya sinanay nito sa pagdalo ng magagarbong party, but kanina lang ay ibinalung nito na huwag siyang mag-alala. Everything would be fine, and it would be good experience.

Muli siyang humarap sa salamin bago minasdan ang hawak na invitation sa isang kasal. Of course she didn’t know kung sino ang mga ikakasal: Dayniel Lance Angeles and Jhane Eunice Fajardo. Ang alam lang niya ay ang ilang nakalista sa mga abay. Isa ay ang kanyang boyfriend, si Ohrys. Partner naman nito ay ang kapatid, si Arianne.

Napahugot ng paghinga si Mitch nang maalala ang sister ng boyfriend. Two days ago ay nagkalakas siyang tanungin ang boyfriend about Arianne, at kung bakit ni minsan ay hindi nito nabanggit sa kanya ang tungkol sa kapatid but she sensed the effort kung paano inilihis ng binata ang topic from his sister towards the things that would happen after their graduation. Bagay na lalong nakadagdag sa isipin ni Mitch kung ano ba ang tunay na pagkatao ni Arianne.

Nagkibit balikat si Mitch and relaxed herself. She said to herself na makikilala niya ring lubos ang future sister-in-law niya. Maaring nagkakailangan pa lang sila nito.

Ewan ba ni Mitch kung bakit gayon na lang ang kaba niya sa kabila ng nakasama na naman niya ang family and friends ng boyfriend niyong birthday nito three weeks ago. Lagi niyang sinasabi sa sarili na, “Masasanay ka rin Michelle,” subalit siya na rin ang komokontra sa sarili at sinasabing hindi ganoon kadaling mag-adjust sa antas ng pamumuhay ni Ohrys. She was sure of herself, and was not insecure at all. Inamin niyang hindi lang talaga siya sanay sa pakikipag-sosyalan. Things she could learn if necessary – for Ohrys.

The Fajardos – ang family ng bride – ay family friend nina Ohrys. At ang parents mismo ng boyfriend niya ang nagprisinta upang si Ohrys at Arianne ay maging bahagi ng kasal ni Jhane
Eunice Fajardo.

Halos mapalundag si Mitch nang marinig ang busina mula sa labas ng bahay nila. Though every Sportivo creates almost identical horn sound, tukoy niyang si Ohrys na iyon.

Ganu’n lang ang pagkabog ng dibdib ni Mitch. Agad na minasdan ang sarili sa harap ng salamin as if hindi pa sapat ang halos isang oras niya roon.

“Anak, narito na si Ohrys.” Sigaw ng kanyang mommy buhat sa living room.

Dinampot niya ang white Chanel bag at lumabas ng silid. Hindi pa man siya nakakababa ng husto sa hagdan ay bumagsak ang kanyang panga sa nakitang nakatayong binata sa sala, kausap ng kanyang mommy.

It was the first time na nakita niyang naka-slacks at barong ang boyfriend. And his black hair was wet-look and brushed-up. Nasaan na ang dating Ohrys? Ang kinainisan niyang adik?

Ikinagulat pa ni Mitch na kumawit ang braso ng kanyang mommy sa braso niya. At nang lingunin niya ang kanyang mommy nakangiti ito. Inilapit ng babae ang sarili sa anak saka bumulong. “He’s gorgeous, anak… and you’re beautiful.”

Parang wala sa sariling nagpatangay si Mitch sa kanyang mommy patungo sa nakatayong binata. Napasinghap siya nang humalik sa pisngi niya ang binata.

Ohrys held her hand at kinausap ang kanyang mommy. “Mommy, baka medyo gabihin po kami. But please don’t you worry, I’ll drop Michelle here at your doorstep.”

Tumango lang ang mommy ni Mitch without removing the smile on her lips.

“Mitch…” Tawag ng mommy niya bago sila tuluyang makalabas ng pinto.

Nilingon ni Mitch ang mommy niya, and without any words ay waring nabasa niya ang kung ano mang nais sabihin ng mga mata nito.

Kumalas ang kamay ni Mitch sa pagkakahawak ni Ohrys, and she walked back to hug her mom.

“Enjoy yourself, anak.” garalgal na sabi ng mommy niya.

“I love you, mommy.” hinagkan niya sa pisngi ang mommy niya, then tumalikod at lumisan kasama si Ohrys.

 

SA third row from the altar nakaupo si Mitch kasama si mommy Lydia – mommy ni Ohrys. They were waiting sa pagdating ng bride – si Jhane. Tanaw nila sa harapan ang balisang bride’s groom – si Dylan. The guy was tall and hansome, and tiyak nilang napakaganda ng bride.

Mula sa kuwento ni Mommy Lydia ay nalaman ni Mitch na kapit-bahay and family friend ng mga ito ang Fajardos – ang pamilya ng bride. Ang father ng bride ay kalaro ng daddy ni Ohrys sa golf, noong nakaka-golf pa ito. Ang mother naman ng bride ay regular na kasama ni Mommy Lydia sa church every Sundays.

Tahimik sa pagkakaupo si mommy Lydia. Sa kanang kamay nito ay hawak ang rosario. Mabait subalit tahimik ang matanda. Kapag hindi magbubukas ng paksa ang kausap nito ay tiyak na walang usapang mamamagitan. Sabi sa kanya ni Ohrys ay mas naging tahimik at balisa ang mommy nito mula ng maaksidente ang asawa.

But to Mitch, ay masarap kausap ang matanda. Kahit kailan ay hindi siya nahirapang umisip ng topic na maari nilang pag-usapan. Lalo na kapag ang tungkol sa pagluluto ang pag-uusapan. Twice na siyang naisama nito sa pagsa-shopping. Nakatuwang rin siya nito sa pagluluto ng handa sa nakaraang birthday party ni Ohrys.

Mula sa labas ng simbahan ay narinig ang palakpakan. The bride had just arrived. Everybody, sa loob at labas ng simbahan, ay nakatayo bilang pagsalubong sa dumating na ikakasal. They saw the smile of the bride’s groom na wari bang nakahinga ito ng maluwag sa matinding pag-aalala – a usual thing for a bride’s groom.

Napanganga si Mitch sa ganda ng wedding gown na soot ng ikakasal. And the bride – si Jhane, ay hindi niya akalaing ganoon kaganda. Well, hindi ito alangan sa bride’s groom, and vice versa.

But may napuna si Mitch. There’s something mysterious sa likod ng mga ngiti ni Jhane. Or maaring naiisip lang niya ang ganoon dahil sa ikinuwento ni mommy Lydia. Nagtataka ang matanda sapagkat wala namang nababanggit sina Mr. and Mrs. Fajardo na may kasalukuyang boyfriend ang bride, and suddenly there was an invitation sa kasal nito.

Umangat ang kamay ni Mitch hawak ang Canon Ixus 220, at kinunan ng picture ang dumaang bride.

Isa-isa niyang minasdan ang mga abay ng kasal, until muling tumaas ang kamay niya para kunan ang second to the last na abay – si Ohrys… at ang babaeng nakapulupot sa braso nito, his sister, Arianne.

Napalunok si Mitch upon pressing the “shot” button sa napansing imahe sa maliit na screen ng camera. Mahigpit ang pagkakayakap ni Arianne sa boyfriend niya, and nakadiin ang dibdib nito sa braso ng binata. Walang kapatid na lalaki si Mitch, pero sinabi niyang kung meron man ay iiwasan niya ang ganoon. Muling siya na rin ang kumastigo sa daloy ng kanyang isipan.

She smiled back to Ohrys, and sat beside mommy Lydia nang makalampas ang boyfriend.

“Cute siya di ba?” ani mommy Lydia in a flat tone, though she was smiling.

Kumunot ang noo ni Mitch. She was not sure kung sino ang tinutukoy ng matanda…si Ohrys ba, ang bride, or sino.

“You know, when she was a kid, ay hindi ganyan ang hitsura niyan… maitim, patpatin…and, Ohrys hated her. Ayaw niya talagang tanggapin bilang kapatid.” Nangingiting sabi ng mommy ni Ohrys.

Mitch realized that mommy Lydia was talking about Arianne. Tumango lang siya, and then nodded as if alam niya ang sinasabi ng kausap. Ayaw niyang ipahalata rito na wala siyang alam. Na wala sa kanyang ikinukuwento ang boyfriend about Arianne.

Muling tumahimik si mommy Lydia. Diretso sa altar, lampas sa nakaluhod na ikakasal, ang tanaw nito. Hindi tumitigil ang kamay nito sa paghaplos sa hawak na rosario.

Mitch closed her eyes. Ayaw man niya ay kusang nagbalik sa isipan ang larawang na-capture ng Canon camera. Sa kanyang isipan, “Sino ka Arianne? Oh Ohrys, why are you not telling anything.” Napakagat-labi si Mitch upang pigilan ang panginginig ng bibig.

After Jhane and Dylan’s wedding party ay sama-samang muli sa kotse sina Mitch, Orhys, mommy ng binata, at si Arianne. Si Ohrys and driver ng Toyota Altis. Sa kanan ng binata, sa harapan si Mitch. Ang mag-ina ay sa likuran. The plan was for Ohrys to drop his mom and Arianne home, tapos si Mitch naman ang ihahatid sa bahay nila.

Masaya si Mitch sa gabing iyon. Hindi man siya sanay sa party ay hindi naging mahirap sa kanya sapagkat hindi humihiwalay si Ohrys. At kahit pa may ipinakilala ritong cute na mistisahin, if she remembered it correctly ay Estepanya ang name, ay bale-wala ito sa binata at sa kanya pa rin ang buong atensiyon.

Sa kabila ng kaligayahan ay may puwang for guilt para kay Mitch. Hindi pa lubusang gumagaling ang mommy niya sa trankaso, and kailangan ng gamot at pahinga – in short, pera. Panggastos nila sa bahay while hindi makakapasok ang mommy niya, and baon. Nakakabawas lang ng bigat ng konsensiya niya na ang mommy niya mismo ang nagtulak sa kanya upang sumama kay Ohrys. Her mom’s reason was that gagaling din ito, subalit ang once upon a time na okasyon ay kailanman ay hindi maibabalik.

Sa gilid ng mga mata ni Mitch ay nasusulyapan niya na sa kanya nakatingin si Arianne, at naiilang siyang lumingon upang tingnan ito. Hindi niya maitatanggi na maganda si Arianne. Kahit kayumanggi ito ay hindi kayang tawaran ang kinis ng balat. Kahit babae siya ay napupuna niyang kaakit akit ang makinis at mabalbon nitong batok.

Hindi mabilang ni Mitch kung ilan ang lumapit kay Arianne upang makipagsayaw, but the gal politely turned them down, at sinabing may hinihintay lang itong ‘first dance’, pagkatapos ay makikipagsayaw ito sa iba. But, natapos na ang party ay hindi niya ito nakitang sumayaw ni minsan.

Pilit pa ring sumisiksik sa isipan ni Mitch ang isang katanungan – sino ka Arianne. Bahala na, pero buo na ang pasya ni Mitch. Mamaya, kapag inihatid siya ni Ohrys, at dalawa na lang sila, ay kailangang itanong niya rito ang totoo para kay Arianne. Kung bakit ni minsan ay hindi man lang ito nabanggit sa kanya ng kasintahan.

Pagdating sa bahay nina Ohrys ay nagtuloy muna sila sa loob. Ohrys went upstairs para magpalit ng casual na damit. His mom went to the kitchen, diretso sa ref, at kumuha ng tubig na maiinom. Inilapag ni Mitch saglit ang white Chanel bag, sumabay sa mommy ni Ohrys, but turned left before the kitchen para pumasok sa comfort room.

Nang makababa si Ohrys, and they were ready to go – nagpapaalam na sa mommy ng binata – ay bumaba buhat sa silid nito si Arianne.

“Mom…” Halos pasigaw nitong tawag sa ina. “Nakita ninyo po ba iyong pearl necklace ko?”

Kunot-noong nilingon ng ina si Arianne na pababa sa hagdan. “No. Hindi ba at soot mo sa party?”

“Hindi po. I changed my mind and ito ang isinoot ko.” Ipinakita ang soot niyang kuwintas – white gold with ruby pendant. “Nagmamadali ako kanina kaya inilapag ko lang dito sa ibabaw ng tv.”

 

MITCH was in wendy’s with somebody for the first time – si Blessy. Nakilala niya two weeks ago sa wedding party na dinaluhan nila ni Orhys. Tumitingin siya ng sapatos nang aksidenteng the same shoes din ang tinitingnan ni Blessy. At the end, Blessy bought the shoes and invited her na kumain saglit sa Wendy’s nang nalamang nag-iisa rin siya.

“So, why are you alone? Nasaan na si… is it Carlo?” tanong niya sa kaharap na babae.

Blessy smiled. “Yeah, he’s Carlo. And… we’re not really boyfriends and girlfriends.” anito na wari bang nahuhulaan ang nasa isip niya. “Well, ganito iyon…” Kumagat si Blessy sa burger, sipped a bit sa drink bago nagpatuloy. “It was just a show para sa Mommy ni Carlo. Gusto kasi ng matanda na may ipakilalang girlfriend ang anak sa wedding ng cousin.”

“And naniwala naman ang mommy niya na gf ka nga ni Carlo?”

“Well, second time na akong nakita ng mommy niya, and… I mean, mukhang gusto ako ng matanda para sa anak. For me, wala namang masama kung bigyan ko ng konting kasiyahan ito.”

Sumandal si Mitch sa upuan while sipping the ice-cold drink slowly. “Then why a kiss…” Nagsasayaw din sila ni Ohrys that time, at nasa tabi lang nila ang mga ito. Kahit dim ang lights that time ay hindi siya maaaring magkamali sa nakita.

“I am sorry?” nabiglang sabi ni Blessy.

“I saw you two kissed while dancing. Don’t tell me it’s part of the show. If I am not mistaken, wala sa inyo ang mga mata ng mommy ni Carlo that time.”

Blessy barked into laugher. “Iyon ba…” She shrugged her shoulders to mean wala iyon. “Ikaw, ba’t di mo kasama si pogi.”

“You mean, si Orhys.” Natamlay niyang sagot. “Wala na kami.”

Napuna niyang naudlot ang muling pagkagat sa burger ni Blessy dahil sa narinig. “What? Are you serious?”

“Yep. Sa isang kisap-mata.” Totoo ang sinabi ni Mitch para sa kanya. After two weeks ay hindi siya makapaniwalang ganoon lang kabilis naglaho ang lahat para sa kanila ng binata.

“How?” ani Blessy.

Mitch simply shrugged her shoulders “Well, boys come and go.”

They both laughed about theis short stories. They ended-up their conversation as soon as the burger and drinks were finished. Nagpalitan sila ng cellphone numbers, and said their  goodbyes.

Muling naglakad si Mitch sa direksyong hindi niya tukoy. Staring blankly at the windows of shops without really looking into kung ano ang mga nasa display. Muling nagbabalik sa kanya ang sinabi niya kanina – boys come and go. She even laughed about it. But deep inside, hindi totoo sa kanya ang sinabi. Hindi ganoon kadaling dumating at nawala sa kanya si Orhys.

Hindi niya malilimutan ang sakit sa huli nilang pagkikita, after the wedding. Nasa loob sila ng kotse ni Orhys at ihahatid siya sa kanila. Walang salitang nagpalitan sa kanila for almost fifteen-dead-minutes, until siya na ang bumasag sa katahimikan nila.

“Orhys, please believe me, hindi ko alam kung paano napunta ang kuwintas ni Arianne sa bag ko.” 

Orhys nodded without looking her. Diretso sa daan ang tingin nito. 

Muling katahimikan ang namagitan sa kanila sa loob ng malamig na kotse ng binata…hanggang sa marating nila ang gate ng bahay nila. 

“How’s your mom?” Pinatay ni Orhys ang makina ng kotse saka humarap sa kanya. 

“S-She’s good…” Mahinahong sabi ni Mitch, with a glitch of a hint sa kung anong maaaring ipakahulugan ng boyfriend sa tanong nito. At least, nagsalita ito sa wakas. 

“She needs medicine…she even needs to be brought to the hospital.” 

“H-How did you…” bumagsak ang panga ni Mitch. How did his boyfriend knew about her mom’s condition? Wala siyang nababanggit dito about her. 

“Mitch… hindi ako bulag para hindi makita kung paano siya umubo kaninang sinundo kita rito sa bahay ninyo. And I was even hesitant na pasamahin pa kita dahil sa kanya… paano ka sumama sa akin sa isang kasayahan while she was…” 

Napakapit sa kanyang bibig si Mitch. It took her a while to understand what was going on. “Orhys, si Mommy mismo ang nagtulak sa akin upang sumama sa iyo. Sabi niya, gagaling din siya pero kailanman ay hindi maibabalik ang pagkakataong makasama ka sa….” 

“Enough! Do you need money para maipagamot siya? All you have to do is to ask me, Mitch. I am your boyfriend.”  

Nanlaki ang mga mata ni Mitch sa daloy ng usapan nila. They were almost shouting sa loob kotse, at ipinagpasalamat niyang nakasarado ang lahat ng binata. “So you are really thinking na pinag-interesan ko ang mamahaling kuwintas ng sister mo?”

“Mitch… I could understand the situation you are in…”

“Well, thank you. And damn you!” Mitch went out of the car crying. Tumakbo siyang papasok sa gate, and knocked the door desperately. 

Nang bumukas ang pinto ay binalewala niya ang matamis na ngiti ng kanyang mommy and ran to upstairs to her room. 

Bumaba ng kotse si Orhys, walked to the gate pero napahinto nang matanaw ang mommy ni Mitch. Umubo ang matanda bago ibinagsak sa pagkakasara ang pinto. 

Two days after, sa kabila ng hindi niya pagsagot sa mga tawag at text ni Orhys, ay nagtungo ang binata sa bahay nila. Ang mommy niya ang nakitungo sa binata while she was hiding sa may kusina, and listening sa naging usapan ng dalawa. 

“Orhys, wala si Mitch dito.” 

“Mommy, please I have to talk to your daughter.” 

“Para ano pa, Orhys, para muli mong siyang saktan?”

“No! Mommy, please I have to explain. What happened was… please, I really need to talk to her.” 

“Orhys, nakikiusap ako sa iyo. Iwanan mo na si Mitch. Buksan mo ang iyong mga mata, hindi siya bagay sa iyo. Langit kayo, and lupa lang kami.” 

“Mommy, it’s not true. Isa rin akong lupa. Siguro it’s about time for Mitch to know ang totoo kong pagkatao…at kung sino si Arianne, ang itinuturing kong sister. Kung iyon ang kailangan upang patunayan ko sa kanyang kailanman ay hindi ko siya maaaring ituring na isang lupa.” 

“I am sorry, Orhys, huli na ang lahat.” Iyon ang huling nasabi ng kanyang mommy bago niya narinig ang pagsara ng pinto. 

Dinukot ni Mitch ang tumunog na celphone sa bag. She almost regret nang mabasa ang text. “mit me @ shrine. hv somthin u nid 2 know. no bluff. dis cud b d last time u wil c mi if u like.”
HINDI alam ni mitch kung bakit sa kabila ng pagtutol ng kanyang kalooban na magtungo sa lugar na pagkikitaan nila ni Orhys ay tila ba may sariling isip ang kanyang mga paa upang siya ay magtungo roon. Buhat sa labas ng chapel ay tanaw niya sa tinted glass ang nakaupong binata sa loob. Hindi araw ng simba at walang misa kung kaya’t madalang ang tao sa loob. Hindi niya binilang subalit alam niyang hindi lalampas ng sampu ang naroon.

Ipinasya niyang huwag munang pumasok, at pagmasdan ang binata habang kanyang pinag-iisipang husto kung magpapakita ba siya rito o lilisan. Hindi pa rin naalis sa kanyang dibdib ang hinanakit sa huli nilang pagsasama. Hindi man tuwirang sinabi ng binata subalit ang pakiramdam niya ay pinaniwalaan nito ang paratang ni Arianne – kapatid nito – na pinag-interesan niya ang mamahaling kuwintas ng babae.

Mitch closed her eyes and bit her lips. Nais niyang kastiguhin ang sarili kung bakit sa kabila ng dapat niyang kamuhian ang binata ay ganoon na lamang ang pagkabog ng kanyang dibdib nang masilayan ito. Hindi niya kayang itanggi na labis siyang nasasabik dito.

Sa nakalipas na dalawang linggong hindi nila pagkikita ay walang araw na hindi siya lumuluha sa tuwing maaalala ang naging huling tagpo sa kanilang dalawa. Kung paano niya ito iniwan sa kotse at sinumbatan. Kung paano ito nakiusap sa kanyang mommy na siya ay kausapin, subalit pinagtabuyan ng kanyang mommy. At sa tuwing siya ay tatahan sa pag-iyak ay naroroong kusang nagbabalik sa kanya ang ala-ala ng yakap at halik ng binata. Minsan siyang nangarap na sila na ngang dalawa hanggang sa huli. Subalit kalaunan ay isiniksik niya sa sarili ang pangaral ng kanyang mommy na kalimutan na si Orhys sapagkat iba ang antas ng pamumuhay nito.

She opened her eyes at last at muling tinanaw ang binata. Panatag na nakaupo si Ohrys habang diretso sa altar ang mga mata. Wala sa hitsura nito ang pagkabahala kahit pa late na ang kausap ng halos kalahating oras.

Napahugot ng malalim na paghinga si Mitch. Ohrys wasn’t really a religious person. Maging sa pamamahay ng binata ay wala siyang makitang anumang tanda kung ano ang kinabibilangan nitong relihiyon. Subalit dama niyang namamahay ang kabutihang loob sa tahanan nito. Sa katunayan ay siya pa ang nagturo sa binata upang magsimba. Her condition: no simba, no dates on Sundays. Bagay na hindi naman naging problema sa binata. Until nagulat pa siya ng minsang ito pa ang nagpa-alala sa kanya upang magsimba.

Ibinaba ni Mitch ang paningin, bago nagpasya – bahala na. She walked slowly, as if ayaw niyang maistorbo ang binata sa pagkakatitig nito sa harap ng altar, then sat beside him.

Ohrys closed his eyes for seconds na tila ba iyon ay hudyat na pansin nito ang kanyang pagdating. If Mitch wanted to interpret the guy’s action, it could be a simple prayer of thanks ng binata sa kanyang pagdating.

Nagmulat ng mga mata ang binata, but still staring at the altar. Umangat ang kamay nito at inabot ang kanyang kamay.

Napasinghap si Mitch. She didn’t expect na gagawin iyon ni Orhys. For all she knew, ilag pa rin sila sa isa’t isa. Ang inaasahan niya ay ang paghingi nito ng tawad. Napalunok siya ng maramdamang humigpit sa pagkakahawak sa kanyang kamay ang mainit nitong palad. Her hand didn’t respond, pero hindi niya inalis sa pagkakahawak nito. She reminded herself na girlfriend pa rin siya nito sapagkat walang pormal na break-up sa kanila.

Ohrys turned his head and looked at her…diretso sa kanyang mga mata..sa kanyang buhok… ang kabuuan ng kanyang mukha, na para bang kaytagal siya nitong hindi nakita. Then he spoke softly, almost whisper, upang huwag maabala ang mangilan-ngilang naroroon at nagdarasal, “Mitch, I love you..”

Nanlalaki ang mga mata ni Mitch na nakatitig sa binata. She was not prepared for what he said. Ang inihanda niya kanina ay kung paanong susumbatan ito, paanong ipamumukha rito ang kasalanang ginawa, at kung paanong tatapusin ang kanilang relasyon – formally. But she was totally caught off balance sa mga nangyayari. “Orhys, what’s this all about? Para saan at nakipagkita ka sa akin?…sa huling pagkakataon.”

Hindi kayang itago ang biglang kalungkutan sa mga mata ni Ohrys sa huling katagang narinig buhat sa dalaga. He bowed his head, inangat ang kamay niya at dinala sa mga labi nito. Muling napalunok si Mitch ng madama ang mainit at malambot na labi ng binata sa likod ng kanyang mga daliri.

“Mitch, I don’t want to end every single thing between us. I am not perfect, but I am always trying to be the perfect one for you.”

Gustong magsalita ni Mitch subalit walang boses na lumabas sa kanyang bibig. Hindi niya masabi ang mga litanyang kinabisado niya laban dito. At bakit parang bumabaligtad ang alon ng kanyang damdamin na sa kabila sana na kamuhian niya ito ay nais pa niyang mapaluha sa ginagawang pag-amo sa kanya nito. Where was the guy na may hikaw sa labi at kinamumuhian niya dahil sa pagiging mukhang adik nito? His hair was not cut short and neat. He changed a lot…for her.. tapos ngayon ay kanyang lalayuan?

“Ohrys, please sabihin mo na ang gusto mong sabihin. I am in a hurry.” Bulong man ay pasupladang sinabi ni Mitch. Ang totoo ay nais niyang buhaying ang loob niya, at iwasan ang pagbagsak ng luha.

“Mitch… listen, this is all about Arianne.” mahinahong sabi ni Orhys.

Mitch swallowed before she managed to speak. “That Arianne isn’t really your sister?”

Bumilog ang mga mata ni Orhys tanda ng hindi nito inaasahan ang narinig buhat sa kasintahan. Mababasa sa mga mata nito ang katanungan kung paanong sumagi sa isipan ni Mitch ang ganoong palagay. He smiled bitterly at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay. “No, Mitch. Arianne is my real sister… my blood.”

It was Mitch’s turn to be surprised. Dalawang emosyon ang naghahari sa kanyang dibdib – emosyong hindi niya kayang kontrolin – ang labis na pagtataka at ang hindi maitagong tuwa. Pagtatakang kung totoong kapatid ng kanyang boyfriend ang babae, iyon ay taliwas sa ikinikilos ng huli. Subalit naroon ang tuwa sa nalamang hindi mangyayaring magkaroon ng puwang ang isang pagkakataong magkaroon ng anumang ugnayan sa pagitan ng dalawa higit sa turing ng magkapatid.

“Buntis si Mommy sa akin noon bago siya nagtapos sa college. Nang sabihin niya iyon kay daddy, hiniwalayan siya nito. My mom`s hatred towards my dad ay nabaling sa akin. Gusto niya akong ipalaglag pero hindi pumayag ang yaya niyang si Nanay Delia, ang kinagisnan kong ina noon…”

Gusto niyang yakapin ang binata nang mga oras na iyon habang nakikinig sa kwento nito.

Dinala si Ohrys ng kanyang Nanay Delia sa probinsya at inalagaan bilang isang tunay na anak
nito. Subalit nagkasakit ito at namatay. Bago ito nawala, pinagtapat nito sa kanya ang buong
katotohanan. Nang mailibing ang kanyang nanay-nayan, isang mag-asawa ang nagpakilala sa
kanya bilang mga tunay na mga magulang niya.

“Hindi alam ni Nanay na nagkabalikan ang mga magulang ko at nagpakasal after five years nang mapanganak ako,” patuloy ni Ohrys.

Dinala siya ng mag-asawa sa Maynila at doon pinatira sa malaking bahay kasama ng isa pa nitong anak—si Arianne. She hated the girl very much sa kabila ng pagiging sweet nito sa kanya. Hindi niya ito pinapansin at hindi rin itinuring na kapatid—not until he met Mitch.

“Nagbago ang tingin ko sa kanya mula nang makilala kita. I gave her a chance to be my sister…”

Noon lang naintindihan ni Mitch ang lahat—kung bakit parang ganoon na lang ka-obsess si
Arianne sa boyfriend niya. Kakatanggap lang pala ni Ohrys dito bilang kapatid at nang ipakilala
siya ng binata bilang nobya nito, pakiramdam ni Arianne ay babalewalain na naman siya nito. Oh, how wrong she was! Sinasabi na nga bang mali ang kanyang hinala.

But there was something na higit na nagpasaya sa kanya—nang sabihin nitong siya ang dahilan
kung bakit nagbago ang tingin nito sa kapatid. Ganoon ba talaga siya ka-hulog ng langit sa buhay nito? Ganoon ba kalaki ang naging impact niya sa buhay nito? Ganoon ba katindi ang
kapangyarihan ng pag-ibig at nakaya nitong paamuhin ang nobyo niya towards Arianne?

“I`m sorry…Hindi ko alam…” nakayukong paumanhin niya sa binata. Hiyang-hiya siya sa kanyang sarili dahil sa mga masamang iniisip niya tungkol kay Arianne. Pero hindi pa tapos ang issue nila.

Kailangan niyang patunayan dito na hindi niya pinagkainteresan ang kwentas ng kapatid. Never in her wildest dream na magagawa niyang magnakaw ng gamit ng ibang tao. “Ohrys, hindi ko
kinuha ang kwentas ni Arianne,” mahinang wika niya.

“I know,” sagot nito sabay iniangat ang kanyang mukha. “I know. Kaya nga kita gustong
kausapin. Alam kong gawa-gawa lang iyon ni Arianne para magalit ako sa iyo at magkahiwalay
tayo.”

“Pero hindi iyan ang narinig ko…”

“I know. I`m sorry. Magulo lang ang utak ko noon. Hindi ko sinasadya,” nagsisising sagot nito.
“Nagkamali si Arianne kung inaakala niyang hihiwalayan kita dahil lamang doon. I love you so
much, Mitchy. Kahit ilang beses ka pang magkasala sa akin, handa akong patawarin ka nang
paulit-ulit huwag ka lang mawala sa buhay ko. Tandaan mo iyan.”

“Ohrys…” naluluhang sambit niya sa pangalan nito sabay yakap nang mahigpit sa binata. “Mahal na mahal din kita at hindi ako papayag na mawala ka sa akin nang ganoon-ganoon lang.”

Magkahawak-kamay silang umalis sa lugar na iyon. Namasyal sila sandali bago siya dinala ni Ohrys sa bahay nito. Lunch time na at sinabi nitong sasabay sila sa pamilya nito para mananghalian sa bahay ng mga Briones.

4 thoughts on “Adik Sa’yo – Part 2

Leave a Reply