Adik Sa’yo – Part 1

LAKI sa hirap si Michelle. Ngunit dahil sa matalino siya, nagawa niyang makapasa sa isang scholarship exam kaya nakapag-aral niya sa kolehiyo. Masaya ang pakiramdam niya sa na sa unang pagkakataon ay makakapasok siya sa isa sa mga sikat na unibersidad sa Pilipinas. Hindi mahirap sa kanya ang mag-adjust. Hindi rin siya nahirapan sa kanyang mga kaklase dahil halos lahat ay mababait sa kanya.

Papunta siya sa kanyang klase sa Filipino 1 nang maagaw ng isang lalaki ang kanyang atensyon. Maputi ito at gwapo at mukhang mayaman. Katabi nito ang isang babae na tingin niya ay girlfriend nito. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang hikaw nito sa may gilid ng labi at naninigarilyo pa habang nakikipag-usap rito. Nainis siya sa kanyang nakita.

Di ba bawal ang smokers sa paaralang ito? Paano nakapasok ang estudyanteng ito, eh may hikaw pa? Mukha pang addict!

Hindi maintindihan ni Mitch ang kanyang nararamdaman nang mga oras na iyon. Naiinis siya sa lalaki ngunit nanghihinayang din siya para rito.

“Sayang siya…Kung naging matino sana siya sa kanyang pag-aaral…Gwapo sana siya kaya lang…,” naisaloob niya. “Ano ba itong iniisip ko?” agad din niyang pinagalitan ang sarili.

Lumipas ang mga araw. Paulit-ulit ang eksena. Gising sa umaga, punta sa paaralan, uwi sa boarding house and vice versa. Madalas din niyang nakikita ang lalaking iyon sa parehong pwesto. Palagi itong naka-long sleeves at nanlalalim pa ang mga mata nito na parang walang tulog. At sa bawat pagkakataong iyon lalo siyang naiinis. Ewan niya kung bakit. Wala siyang ideya kung bakit ganoon na lamang ang pagkainis niya sa lalaking iyon gayong wala naman itong ginagawang masama sa kanya. Siguro ay dahil sa pinakaayaw niyang makakita ng kahit na sinong naninigarilyo.

“Ang sabihin mo, naiinis ka dahil type mo sana ang lalaking iyon kaya lang ay ayaw mo sa kanya dahil mukha siyang addict,” sigaw ng isang bahagi ng kanyang isip.

Totoo nga ba? Kaya ba siya naiinis ay dahil nanghihinayang siya sa gwapong lalaking iyon? Dahil naninigarilyo ito? Ah, ewan.

Para makalimutan ang lalaki, isinubsob ni Mitch ang sarili sa pag-aaral. Naging abala siya sa pagkuha ng matataas na marka at pagpapanatili sa kanyang scholarship. Ngunit kahit ano pang gawin niya, hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang lalaking iyon.

“Hoy, huwag kang masyadong magpupuyat!” Nagulat pa siya nang pabiro siyang pagalitan ni Harry, ang boardmate niyang lalaki na nasa bintana. Katapat kasi ng study area nila ang kwarto nito at ng iba pa. “Masyado ka kasing seryoso diyan. Ngumiti ka naman,” dagdag pa nito.

“Tumigil ka diyan,” pabiro ding bulyaw niya rito. “Mag-aral ka nga lang diyan. Huwag kang mangingialam ng kung sino.”

“Ay, nagalit ba?” wika naman nito.

“Hindi ako galit,” sagot niya. “Pwede ba tigilan mo na ako, ha? Pwede?”

Tumigil na rin si Harry sa panunukso sa kanya.Medyo na-guilty naman siya sa kanyang sinabi o sa kanyang pagkakasabi kaya agad siyang humingi ng paumanhin sa binata kinabukasan.

“Harry, sorry. Pasensya ka na, medyo tumaas ang boses ko sa iyo kagabi,” paumanhin niya. “May iniisip lang kasi ako kaya medyo ayokong maistorbo.”

“Okay lang iyon. Ako  nga ang dapat humingi ng tawad, eh. Inistorbo kita sa pag-aaral mo kagabi. Pasensya ka na rin sa akin. Binibiro lang naman kita kagabi. Napakaseryoso mo kasi, eh,” tumawa pa ito nang mahina. “Ano ba kasi ang iniisip mo…? Ay, ang kulit ko, ano?”

Pareho silang natawa. Saglit ding napalis ang kanyang tawa nang sumagi na naman sa isip niya ang mukha ng addict na lalaking gumugulo sa isip niya.

Tatlong araw na ang lumipas. Nagtaka siya dahil hindi na niya nakikita ang “addict” na iyon. Gayunpaman, masaya na rin siya. Mukhang tapos na ang kabanata ng taong iyon sa buhay niya. Mabuti naman. Isa pa, masaya na rin siya sa pagiging malapit nila ni Harry sa isa`t isa.

UMUULAN. Tapos na ang klase nila sa last subject niya sa araw na iyon. Sa hagdanan sila ng exit ng building dumaan. Hindi pa man siya tuluyang nakababa ay nakilala na niya agad ang dalawang taong nag-uusap sa may hagdanan kahit nakatalikod ang mga ito sa kanya. Hindi niya alam kung paano bababa. Ayaw sana niyang dumaan sa gitna ng mga ito baka makaistorbo pa siya pero wala siyang magagawa dahil siya na lang ang hinihintay ng kanyang mga kaklase. Nakababa na ang mga ito. Napilitan siyang makiraan sa gitna ng mga ito.

“Excuse me,” aniya. Sabay napalingon ang dalawa. Saglit na nagtama ang paningin nila ng binata. Siya ang agad bumawi. “Makikiraan sana ako.” Tumabi ito at pinaraan siya.

Napansin ng kanyang mga kasama ang kanyang pananahimik nang makalayo sila sa hagdanan.

“Mitch, okay ka lang?”

“Siya iyong sinasabi ko sa inyong mukhang ‘addict’ na nakita ko,” sagot niya. Muli niyang sinulyapan ang hagdanan.

Abot abot ang kaba niya nang makiraan siya sa dalawa, nakita na naman niya ang “addict” at may kasama pa! Hindi niya mawari kung bakit napakalakas ng kabog ng dibdib niya nang mga sandaling iyon, sabihin na nating ordinaryong mga tao lamang ang mga iyon. Maliban sa isa! Yung adik! Pilit niyang inaalis sa isip ang lalaking iyon, nakalabas na siya ng gate, umuulan pa rin. Tumabi siya ng konti para may masilungan at kinapa niya ang bag. Wala pala siyang dalang payong! Pero ang natatandaan niya kanina ay may dala siyang folding umbrella. Hindi naman niya pwedeng gawing pansangga sa ulan ang mga librong dala niya, susuuong na lang siya sa ulan. Ready na.. at takbo- biglang may humawak sa braso niya, nilingon niya ito. Nanlaki ang mga mata, si Addict! 

“Missy, mahirap na ngayon ang magkasakit. If I were you, makikisukob na lang ako.” Binuksan nito ang kulay pink na payong, pamilyar sa kanya ito. Tiningnan naman niya ang handle nito at may pangalan niya. Napanganga siya! Paano nito nakuha ang payong niya gayong hindi naman niya ito inilalabas?!

“T-teka, payong ko iyan ah! Paano-“

“Shut up will you?! It’s raining very hard at sasabay pa iyang laway mo! Let’s go.” Hinawakan siya nito sa braso at itinawid hanggang sa makarating sa waiting shed. Habang tumatawid ay hindi mapigilang mabungguan ang katawan nila. Sa halip na lamigin dahil sa malakas din ang hangin ay mas nanaiig ang init ng katawan nito. Nang makarating sa shed ay tiniklop na nito ang payong at tumingin sa kanya. She felt uneasiness, titig pa lamang nito ay nakakatunaw na.

“B-bakit?” tanong niya rito. May tumigil na Honda City sa tapat nila, bumukas ang bintana, ito ang lalaking kasama ni “addict” kanina. 

“Dude, let’s go! May gimmick pa tayo!” sabi ng lalaki. Tumingin sa kanya si “addict.”

“Sa susunod, huwag kang burara. Sa huli ikaw rin ang mapapahamak.”  sumakay na ito sa loob ng kotse at umibis na ito. Sinapo niya ang dibdib, mas malakas ang kabog niyon. For the first time ay nakapag-usap sila ng lalaking iyon at pinagalitan pa siya! Hindi naman niya kasalanan kung nawala ang payong niya. “Gaga! Bakit hindi mo tinanong ang pangalan!” Napakamot siya sa ulo. Hindi na kailangan! Bakit pa?! Pinara niya ang isang jeep at sumakay. 

Nang makarating sa boarding house ay nagbihis at nagpahinga siya bago mag-aral. Tulad ng dati ay nakasubsob siya sa libro. Biglang pumasok si Harry.

“Oy! Nagsusunog ka na naman ng kilay ah. Kumain ka na ba?”

Umiling siya. Wala siyang ganang kumain dahil hindi siya maka-get over sa nangyari kanina. Paano ba niya nakuha ang payong ko? Kanina pa niya iniisip kung paano nangyari iyon, imposible namang naglakad ang payong niya papunta kay Addict. 

“Hoy! Talak ako ng talak dito tapos tulala ka lang diyan. Ano bang nangyayari sa iyo?” Untag sa kanya ng kaibigan,

“Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa akin.” sagot lang niya habang nakatutok pa rin ang kanyang mga mata sa libro kahit walang pumapasok sa utak niya. Paulit ulit na sumisirko sa kanyang utak ang mga sinabi ng adik na iyon.

“Shut up will you?! It’s raining very hard at sasabay pa iyang laway mo!”

Naaaning na ata siya, wala sa sariling pinukpok ang kanyang ulo gamit ang aklat. Kahit anong gawin niya ay hindi mawala sa isip niya ang taong iyon. 

“Bahala ka nga sa buhay mo.” Iniwan na siya ni Harry, siguro ay naiisip nito na nababaliw na siya. Tama, nababaliw na siya! Hindi naman siya ganito dati, laging alerto ang lahat ng senses niya 24/7 tapos… tapos- Tumunog ang phone niya, walang caller name, sinagot naman niya ito.

“Hello? Sino ito?”

“Mitchy.” Kumunot ang noo niya, Sino naman kayang Pontio Pilato ang tumawag sa akin ngayon? Busy ako! Ngalingali niyang sabihin sa caller. Busy kamo sa pag-iisip sa adik na iyon! Iniuntog niya ang ulo sa lamesa, lihim siyang napa-aray.

“Sino ka? Anong kailangan mo?” Pagtataray niya. “At paano mo nakuha ang phone number ko?” Sunod sunod niyang tanong.

“Easy, Mitchy.” Mukhang masarap pakinggan ang pangalan na ibinigay sa kanya ng mysterious caller. “Nakuha ko ang phone number mo sa payong, may pangalan mo at phone number in case na maiwala mo ang payong.” Sagot nito. Bigla na naman niyang naalala ang lalaking adik. 

“At paano mo naman nakuha ang payong ko?”

WALA siyang makuhang sagot kung bakit niya tinawagan ang babaeng nagngangalang Mitch. Siguro ay curious lang siya sa babaeng ito. Mabilis niyang na-i-dial ang CP number nito. Agad niyang natandaan ang eksaktong phone number nito nang mapulot niya ang payong sa fire exit. Nahulog ito mula sa bag ng dalaga, hindi naman kasi naka-zipper ng maayos ang bag kaya’t nahulog ito. Nais niyang ibalik ngunit pinigil siya ng kanyang PRIDE, dahil sa suplada si Mitch. Mabilis niyang nai-kwento ang nangyari, hindi naman siya nagsisinungaling. 

“So, Mitchy. Bali-balita ko ako raw ang pinakaaayawan mong lalaki sa buong campus?” nakangising tanong niya sa dalaga.

“Oo, ikaw nga!” Walang gatol na sagot naman nito.

“Tell me why? Gwapo naman ako ah?”

“Dahil isa kang adik! Ayoko sa adik na katulad mo!” Matapang si Mitchy, and for the first time in his life, may nanigaw sa kanyang babae. 

“I don’t care kung gwapo ka! Ayaw ko sa metal ring na nasa kanang labi mo-“

“Nasa left my dear.” Natatawang pagtatama niya,

“Ah ewan! Ayaw ko sa naninigarilyo! Alam mo bang labag sa rules and regulations ng school ang ginagawa mo?!” Sigaw ulit nito, inilayo niya ng konti ang telepono sa tainga niya. Mukhang mababasag na ang kanyang eardrum.

“At ano ang ibig mong sabihin? Eh ano naman sa iyo kung nilalabag ko ang rules and regulation? At ano naman ang pakialam mo sa lip piercing ko? Baka isa lang ang ibig sabihin  nu’n.” Lihim siyang napangiti, parang nawawala siya sa sarili niya. Once in a blue moon kung siya ay ngumiti, at nang makilala niya si Mitch ay parati na alng nakapaskil sa mga labi niya ang ngiti.

NAPATAYO siya dahil sa inis. Kung kaharap lang sana niya ang adik na ito ay malamang nasabunutan na niya ito. 

“Ano naman ang ibig mong sabihin?” Pagtataray ulit niya. Sobrang taray niya lately. Bakit kaya?

“Baka, baka may gusto ko ka sa akin.” Muntik nang mahulog ang tangan niyang cellphone. 

“Ako? Magkakagusto sa iyo? Not even in your wildest dream! Hindi ako magkakagusto sa isang adik!” singhal niya rito. Napaka-secure naman ng taong ito at na-conclude na agad na may gusto siya rito. Wala ba?

“Will you stop calling me Adik? That’s not my name. I have mine and it’s Raymond. Understand?” Mukhang napipikon na nga ito sa katatawag niyang adik mula kanina pa. Raymond pala ang pangalan ng mokong. Marunong palang mag-english ang isang adik? Parang magno-nosebleed siya.

“Bakit natahimik ka?”

Hindi na siya sumagot, pinutol na niya ang tawag at inihagis ang cellphone niya sa kama. Matutulog na lang siya.

Raymond…

Kinabukasan ay napansin niyang wala si Raymond, ni hindi man lang niya ito nakasalubong. “Bakit ko naman siya hinahanap? wala akong care sa kanya!” sermon sa sarili. Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad, baka mahuli pa siya sa unang klase. Biglang sumambulat ang kanyang mga dala sa sahig, pati siya ay napaupo. “Kainis naman oh! Hindi kasi magdahandahan eh!” Pinulot niya ang mga libro niya, tiningala niya ang nakabangga sa kanya. Royal blue ang suot nitong body hugging T shirt, bakas ang maganda nitong pangangatawan. Maganda ang mga mata nito, masarap tingnan. Perpektong bridge at hugis ng ilong, malinis ang gupit–

“Are you satisfied, Mitchy?” Ang boses na iyon?! Imposible!

“Raymond?!”

Ngumiti ito.

NASA isang resto bar sila sa Quezon City. Kahit alam niyang may kasalanan siya kay Mitch ay paninindigan na talaga niya. Ginamit pa niya ang pangalan ng kaibigan na si Raymond, he doesn’t want to tell the lady his true identity, his real name and real personality, sa mas pinadaling salita, nagtatago siya sa isang maskara.  

“Ohrys, natahimik ka.” Tinungga ni Raymond ang alak.

“Dude, may kasalanan ako sa iyo.”  Pag amin niya,

“At ano naman iyon?”

“I used your name. Ginamit ko ang pangalan mo, iyon ang binigay ko kay Mitchy.” Siya naman ang tumungga ng alak.

“Okay lang dude, pero kapag sa akin na-inlove si Mitch, humanda ka.” Patawa tawa pa ito.

“Don’t care. Sa iyo na siya.” Inisang lagok niya ang beer, ipinamimigay niya si Mitch kahit alam niya sa sarili niya na may kulang sa kanya. Hindi na siya mukhang adik sa school, malinis siya sa umaga at adik sa gabi. And why did he do that? Because of Mitch, galit ito sa isang adik na tulad niya. Hindi naman siya totally adik. Mukha lang, may bisyo rin naman siya. And the only thing which he can’t bear the most, ang magalit ang Mitch na iyon sa kanya. At ngayon, hanggang ngayon ay hindi niya alam kung bakit, Mitch, she’s special.

NASA gym si Mitch para sa kanilang PE. Agad siyang pumunta ng CR para magpalit ng PE uniform. Inilagay niya sa bag ang kanyang suot kanina at ang kanyang ID. Ang akala niya ay magkakaroon sila ng practicum ngayon. Sa halip ay pinaupo silang lahat ng kanilang instructor sa bench para panoorin ang mga basketball players na noon lang niya napansing nasa baba at nakatayo sa gilid ng court.

“Okay, we will postpone our practicum today,” balita ni Mr. Chua.

Napahinga naman ng malalim ang mga kaklase niya

“Bibigyan ko pa kayo ng one week para mag-practice,” patuloy ng guro. “For the meantime, panonoorin natin ang mga basketball player kung paano sila maglaro. Actually, that`s the reason why we can`t do our practicum today…”

“Thanks to them,” wika niya sa sarili.

“I hope you can get some lessons, technique and strategy kung paano laruin nang tama ang basketball. I hope you`ll do great during the practicum after this.”

Suddenly, they heard the referee blew his whistle. Senyales iyon na magsisimula na ang laro. Ayon sa kanyang guro, practice game lamang iyon ng Lions Basketball Varsity, ang official basketball team ng kanilang school.

Panay ang cheer ng kanyang mga kasama habang siya ay tahimik lamang na nanonood sa kanyang upuan. Hindi lang pala ang section nila ang naroroon. May ibang section din ng PE 2 na naroroon at pinapanood ang laro. Maya-maya pa`y biglang dumami na ang tao sa gym. Nagsidagsaan ang mga estudyanteng addict din sa panonood ng basketball.

Muling sumipol ang referee for the substitution. 

“Cervantes out, Briones in,” wika ng table man.

Pumunta sa tabi ang isang player na malamang ay si Cervantes at pumunta naman sa gitna ang isa pa. Gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang makilala ang tinutukoy ng table man na si Briones. Si Raymond!

“Mitch, di ba si Addict yun?” pabulong na tanong ni Jessa.

Tumango lang siya. “Hindi ba bawal ang basketball player na addict?” nakakunot ang noong tanong niya sa kanyang sarili.

Biglang siyang nataranta nang tumingin sa direksyon niya si Raymond na para bang alam na alam nito na naroon siya. Umiwas siya ng tingin ngunit huli na dahil kinindatan pa siya nito.

Kindat ba iyon?! Tanong ng isang parte ng kukote niya. Natural! Kumisap yung isang mata di ba?! Noong isang araw lamang ay isang malaking transformation ang nangyari dito. Parang si Cinderella. “Baka nagbabago rin ang anyo nito sa gabi.” Pinilit niyang aliwin ang sarili sa panonood ng game nang may biglang nagsalita.

“Uhaw na ako! Sino bang may tubig riyan?” Kahit hindi na niya lingunin ang nagsalita ay alam niyang si Raymond iyon. Napatingin siya sa hawak niyang mineral water, may bawas na iyon ngunit konti lang. Papainumin mo?! Umiling siya. Mamatay siya sa uhaw!

“Uy, mukhang nagpaparinig si Raymond ah. Ibigay mo na!” PAbulong sa sabi ni Jessa. Tinutukoy nito ang mineral bottle niyang hawak, kabibili lang niya ito kanina sa canteen sa pag-aakala niyang papahirapan sila ng husto ni Mr. Chua. Parang gusto niyang asarin si Raymond, nilapitan niya ito at binuksan ang bote

“You want?”

“Sure!” Nakasahod na ang kamay nito nang bigla niyang ininuman ang bote. Mamatay ka sa inggit! Wahahaha! Umabot na sa kalahati ang bawas ng tubig nang bigla itong mawala sa kanyang bibig. Ininuman ni Raymond ang bote. Pawis na pawis ito at halatang uhaw na uhaw. Oh my Gosh! Indirect kiss yan! Bigla siyang pinamulahan ng mukha. Masasabing indirect kiss nga iyon dahil sa mismong labi ng bote siya uminom, sureness na may saliva niya iyon. Tapos si Raymond naman ang uminom. Bigla siyang pinanuyuan ng lalamunan, gusto niyang uminom ulit. 

“Uhaw ka pa?” Parang nang-aasar na tanong ni Raymond.

“Hin-” Bago pa siya makasagot ay sinakop na nito ang mga labi niya, a gush of mild hot water slide down through her throat. Laway ba iyon? Bakit ang dami! Tubig iyan gaga! Nang matapos ang halik or should we call it, transfer of water through mouth to mouth ay natulala siya. Ramdam pa rin niya ang maiinit na mga labi nito na nakadikit sa kanya. May dumampi na malambot na bagay sa gilid ng mga labi, pinapahid ni Raymond ang tubig na kumalat sa gilid ng labi niya hanggang sa may parteng baba. Mukha tuloy siyang naglalaway, gusto niya itong sampalin ngunit may pumipigil sa kanya.

“Satisfied? Sige, babalik na ako sa court. Tinawag na ako ni coach.” Hindi pa rin siya makahuma. Natagpuan na lang niya ang sarili na binabatukan ni Jessa, doon siya nagkamalay tao.

“At ano?!” Mukhang excited ito.

“Mainit…” Nakatulalang sagot niya. That addict guy kissed you and you didn’t do anything! Remember this, first kiss mo siya! Natutop niya ang bibig, tama! First kiss niya si Raymond! Sasampalin ba niya ito? Hindi papansinin o magdo-drop siya sa school. ayaw niya sa huli, hindi na lang niya ito papansinin at isasaksak niya sa isip niya na walang nanyari. Kaya mo ba? Tanong ng isang pasaway ng tinig. Kaya nga ba niya???

“HOY, Mitch!” untag uli ni Jessa sa kanya. “Kanina ka pa nakatitig sa hawak mong mineral water, ah. Wala ka bang planong inuman iyan? Pwede akin na lang?”

“H-ha?” tanging nasagot niya. Ano`ng nangyari? Nananaginip ba siya kanina? Muli niyang tiningna ang hawak na mineral water. Hindi pa iyon nabuksan. 

“Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ng kaklase.

“O-oo. Heto sa iyo na,” agad niyang abot dito ng mineral water. Nagpaalam siyang pupunta lang ng C.R.

What just happened, Mitch? tanong ng kanyang isip. Hindi siya makapaniwalang nagawa niyang mag-imagine nang ganoon…and with Raymond! Gosh! Not even in her wildest dream na pinangarap niyang makasama ang lalaki pero ano ang ginawa niya kanina? Nanaginip siya nang gising nang makita ang pawisang binatang nasa harapan niya at naglalaro ng basketball… Wala sa loob niya na nilasahan ang sariling bibig. Parang nalalasahan pa rin niya ang halik ni Raymond.

Hindi niya namalayang matagal na pala siya sa C.R. Paglabas niya, wala na roon ang buong section nila. Palabas na rin lahat ng mga players. Tapos na pala ang laro. Naroon pa rin sa bench ang kanyang bag. Bumalik siya doon para kunin ito.

“Hi, Mitchy!” malambing na bati ng boses na kilalang-kilala niya. Muntik pa siyang mapatalon sa labis na pagkagulat. “Uuwi ka na ba?”

“Yeah,” aniya at mabilis na pinulot ang bag. Mabilis siyang naglakad papalayo rito. Parang takot na takot siyang mapalapit dito na para bang may nakakahawa itong sakit. Guilty ka kasi!

“Hey, wait!” pigil nito ang kanyang braso nang maabutan siya.

“Bitiwan mo ako,” palag niya sabay agaw ng kanyang braso. Para siyang napaso nang dumikit ang balat nito sa kanya.

“Bakit parang takot na takot ka sa akin? Hindi naman kita re-reypin,” nakakunot ang noong tanong nito sa kanya.

“Pwede ba layuan mo ako. Ayoko sa iyo,” malakas na sagot niya at nagtatatakbo paalis.

WHAT has he done? Do I regret it? Tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan si Mitch na lumalayo sa kanya. Hindi rin niyang in-expect na magagawa niya iyon at kay Mitch. “Siya naman ang panguna!” Depensa niya, but Mitch’ lips were so sweet. Matapos ang halik na iyon ay inihanda na niya ang pingi dahil sa malakas na sampal nito ngunit hindi nangyari ang inaasahan. Kung sakaling may nararamdaman siya para kay Mitch, hanggang kailan siya magsisinungaling dito? Gusto niyang sabihin ang lahat lahat kaya’t sinundan niya ito. Nagpang-abot sila sa canteen.

“Mitch.” Nilingon naman siya ng dalaga, mukhang takot na takot pa rin ito sa kanya. “I want to tell you something.”

“A-about what?” Pinaupo muna niya ito sa upuan bago nagsimula. Wala masyadong tao sa canteen dahil class hours. “Raymond, huwag mo nga akong paghintayin, may klase pa kami.” Pagtataray nito. Amazed siya rito tuwing nagtataray.

“Don’t call me Raymond because I’m not.” Naguluhan ito. “Raymond, he’s my best bud.” 

“A-ano?” 

“I’m not Raymond, ginamit ko lang ang pangalan niya.” 

Tumayo na si Mitch at halatang nagalit sa ginawa niya pero hindi pa siya tapos. “Wait, I’m not done. May gusto pa akong sabihin.”

“Tapusin mo na.” Malamig na utos nito.

“and-” Biglang nag ring ang cellphone niya, ayaw niyang paghintayin si Mitch dahil magagalit na naman ito, urgent call naman ang dumating kaya’t nag-excuse siya.

“Hello? Mom? How is he?”

“Wala pa rin. Hindi pa rin siya gumigising.” Biglang umiyak ang kanyang ina….

NAPANSIN niyang nag-iba ang reaksyon ng kanyang kaharap.

“May problema ba?” tanong  niya rito.

“My dad had an accident,” malungkot na sagot nito. “I have to go to the hospital right now,” nagmamadaling wika nito. “I`m sorry.”

“Raymond!” tawag niya. Or whatever your name is. Lumingon sa kanya ang binata. “Can I go with you?” wala sa loob niyang tanong rito.

Mabilis itong tumango at sabay silang pumunta ng ospital.

Kitang-kita niya ang hindi mapakaling hitsura nito. Naninibago siya sa binata. Hindi niya alam na marunong din pala itong mag-alala. Masyado niya itong hinusgahan…Maya-maya pa`y biglang sumagi sa isip niya ang nangyari sa gym. Gusto sana niyang tanungin ito kung ano ang totoong nangyari noong araw na iyon–kung guni-guni lang ba niya iyon o talagang hinalikan siya nito. Pero hindi yata ito ang tamang oras para sa bagay na iyon. Wala na naman sa loob niya na hinawakan ang kanang kamay nito.

“Magiging maayos din ang lahat,” wika niya.

“Salamat,” sagot nito at tipid na ngumiti sa kanya.

Sa unang pagkakataon, hindi siya nainis sa ngiting iyon ng binata. Sa halip ay parang gumaan pa nga ang kanyang pakiramdam pagkatapos noon.

“MOM, what happened?” tanong ni Ohrys nang makita ang kanyang ina sa labas ng operating room.

“Nawalan ng preno ang sasakyan niya,” umiiyak na sagot ng ina.

“How is he?” nag-aalalang tanong niya sabay yakap dito.

“Hindi ko alam. Inooperahan pa siya.”

Maya-maya`y lumabas ang doktor na nag-opera sa kanyang ama.

“Stable na siya. Hindi naman grabe ang nangyari sa kanya,” nakangiting balita nito sa kanila.

“Thank God,” napabuntong-hiningang wika ni Ohrys.

Naiwan silang dalawa ni Mitch sa labas nang pumasok ang kanyang mommy sa loob para tingnan ang kanyang ama. Nakakabinging katahimikan na naman ang namagitan sa kanila.

“Thank you,” basag ni Ohrys. Tumitig ito kay Mitch.

“It`s okay,” nakangiti namang sagot niya. Nasorpresa siya sa kanyang sarili. Naging komportable na siyang makipag-usap sa kaharap.

“I`m sorry for lying about my name. I`m Ohrys,” pakilala nito sa kanya.

“I`m Mitch,” pakilala rin niya kahit kilala na nito ang kanyang pangalan. Maya-maya`y sumagi na naman sa isip niya ang nangyari sa gym. “Uhm…May itatanong sana ako sa iyo…Hindi ko alam kung paano ko sisimulan…pero hindi kasi ako matahimik…” nauutal na wika niya.

“About what happened in the gym?” hula nito.

“Did you kiss me that day?” diretsong tanong niya.

“I did,” diretso namang sagot ng binata. “I`m sorry…Hindi ko sinasadya…I mean, it just happened, okay?” di magkadatutong paliwanag nito.

“Kaninong mineral water iyong hawak ko after that?” tanog ulit niya na di pinansin ang paliwanag ng binata.

Nagulat ito. Halatang hindi iyon ang inaasahang reaksyon niya.

“My friend gave me that after I had already drank your water…and kissed you…So, I gave it to you instead…bilang kapalit ng ininom ko…”

Para siyang matatawa na maiinis sa kanyang sarili nang marinig ang paliwanag nito. So, nawala talaga siya sa kanyang sarili after that kiss! What duh?

Biglang naudlot ang kanilang pag-uusap nang tumunog ang cellphone ni Mitch. Si Jessa ang tumatawag.

“Saan ka ba nagsusuot babae ka? Bakit absent ka kanina? Alam mo bang may quiz tayo kanina sa English natin at wala ka? Nasaan ka na ba? Pinuntahan kita sa boarding house ninyo pero wala ka…” medyo inilayo niya ang cellphone sa kanyang tenga. Mababasag na yata ang eardrum niya sa lakas ng boses nito. Hindi pa nga siya nakapagsalita, ang dami na nitong sinabi. Iniwan muna niya si Ohrys para kausapin ang kaklase.

“Andito ako sa ospital. Sinamahan ko si Ohrys. Nadisgrasya kasi daddy niya,” pabulong na sagot niya rito.

“Sino naman iyang Ohrys na iyan? Kilala ko ba iyan?” malakas pa ring tanong nito.

“Hinaan mo nga ang boses mo! Mabibingi na ako sa iyo, eh,” naiinis na utos niya rito bago bumulong ulit. “Si Addict. Ohrys ang totoo niyang pangalan at hindi Raymond.”

“Ano? Magkasama kayong dalawa ngayon?” hindi makapaniwalang tanong nito na medyo mahina na ang boses.

“Oo. Basta, mamaya ko na ikukuwento ang nangyari. I have to go. Bye,” mabilis niyang pinatay ang cellphone at binalikan si Ohrys. “Pasensya ka na…” nag-aalangang paumanhin niya sa binata na hindi niya alam kung bakit.

“Ihahatid na kita pabalik sa school. Baka may klase ka pa. Naka-absent ka na tuloy sa isa mong subject dahil sa akin,” mahinahong wika nito.

Tumango lang siya. May bahagi sa kanyang isip na nagsabing ayaw pa sana niyang bumalik. Baka kapag bumalik siya roon, babalik na naman ang dating sila. Okay na sana siya sa Ohrys na kaharap niya ngayon. 

“Pasensya ka na, hindi kita naipakilala sa Mommy ko,” wika nito habang sakay sila ng kotse.

“It`s okay,” tipid na sagot niya. Ano namang sasabihin mo sa ina mo tungkol sa akin? Na ako iyong pinakamortal mong kaaway sa school?

Ilang minuto pa`y narating na nila ang kanilang campus. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya nito. Agad siyang bumaba at walang lingon-likod na umalis.

Ilang araw na rin ang lumipas mula nang huling makasama ni Mitch si Ohrys sa ospital. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit parang nami-miss niya ang binata. Ayaw niyang aminin iyon sa kanyang sarili pero wala rin siyang nagawa. Araw-araw niyang hinahanap si Ohrys. Hindi siya napapakali sa kakaisip kung kumusta na ito. Okay lang kaya ito pagkatapos ng aksidente ng daddy nito?

“Hi, Mitchy!”

Muntik na siyang mapatalon nang biglang may humalik sa kanyang pisngi. Naningkit ang kanyang mga mata sa galit. Lapastangang nilalang!

“Bast–” Hindi niya natuloy ang kanyang gagawing pagsampal nang makilala ang mukha ng nakangiting binata sa kanyang harapan. Bigla na lamang kumabog ang kanyang dibdib sa tuwa. Pero hindi niya iyon pinahalata sa binata. “Ikaw na naman? Hindi mo ba ako titigilan? Akala ko nawala ka na nang tuluyan sa buhay ko,” mataray na singhal niya rito.

“Easy,” nanunuksong sagot nito na nakangiti pa rin. “Alam ko namang nami-miss mo na ako, eh.”

Sapul! Paano naman nito nahulaan? May kakayahan ba itong basahin ang iniisip niya

“Ang kapal din naman ng mukha mo, ano? At sino ka naman sa tingin mo para ma-miss kita?” lalong naningkit sa inis ang kanyang mga mata.

“Boyfriend mo,” diretsong sagot nito saka bumaling sa mga estudyanteng naroon. “Hey guys! Girlfriend ko, si Mitch!” pagmamayabang nito.

Napanganga siya sa sobrang gulat. Ni hindi siya nakapagreklamo. A-ano raw? Girlfriend? Kelan pa ito nanligaw sa kanya? Namula na siya sa sobrang hiya nang batiin ng mga estudyanteng naroon. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kaya nagmadali siyang umalis palayo sa binata.

“Mitchy, wait!” tawag sa kanya ng binata. Hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang makarating siya sa lugar na walang tao. Noon lang niya na-realize na nasa loob pala siya ng gym. “You want me to do it again?” nanunuksong tanong ni Ohrys. Bigla siyang tinuyuan ng lalamunan nang maalala ang ginawa nito sa kanya rito sa gym.

“Hindi mo ba talaga ako lulubayan?” tanong niya. Kinakabahan na siya na parang nananabik na baka ulitin talaga nito ang ginawang paghalik sa kanya.

“Nope. Hanggang hindi ka umaamin na in love ka sa akin,” mayabang na sagot nito.

Sarkastiko siyang napatawa. “Ako? Mai-in love sa iyo? Excuse me? Hind ako mahilig sa isang addict! No, thanks,” sagot niya. Huli na para pagsisihan ang pagtawag niya rito ng addict.

“Oh, yeah? Kung hindi ka in love sa akin, bakit hindi mo ako sinampal noong halikan kita?” nanunukso pa ring tanong nito na unti-unting lumapit sa kanya.

“Masyado akong nabigla sa ginawa mo, ano? Isa pa, first time…Oops!”

Hindi nakaligtas kay Ohrys ang kanyang sinabi. “First time? As in first kiss?” mas lalo pa siyang tinukso nito.

Namula siya lalo sa hiya. Bwisit na dila `to! Mukhang natuwa pa ang mokong sa nalamang siya ang first kiss ko? Kainis naman, oh!

“May klase pa ako,” aniya na umalis na naman palayo rito. Kulang na lang talaga ay liparin niya ang kanyang classroom para hindi mahabol ni Ohrys na hindi niya sigurado kung nakasunod na naman sa kanya.

TATAWA-TAWANG naiwang mag-isa si Ohrys sa loob ng gym. Hindi siya makapaniwalang nagawa niya iyon kay Mitch at hindi man lang ito nakapagreklamo sa kanya. Si Mitch na kilala niyang maarte at mataray at sagad sa buto ang pagkainis sa kanya ay hindi man lang nakapalag nang sabihin niyang girlfriend niya ito sa harap ng maraming tao. Napailing siya!

Agad siyang nagbihis ng kanyang jersey at nauna nang mag-practice ng basketball habang hinihintay ang mga kasama. Anumang oras ay darating na ang mga ito. Nag-shadow practice siya at ilang beses na nag-lay up, dribble at jump shot.

“Aba, Himala!” bulalas ni Harold. “Ang aga mo yata ngayon para sa practice. At mukhang ganadong-ganado kang maglaro ngayon, ha?”

Nag-jump shot muna siya bago ito nilingon. “Mabuti nang mas maaga, mas maraming nagagawa,” sagot niya.

“Wooh! Look who`s talking?” kantyaw ni Harold. “Si Mitch, ano?” bulong pa nito.

“Anong meron kay Mitch?” nagmaang-maangang tanong niya bago kinuha muli ang bolang nasa sahig. Idinribble niya ito at nag-lay up.

“Nagiging ganyan ka lang naman kasaya at ka-energetic simula nang makilala mo siya,” sagot nito na puwestong sasaluin ang bola. Ipinasa niya ang bola rito na agad naman nitong shinyot sa ring. Sumablay ito at nag-bounce ang bola sa ring. Agad niya itong ni-rebound at ini-lay up. Pasok!

“Kami na!” masayang balita niya sa kaibigan.

“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Paano? Anong ginawa mo? Paano mo siya niligawan? Paano ka niya sinagot?” sunod-sunod na tanong nito.

“Relax,” awat niya. “Isa-isa lang, okay.” Naupo silang dalawa sa bench para magkausap nang maayos. “Hindi ko siya niligawan. Sinabi ko lang na boyfriend na niya ako at sinabi ko harap ng maraming estudyante na girlfriend ko siya. Iyon lang.”

“Iyon lang? Pumayag siya nang ganoon lang kadali?” hindi pa rin makapaniwalang tanong nito.

“Hindi,” sagot niya. Napakunot ang noo nito. “Pero hindi rin siya nagreklamo…which means silence means yes.”

“Talaga lang ha?” natatawang wika na lamang ni Harold na iiling-iling pa rin.

Wala sa sarili niya si Mitch nang lumabas pagkatapos ng kanyang klase kaya hindi namalayan si Mr. Chua at nabunggo pa niya ito. Noon lang siya natauhan.

“Naku, Sir! Sorry po! Pasensya na po talaga,” labis-labis ang kanyang paghingi ng paumanhin sa kanyang PE teacher.

“It`s okay, Miss Nalez,” nakangiting sagot  nito. “By the way, ready ka na ba sa practicum mo bukas?” tanong pa nito.

Noon lang niya naalalang bukas na pala ang practicum nila sa basketball. Oh, shit! Masyado pa kasi siyang nawindang sa pinaggagawa ni Ohrys sa kanya. Mukhang babagsak pa yata siya sa isang subject dahil hindi siya nakapaghanda sa practicum nila.

“Ah, Sir, kasi…Hindi pa po ako masyadong nakapag-practice…” nahihiyang sagot niya.

“Hi, Mitchy!” bigla na namang sumulpot mula kung saan ang demonyitong addict na masyadong makapal ang mukha na sabihing mag-on sila.

Speaking of the devil! Kung minamalas ka nga naman, oo!

Bigla na lamang siya nitong inakbayan. “Hi, Sir! May problema po ba kayo sa girlfriend ko?” nakangiti wika nito na talagang ipinangangalandakang sila na nga. Nainis na naman siya.

“Tumigil ka nga…”

Bago pa niya natapos ang sasabihin, nagsalita na si Mr. Chua. “Pinapaalala ko lang sa kanya ang practicum namin sa basketball bukas, Ohrys,” kaswal na sagot nito na para bang matagal na nitong kilala ang binata. “Mukhang kailangan niya ng tulong mo. Bakit hindi mo siya turuang maglaro nang mabuti?” suhestiyon nito.

“Oh, sure. Napakawalang-kwenta ko namang boyfriend kung hindi ko tuturuan ang girlfriend kong magbasketball para sa practicum niya,” nakangiti pa ring tugon ni Ohrys.

Bago pa siya nakapagprotesta, iniwan na sila ni Mr. Chua. Galit na inalis niya ang kamay ni Ohrys sa kanyang balikat. “Pakialamero ka talaga, ano?”

“Anong masama sa sinabi ko?” nagtatakang tanong nito na parang bata.

“Hinding-hindi ako magpapaturo sa iyo,” asik niya bago umalis palayo.

Hindi nga siya nagpaturo kay Ohrys kaya naman kinabukasan ay nangulelat siya.

“Miss Nalez, di ba sabi ko naman sa iyo magpaturo ka kay Ohrys?” hindi natutuwang wika ng guro niya. “Your performance is very poor. What grade can I give you?”

“Sir, bigyan n`yo pa po ako ng second chance. Masyado lang po kasi akong busy nitong huli kaya hindi po ako nakapag-pratcice nang maayos. Parang awa n`yo na po,” nagmamakaawang sagot niya.

Matagal bago sumagot si Mr. Chua. Nag-isip muna ito. “Okay, last chance mo na `to! Kapag hindi mo ito nagawa, ibabagsak na kita sa subject ko,” sa wakas ay wika nito. “You have to make 30 shots in  30 free throws. You miss one then you fail .”

Napanganga siya. “Po?” Napakahirap naman yata ng pinapagawa nito. Kahit sinong basketball player ay may nami-miss din na free throw, siya pa kayang walang alam sa larong ito?

“Take it or leave. You make your grade,” hamon pa nito.

“I`ll take it,” matapang na sagot niya.

“Saturday, 9:00 AM sharp dito sa gym.”

Wala siyang nagawa kundi pumayag sa gusto ni Mr. Chua. Ayaw niyang bumagsak sa kahit na anong subject, even if it means being wih his self-proclaimed annoying boyfriend na si Ohrys.

Bakit ba hindi siya nilulubayan ng lalaking iyon? Naiinis na talaga siya! Pero kailangan niya munang kainin ang kanyang mga sinabi at lunukin ang kanyang pride. Grade, schoalarship at future niya ang nakataya rito. Ilang araw lang naman, eh. Titiisin na muna niyang kasama si Ohrys kesa bumagsak siya.

“Hi, babe! Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo rito at hanapin ako?” nanunuyang tanong nito sa kanya. Tatawa-tawa lang ang mga kasamahan nito na nakatambay lahat sa lounge ng college nito.

“Pwede ba huwag mo akong tawaging babe?” naiinis na wika niya.

“Fine,” sagot nito. “What is it Mitchy?” seryosong tanong nito sa kanya.

Bigla na lamang siyang kinabahan at nanibago sa seryosong tinig nito na parang galit. Nanghihina yata ang kanyang mga tuhod. Pakiramdam niya ay ibang tao ang kaharap niya.

“I-I need to talk to you,” sinikap niyang makapagsalita nang hindi umiiwas nang tingin sa binata.

“Let`s go,” nakangiting sagot nito. Bumalik na naman ang dating Ohrys. “Bye guys!” paalam pa nito sa mga kasama. Hindi niya gusto ang dating ng mga titig nito sa kanya habang nakaakbay si Ohrys sa kanya.

Hindi niya alam kung bakit kailangan pa siyang dalhin nito sa isang cafeteria malapit sa campus nila para doon mag-usap. Pwede naman niyang sabihin ang pakay niya doon sa loob ng campus basta hindi marinig ng mga kasamahan nito.

“May kailangan ka?” untag na tanong nito sa kanya. Seryoso na naman ang tinig nito pero hindi na kasing tigas ng kanina.

“I need to make 30 consecutive free throw shots this Saturday,” walang paliguy-ligoy na sagot niya. “I miss one, then I fail. Iyon ang kondisyon ni Mr. Chua.”

“Inuutusan mo ba akong turuan kang maglaro? Then I won`t help you,” anito na akmang tatayo.

“I`m begging you,” pigil niya sa kamay nito. “Please?” pagmamakaawa niya. Ngunit sa likod ng nakakaawang hitsura niya ngayon, nagtatago ang isang mabangis na hayop na gusto nang kainin nang buhay ang kaharap niya.

“You`re just acting. No,” tanggi nito at nagtuloy sa labas. 

Aba`y pakipot pa ang mokong na ito, ah! Agad niya itong hinabol sa labas.

“Ohrys!” tawag niya rito. “Sige na naman, oh.” Parang hindi siya nito narinig at nagpatuloy sa paglalakad pabalik ng kanilang campus. “Ohrys, huminto ka muna!”

NATATAWA si Ohrys habang pinakikinggan ang nagmamakaawa pero naiinis nang tinig ng dalaga. Hindi siya huminto sa paglalakad hanggang nakarating sila sa gym.

“Ano na namang ginagawa natin dito?” nakakunot ang noong tanong ni Mitch sa kanya.

“Gusto mong pumasa, di ba?” tanong niya na pigil pa rin ang tawa.

“Papayag ka rin pala, pinahirapan mo pa ako!” naiinis na sagot nito sa kanya.

“Okay, rule number one, hindi ka pwedeng makipag-usap sa akin sa ganyang tono. Baka mairita ako at iwan kita.” 

“At bakit…?” magrereklamo sana ito pero inunahan na niya ito agad.

“Ano?” banta niya.

“Wala. Okay, sige,” mahinahon nang sagot nito. “Ganito ba dapat?”

“Iyong mas malambing pa diyan,” nakangiting sagot niya.

“Hindi ko naman alam kung paano maging malambing ang boses ko,” reklamo nito ngunit sa mahinahon pa ring tono.

“Paano ka ba maglambing sa nobyo mo noon?” nakakunot ang noong tanong niya.

“Eh, wala pa naman…” tataas sana ang tono nito ngunit dahan-dahang bumaba, “…akong boyfriend.”

Lalo siyang napangiti sa nalaman. Talaga pa lang inosente pa ang dalaga. Siya pa talaga ang unang nobyo nito–unofficially! 

“Baka nakakalimutan mong boyfriend mo na ako?” paalala niya rito. “Paano ka ba maglambing sa akin?”

Bigla na lamang itong lumapit sa kanya at ikinawit ang dalawang kamay sa kanyang batok. “Honey, tama na ang satsat, okay? Pwede magpractice na tayo? Sayang ang oras, eh,” malambing na wika nito sa kanya.

Siya naman ang tinuyuan ng lalamunan kahit panay ang lunok niya ng kanyang laway. Masyadong nakakaakit ang tinig ng dalaga pati na ang mapupungay nitong mga mata na nakatitig sa kanya. Ang maganda nitong mukha na parang isang anghel na hulog ng langit…At ang labi nitong minsan na niyang natikman at ngayo`y parang gusto niya ulit angkinin.

“Okay, you pass the first rule,” sagot na lamang niya na marahang inalis ang mga kamay ng dalaga. Ngunit imbes na lumayo ito`y, ikinawit nito muli ang mga kamay sa kanyang batok at hinila palapit dito ang kanyang ulo para magkalapit nang husto ang kanilang mga mukha. Maya-maya`y siniil siya nito ng halik sa labi. Hindi siya agad nakakilos sa labis na pagkabigla. Sobrang nalilito pa siya.

“Now, is there more?” tanong nito nang hiwalayan ang labi niya.

“Yeah,” sagot niya nang maka-recover. “Don`t ever kiss me like that…cause I might want to kiss you back,” pagkawika noo`y muli niyang inangkin ang labi ng dalaga. Parang nadala na rin ang dalaga kaya kusa itong gumanti ng halik sa kanya. 

Is this the beginning of a real romance for both of them or it`s just only for the sake of this practice thing? Saka na niya iisipin iyon. Ayaw muna niyang palampasin ang pagakakataong iyon na muling mahagkan ang dalaga. He savored every moment of it.

HINDI namanlayan ni Mitch na tapos na pala ang halik na siya mismo ang nagsimula. She can’t blame herself. Parang magneto ang labi ng lalaki na nakaawang ng pagsaklubin niya ang kamay sa batok nito. She can’t resist the pull of it.

It was like their first kiss. Like the water that flowed from his mouth to hers, parang nauhaw siya pagkakita sa labi ni Ohrys. It’s the same with tasting a new beverage that your taste can’t deny the flavor. The urge to taste the same drink for the second time. To savor each taste and carve the touch of it not just in her tongue but also in her mind.

Pinagmamasdan ni Ohrys ang kaharap, nakapikit pa rin ito na pawang ninanamnam pa ang after taste ng kanilang second kiss. Nang unti-unti nitong idilat ang mga mata ay sumabay rito ang pagkagulat niya sa biglang pag-usbong ng damdamin na hindi niya malaman kung ano. He’s wondering… kung ano iyon. It’s alien to him dahil ngayon lang niya ito naencounter.

Pagmulat ng mata ni Mitch ay may nakita siya sa mga mata ni Ohrys na hindi niya mawari kung ano. Bigla niya ring naalala ang kapangahasang nagawa kung kaya’t mabilis siyang nagyuko ng ulo upang matago ang pamumula ng kanyang mukha.

Nakita ni Ohrys ang biglang pagyuko ng dalaga. Isa siya sa mga taong hindi magaling sa pagbasa ng ekspresyon kung kaya’t inakala niyang nagsisisi ito sa ginawa nito. Hindi niya mawari kung bakit parang naasar siya bigla rito.

“Nice one, babe. Gusto mo pa bang magpractice o gusto mong tikman na lang buong maghapon ang labi ko?” panunuya niya sa babae.

“Practice,” ang tanging nasambit lang ni Mitch dahil hindi pa rin siya nakakabawi mula sa nangyari kanina.

Habang nag-eensayo ang dalawa, hindi nila maiwasang ma-conscious sa isa`t isa lalo na kapag nagkakadikit ang kanilang mga balat. Kapwa sila nakukuryente at ingat na ingat na hindi magkakadaiti ang kanilang mga balat. Sa huli, hindi naging maganda ang kinalabasan ng kanilang pag-eensayo. Two out of twenty free throws lang ang nagawa ni Mitch. Hiyang-hiya siya sa kanyang sarili pati na kay Ohrys. Pakiramdam niya ay sinayang lang niya ang effort nito. Paano naman siya makakapag-concentrate, eh hindi pa siya nakaka-recover sa nangyari kanina?

“Let`s resume our practice tomorrow. Anong oras ka ba free?” malamig pa sa yelong tanong ni Ohrys sa kanya.

“Wala na akong klase mula alas tres ng hapon,” mahinang sagot niya.

“Good. Be here by three thirty,” anito sabay bitbit ng bola at tumalikod na sa kanya.

Nakayuko ang ulong naiwan siya sa kanyang kinatatayuan.

“Balak mo bang dito matulog ngayong gabi?” nakakunot ang noong tanong nito sa kanya na kanyang ikinagulat. Binalikan pala siya nito. 

“U-uuwi na ako,” sagot niya at agad kinuha ang kanyang bag at sumunod sa binata palabas.

Nagdahan-dahan ito sa paglakad upang makahabol siya. Tahimik silang naglakad palabas ng gate. Akala niya ay uuwi na rin ito sa kanila subalit sumabay ito sa kanya. Mukhang ihahatid siya nito sa kanyang boarding house.

“Okay lang naman ako. Hindi mo na ako kailangang ihatid. Kaya ko namang umuwing mag-isa,” nahihiyang sagot niya. Hindi ito sumagot kaya tumahimik na lamang siya hanggang makarating sila sa kanyang boarding house. “Salamat,” wika niya bago ito tumalikod.

MASAMA ang loob ni Ohrys habang nilalagok ang hawak na beer.

“Pare, hinay-hinay lang,” awat ni Raymond sa kanya.

“Pabayaan mo ako, pare,” matigas na sagot niya.

“May problema ba? Nag-away ba kayo ni Mitch? Pero, di ba normal na sa inyo iyon?” sunud-sunod at nalilitong tanong ng kaibigan.

“Hinalikan niya ako,” mabilis na sagot niya na huminto sa pag-inom.

Natigilan si Raymond at hindi agad nakapagsalita. “W-wow!” hindi makapaniwalang sagot nito subalit bigla na lamang nagtaka. “Bakit parang hindi ka masaya? Isn`t it great?”

“Hindi ko alam, pare. May kakaiba akong naramdaman kanina na hindi ko alam kung ano. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko kanina. Parang…ang lakas ng kabog ng dibdib ko tapos…”

“In love ka sa kanya!” agad na wika nito.

“What?”

“In love ka sa kanya,” ulit nito. “Ganoon ang pakiramdam ng in love, pare.”

“Bakit mo naman alam? Na- in love ka na ba?” nakakunot ang noong tanong niya rito.

“Hindi pa, pero sabi nila, ganoon daw iyon. Congrats pare!” natutuwang wika ng kaibigan.

Gusto niyang matuwa sa sinabi nito. Gusto niyang aminin sa sarili niya na in love na nga siya kay Mitch subalit may kung anong pumipigil sa kanya para gawin iyon. Naalala na naman niya ang mukha ng dalaga kanina. Kitang-kita niya kug paano ito nagsisi sa ginawang paghalik sa kanya. Parang pinamukha nito sa kanya na kahit kailan, hindi siya nito magugustuhan at ang nangyari kanina sa pagitan nilang dalawa ay walang ibig sabihin…or worst, just for the sake of her PE grade. Bigla siyang nakadama ng pagkaasar. Muli siyang tumungga ng beer upang kahit papaano`y mapalis ang bigat na kanyang nararamdaman.

HINDI naman nakatulog si Mitch nang gabing iyon sa kakaisip kay Ohrys. Ano kaya ang iniisip ng binata sa kanya? Galit kaya ito sa ginawa niyang paghalik o sa pangungulelat niya kanina or both? Ano ba? Pakiramdam niya ay wala na siyang mukhang maihaharap sa binata bukas pagkatapos ng nangyari kanina sa gym. Ano ba kasing meron sa gym na iyon at kakaiba ang nararamdaman niya sa tuwing papasok siya roon at naroon din si Ohrys?

Nasa gym na si Ohrys nang dumating siya. Madilim ang mukha nito nang tingnan niya.

“You`re late,” ma-awtoridad na wika nito sa kanya paglapit niya sa binata.

“Pasensya na. Matagal kasi kaming pinalabas ng teacher namin…”

“Tamang na’ng satsat. Pwesto na,” agad na sagot nito bago pa man niya natapos ang kanyang sasabihin. Tahimik siyang sumunod. Pakiramdam niya`y totohanang training talaga iyon. Coach na coach ang dating ni Ohrys sa kanya. Napakaistrikto nito ngayon at hindi man lang ito ngumingiti o nagloloko. Bigla na lamang niyang na-miss ang Ohrys na parang adik na laging nangungulit sa kanya at kinaiinisan niya noon. Parang hindi ito ang Ohrys na kaharap niya ngayon.

“Again!” pasigaw na utos nito sa kanya nang hindi pumasok ang bola sa ring nang i-shoot niya. “Ayusin mo!”

“Sorry,” wika niya.

“Sorry is not enough!” mariing sagot nito na parang may ibang ibig sabihin. Pakiramdam niya`y hindi lang iyon para sa kapalpakang nagawa niya sa bola kundi may iba pa.

She tried even harder not to miss every single shot. Kailangan niyang makuha ang thirty free throws bukas. Oo, Sabado na bukas kaya kailangan niya talagang mag-effort kung gusto niyang pumasa.

“Yes!” masayang wika niya nang mai-shoot ang thirty consecutive free throws na iyon. Gayon na lamang ang pagkadismaya niya nang hindi man lang ngumiti si Ohrys nang tingnan niya ito. Parang hindi ito natuwa sa ginawa niya.

“Again. Make it fifty,” wika nito sa demanding na tono. Wala yata itong balak na pagpahingahin siya.  Gusto sana niyang magreklamo pero hindi na lamang niya ginawa. Nagpatuloy siya sa pag-shoot hanggang sa ma-perfect niya ang fifty shots.

“Okay, that`s enough,” sa wakas ay wika nito.

Naupo siya sa isang silya para magpahinga. Ininom niya ang dalang mineral water kanina. Pawis na pawis siya kaya pinahiran niya ang kanyang sarili ng dala niyang face towel. Maya-maya`y nilapitan niya si Ohrys.

“Galit ka ba sa akin?” tanong niya.

Tumitig lang ito sa kanya pero hindi ito nagsalita. Para na siyang mapapaso sa mga titig nito subalit hindi siya sumuko. Nakipagtitigan siya sa binata.

“Nakapagpahinga ka na ba?” tanong nito na hindi man lang pinansin ang tanong niya. “Practice ka na ulit,” utos nito sa kanya.

Bigla siyang nainis. “Ayoko na,” reklamo niya. “Kung gaganituhin mo lang ako, mabuti pang itigil na natin ito. Tama na.”

“Gusto mong pumasa, hindi ba?” tanong naman nito.

“Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, eh,” sagot niya. “Kaya kong pumasa sa PE kung gugustuhin ko lang. Ikaw rin naman ang dahilan kung bakit hindi ako nakapag-practice noon. Kung hindi mo pa ginulo ang buhay ko…”

“Nakakagulo lang pala ako sa buhay mo…” mabilis na wika nito sabay tayo.

“Oo. Gulong-gulo ang buhay ko mula nang makilala kita. Ginulo mo na ang isip ko noong una pa lang kitang makita… At ginulo mo pa pati ang puso ko,” naiinis na sagot niya na medyo napalakas ang boses.

Natigilan ang binata sa sinabi niya. Titig na titig ito sa kanya. Naroon ang mga katanungan sa mga mata nito.

“Ohrys, pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na ako sa sitwasyon nating dalawa. Ano ba talaga tayo? Ano ba talaga ang meron tayo?” naluluha nang tanong niya.

“Hindi ko alam,” mahinang sagot ni Ohrys.

Lalo lang siyang nainis. “Bakit ka nagpresentang maging boyfriend ko, ha? At bakit mo ako ipinakilala sa lahat bilang girlfriend mo? Pinaglalaruan mo lang pala ako!”

Pagkawika noo`y agad niyang dinampot ang kanyang bag at umalis ng gym.

NAIWANG tulala si Ohrys at napapaisip. Ano nga ba talaga ang meron silang dalawa ni Mitch? Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit niya nagawang maging boyfriend nito. Gusto lang naman niyang kulitin at inisin noon ang dalaga. Hindi niya inasahang it would go that far.

Buong gabing hindi siya nakatulog sa kakaisip sa mga sinabi ni Mitch kanina. Ano kaya ang iniisip nito? Lalayo na kaya ito nang tuluyan sa kanya? Naisipan na lamang niya itong tawagan.

“Napatawag ka?” tanong ni Mitch. Wari niya ay galing ito sa pag-iyak.

“I just want to make sure you`re okay,” sagot niya.

“Ano sa tingin mo?” tanong ulit nito.

“Mitch, I`m sorry…for everything.”

“Iyan lang ba ang sasabihin mo?”

Hindi siya agad nakasagot. “Magpahinga ka na,” maya-maya`y wika niya. “Mahalaga ang araw mo bukas.”

“Tama ka,” sagot nito at pinatay agad ang cellphone.

MULING umagos ang luha ni Mitch habang nakahiga sa kanyang deck nang patayin niya ang kanyang cellphone. Mahalagang-mahalaga angmangyayari bukas. Nakasalalay sa bola ang kapalaran nating dalawa, Ohrys. Napagpasyahan niyang ipaubaya na lamang sa bola ang magiging desisyon niya bukas. Kapag nagawa niya ang 30 shots, ipaglalaban niya ang nararamdaman niya kay Ohrys. Kapag nagkamali siya, lalayo na siya sa binata.

Alas otso pa lamang ng umaga ay nasa campus na siya. Dumiretso siya sa gym at gayon na lamang ang kanyang pagkagulat nang abutan niya si Ohrys doon.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya.

“May mahalaga akong sasabihin sa iyo,” sagot nito.

“Ano iyon?” kinakabahang tanong ulit niya.

“Gusto kong malaman mo na hindi kita pinaglalaruan. Oo, inaamin ko, gusto lang kitang kulitin at inisin noong sinabi ko sa’yo na boyfriend mo na ako at ipinagsigawan ko na girlfriend kita pero hindi kita kailanman niloko. Wala akong ibang niligawan. Wala rin akong ibang dini-date,” paglilinaw nito.

“Bakit mo sinasabi sa akin lahat ng ito?”

“Dahil ayokong magalit ka sa akin dahil iyon ang iniisip mo…dahil…dahil…”

“Good morning!”

Sabay silang napalingon nang dumating si Mr. Chua. Hindi na ito nag-aksaya ng oras. Nagsimula agad si Mitch sa pag-shoot. Bawat tira niya ay si Ohrys ang kanyang iniisip. Buo na ang pasya niya. Kailangan niya itong ma-perfect hindi lamang upang makapasa kundi para sa kanilang dalawa. Ayaw niyang lumayo sa binata. Alam niyang mahal na niya ito.

“Twenty nine,” wika ni Mr. Chua.

Isa na lang. Isa na lang at malalaman na niya ang kapalaran niya sa subject nito at ang kapalaran nila ni Ohrys. Sa tirang ito nakasalalay ang lahat. Pumikit muna siya at taimtim na nanalangin. She gave her best for that one last important shot for love.

Matagal na nagpaikot-ikot sa ibabaw ng ring ang bola. Pigil niya ang kanyang paghinga habang hinhintay na pumasok iyon sa ring.

Napapikit siya. Please…Shot lang sana. Lord, please…

“Yes!” masayang sigaw ni Ohrys na siyang nagpadilat sa kanyang mga mata.

“Well, congrats, Miss Nalez. You pass my course,” wika ni Mr. Chua bago umalis.

Napangiti lang siya ngunit hindi pa rin makapaniwala. 

“Mitchy, you did it!” masayang wika ni Ohrys sabay yakap sa kanya.

Noon lang siya natauhan. Nagawa niya! Ibig sabihin ba nito…? “Nagawa ko,” mahinang wika niya.

“I`m so proud of you,” wika pa nito.

Para naman siyang lumutang sa ere nang marinig iyon mula sa binata. Parang noong isang araw lang ay parang disappointed ito sa kanya tapos ngayon…Marahan siyang kumalas rito.

“Ano ba iyong gusto mong sabihin sa akin kanina?” tanong niya nang maalala ang hindi natapos na sasabihin sa kanya ng binata kanina.

“Mahal kita,” diretsong sagot nito.

Napangiti siya. “Talaga?” hindi makapaniwalang tanong niya rito.

“Oo. Mahal na mahal kita, Mitchy. I`m sorry kung…”

Hindi na niya pinatapos ang binata sa sasabihin nito. Hinalikan niya ito agad sa labi. Bigla itong kumalas sa kanya.

“Ibig sabihin ba nito…?” sabik na tanong nito.

“Oo. Mahal din kita,” nakangiting sagot niya. 

Iyon lang pala ang hinihintay ng binata at ito na ang kusang humalik sa kanya. Gumanti siya ng halik dito at matagal nilang pinagsaluhan ang mapupusok na halik ng isa`t isa. Ang buong gym ang naging saksi sa pagmamahalan nila.

3 thoughts on “Adik Sa’yo – Part 1

Leave a Reply