Adik Sa’yo – From Mitch to Readers

Hi Friends!
This is Mitch. I think I have a lot of explaining to do about what really happened (laugh). Ayoko na sanang pag-usapan pa ang tungkol kay Ritchie since tapos na iyon, at may katagalan na rin – about six to seven years ago.

Anyways, as a friend, I think you deserve to know the truth po.

That day na naabutan ni Ohrys si Ritchie sa bahay ay talagang nahilo po ako. I was rushed to the hospital ng officemates ko, gamit ang kotse ni Ritchie. Sabi ng doctor, BPPV daw po ang nararanasan ko. I can’t remember exactly kung ano ang ibig sabihin but it had something to do with vertigo. Iyon pong ang pakiramdam e parang umiikot ang paligid. Sabi ng duktor, maaari raw dulot ng pagkawala sa position nung something na nagbabalanse sa tenga natin, which was due to so many possible reasons.

I rested in the hospital for about an hour para medyo mawala ang pagkahilo. Ritchie was there, at nakukunsensiya ako dahil nag-uwian na ang ibang officemates pero nagpaiwan ito. I wanted to call Ohrys pero nag-alangan ako since 5 to 8 PM ang karaniwang meeting niya sa company niya. Ilang beses na niya akong tinanggihang sunduin ng ganoong oras, and ilang beses na rin naming pinagtalunan iyon…until halos tanggap ko na that for him, second lang ako sa career.

In short, hindi po talaga intensiyon ni Ritchie na ihatid ako sa bahay that day. Then when at home, medyo hilo pa rin ang pakiramdam ko, but I tried to entertain Ritchie kahit papano, ipinagluto pa ito ni Mommy ng baked macaroni, bilang pasasalamat. That was the moment, out of my wildest expectation, nang dumating si Ohrys. And ganoon na lang ang pagkulo ng dugo ko since imbes na kumustahin niya ako ay naramdaman kong mainit ang ulo niya. After almost a week na hindi siya nagpakita ay iyon pa ang ipaparamdam niya sa akin.

That night, we had a fight over the phone. As far as i could remember, that was the worst fight we ever had. I told him everything, pero tila hindi siya nakikinig. At lumalabas pa na pinagdududahan niya akong nagpapaligaw kay Ritchie (nabanggit ko kasi minsang nagpaparamdam ito ng pagkagusto sa akin sa kabila ng boyfriend ko na siya). Sa inis ko, pinatayan ko siya ng celphone.

Next day ay nagbalik ako sa doctor, and she advised me na magpahinga for a week. That whole week ay halos hindi rin ako nakapagpahinga. Palagi akong naiiyak kapag nagbabalik sa akin ang huling pag-uusap namin ni Ohrys. Noon ko lang siya nakitang magalit ng ganoon na para bang wala na talaga akong halaga sa kanya.

Pero kahit na ganoon ang galit ko sa kanya, i was still hoping na mag-text or tumawag siya para kumustahin ako, but it didn’t happen. May mga pagkakataong nais ko ng ibaba ang pride ko at tawagan siya at sabihing sobra ko siyang nami-miss, kaya lang bigla ring umaahon sa akin ang pagkainis ni hindi niya man lang inaalala ang naging karamdaman ko. I told myself na ganoon yata talaga. Baka masyado lang siyang naaaliw sa trabaho, and baka kailangan niya ng space. Sabi nga ng friends ko sa office, kung para raw talaga sa akin, ay babalik at babalik rin.

Tuluyang nawala ang vertigo sa akin in two weeks. Sabi ng duktor ganoon daw talaga iyon, at walang makakapagsabi kung babalik or not. A week after na magbalik ako sa office, my boss decided that Ritchie would share with me iyong project na naka-assign sa akin before. Para matulungan ako, until maka-recover ng husto. At first, I protested to my boss, personally, but then boss is boss. So sa huli, Ritchie had to assume being my partner.

Okay naman si Ritchie noon. Naiingit pa nga ang ibang officemates-friends ko sa office dahil ipinareha ito sa akin. Sabi ng mga ito, paano raw ba magkaroon ng vertigo para ang mga ito rin daw ay i-partner kay Ritchie. Napatawa na lang ako dahil ang bababaw ng jokes nila. Well, hindi ka-guwapuhan si Ritchie. But one thing na kapuna-puna rito was that napaka-neat manamit. Ang buhok ay wet-look lagi, and always wearing a masculine perfume. I had to admit na kahit na boyfriend ko si Ohrys ay may mga crushes pa rin akong iba, and Ritchie was one of those.

The project that me and Ritchie was working became rush, halos dalawang linggo rin kasi ang nawala dahil sa pagkakasakit ko. Halos naging araw-araw kaming late na umuwi ni Ritchie. There were times na sa labas or sa bahay na kami nagdi-dinner while discussing/planning kung ano ang mga dapat gawin.

One day na pauwi na si Ritchie, from dropping me home, hindi ko inaasahang humalik ito sa aking pisngi – sa mismong tapat ng bahay namin – bago ito nagpaalam. I was shocked. Hindi man lang ako nakapagprotesta. That night ay hindi ako nakatulog. I was crying all night. Then naalala ko si Ohrys. Kumusta kaya siya. One month na siyang hindi nagpaparamdam. Siya kaya ay may iba ng special someone na nahahalikan. The reason why ganoon na lang siya kadaling nagalit sa akin, and not taking care of anymore? – that thought made me cry harder.

Life must go on. Ritchie and I pushed through with the project, but I declined na mag-dinner ulit sa labas, or magpahatid dito. Minsang ginagabi kami sa office but nagta-taxi na akong pauwi.

After the project completed, Ritchie approached me and apologized. Hindi raw talaga nito sinasadyang halikan ako sa pisngi. Nadala lang siya ng emotion since sunod-sunod ang magagandang nagyayari sa buhay nito. He admitted, formally, na may pagtingin ito sa akin. I told him that may boyfriend na ako. He said matatanggap raw nito na magkaibigan lang kami, until sa pakasalan ako ng boyfriend ko. I didn’t know what to say since mukhang sincere naman ito.

Minsan, while strolling around greenbelt, hindi sinasadya na nakita ko si Ohrys sa isang restaurant kasama ang isang babae. Officemate – maybe. Pumasok ako sa resto at pumuwesto sa isang sulok at minatyagan sila. Though wala naman akong nakitang kakaiba or something romantic sa dalawa, I could feel something intimate between them. Or maybe sa isip ko lang. But aminado akong apektado ako lalo na at mestisahin ang babae at mukhang mayaman. They parted ways nang umuwi – de-kotse rin ang babae.

I found myself walking sa madilim na kalye at umiiyak. It may be the reason kung bakit hindi na ako naalala ni Orhys. That was the time na tinanggap ko ang alok ni Ritchie na muli akong ihatid sa bahay.

Masayang kausap si Ritchie. Halos matunaw nga ako kapag titig na titig ito sa akin habang nagkukuwento ako.. about anything…about Ohrys. Sabi nito, sana ito na lang daw ang boyfriend ko. Hinding-hindi raw ako luluha.

About four months na wala kaming communication ni Orhys ay nagbago ang takbo ng pangyayari between me ang Ritchie. Nang pumasok ba naman ako sa office ay tsismis ang isinalubong sa akin ni Loida – na girlfriend na raw ako ni Ritchie. And hindi ko lang iyon kay Loida narinig, but kay Myrna at sa iba pang officemates. Later that day may nakapagsabi sa akin na iyon daw ang sabi ni Ritchie sa birthday party ng isa kong officemate.

Sugod ako sa cubicle ni Ritchie, just so happened na hindi ko ito ma-istorbo since may telecom with the VP and one of the company’s major customer. I waited until uwian, para makausap ito. On the way kami, sakay ng kotse nito, pauwi sa bahay namin nang pinaamin ko siya about the thing na sinabi niya sa birthday party the previous night. He was denying it noong una, but later, ipinarada ang sasakyan ito sa ilang at may kadilimang lugar, and admitted to me.

Hindi ako nakapagpigil. Tumaas talaga ang boses ko and shouted at him kung bakit niya ginawa iyon. I was shocked nang sabihin nito na alam raw nitong crush ko ito, at nagpapakipot lang daw ako. That gawa-gawa ko lang daw ang story na kami pa ni Ohrys upang may magpakipot.

After maka-recover ako sa pagka-shock, nasampal ko siya. At bago ko pa nasundan ang sampal na iyon ay naagapan niya ang aking braso. Hinablot niya ang batok ko ang kissed me roughly. His left hand was in my chest, at masakit ang pagkakahawak roon. Patulak nitong inilayo ang sarili sa akin. And before nito akong mahablot muli ay nakatalon ako sa labas ng kotse. I ran to a direction na hindi ko alam, until luckily may dumaang taxi.

The following day, hindi ako pumasok sa office. I was in the chapel – sa hintayan namin ni Ohrys. I texted him that I would be waiting for him. Hindi ko tiyak kung sisipot siya, but I was there. I was terrified by last night’s event, and I needed someone to comfort me. I wasn’t really sure if it had to be Ohrys – after almost four months na hindi ko siya nakikita.

I thought na naubos na ang luha ko, but meron pa pala. Muli akong napaiyak nang nakita ko si Ohrys. Though he was late, dumating siya…at hindi ko inaasahan iyon. Inalalayan niya ako palabas nang makarating. Hindi ako nakatanggi nang sinabi niyang sa bahay nila kami mag-uusap since it was like kailangan ko ng pribadong lugar that time to cry-out and voice-out what was it na ipinaghihinagpis ko. He told me before hand that his parents and Arianne, sister niya, was out of town.

Pagdating sa bahay nila, sa living room, hinatiran niya ako ng inumin. Medyo lumuwag ang lalamunan ko after drinking luke-warm water, but still muli akong napahagulhol. Niyakap ako ni Orhys and asked me what was wrong. I told him everything about Ritchie. I mean, about how everything about Ritchie had started. Sinabi ko sa kanya na pinagkalat nitong girlfriend ako. But I didn’t told him kung ano ang ginawa nito sa kotse kagabi. Nakikita ko sa mga mata ni Orhys ang matinding galit, at ayokong isubo siya sa anumang kapahamakan. Isa pa ay naisip kong mahirap patunayan ang ginawa sa akin ni Ritchie.

Orhys was there, yakap-yakap ako… after four months naming hindi nagkita. I still felt warm and safe in his arms. I could feel na may mga katanungan pa sa kanya about me…or maybe about Ritchie, but everytime I opened my mouth to speak, ay pinipigil niya ako as if what I had said was enough, and that he didn’t need any explanation at all. Ang mahalaga sa kanya ay muli kaming nagkasama.

Wala akong nagawa nang hagkan ako ni Orhys sa labi. Ang tanging naramdaman ko ay pagkauhaw sa kanyang halik. It was so tender na handang gamutin ang isang masamang ala-alang dulot sa marahas na halik ni Ritchie. Laban man sa aking isipan ay hindi nagawang tumutol ng aking katawan nang akong ihiga niya sa sofa. As far as I could remember, I submitted myself completely to him…at nagpaangkin sa kanya.

I was surprised how gentle he was making love with me. His first time? May agam-agam at pangamba sa akin na maaaring hindi iyon ang unang pagkakataong naranasan ni Ohrys ang ganoon. Hindi ko tiyak kung bakit biglang pumasok sa isipan ko ang magandang babaeng kasama niya sa resto sa Makati noon. But ako na rin ang kumastigo sa aking sarili. Marahil ay baka ganoon din ang maaaring isipin ng iba when me and Ritchie got dinner outside.

Subalit kung ano man ang nakaraan ni Orhys sa nakalipas na apat na buwan ay hindi na mahalaga. Ang mahalaga ay muli kaming nagka-ayos. Two years later, nagpakasal kami ni Orhys. Ngayon ay dalawa na ang anak namin – Si Jayson at Joyce-anne. And kasalukuyang naglilihi po ako para sa pangatlo. Gusto ni Ohrys ay lalaki ulit, gusto ko naman ay babae.

P.S.  Me and Arianne are now in good terms. Siya ang bride’s maid nung kasal namin ni Ohrys, at ninang siya ni Joyce-anne. Like me, gusto rin nitong babae ang susunod naming anak. Natatawa ako since pinagsusupladahan niya ng husto si Nico gayong alam ko namang may pagtingin rin siya rito. Ito naman kasing si Nico, puro palipad-hangin ang alam.

Your friend,

Mitch

 

4 thoughts on “Adik Sa’yo – From Mitch to Readers

Leave a Reply