Kung Iibigin Kang Muli

Kung Iibigin Kang Muli by Foobarph
Kung Iibigin Kang Muli by Foobarph

Si Mundo ay isang topnotch detective at lahat ng hawak niyang kaso ay natatapos niya ng walang palya at aberya. Ngunit may isang kaso na biglang dumating sa kaniya na kailangan niyang lutasin. Isang kaso na kung hindi niya malulutas ay maaaring sumingil sa kaniyang buhay at pangarap. Ang kaso— Umibig siya sa babae na hindi niya kailanman pinangarap at ginustong mahalin…

Prologo

ISANG malakas na sampal ang natanggap niya mula kay Yehni. Umiiyak ito habang nakahawak ang isang kamay nito sa kaniyang polo shirt. Magsasalita pa sana siya ulit ngunit sinampal na naman siya nito.

“Mundo! Liar ka!” sigaw ni Yehni sa kaniya pagkatapos siya nitong muling sampalin. Pinagsusuntok pa nito ang kaniyang dibdib. Gustuhin man niyang pigilan ito ngunit wala siyang magawa. Kahit ang tumitig sa mga mata ng kasintahan ay hindi rin niya masubukan.

“Look Yehni, I—“

Isang malakas na sampal na naman ang inabot niya kay Yehni. “You promised me! That you will never ever leave me!”

“Yes but I—“

Sinampal siyang muli ni Yehni ngunit sa pagkakataong ito ay ramdam na niya ang paghina ng sampal nito. Tila napagod na ito sa ginawa nitong pagsampal at pagsuntok sa kaniya simula ng magkita sila sa loob ng Thurston Restaurant. Ipina-reserba niya ang buong lugar para sa pag-uusap nilang iyon ngunit hindi niya lubos akalain na magiging emosyonal ang pagharap nito sa kaniya.

“If you’re going to leave, sasama ako sayo! Kahit saan! Huwag mo lang akong iwan, please!” pakiusap nito bago siya nito niyakap ng buong higpit. Tuluyan ng umagos ang mga luha na pilit nitong pinipigilan kanina pa. Marahil, nasasaktan na ito ng sobra sa kaniyang pamamaalam.
Niyakap niyang pabalik ang kasintahan. “Yehni, I need to go.”

“No! You can’t go! Nangako ka!”

Hinalikan niya sa noo si Yehni. Kasabay nito ay hinagkan niya ng madiin sa labi ang kasintahan. Isang halik na tila huli na sa lahat ng maaaring mahuli sa buhay na niya. Ayaw itigil ni Yehni ang halik na iyon ngunit sapilitan niya iyong pinutol dahil pakiramdam niya ay hindi siya ang karapat-dapat na lalake para dito. “Hindi ko ugaling mangako pagdating sa pag-ibig, Yehni. Hanggang dito na lang tayo, paalam…”

Kusang nawalan ng lakas ang mga binti ni Yehni pagkatapos marinig ang mga sinabi niya. Kusa itong nabuwal at napaupo na parang lantang gulay sa sahig. Kasabay nito ay humagulgol ito ng malakas habang sinusuntok ang sahig na nasa harapan nito.

Mabilis niyang nilisan ang restaurant upang iwan ang kasintahan. Hinabol pa siya ni Resty na siyang may-ari ng naturang restaurant na ipina-reserba niya ngunit hindi rin siya napigilan nito sa pag-alis. Kahit magkaibigan sila ay wala itong karapatang diktahan ang kaniyang nararamdaman at mga plano pagdating sa pag-ibig. Iiwan niya si Yehni upang mawalan na ito ng dahilan upang mahalin siya. Ito na lang siguro ang tanging paraan upang makapagsimula silang muli.

Ni hindi niya nagawang lumingon upang sulyapan sa huling pagkakataon si Yehni— ang babaeng nagbigay sa kaniya ng kaso na hindi niya kayang lutasin. Kaso na siya mismo ang kusang sumuko alang-alang sa babaeng kaniyang minahal.

>> Download this ebook now!

Download the OFFICIAL wallpaper for this story!
Download the OFFICIAL wallpaper for this story!

143 thoughts on “Kung Iibigin Kang Muli

  1. At first i wouldnt to read this kasi the teaser sounds like a heavy mystery and action so could there be an ample space for love pero tinuloy tuloy ko basahin which i enjoyed it though parang nabitin ako sa ending, it could have been more elaborative.

  2. Like ko ung story nito kaya lang parang bitin kapag inuulit kong basahin ung prologo…
    Anyway, baka nasanay lang ako ng may kasunod pa gaya ng kay Kyro hihi…
    Thanks…

  3. minsan sa dami ng alinlangan natin kaya tayo nagiging malungkot imbes na maging masaya na tayo, kaya pag love natin ang isang tao go na kung go love them to the fullest!

  4. basta ang alam ko,pag mahal mo ang isang tao,,kahkt pa isang katirba na chance at hiwalayan,basta mahal mo,gagawin mo, ganito kasi un,,pag mahal mo nasayo na lahat,katanggahan,bulag,bobo,at manhid kaya nga tinawag na mahal eh,kasi importante sau,at d mo basta2x mawala un,,kasi ramdam mo eh,, bilang tao nagmamahal mormal lng na masaktan,,kasi pag nasaktan ka,, totoong nagmamahal ka!,, pag love mo handa ka daoat masaktan,at umibig ulit, tama ba ako?

  5. sa tingin ko hindi na ako makipagbabalikan kung maghiwalay man kami, dahil hndi nman kami magkakahiwalay kung para tlaga kami sa isat-isa at hindi tlaga ako nagbibigay ng second chance pagdating sa love …

  6. hindi ko pa naranasan ang makipagbreak then makipagbalikan ulit.first boyfriend ko pa lang ang boyfriend ko ngayon.pero sa palagay ko pag nakipagbreak ka panindigan mo nang break kayo.kaya nga nakipaghiwalay ka kasi ayaw mo na eh.kung hindi ka sigurado wag kang gumawa ng desisyong maaaring pagsisihan mo sa huli.pero kung sa tingin mo ay worth it ang taong babalikan mo,go lang! in the end it’s you who will decide kaya pagisipan ito ng mabuti at wag magpadalos dalos.kasi maaring mawala na siya sayo ng tuluyan kung kelan mo na-realize na hindi mo siya dapat pinakawalan. (macy_bilangdal@yahoo.com)

  7. Hindi me makarelate kasi I don’t give second chance eh…..
    Pagnagbreak na break na. Pero maybe Hindi pa talaga love
    Ung nangyari, if ever I love the person so much I guess it will
    Change my believing na no second chance and try to get back
    Together again. Well maybe that is true love I guess?

  8. nakipagbreak ako sa kanya kc nahuli ko sya ka date ung ex nya. nag maka awa sya na magkabalikan kami na pinagbigyan ko nmn after 2 months nyang pa nunuyo ulit. after a month lang nahuli ko na nmn syang may ibang dinidate so nakipag break ulit ako sa kanya and this time for real na tlga kc after ng broke up namin nag work na me sa ibang bansa and till now dito pa rin ako.. single pa rin epro di na umaasa na balikan nya..I am happy on what I am now.

  9. yep..been in this kind of situation before..I don’t know if i’ll be sad or happy to say that it was with my very FIRST boyfriend..We broke up because of my craziness..craziness over him..Craziness in the sense that I ALWAYS get jealous but he can’t understand that he was my 1st bf and I need attention from him..I wanted him to understand but I guess he can’t..
    We broke up after five months of “away-bati” mode..but on the day of his mom’s birthday, we kissed and make up..but sad to say,.that relationship is not really meant to be..

    I’m Happy now because after what happened,.We’re still friends.. 🙂

  10. i’ve never been in a relationship but i think if i will have a boyfriend and we broke up, hndi n ul8 ako makikipagbalikan s kanya unless n lng kung tlagang mahal n mahal ko sya..

  11. i am currently in that situation and i have to say , malaki ang risk na masasaktan pero its better to try right? hehe :))

  12. Waaah! Bkt gn0n? Hndi k0h md0wnload yng c0de n bngay skin.. i reached the maximum number allowed daw.. bkeeet? Huhuhu!

  13. hmmm .. actually po uu .. pero hanggang status lang ata un …. kasi turing namin sa isa’t isa ay magshota pa rin …
    naghiwalay lang kami kasi dahil sa sakit niya sa puso … ndi ko matanngap na ganun ang mangyayari sa amin .. pero nagkabalikan rin kami … after ng 1 month …

    kuya foo … penge po ng code nito ..

  14. actually I ddnt find myself being in a serious love or relationship before.
    but I experienced breakin up w/a boyfrend ,I felt so pity on him;( wla ako mgwa kundi iwan sya .hnd ako dserving sknya .kc
    imkinda immature ;/
    peo ngaun dna;p

    navi

  15. Mahirap talaga ang makipaghiwalay sa ta0ng mahal mo pero kung sa ikalawang pagkakat0n at hndi pa rin kayo magkaintindihan or kahit sa simpleng bagay lang ay hndi pa kayo magkasundo,mas mainam pa na maghwalay na lang kayo ng tuluyan.

  16. yes, we were forced to separate. that was the worst 5 days of my life.

    Buti na lang, i got the courage to do what is my heart telling me to do. Buti na lang naayos ulet.

    We will be celebrating our 8th year wedding anniversary come June 19.

  17. hindi pa. ako kc kpg nkkpgrelasyon ndi aq nbitaw hnggt d n nia q mhal. umbot p s point n umiiyk xa s iba gwa ng ex nia pro mhl dw nia q, glit n lng dw nrrmdmn nia. pro nung nlmn q n kung skling mkkpgblikn ung ex nia e igragrab nia ung opportunity, nkpg break aq. wla nmn sakeng problema kung mhl p nia e bsta b ssbhn skn pra d aq mg mukhang tanga, anung ggwn q e s mhl p nia db.. ngmmhl lng dn nmn xa,hehe.. pro i’m happily in a relationshp right now=)

  18. my story is almost same as shafira’s iyon nga lang failed ang attempt naming ayusin relationship namin. nagkaroon na kasi ako ng trust issue. before, kahit anong gawin at puntahan niya wala akong kwestyon at kahit nang aasar pa ang barkada niya na may babae ex ko tinatawanan ko lang. sure na sure kasi akong hindi niya ako ipagpapalit. until his long lost bestfriend enter the picture. in fairness sa ex ko hindi naman siya nag cheat since anniversary namin kami naghiwalay at nang madaling araw pagka hiwalay namin saka lang naging sila ng bestfriend niya.

    naging interesado tuloy akong mabasa ito. interesting din ang isinulat ni foo na “last cry” feeling ko tuloy maganda talaga itong “kung iibigin kang muli”.

  19. no formal break-up…basta umiwas na ako after our last talk..pinutol ko lahat ng communications na puwedeng mag-connect sa amin at kahit nagkakaroon pa rin ng pagkakataon na nagkukrus ang aming landas ay pinaparamdam ko sa kaniyang ayaw ko na siyang maging bahagi ng buhay ko.

    Need your download code. Thanks

  20. nangyari sakin when i was in my early 20s. naging habit na namin na away-bati na parating ako naghahamon ng breakup pero ako din babawi later on. 4 years kami gnun pero nung decided na ako na last breakup na namin un, napanindigan ko naman. thank God kasi ndi tamang relasyon un.

    my email add is k.krizza@yahoo.com. thanks in advance

  21. fanpage liked! ang cute ng baby! *—*

    oo, kaso hindi nagwork! nakasama pa yata! sabi ng pinsan ko pangit daw mag “recycle” ng BF ee! hahaha

  22. OO naman, naransan ko yan, d lang isang beses kundi maka-ilang beses. sabihin na natin na d lang sa isang lalaki kundi dalawa. Umabot din ng 4 years silang dalawa but unfortunately d rin natuloy sa kasalan. Masakit sa una but life goes on, kailangan mong mag move on. Parehas mo silang minahal but in return parang kulang ang pag-mamahal. On and Off pero no one knows what will happen next.
    Hay naku ang buhay nga naman. ano kaya ang mangyayari sa susunod na relationship…if meron pang darating.

    Lupit ng Love story ko….

    1. U mean my love lyf? Kulangin isang libro. Hahaha. Kwento ko sau kapag hnd na ako busy sa office. Before i always wanted my first bf to be my husband kaso niloko ako so after heartaches I married an american guy he is not my first boyfriend but he is my last:) invite mo nman ako sa FB Foo. lsoull85@hotmail.com.

    2. Kwentuhan blues pala ito. mas ok na rin kaysa kausap si Simsimi :).
      . X ko bago ako nag -asawa naging kame for 3 yrs and 8 months. I thought sya na mapapangasawa ko. I grew up in very conservative family and my dad always telling me if mabuntis daw ako na hindi pa kasal kalimutan ko na lang daw na tatay ko sya itatakwil nya daw ako. so pre marital sex is not my league. sa takot ko na lang sa tatay ko baka barilin pa ako nun:) so ung x ko alam nya limitations nya and my dad talk to him so we both promised na we respect each other hanggand boyfriend girlfriend lang. One day nakalimuatn ng bf ko ang phone nya sa bahay namen tapos nagtext office mate nya pinapapunta bf ko sa bahay nya. so kunwari ako ung bf ko nireplayan ko sinabi ko nakakahiya nman pumunta sa place mo tapos ang reply ng girl ito naman pra nman walang nangyari sa atin kahapon ngaun kapa mahiya. I burst into tears and felt betrayed and cheated. Kinagabihan bumisita ung bf ko saken at the same time kukunin nya cp nya kasi nga nakalimutan nya pagmamadali. I confronted him telling him pag sinabi nya totoo patatawarin ko sya. I forget everything basta sabihin nya lahat nangyari. He made me promise na hindi ko sya iiwan after nya magtapat. So I promised him, but in my mind im going to break up with him. ayon pinagtapat nya lahat nagkainuman daw kaopisina tapos nagpahatid ung girl sa place nya tapos pinapasok sa sya loob at may nangyari sa kanila. his reason is kasi nga daw ayaw ko na may mangyari sa amin kaya sa ibang girl nya ginawa yun kasi nga daw hindi ko maibaigay pangangailangan nya. What a jerk!!! I told him if he could wait after my graduation and get married kaso naunahan na ng kalandian. so the very moment I broke up with him. he asked for second chance there is no way nagtaksil na nga sya boyfriend ko pa lang sya pano na lang kapag asawa ko na sya. My dad always told me if you give second chance it means you gave them a second chance to hurt you. Kays yun kahit mahirap nakipaghiwalay ako and pinipilit maging busy gala kahit saan kasama ng tropa todo suporta naman ang parents ko kasi alam nila buong pangyayari. Thankful na din ako sa X ko kung hindi dahil sa kanya hindi ko malibot buong Pilipinas. Hahaha My dad gave me money to go anywhere para lang malibang ako at hindi iyakan walang kwentang lalaking yun. ano ginawa ng x ko nag resign sa trabaho nya akala nya siguro kung gagawin nya yon makikipagbalikan ako sa kanya. NOPE! kung gaano kalaki pagmamahal ko sa kanya ganon din kalaki galit ko sa kanya. Last year may communication kame yun pinatawad ko na sya at sinabi ko kung maari wag na sya tumawag saken. 🙂 no w I am happy and inlove everyday with my hubby. sana naman hindi kayu na bored sa story ko.

  23. Oo, at sa totoo lang, halos hindi ko sya tinuring kahit kelan bilang “ex” ko. 3 years and 9months na kami ngayon, at naghiwalay kami nung october 2010. Meron syang “best friend” na pilit na sinisira ang relasyon namin ever since naging kami — 1st day pa lang. Ayaw sa akin nung girl at ang dami nyang ginawa against me. Siniraan niya ko sa batch mates ng boyfriend ko, sinabihan niya ko ng mga nakakainsultong salita, minura niya ko, at gumagawa siya ng paraan para paghiwalayan kami ng bf ko. Hindi ako totally mapagtanggol ng bf ko dahil “best friend” niya nga daw ung girl. Pero one time, napilitan na siyang lumayo dun sa babae kasi sobra na yung pananalitang ginawa sa ken. Akala ko okay na lahat. Pero after 4months, nakita ko sa cellphone niya na katxt nya ung babae. Topic nila na napagalitan daw ung girl nung nanuod sila ng sine. Nagdeny pa sya na un ung babae, pero alam kong nagsisinungaling siya. Nung umamin siya na un ung girl, tinanong ko kung ano ung ibig sabihin nung topic nila, at sabi niya ung movie na pinaguusapan nila ay about sa napanuod nila dati pa. Naguguluhan ako. The fact na magkatext pa rin pala sila, at di ko alam ung truth behind their topic, di ko kinaya. Naiyak na lang aq, nag walk-out. Pero after 2days of constant apology, nakipag ayos na rin ako sa kanya. Pero nagsinungaling pala siya. Nung kinagabihan nun, nakausap ko ung isa sa classmates ng boyfriend ko, at dun ko nalaman na lately lang pala sila nanuod magkasama nung bestfriend niya. Yun ung day na 11:30pm na siya nakauwi, sobrang worried ako, at ang sabi niya ginabi daw siya dahil sa school works. Sabi niya pa pagod daw siya kaya wag na muna kami magtext. Yun pala magkasama silang dalawa, nanuod ng movie. At bakit sila ginabi masyado? 30mins away lang ung mall mula sa kanila, at 9pm ang closing hours. Patong patong na kasinungalingan. T.T tinext ko ung babae, ang sabi ko ano bang gusto niya bakit niya ko ginaganito? ang sagot sa ken nung babae “tigilan mo nga ako. Nakakahiya ka alam mo? wala kabang pinagaralan?!” Ewan ko, pero nasabi ko na lang sa sarili ko “Ako pa ba ang may mali?” Ilang gabi akong umiyak ng umiyak, pinilit kong itago ung lungkot sa harap ng family ko. Naging matamlay din ako sa school. Nung nag confide ako sa kaibigan ko, sinabi niya “you don’t deserve all of these”. Dun ko narealize na gusto ko ng makipaghiwalay. Masakit pero mas masasaktan ako pag pinagpatuloy ko pa. T.T
    Siguro tanga nga ako pero pinatawad ko rin ung boyfriend ko after 2weeks. Nakipagbalikan ako. Pero ung 2weeks na naghiwalay kami, tumatawag siya, umiiyak sa kabilang line, nagsosorry ng nagsosorry — kahit hindi ako nagsasalita at nagrerespond. Binali niya daw ung sim card na ginamit niyang pantxt dun sa babae. At after nun, nangako siya na kahit kelan hinding hindi niya na ako sasaktan.
    Maayos na kami ngayon, pero syempre pag nasira na ang tiwala, hindi magiging kasing perfect ng dati. Bumabalik sa ken ung nagawa niya, pero pinipilit kong isipin na I have to forget the past. At sana nga, hindi niya na ko saktan ulit. 🙁

    P.S. Di ko pa rin alam bakit 11 30pm na siya nakauwi nung araw na nanuod sila ng sine. 30mins away lang mula sa kanila ung mall, 9pm ang closing hours, at whole day silang magkasama. Why 11:30pm? Pag tinatanong ko, sagot niya “ah kasi traffic”. Alam kong malaking kasinungalingan yun pero ayoko na isipin, napaparanoid nanaman aq T.T

  24. PARA SA AKIN HINDI KO MAN NARANASAN YANG GANYAN. NGUNIT NAKAKITA NA AKO O MAY NAKIBAHAGI SA AKIN NG KWENTO NILA . TULAD NA LANG NG BEST FRIEND KO. NAG HIWALAY SILA NG NOBYO NIYA DAHIL SA KAMO, WALA DAW SIYANG PANAHON DITO AT HANGGANG SA MAKABUNTIS ANG NOBYO NIYA. PERO PAGKALIPAS NG ILANG TAON NAKIPAGBALIKAN ITO SA KANYA AT TINANGGAP NAMAN NIYA. KAHIT ANO PA MAN ANG NANGYARI…

  25. Hindi pa pero I think may dahilan nman kung bakit sa relationship may nakikipag break kahit na may LOVE pa rin.. and then later on yung iba fortunate na nagkabalikan dhil na solve na yung kung anumang reason na yun, yung iba nman di na nagkaka2luyan uli cguro dhil lumipas na ang mahabang panahon. at sa mahabang panahon na iyon, marami ng nangyari. at yung mga pangyayari namang iyon ang humaharang sa muling pag-iibigan ng mga dating magkasintahan. 😉

  26. Oo.. ung current boyfriend ko ngayon. Nung nanliligaw pa lang sya ayaw ko na sanang sagutin kasi I know magkakalayo din kami ’cause I have to go back here in Qatar after college. And syempre dahil malandi kaming pareho naging kami din.

    Months after I came back to Qatar nakipagbreak ako sa kanya dahil super hirap ng long distance relationship. He told me to think about it. So after so long naging kami ulet and here we are, more than two years na in a long distance relationship. I can say, I’m very proud of us. 🙂

  27. Haha, alam mo naman ang storya ng lovelife ko dba? @foobarph?? lol

    Well, yung case ko naman, MUNTIK na akong makipagbalikan dun sa ex ko, muntik muntikan na tlga kasi kahit iniwan nya ako nun sa ere, mahal ko pa rin, sya kaasi yung first boyfriend ko eh. After nya akong iwan na walang kapaliwangan kung bakit, nagalit ako, eh sino ba namang hindi magaglit diba? masayang masaya pa kami nun tapos mamaya maya lang nag goodbye na sya sakin without telling me his reasons? ang sinasabi nya lang, MAHAL nya daw kasi ako kaya mas makakabuti daw yun para daw wag na akong masaktan. O_O bakit? sa tingin nya hindi ako nasaktan sa ginawa nya? ang sakit nya sa bangs ha!! >.< kaya ayun, naging bitter ang peg ko. di ko masasabing naging okay ako, pero pinipilit ko namang mag move on ehh, natakot nga lang ako ulit pumasok sa relationship ko kaya I'd never entertain suitors, that would be unfair to them naman kasi if ever. Tapos, bgla bgla nalang tatwag sayo and ask for my forgiveness?? At sa mismong anniversary pa sana ninyo ha! biruin mo yun!! kung di ba naman sya isa't kalahating gago?? -___- he explained everything, and for me hindi parin valid ehh, he asked me if he still have a chance, muntik na akong magpakagaga ulit kasi nga mahal ko pa yung mokong na yun, sya lang ehh.. (shet ang baduy ko lol) Pero syempre, this time, sarili ko naman ang inisip ko, na TAMA na kasi baka maulit lang ulit, baka di ko na makaya sa susunod, At saka natatakot narin akong ummh.. argghh… MAGMAHAL kaya ayun, sinabi ko lahat lahat sa kanya, mga hinanakit ko, mga theories ko, and then sinabi kong "tama na, nasaktan na ako, tapos na, so let's move on."

    uwaaaa.. ang baduy baduy ko -____- hhahaha// ^___^V

  28. Well, ang nangyari sakin, may bf ako, 2007-2008, sya na siguro ang pinakamabait nannaging bf ko, mas mature nga lang xa, 28 xa, while 19 ako. Ok naman naging relationship namin till i told him na we’re moving overseas, kaya yun, di na namin alam kung ano ang best na gagawin, tapos dagdagan pa na natanggap xa magtrabaho sa middle east, kaya parangbwala nang chance, diba. So what we did, parang three days na goodbye yung nangyari, mauuna kasi syang lalarga kaya yun, pinuntahan nya ako samin, tapos magkasama kami for 3 days, assistant ko yung cousin ko, sya yung excuse ko kya nakatakas ako for 3 days, sya naman, namiyesta sa house ng friend nya. Pero di nya gusto makipag break, kaya akala ko ok lang, pero, just before umalis sya pauwi na sa bahay nila, sabi ko dapat mag break kami pra walang expectations. Yun, nag break kami, after a week, just before umalis sya, nakipagbalikan, napa oo ako. Nagkaalikan kami, pero walang communication for a month nangangapa pa sa bagong lugar, ngayun, nasa australia na kami ng family ko, wala pa rin akong balita sa kanya, di pa uso facebook, kaya ayun. Kaya nakapag yahoo kami once, after two months, nakuha ko yung number nya sa qatar, then after a month, tinawagan ko sya, gamit ang phone ngtatay ko, nakipag break ako. Tapos yun na nangyari. Before ako ikinasal, yes, married na ako, different guy, sabi nya bakit ko adw nagawa yun sa kanya, di daw nya alam na break napala kami. Sabi din nya di daw xa magpapakasal hanggang 35 years old xa, tas pag magdidivorce daw kami ng asawa ko, babalik daw ako dapat sa kanya. Story of my life.. He,s a great guy, if only i didnt meet my husband..:)

Leave a Reply