Bebeh Ko (Book 2 of TRIO) by Amor Filia (Yesha Lee)

Behbeh Ko
Behbeh Ko

Sa simula pa lang ay iba na ang dating ng guwapong si Shann Dorantes kay Crisanta.

Kaykisig nito sa kanyang paningin at tila kaysarap nitong magmahal sa pakiramdam niya. Ginawa niya ang lahat upang mapansin nito – nagpaganda siya, nagbihis ng disente, at ginawa niya ang mga bagay na sa tingin niya ay magpapalugod sa binata. Subalit tila kahit ano ang gawin ay hindi mapansin ng simpatikong Dorantes ang lahat ng effort niya! And worst, sinabi pa nitong kailanman ay hindi papasa sa panlasa nito ang uri ng isang Crisanta Briones!

But poor Shann, hindi ang gaya ni Tat ang basta na lamang sumusuko sa larangan ng pag-ibig. Kahit gayuma ay handa nitong gamitin kung iyon man ang pinakahuling paraan upang makuha ang pagtingin ng binatang replica ni Aga Muhlach.

“…kung inaakala mong lumalabis ako sa disposisyong dapat kong kalagyan, isisi mo ‘yan sa katotohanang mahal kita!”

EXCERPT…

“OH MY GOD, Shann, what are you doing there?” gilalas na tanong ni Tat sa lalaki habang ang mga kamay ay kunwang nakatakip sa mga mata. Isang malakas na lagabog ang narinig niya at napabalikwas siya mula sa pagtulog sanhi niyon. Nang yumuko sa sahig ay nakita niya ang nakasalampak at nakangiwing si Shann. Wala ito ni isang piraso ng damit sa katawan at ang mga kamay nito ay nakahawak sa pagitan ng mga hita. Napangiwi rin siya sa tanawing iyon.

“Stay away from me!” sigaw ni Shann nang akma siyang lalapit dito. Bakit ito nagagalit gayong natutulog lang naman siya at bigla itong nag–ingay? Dapat nga ay siya pa ang magalit dito dahil inabala nito ang pagtulog niya! Kayganda pa naman ng kanyang panaginip.

‘Tekapanaginip?’ “Oh my Ji…”

Did it really happen? Did they almost do it? Mabilis niyang pinakiramdaman ang sarili at halos ay panawan ng ulirat nang mapagtantong gaya ni Shann ay wala rin siyang saplot. Siya naman ang napasigaw nang ubod-lakas nang bumaha ang realisasyon sa isipan niya.

“What did you do to me? Rape! Rape!” Napigil ang tangka niyang pagtayo nang malaglag ang nakabalot na kumot sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Lalo siyang napalahaw ng sigaw. So, everything in her ‘dream’ really happened!

“Shut up!” sigaw ng lalaki na sa anyo ay nakalarawan ang matinding pagkainis. Mapulang-mapula ang mukha nito at mga tainga pero wala doon ang focus niya kundi sa ‘insidenteng’ natuklasan. “Tumigil ka nga diyan! Who raped you?!”

She looked down and pointed his erection and once again screamed. “That! That almost raped me! This is attempted rape…Oh my God!” naiiskandalo pa ring wika niya.

Susukot–sukot na tumayo si Shann saka paikang lumapit sa kama. Madali naman niyang dinampot ang kumot na nasa paanan saka mabilis na ibinalot iyon sa kanyang kahubdan.

“Oh please spare me the fucking drama!” galit pa ring sabi nito nang makaupo.

Natulala siya. Ngayon lang niya narinig na nagsalita nang ganoon si Shann. Ang mga mata nito ay tila nagbabaga sa pagpupuyos na ano mang oras ay maaaring ibuga sa kanya.

“Hindi ko alam ang dapat ko pang gawin sa’yo, Crisanta! Noong una ay hindi ko matanggap na ikaw ang…I mean, na matutulungan mo ko…pero tinanggap ko na rin dahil wala naman akong magagawa…but look at you now, you look like a drama princess acting in front of a camera!”

“Ano ba ang mga sinasabi mo diyan?”

“Why are you here in the first place? You are acting like a virgin! I already paid you and remember rule number two—”

“—No whys and buts…only yes! Saulado ko na ‘yan! Ipinasok ko sa kasuluk–sulukan ng utak ko…dahil bayad na ko, hindi ba? Wala na akong karapatang magtaka! Wala akong karapatang umarte dahil binayaran mo na ang lahat sa akin for uncertain amount! Kahit natutulog ako…kahit naliligo o kahit ano pa ang ginagawa ko, karapatan mong kuhanin ang para sa’yo!”

“But of course! I could have chosen other women that would be sexier, prettier, more desirable than you and most importantly, normal!”

“Puwes mahihirapan ka! Posibleng marami kang makikitang mas normal pero wala nang mas maganda, sexy at kaakit–akit pa sa akin!”

AUTHOR’S NOTE

Nabasa mo na ba ang FIND ME? Eto na ang kasunod niyon, ang makulit na kuwento ng pilya at magaslaw nating bida, si Crisanta ‘Tat’ Briones. Narito ang video teaser, please watch this video. Ipo-post ko na po ang ebook when the video reaches at least 500 views. Malapit na! 🙂

Guys, don’t forget to add Crisanta in Facebook…

>> DOWNLOAD THIS EBOOK NOW (PASSWORD PROTECTED)

EDITOR’S NOTE

Nabitin ka ba? Upang maipagpatuloy ang pagbabasa nito, kailangan mong mag-donate upang malaman ang password at mabuksan ang ebook ito. Kung ikaw ay nakapag-donate na, kausapin lamang kami sa pamamagitan ng pagpapadala ng private message (PM) sa TOP fanpage o sa pag-iiwan ng komento dito.

Alam mo ba…

Ang mga donation ebooks katulad nito ang siyang bumubuhay sa buong grupo ng TOP kung kaya’t malaki ang iyong maitutulong upang lalo naming mapagbuti at mapaganda ang ating komunidad. Ito rin ang isa sa mga paraan upang magkaruon ng personal na pagkakakitaan ang awtor kung kaya’t lahat ng mga manunulat na iyong matutungyahan sa premium ebooks ay piling-pili, salang-sala (oo, parang gata lang, ^^)

EXTRA: LIST OF YESHA’S PAID EBOOKS

  1. Forbidden (dramarom)
  2. Love Potion 1 (romcom)
  3. Love Potion 2 (romcom)
  4. MELUSINA SERIES: TESALONICA (Ang Unang Sumpa) (romcom/fantasy)
  5. MELUSINA SERIES: FILIPINA (Ang Ikalawang Sumpa) (romcom/fantasy)
  6. LOVE IN DISGUISE 1 (dramarom)
  7. LOVE IN DISGUISE 2 (dramarom)
  8. Kapag Nangako ang Puso (dramarom/mystery)
  9. Walang Hanggang Pag-ibig (dramarom/mystery)
  10. Diary of a 10 Year Old Marriage (DATOM 1)
  11. Bona’s First Love 2 (dramarom) (Book 1 ebook will be given for free upon purchase)

Read all teasers for above stories. To order your copies, send private message to Yesha Lee today!

71 thoughts on “Bebeh Ko (Book 2 of TRIO) by Amor Filia (Yesha Lee)

  1. Hi! Ms Amor Filia, 2 beses na ako nag donate. Im really interested to continue reading this book. May I know the password.
    Thank you very much.

  2. pano po yan dq alam kung paano mag donate?kasi wla nman akong cards…..pwd ho bang may paraan para makadonate…please salamat po

    1. Hello Ate Everlyn! Salamat po ng marami sa suporta at paumanhin kung nahuli yung pagbibigay ng bonus gils. Inasikaso po kasi ng karamihang mga admins yung finals exam. PM us on our facebook page po for immediate concerns or send us an email. Keep in touch!

  3. Hello po ms yesha nabasa ko na po ang find me and super ganda, ba download ko na po ang bhebhe ko kaso my password san po pwedeng makuha ang password.tnx

  4. basa ulit qo 2 hehehe ang ganda kc, nabasa qo na rin ang FIND ME &OMG ki2ligin qa 2d maxxx ,,,2 d point na tulo laway mo hehehe:)

  5. me book 2 ang bebeh ko? ….kaka excite nmn….eto nga nag aabang me sa chapter 6 ng BEBEH KO….habang wala pang chapter 6 ma try nga ang FIND ME…..

  6. Ang kuwento pong ito ay mababasa nyo in ebook form for free 🙂 Please wait for further announcement. Asahan nyong inaasikaso ko na po ito. Pls give me one more week to polish this novel. Thanks everyone 🙂

  7. ms. yesha, gusto ko po sana mabasa ang mga stories mo kasi magaganda ang mga teaser, pero pano po ako makakuha ng cop? thank you po

      1. miss yesha ano po ba ang password ng bebeh ko my password po kasi pag nag download ako ..
        please po mahilig po kasi ako sa ebook ehh…ito lng po libangan ko pag nabobord ako at mukha po kasing maganda nag estoya .
        gusto ko pong basahin ng bou

  8. Hee hee push mo Yan tal! Cguro maiinlove dn sakanya c shann!
    The power of love- tal is willing to sacrifice and give everything

Leave a Reply