November 2016 Contest: “Scary Experience”

SABI nila, ang buwan daw ng Nobyembre ang siyang pinaka-magandang buwan upang gumawa ng mga ritwal o orasyon upang humiling ng isang bagay o mag-alay ng panalangin para sa mahal na yumao.

Pero kung ikaw ang tatanungin, may nakakatakot ka bang karanasan o kwento na nangyari sa buwan na ito o sa isang parte ng iyong buhay? Ibahagi mo iyan sa amin.

~ ~ ~

HOW TO JOIN?
Simply post your answer to the comment box below. Can’t see the form? Login or register first!

HOW TO WIN?
We will choose a random judge from our authors of who should win regarding this contest.

WHAT ARE THE PRICES?

  • 100 gils
  • P50 regular load (sponsored by TOP Team)
  • November 2016 Winner Badge (maaari mo itong magamit bilang profile picture)
  • ??? (Nais mo bang mag sponsor ng premyo? Comment or contact us today!)

DEADLINE: November 30, 2016

ANNOUNCEMENT OF WINNER: December 4, 2016

BONUS: Apply “OKATOKATOP” as coupon receive +20 gils. For 10 users and until November 6, 2016 only. Did not make it? Regularly check our website and social media accounts to learn more about latest events so you can earn more gils. Happy reading!

3 thoughts on “November 2016 Contest: “Scary Experience”

  1. When I was in my high school days meron akong dalawang friends na parehong lalaki at nakaugalian na naming mag gost hunt sa school namin after our class habang hinihintay namin na matapos ang class ng mga magulang naming na pawang mga guro din sa iskwelahang pinapasukan namin. At sa gabi gabi naming paglibot sa buong campus na parang rumorondang security guard na may mga kanya kanya pang hawak na flash light ay ni minsan ay wala kaming nakitang multo. Kaya naman simula noon ay hindi na ako naniwala pa, hanggang sa tumungtong ako sa college.
    Nagtry akong sumali sa isang organization sa aming University. Malaki yung campus namin, madaming puno ay marami din daw kababalaghang nagaganap tuwing gabi. Dumating ang araw ng pag huhusga kung makakapasok ba ako sa org na gusto ko sanang pasukan ang kaso ay umuwi akong sawi. Kasama ang iba ko pang kaklase na sumubok din ay ginabi na kami ng uwi. Palabas na kami ng campus noon, kanya kanyang hakbang na ang aming mga paa dala na din marahil ng pagod sa aming tatlong araw na try-out. Malungkot ako, feeling ko ay nabaliwala ang lahat ng aking pinaghirapan. Tanging certificate lamang ang aking maiuuwi ngunit ang pag-asang makakuha man lang ng scholarship sa organization na gusto ko sanang pasukan ay parang ang piraso ng papel na aking hawak na biglang hinipan ng malakas na hangin. Kasabay noon ay ang malakas na hiyawan at tilian na iba kong mga kasamang lumalakad na ngaun ay kumakaripas na ng takbo palayo sa lugar na aking kinatayayuan. Hindi ko malaman ang akin gagawin pero isa lang ang tumatak sa aking isipan kailangan kong habulin ang aking certificate. Agad ko naman itong nakuha, ngunit sa aking paglingon sa aking likuran ay isang liwanag na naghuhugis tao ang aking nakita. Nagtaasan ang balahibo sa aking batok na sadya pang gumapang ang kilabot sa aking tenga hanggang sa makababa sa aking likuran. Para bang may malamig na hiningang bumubulong sa likod ng aking mga tenga ng mga salitang sadyang ang hangin lang ang nakaiintindi. Tila naghatid ng takot at pangamba sa aking buong pagkatao ang mensahe ng kalungkutan ng hanging dumampi sa aking balat. May ilang segundo rin akongnapahinto at napatitig sa naturang liwanag upang sana ay alamin ang pinagmumulan nito. May parang kung ano ring nakahawak sa aking paanan na hindi ko magawang ihakbang ang mga ito na tila ba ayaw akong paalisin sa aking kinatatayuan. Unti unti rin ang pagkapal ng liwanag na tila ba papalapit ito sa akin. Hindi ko malaman ang aking gagawin dahil pwera sa pagkakatulos ng aking paa sa aking kinatatayuan ay hindi rin gumagana ang aking isipan. Kaya naman pumikit naamanh ako at hinintay kung ano man ang maaaring nangyari. Ngunit tulad rin ng pag lipas ng oras ay mabilis din nawala ang hipnotismo sa aking pagkatao. Muli akong lumakad patungo sa aking mga kasamahan. Ang tangin kong naitanong ay “Anong nangyari?”. Ni isa sa kanila ay walang gustong magsalita sa sobrang takot na mababakas pa sa panginginig ng kanilang mga katawan. Ay simula rin noon ay wala nang muling nagbanggit sa nangyari, kaya naman magpahanggang ngaun, hindi ko pa din nasasagot kung ano nga ba ang nangyari at kung ano ang aming nakita.

Leave a Reply