December 2016 Contest: “Magpasalamat”

ISANG buong taon na naman ang nagdaan kung kaya’t ang buong TOP Team ay nagpapasalamat sa mga kaloob na ibinigay niya sa atin.

Pero kung ikaw ang tatanungin, ano ang mga bagay-bagay na nais mong ipagpasalamat sa kinikilala mong Dios? Ibahagi mo ito sa amin.

~ ~ ~

HOW TO JOIN?
Simply post your answer to the comment box below. Can’t see the form? Login or register first!

HOW TO WIN?
We will choose a random judge from our authors of who should win regarding this contest.

WHAT ARE THE PRICES?

  • 100 gils
  • P50 regular load (sponsored by TOP Team)
  • December 2016 Winner Badge (maaari mo itong magamit bilang profile picture)
  • ??? (Nais mo bang mag sponsor ng premyo? Comment or contact us today!)

DEADLINE: December 31, 2016

ANNOUNCEMENT OF WINNER: January 8, 2017

BONUS: Apply “SALAMATPODIOS” as coupon receive +20 gils. For 10 users and until December 4, 2016 only. Did not make it? Regularly check our website and social media accounts to learn more about latest events so you can earn more gils. Happy reading!

7 thoughts on “December 2016 Contest: “Magpasalamat”

  1. Sa taong ito, buhay ko ay naging pariwara. I’d been so weak, I lost my regular job at pinagpalit ko sa kawalang hiyaan katulad ng pag iinom ng alak gabi-gabi kasama ng mga barkada, taken for granted yong pamilya at anak ko. Hindi ko alam kung bakit ako naging ganito samantalang alam ko naman na maganda yong buhay ko kasama ng pamilya ko noong hindi pa ako kumalas sa kanila. When I skipped home because of running away sa mga problema na dinulot ko katulad ng mga utang ko sa kapatid ko, tuition fee ng anak ko sa school at iba pa, ang buhay ko ay wala ng saysay. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin, kung saan ako magsisimula ulit. Kunwari masaya pero sa totoo lang hindi pala kasi namimiss ko ang nakasanayan kong buhay kasama ng anak at pamilya ko. Gusto kong umuwi at humingi ng patawad sa lahat ng kasalanan ko sa mga magulang ko at sa anak ko pero di ko magawa kasi takot ako na pagalitan. Noong nakilala ko tong isang tao na to, pinatunayan nya na hindi pa katapusan ng mundo. Kahit kakakilala lang namin, pinakita nya sa akin na dapat ako mag cheer up at dapat ako mag-umpisa ulit sa simula kasi nga ganyan ang buhay. Naging boyfriend ko sya, at sya yong gumagabay sa kin sa mga ginagawa ko ngayon at masasabi ko talaga na ibang-iba na ako at di na katulad ng dati. Nagpapasalamat ako na tinanggap ako ng buong buo ng kanyang pamilya kahit walang wala ako that time at wala akong maitulong sa kanila. Naghanap ako ng trabaho, tinulungan nya akong kumuha ng mga requirements ko at naging matiyaga sya sa akin kahit alam kong sobrang maldita ko. Kahit malayo ako ngayon sa pamilya ko, nagpapasalamat pa rin ako na may mga taong naniniwala pa rin sa akin na kaya ko pa rin na bagohin ang takbo ng buhay ko. For this year, since malapit na ang Christmas the biggest pasasalamat na masasabi ko ay yong mga taong dumating sa buhay ko at tumulong sa akin sa panahon na walang wala ako. Alam kong dadating din ang panahon na makikita ko ulit pamilya ko at anak ko at mapapatawad nila sa mga ginawa ko. Salamat din na hindi ako nag iisa sa pasko at new year. 🙂

  2. Ano ang tatlong bagay na dapat kong ipagpasalamat kay Lord?First of all yung pagbibigay nya sa akin lalong lalo na sa pamilya ko ng kalusugan yung malayo sa sakit at kapahamakan dahil sa panahon ngayon maraming hindi maganda ang nangyayari sa mundo he protect us against sa mga masasamang tao o sakuna sa paligid .Ikalawa patuloy ni Lord binebless ang family ko mapa relatives man o my own family hindi man perfect all the day but in general we still happy and kontento sa mga blessing na binibigay sa amin sa araw-araw.Third God gave what I wished for to find my loving husband akala ko kasi di na ako makakatagpo ng right guy for me,but when you pray sincerely at maghintay lang sa tamang panahon darating at darating yun.Ika nga God has a perfect timing for us all we need to do is to wait at wag magmadali.Have a Bless Christmas and Peaceful New Year to all of us.

  3. Gusto ipagpasalamat sa taon po na ito ay ang pagiging buo ulit ng pamilya ko lalo na ngayong malapit na ang pasko at bagong taon na naman ulit, despite pp sa lahat ng problemang binigay samin ni lord buo pa rin ang pamilya kahit sabihin ho natin na my hindi pagkaka intindihan siguro naman ho ay natural lamang iyon para nmn ho mlaman natin kng ano ang kanilang saloobin, well depende narin naman po kasi pwd nmn po yung pag usapan ng mahinahon lamang, thank you tlga ky lord for giving us strength good health and a family that always be my priority. Thank you po ?

  4. Masasabi kong ang taong ito ay hindi naging madali para sa aking pamilya, bukod sa kinailangan kong huminto sa aking work upang lubos na maalagaan ang aking nag-iisang anak ay talaga nga naman mas lubos kong nakilala ang aking asawa. Hindi biro ang kanyang naging pagsasakripisyo maitaguyod lang kami ng aking anak. Kahit nga ang mga bagay na karaniwan niyang binibili para sa kanyang sarili ay hindi niya nagawa nitong taon na ito. Kaya naman kung mayroon akong ipagpapasalamat sa panginoon para sa taon na ito ay bukod sa buhay na patuloy niyang ipinagkakaloob sa amin ay ang katatagan na ibinibigay niya sa aming pamilya. Ang pagiging buo sa hirap at ginhawa. Ang pananatiling nagtutulungan at may pagtittiwala sa gitna ng problema. At ang patuloy na pag mamahal na patuloy na bumabalot sa amin upang maging isa.

  5. Ang mga bagay-bagay na ipasasalamat ko sa panginoon ay ang pagbibigay sa akin ng buhay, mga magulang, kapatid, at asawa na karamay ko habangbuhay. Nagpapasalamat ako na palagi syang andiyan sa lahat ng masasaya at malulungkot na nangyari sa buhay ko.

Leave a Reply