Le Sorelle Books

ANO ANG LSP?

Ang LSP o Le Sorelle Publishing ay isang sangay ng Le Sorelle Printing na may layong tumulong sa mga baguhang writer na maisalibro ang kanilang akda. Mayroon itong tatlong imprint: ang Four Seasons para sa mga romance novels, Text Corner para sa mga self help editions at Kitkat para sa mga pambatang babasahin.

Dahil nagsisimula pa lamang ang LSP, priority nito sa ngayon ang Four Seasons. Dito ay tumatanggap kami ng kahit anong genre (romance mystery, drama, horror, suspense, etc). Pero kailangang sa bawat kuwento ay may combination ng genre. Romance lamang ang maaaring maging solo. Halimbawa, mystery at romance o kaya ay horror na may romance.

MAY ROYALTIES PO BA AKONG MATATANGGAP SA AKING APPROVED STORY?

Mayroon po, siyempre, kaya lang, tulad nang una nang nabanggit ay hindi kami nagbibigay ng advance payment. Dahil nagsisimula pa lamang kami at hindi pa makikita sa malalaking bookstore sa ngayon ang aming mga libro, hindi pa tayo makakasabay sa royalties na kayang ibigay ng mga higanteng publishing house. Narito po ang sistema ng LSP pagdating sa royalties.

Oras na pumasa sa initial evaluation (teaser, first and final chapter submission) ang iyong MS, hihingin na namin ang kompletong manuscript. Kailangang ikaw bilang author ang magsagawa ng editing dahil proofreading lamang ang kayang i-offer ng LSP. Meaning, mga nakaligtaang punctuation mark at ilang editing lang ang kaya naming gawin. Kami rin ang bahala sa layout ng cover at buong kuwento pero welcome kang magbigay ng suggestion sa cover. Puwede ring ikaw ang mag-provide ng image at amin itong ili-layout.

Makatatanggap ka ng order link na maaari mong ibigay sa iyong pamilya, mga kaibigan o kakilala para sa pagpapa-order ng libro. Mas malaking sales, mas malaki ang matatanggap mong royalties. Sa bawat libro mo ay mayroon kang P40 o P50 (depende sa uri ng iyong contract) na royalty at isang libreng kopya ng iyong libro. So, kung makapagbenta tayo ng 50 books, mayroon kang P2000 o P2500. Tutulungan ka naming pagdating sa pagma-market ng iyong libro. Ituturo rin namin sa’yo ang mga posibleng paraan para lumaki ang iyong readership.

Kung sang-ayon ka sa iyong mga nabasa, maaari mo nang ipasa ang iyong akda sa LSP. Ang submission ay tuwing unang linggo ng buwan. Kindly submit the teaser, first and final chapter of your manuscript to Le.Sorelle.Publishing@gmail.com. Please DO NOT SUBMIT YOUR COMPLETE STORY yet. Bibigyan po namin kayo ng cue kung pumasa na sa initial evaluation ang inyong MS.

PAALALA:

  • MAG-REPLY LAMANG SA EMAIL sa halip na gumawa ng bagong email kung sakaling may mga following questions. Sa ganitong paraan, magiging systematic ang ating email conversation.
  • Paki-indicate sa email subject ang STORY TITLE AT AUTHOR’S NAME gayundin ang GENRE Ex: THE PILOT BY J.K. LONG (ROMANCE).

 

AVAILABLE BOOKS (Kindly click the titles to read the teasers)

Si Orange (The Pinay Cinderella) Book 1

Si Orange (The Baby Girl Turned Wife) Book 2

Si Orange (and Her First Love) Book 3

Si Orange (Version 2.0) Book 4

Medalyon