Snow and Me

Esmeralda

Marc

Ms. Jewels
NAGSIMULANG bumagsak ang mga niyebe mula sa labas ng bintana ng eskwelahan ni Esmeralda. Kasabay nito ay ang pag-ihip ng malakas na hangin mula sa labas kung kaya’t kitang-kita niya ang pagsayaw ng mga sanga ng puno mula pakaliwa patungo sa kanan. Maya-maya pa ay narinig niya ang pagpalakpak ng kanilang guro.
“Ok class, this is it. It seems like winter came so soon. I’m kinda thinking of something special this season. This will be your project.”
“And what is it it all about Ms. Jewels? I hope that it’s not hard.” sabi ng isa niyang kaklase.
Napabuntong-hininga naman si Ms. Jewels bago ito nagsulat ng malalaking salita sa kanilang pisara. Pagkatapos ay ngumiti ito ng malaki sa kanila na parang bata.
SNOW AND ME
“Wha—what is that!?” halos sabay-sabay na sabi ng kaniyang mga kaklase.
“For this project, you need to create a poem which is composed of four lines. What is interesting to this project is that, you need to explain such poem in front of the class. This is to improve your self-confidence in public speaking and well of course, to explain a little something about yourself.”
Tumahimik lang siya dahil ayaw niyang makisali sa mga makukulit niyang kaklase. Pakiramdam niya ay hindi siya kabilang sa mundo ng mga ito. Ang pakiramdam niya ay lagi siyang nag-iisa. Kunsabagay, sino ba naman ang gustong makipag-kaibigan sa isang may karamdamang kagaya niya? Isang karamdaman na maski siya ay hindi niya alam kung ano ba talaga ang naging sanhi at kung saan niya nakuha. Paano ba naman kasi, lagi siyang napapagod kahit wala naman siyang ginagawa. Para siyang papel, kaunting ihip lang ay tiyak na liliparin kaagad.
“For this project, you will be needing a partner. So choose your own partner very quickly and submit your answers before Friday. The sooner—the better.” si Ms. Jewels.
Maya-maya ay may biglang tumapik sa balikat ni Esmeralda. “Esme, pagtulungan natin ito. Alam mo namang bobo ako sa mga ganito eh.”
Si Marc, ang kaisa-isang kaklase niyang naglalakas loob upang kausapin siya. Makulit ito at kwela pero pagdating sa pag-aaral, laging bokya—pasaway kasi. Paano ba naman, laging naiipit sa away. Siguro sa linggong ito, nakabilang na ito ng anim na rambol. Siyempre, laging bagsak ang mga kaaway niya. Sa laki ba naman ng katawan nito, tiyak walang makatatayo pagkatapos na mahagip ng malalaking kamao nito.
“May magagawa pa ba ako? Kung hindi lang kailangan ng ka-partner dito, tatanggihan kita.”
“Alam ko namang hindi ka tatangi. Isa pa, alam ko namang gusto mo rin akong maka-partner. Tayong dalawa lang kaya ang friendship sa room na to.”
“Oo nga.” Sabay ngiti kay Marc. Sa malapitan, may face value rin pala ito. Yun nga lang, dahil na rin sa dami ng band-aid nito sa mukha, talagang bad boy ang image nito. Kaya hindi na siya magtataka kung bakit walang lumalapit na babae dito kahit na matipuno ang pangangatawan nito.
“Ayan. Ngumiti ka rin. Alam mo kasi Esme, pag tumatawa ka, nawawala ang pagod ko. At isa pa, nag-re-recharge ang powers ko kaya pag may nang-asar sa akin o sayo, tiyak bagsak agad!”
“Hep hep! Ikaw talaga. Konting hinay lang. Kung mayruon dapat na ngumiti dito ng madalas, ikaw yung Marc. Bakit ba kasi ang hilig mo sa away eh?”
Napakamot ito ng ulo. “Hindi ko nga rin alam. Kadalasan kasi, inaasar ka nila. Kaya ayun, binabanatan ko agad. Minsan nagugulat ako dahil marami pala sila. Pero di naman sila uubra! Ako pa!”
Binatukan niya ito ng bahagya. Kunwari namang umaray ito. “Basta ipangako mo sa akin, hindi ka na makikipag-basag-ulo pag ako ang pinag-uusapan nila. Wala sa akin yun.”
“Ayaw! Basta, bubugbugkin ko sila pag inasar ka nila!”
Binatukan niya ito ulit saka tinitigan sa mga mata. “Basta mangako ka! Hinihingal na ako sayo niyan eh!”
Bumuntong-hininga lamang ito bago ito nag sign of the cross sa dibdib. “Opo, pinapangako ko po.”
“Talaga?”
“Oo sabi eh.”
“Talagang talaga?”
“Ang kulet mo Esme! Hipan kaya kita?”
Nagkatawanan na lamang sila bago sila lumabas ng klase. Inihatid naman siya ni Marc hanggang sa bahay. May kalakasan ang buhos ng niyebe sa labas ngunit hindi naman ito naging hadlang upang magawa nila ang kanilang proyekto. Ang naging plano kasi nila Marc ay—siya ang gagawa ng sagot para kay Marc. At si Marc naman ang gagawa ng sagot para sa kaniya.
KINABUKASAN…
“Ok class, let’s begin. May nakagawa na ba ng assignment ninyo?”
Nagtaas siya ng kamay. Kasabay nito ay hinahanap niya kung nasaan na si Esmeralda. Wala pa ito sa kaniyang upuan. “Ako po Ms. Jewels!”
“Aba, magaling! Sige nga, pakinggan natin.”
Can this be love I’m feeling right now?
I know for certain I’m feeling right now.
Like a snow, I can feel it.
Like a snow, you will feel it.
“Sa totoo lang, I wrote this poem for Esmeralda. Ang plano kasi namin ay hindi mag-brain-storming. Iniba namin. Ako ang gagawa ng poem para sa kaniya. Siya naman ang gagawa ng poem para sa akin.”
Pumapalakpak naman si Ms. Jewels sa naging sagot niya. “That’s good and it’s acceptable on my part. And—can you explain your poem Marc?”
Naghiyawan naman ang buong klase. Halata kasi na in-love siya kay Esmeralda pero ayaw pa niyang aminin. Siya na mismo ang nag-sasabing magkaibigan sila pero sino ba naman ang maniniwala sa kaniya? Almost lahat ng mga activities sa school eh sila ang magkasama!
“Nasaan na pala si Esmeralda Marc?”
“Hindi ko nga rin po alam Ms. Jewels. Sinusubukan ko na kontakin sa bahay nila kanina pero wala atang signal dahil sa kapal ng niyebe.”
“Ok lang, sige, please continue with your explanation.”
“Honestly, I love Esmeralda so much as a friend. Kung lumagpas man iyon dun, well and good. But right now, marami pa kaming plano like finishing our studies and well, gusto ko rin na makahanap ng lunas sa sakit niya.”
Bigla ay parang nanlumo ang buong klase. Nagulat din ang mga ito sa kabilang banda. Tila naiintindihan siya ng mga ito. Natahimik ang lahat ngunit siya na rin mismo ang bumasag ng katahimikang iyon.
“After graduation, I’m aiming to become the best doctor in the world para magamot ko si Esmeralda. When that happens, wala ng mang-aapi sa kaniya.” Aniya bago siya ngumiti kay Ms. Jewels. “At siyempre, para wala na rin akong bugbugin pag may nang-aapi sa kaniya.”
Nag-iyakan naman ang kalahati ng kaniyang mga kaklase mula sa narinig sa kaniya. Pati si Ms. Jewels ay mangiyak-ngiyak sa narinig. Hindi kasi nila akalain na maririnig nila iyon kay Marc—na isang basagulero at halos isang patapon na estudyante mula sa kanilang paaralan.
Nagpalakpakan ang buong klase at nagpatuloy ang pag-pi-prisinta ng mga kasagutan sa kanilang proyekto. Maya-maya pa ay may kumatok na isang administrator officer sa kanilang klase. Kinausap nito si Ms. Jewels.
Nanlulumo naman na pumunta sa harapan ng kanilang klase si Ms. Jewels pagkatapos na umalis ang nakausap nito. Huminga muna ito ng malalim bago ito nagsalita.
“Class, huwag sana kayong mabibigla, lalo ka na Marc.”
“Ba—bakit po!?”
“Wala na si Esmeralda. She had a heart attack this morning and rushed to hospital. Sad to speak, she didn’t make it.”
“No! No way! No friggin way!” sigaw niya bago siya lumabas sa classroom pagkatapos na malaman kung saang hospital naruon si Esmeralda.
NAKASALUBONG niya ang ina ni Esmeralda. Nakaupo ito sa labas ng emergency room at tila may hinihintay. Ang ama naman nito ay abala sa pag-aasikaso ng mga bayarin at mga papeles.
“Nay…”
“Marc! Kanina ka pa namin hinihintay!” bulalas ng ina ni Esmeralda.
“Ba—bakit po? Ano pong nangyari?”
“Bigla na lang kasing bumagsak sa sahig si Esmeralda kanina pagkatapos niyang makapagbihis papasok sa school. Pinagpahinga muna namin siya ng ilang minuto at nang sinabi niya na ok na siya, pinayagan na namin siyang makapasok. Pero pagkalabas niya ng bahay, bigla ulit siyang bumagsak kaya idiniretso na namin siya sa hospital. Pero hindi na siya umabot kasi hindi na raw tumitibok ang puso niya. Nagkaruon siya ng heart failure… bumigay na ang puso niya sa pagtibok.”
“Na—nasaan na po siya?”
“Nasa loob pa siya ng ER. Maya-maya lang, dadalhin na siya sa morgue for autopsy…”
“Si—sige po.”
“Saan ka pupunta?”
“Sa ER, gusto ko siyang makita…”
“Te—teka…” May iniabot na papel sa kaniya ang ina nito. “Hawak-hawak niya yan bago siya bumagsak sa sahig. Nakaselyo at nakapangalan sayo kaya hindi na namin binuksan ng papa niya. Kunin mo.”
Kinuha niya ang papel saka binuksan iyon. Naging style love letter iyon dahil nakasulat iyon sa isang stationary. May mga scrapbook items pa sa paligid nito.
Ikaw ay tulad ng mga niyebe sa hilaga,
nakaka-tuwa, nakaka-lipad at nakaka-kalma.
At nais kong ipunin ang mga iyon sa aking silid,
aalagaan kita hanggang sa hindi na ako makasisid.
Kasunod nito ay may nakita pa siyang isang papel na kasama sa sulat na iyon. Naka-rolyo iyon at naka-selyo din gamit ang ginupit na straw. Binuksan niya iyon. Pagkabasa niya dito ay tuluyan na lamang bumagsak ang mga luha sa kaniyang mga mata.
PS: Pagkatapos ng winter, samahan mo ako sa parke. Gusto kong magpa-kain ng mga ibon. Ikaw ang sagot sa lahat ha? At wag ka ng makikipag-away ha? Oo? Good!
NOTE
I love snow kahit hindi pa ako personal na nakakakita nito. Oo, may snow sa Snow World but that’s only artificial snow and it’s not real. But who cares, a snow will always be a snow, whether it be artificial or not. It’s just sad that Esmeralda died that way… but death is inevitable. In the end, you simply need to learn to appreciate the people around you before they are gone. Because once they are gone, they won’t be able to hear nor feel any of your feelings. It will simply pass before them like a wind.
So sad naman. sayang d narinig ni Esmeralda ang mga sinabi ni Marc. Nakapanghihinayang. huhuhuhu
wow i love the story!!!cry nman ako?
ang lungkot naman nito. super sad love story… *hinga ng malalim* uyyy writer, may utang kang happy ending sa akin. waahhhhh
waahhhh!cno writer nito?!my god,pnaiyak dn aq nitong writer na to ah!magkapatid po ba kyo ni ms.calla lily?hehe!ang galing nyo kcng mgpaiyak na dlawa eh..iaapreciate ko na nga ang snow bgo mg-summer d2..kksad tlg yng love story na yn..naiyak tlg aq!huhuhu!*tulo sipon*.thanks writer..
..huhu.sadness nman..namatay si Esmeralda poor Mark..Galing ng writer..two thumbs up!
grabe nman me pinaiyak nito.. foo.. kw ba sumulat nito? prang ikaw eh…. thanks.. ganda.. napaiyak talaga me d2..
foo, dka busy noh, kya nkkpagsulat kna uli.. uy, ung Maybe 2 nman pls.. hehehhe… thanks foo.. mwahh *hugs*
Super sh0rt st0ry cya but super ganda.. S0brang sad, naiyak ako…
sayang naman.. hindi happily ever after ung ending… pero maganda… more power po..
hmmm… parang alam ko kung kaninong style 'to ah… so nice
WOW GANDA NG STORY …………
2 TELL U HONESTLY I HATE SAD ENDING
KAWAWA NAMAN C MARK
tnx po..sad naman,,
Leave your response!
You must be logged in to post a comment.
Maghanap ng Istorya
Pagbotohan at Survey Natin!
Maging Fan Namin!
Kumonekta sa Google Namin!
TOPPER Ka Nga Ba?
Mga Istorya
TOP Kalendaryo
Arkiba Namin
Share Us!
Daily Clicks!
Click pets to level them up!
Pakainin si Fooxy!
"Enge aku candy!"
Makipaglaro kay Eggie!
Palakihin ang bahay natin!
Sponsor Namin
Alyansa Namin!
Sundan Kami
TOP Chatbox
Bagong Lathala
Komento Ngayon
About TOP
User Panel