My Immortal
Ayon sa kautusan, ang mga mortal ay dapat nabubuhay sa mundo ng mga mortal, ang mga immortal naman ay sa mundo ng immortal. Ngunit anong magagawa ng kautusan sa dalawang nilalang na kapwa pinaglaruan ng tadhana na mahulog ang loob sa isa’t-isa? Mga nilalang na hindi dapat mahalin ang isa’t-isa dahil ang isa ay immortal at ang isa naman ay hindi.
“KRIZZY! Tigilan mo na nga yan! Baka mahulog ka diyan sa puno eh kataas-taas pa naman niyan!” sigaw ni Clay habang pilit na inaabot ang makulit na batang si Krizzy.
Bughaw ang mga mata ni Krizzy at ang mga labi nito ay gaya ng sa mga mamahaling mansanas. Kakaiba rin ang kulay ng kaniyang balat dahil tila kumikinang ang mga ito kapag nasisinagan ng araw. Maya-maya lang ay nagpatuloy sa pag-akyat sa puno si Krizzy.
“Ate Clay! Mamaya na! Hindi ako babagsak dahil magaling ata akong—“
Napatili si Clay dahil dumulas ang mga paa ni Krizzy habang umaakyat ito sa pinakahuling bahagi ng puno. Dumulas muli ang ikalawang paa ni Krizzy! Mabuti na lang at nakahawak siya sa sanga nito!
“Krizzy! Nako po Dios ko! Anong gagawin ko! Tu—tulong! Ang alaga ko! Mahuhulog!” tarantang sigaw ni Clay habang pinagmamasdan ang kaawa-awang kalagayan ni Krizzy.
“A—ate Clay—Hi—hindi ko na kaya! Mahu—hulog na—“
Tuluyang nakabitaw si Krizzy sa sanga at ang tanging nagawa lamang ni Clay ay pumikit upang hindi masaksihan ang pagbagsak ng kaniyang alaga. Habang mabilis siyang bumababa sa lupa ay may narinig siyang tinig.
“Krizzy—gumising ka!”
“Si—sino ka!?”
“Ako? Ikaw ay ako at ako’y ikaw.”
“Hi—hindi kita maintindihan. Sino ka?”
Mabilis ang mga pangyayari dahil may isang lalake na biglang sumulpot sa kawalan at sinalo ang mabilis na pagbagsak ni Krizzy sa lupa. Pagbukas ng mga mata ni Clay ay nagtatalon ito sa tuwa dahil ligtas na ang kaniyang alaga. Pero sino ang lalakeng biglang nagligtas kay Krizzy at papaano niya ito iniligtas?
“Ok ka lang bata?” tanong ng lalake kay Krizzy habang bitbit pa rin siya nito. May kalakihan ang katawan nito at hindi rin katandaan ang pagmumukha nito. Pakiramdam ni Krizzy ay kuya-kuyahan niya lang ito.
“Bi—bitawan mo ako!”
Binitawan nga siya ng lalake kung kaya’t tuluyan siyang bumagsak sa lupa. Napa-aray naman siya sa sakit. Inayos niya ang sarili pagkatapos ay sinungitan niya ito.
“Sa susunod, ayusin mo ang pagsalo sa akin! Hinipuan mo ako no!?”
“I—ikaw? Hihipuan ko? Hindi na uy. At kahit gawin ko yun, wala naman akong makakapa dahil maliit yang mga yan oh.” sabay turo sa mala-pandesal niyang dibdib.
“Aba at talagang—“
“Hep hep!” awat ni Clay. “Krizzy, magpasalamat ka na lang at iniligtas ka niya. At ikaw naman lalake, maging gentleman ka naman, pwede?”
“Wala akong ginagawang masama. Ako na nga itong muntik masaktan, ako pa ata ang agrabyado dito.”
“Krizzy—“ nagsisimula na ang pagtataray ni Clay sa kaniyang alaga.
“Bakit Ate Clay?” tanong naman ni Krizzy bago ito tumalikod sa lalake.
“Mag sorry ka na sa kaniya at magpasalamat.”
“A—yo—ko!”
“Ayaw mo?”
“Ayaw.”
“Sige, pag hindi mo sinunod ang sinabi ko, sasabihin ko sa Papa mo ang pangyayaring ito. At pag nalaman niya ito, tiyak, grounded ka na forever dahil sa kakulitan mo.”
“Ate Clay naman…”
“Seryoso ako. Ngayon, gagawin mo ba ang sinabi ko o hindi?”
Napabuntong-hininga naman siya. Wala siyang pagpipilian kung hindi sundin ang kaniyang Ate Clay na simula pa pagkabata ay naging kasangga niya sa lahat ng bagay. Lumingon siya sa lalake bago siya nagbaba ng ulo bilang tanda ng kabutihang loob. “Maraming salamat po sa pagligtas sa akin at pasensiya ka na sa inasal ko.”
Napangiti naman si Clay sa ginawa ni Krizzy. Ang lalake naman ay lumapit kay Krizzy bago nito ginulo ang buhok nito saka ngumisi. “Mabait ka rin naman pala bata.”
“I—ikaw… Kanina pa talaga ako naaasar! Hindi na ako bata!” sigaw ni Krizzy bago nito tinadyakan ang lalake. Kumaripas naman siya ng takbo pabalik ng mansiyon kahit hindi nito kasama si Clay.
“Naku mister, ok ka lang ba? Pasensiya ka na sa alaga ko ha, sobrang pilya at likot kasi niyan!”
“O—ok lang. Siya ba ang nag-iisang anak ni Don Lou?”
“Oo, bakit mo naitanong?”
“Wala naman. Basta tingnan mo lang siya ng mabuti, alam mo naman kung gaano ka importante ang pamilya nila sa bayan natin. Mabuti na lang at hindi siya napilayan.”
“Oo nga eh. Pero teka, ano bang pangalan mo mister?”
“Klein.”
“Saan ka nakatira Klein? Baka pwede kang sumama sa amin, sasabihin ko sa Papa ni Krizzy ang ginawa mong pagligtas sa kaniya. Sigurado ako, mas gagaan ang buhay mo.”
“Dito lang ako nakatira Clay at hindi ako pwedeng umalis dito. Sige na, sundan mo na ang makulit mong alaga. Sigurado akong nagugutom na yun.”
Ngumiti lamang si Clay sa sinabi ni Klein. Sigurado ito, kung magkakasundo si Krizzy at si Klein, makakahanap ng kapalit si Krizzy sa pagkawala ng kaniyang matalik na kaibigan na si Dugz.
KINABUKASAN, bumalik ng mag-isa sa kagubatan si Krizzy si Klein upang personal na makausap ito. Kakausapin niya ito dahil kailangan niyang makabawi sa pang-aasar na ginawa nito sa kaniya. Ayaw na ayaw kasi niyang tinatawag siyang bata dahil hindi na siya bata! Malaki na siya!
“Hoy Klein! Kung nasaan ka man, lumabas ka diyan! Hindi na ako bata!”
Maya-maya lang ay may isang anino na lumabas sa likod ng puno na malapit sa kaniya. Pagkalingon niya ay nakilala niya ito. Ito si Klein, ang lalakeng nagligtas sa kaniya mula sa pagkahulog kagabi.
“Ang ingay mo, alam mo ba yun?”
Ininguso niya ang kaniyang labi. “Ewan ko sayo. Teka, bakit ba ang hilig mo akong asarin ah? Saka para kang bula, bigla ka na lang sumulpot kahapon. Sino ka ba?”
“Gusto mo ba talagang malaman?”
“Pwede ba?”
Bigla ay hinila siya ni Klein bago sila pumunta sa punong inakyat niya kahapon. Mabilis na naka-akyat si Klein sa tuktok nito. Maya-maya lang ay naghagis ito ng lubid mula sa itaas—pero bakit?
“Gamitin mo ito para maka-akyat ka dito Krizzy!”
Napatanga na lang siya sa ginawa nito. Matalino rin pala ang matsing! “Sige! Hintayin mo lang ako diyan! Kayang-kaya ko na to!”
PAGKALIPAS ng ilang minutong pag-akyat ni Krizzy gamit ang lubid na inihagis ni Klein mula sa itaas ng puno…
“Oh bakit parang hinihingal ka?” pang-aasar nito habang pinagmamasdan si Krizzy na halos hanggang ulo na ang paghinga dahil sa sobrang hingal.
Pilit namang kinakalma ni Krizzy ang kaniyang sarili ngunit napagod talaga siya, ayaw niya lang aminin kay Klein. “A—ako!? Hi—hindi! O—ok lang a—ko!”
“Magpahinga na nga muna tayo, nakakatawa ka talagang bata ka.” ani Klein bago ito humalakhak ng malakas. Kahit kailan talaga, ayaw aminin ng babaeng ito ang kaniyang kahinaan sa harap ng tao.
Pagkatapos ng ilang minutong pagpapahinga, siya na mismo ang pumutol ng katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa. “Klein…”
“Bakit?”
“May alam ka ba na hindi ko alam? Alam mo kasi, habang nahuhulog ako sa puno kahapon, parang may narinig akong boses na parang kinakausap ako.”
“Tapos?”
“Tapos… yun! Akala ko, katapusan ko na kasi mataas ang pinagbagsakan ko. Pero bigla kang dumating at iniligtas mo ako.”
“Nakapikit ka kaya nung bumagsak ka. Natakot ka ba?”
“Oo naman! Pero parang kakaiba nga eh. Alam mo kasi, may bestfriend ako, lagi kaming umaakyat ng puno nung mga bata pa kami. Ang galing-galing nga niyang umakyat eh. Siguro pangalawang beses ko pa lang na naka-akyat dito. Yun una, siyempre naka-akyat ako dahil tinulungan niya ako. Ngayon naman, naka-akyat ako dahil nandito ka.”
“Nasaan na ang bestfriend mo?”
“Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Bigla na lang kasi siyang nawala. Hindi ko lang alam kung bakit kasi hindi ko matandaan.”
Ngumiti lamang si Klein bago nito hinawakan ang kaniyang pisngi. “Alam mo bang kahit mas bata kang tingnan sa akin, pakiramdam ko isa ka ng ganap na babae.”
“Binobola mo lang ako.”
“Hindi no. Alam mo ba kung bakit kitang tinatawag na bata?”
Sinuntok niya ng mahina sa braso si Klein bago niya ito tinanong. “Oo nga naman, bakit ba?”
“Kasi—bata ka talaga! At makulit pa!”
“Naku Klein! Ikaw talaga! Ang hilig mong mang-asar!”
Bigla ay naging seryoso ang tono ng pananalita ni Klein. “Pero alam mo Krizzy, may ipagtatapat ako sayo.”
“At ano naman yun?”
“Pakiramdam ko talaga, matagal na kitang kakilala. Parang nakilala na kita nuon, hindi ko lang matandaan kung saan ang eksaktong lugar at kailan.”
“Ganun ka rin?”
“Oo.”
“Siguro nga, kasi ganun din ako eh.”
PAGKARAAN pa ng ilang minuto ay agad nilang nasilayan ang araw na muling bumabalik sa himlayan nito. Mag-ga-gabi na at kinakailangan na rin nilang bumaba.
“Baba na tayo Klein, mag-ga-gabi na.” si Krizzy.
“Sige. Pero may itatanong ako sayo, huli na to.”
“Sige, itanong mo lang.”
Huminga ng malalim si Klein bago ito tumitig ng seryoso kay Krizzy. “Kung mahuhulog ba ako dito, sasaluhin mo ba ako?”
“Oo naman! Pero paano ko naman gagawin iyon, wala naman akong pakpak no!”
“Ganun ba…”
“Hoy Klein, wag ka ngang magbiro ng ganiyan, tara na at—“
Walang pasabi na nagpatihulog mula sa itaas ng puno si Klein. Kusa ring gumalaw ang katawan ni Krizzy at sinundan niya ito. Ngayon, pareho silang nag-uunahan sa pagbagsak sa lupa. Kasabay nito ay ang paghaplos ng sinag ng araw sa katawan ni Krizzy. Sinag ng araw na tila nagpapaalam sa likod ng kabundukan.
Ngumiti lamang si Klein habang pinagmamasdan si Krizzy. Nakapikit pa rin ito at tila hindi na nito alam ang mga sunod na pangyayari. Pagmulat ng mata ni Krizzy ay hindi ito makapaniwala dahil pareho na silang lumulutang sa hangin.
“Ok ka lang Krizzy?” malumanay na sabi ni Klein habang nakatitig ito sa babae. Bumalik na rin ang mga alaala ni Klein pagkatapos siyang saluhin ni Krizzy. Napangiti na lamang si Klein sa nangyari dahil sa pagkakataong ito, si Krizzy ang nagligtas sa kaniya.
Lumingon naman sa paligid si Krizzy. Maski siya ay hindi rin makapaniwala sa nangyari. Lumilipad sila! At nakakalipad siya dahil may pakpak siya na katulad sa isang anghel! Pero paano nangyari iyon gayong isa lamang siyang ordinaryong tao?
“A—anong nangyayari?” tanong ni Krizzy.
“Krizzy, makinig ka. Hindi ka kabilang sa mundong ito dahil isa kang immortal. Kung nagugutom o nasasaktan ka man ng bahagya, iyon ay dahil natutulog pa ang iyong kapangyarihan noon. Ngunit ngayon, tuluyan nang nagising ang iyong diwa tungkol sa bagay na ito.”
Lumapag sila sa lupa. Hinahaplos ni Krizzy ang kaniyang pakpak at hindi pa rin siya lubos na makapaniwala sa sinabi ni Klein. Pakiramdam niya ay mas marami pa itong alam kaysa sa kaniya.
“Pero bakit? Bakit mo alam ang mga ito? Si—sino ka bang talaga Klein?”
“Hindi mo na ba talaga natatandaan Krizzy?”
“Hi—hindi! Kaya nga tinatanong kita!”
Ngumiti naman si Klein bago nito hinawakan ang mga palad ni Krizzy. “Ito ang mismong araw na namatay ako. Umakyat tayo sa punong ito pero nahulog ako. Sinubukan mo akong sagipin pero hindi mo nagawa dahil nahuli ang paglabas ng iyong pakpak. Sa sobrang kalungkutan mo, kusang nagsara ang iyong kapangyarihan kung kaya’t naging mabagal ang pagtanda mo pagdating sa pisikal na kaanyuan. Pati ang memorya mo tungkol sa pangyayaring iyon ay kusa ring nagsara.”
“Ikaw!? Patay na? Paano nangyari yun!?”
“Simple lang, dahil si Dugz na iyong matalik na kaibigan at ako ay iisa. Tumanda na ako dito sa kagubatan kung kaya’t hindi na rin ako masyadong namumukhaan ni Clay.”
“Pero sabi mo patay ka na! Paano ka pang tatanda?”
“Hindi ko rin alam. Siguro, hindi ako makatawid sa kabilang buhay dahil may pumipigil sa akin. At ikaw yun—dahil hindi mo matanggap ang aking kamatayan.”
Sinubukan niyang yakapin si Klein ngunit lumusot lamang siya sa katawan nito. “Klein! Anong nangyayari! Nailigtas naman kita diba!? Ba—bakit hindi kita mahawakan!? Bakit hindi kita mayakap?”
“Oras na malaman mo ang totoo, babalik na sa kawalan ang aking anyo. Malungkot ka pa rin ba kahit nalaman mo na ang totoo?”
Nakapalumbaba siya habang humihibik. “Oo naman! A—ano ang dapat kong gawin upang maibalik ka sa dati!?”
“Hindi mo na ako maibabalik sa dati dahil nga matagal na akong wala. Hiram lang ang mga sandaling panahon na muli tayong nagkasama. Pasensiya ka na kung inaasar pa kita nuon.”
“Tanga ka! Dapat hindi ka na lang nagpatihulog! Dapat hindi mo na lang sinabi sa akin!”
Ngumiti lamang si Klein. “Bilang si Dugz o Klein, hindi ako maaaring maglihim habang-buhay sa minamahal ko. Nalulungkot lang ako at hanggang dito na lang talaga ako.”
“Ga—gagawa ako ng paraan! Sigurado akong may paraan!”
Lumapit si Klein kay Krizzy. Kahit na tumatagos ang kamay niya sa pisngi nito ay pilit pa rin nitong hinahaplos iyon. “Ok lang Krizzy. Ayoko lang na maging malungkot ka pagkatapos nito. Isa kang immortal, hindi ka mamamatay. Samantalang ako, kailangan ko ng umalis at pumunta sa kabilang daigdig.”
“Pe—pero—“
“Krizzy… ipangako mo sa akin na magiging masaya ka na ngayon. Ito lang ang alam kong paraan upang mawala ang kalungkutan mo. Tiyak ko, matutuwa si Clay at ang iyong Papa kapag nalaman nilang bumalik na ang iyong kapangyarihan.”
“Ba—bakit mo naman nasabi!? Alam ba nila ang tungkol sa akin.”
“Oo, alam na alam nila dahil mga immortal din sila kagaya mo.”
Magsasalita pa sana si Krizzy ngunit unti-unti nang lumalabo ang anyo ni Klein. Tila nag-umpisa na ang sinabi nito na kailangan na nitong maglakbay patungo sa kabilang daigdig.
“Krizzy—matagal na rin pala kitang iniibig… kahit isip bata ka.”
“Huwag ka ng magsalita! Mahal din kita kaya dapat hindi ka mawala! Bu—bumalik ka!”
Sa huli, tuluyan nang naglaho si Klein at kahit anong gawin pang sigaw ni Krizzy sa mga punong nakapaligid sa kaniya ay hindi na ito magbabalik. Nag-uunahan naman ang mga luha sa kaniyang mata sa pagkawala ni Klein. Kung may magagawa lang siya upang maibalik si Klein, gagawin niya iyon kahit ano pa ang maging kapalit nito!
Author’s Note
Masyadong naging madaldal ang mga characters ko dito. I’m not that satisfied sa pagkakasulat nito but I think this will do. It’s a combination of scifi-horror-romance story but siguro hindi siya ganun nakakatakot kasi maski man ako, ang una kong naging reaction nung nag self proof-read ako eh, “Ang gulo mo magsulat foo”.
But anyways, sabi nga nila, a story is a reflection of what the author is in real-life. Kung anuman ang naiisip ninyo after ninyong basahin ito is feel free to spit it out. I mean, ganun naman palagi, pag nagsulat ka—mabubuhay ka. Pag hindi ka nagsulat, mamamatay ka. So anong pipiliin mo? Eh di magsulat na lang para mabuhay ka, ganun lang ka-simple yun.
Special greets to Krizzann at Clayof. Kung hindi dahil sa inyo, hindi magkakaganito ang istorya na ito. *grins evily* yiis, nakahanap din ng lusot! ^_^
My Immortal by Evanescence
I’m so tired of being here, suppressed by all my childish fears
And if you have to leave, I wish that you would just leave
Your presence still lingers here and it won’t leave me alone
These wounds won’t seem to heal, this pain is just too real
There’s just too much that time cannot erase
When you cried, I’d wipe away all of your tears
When you’d scream, I’d fight away all of your fears
And I held your hand through all of these years
But you still have all of me
You used to captivate me by your resonating light
Now, I’m bound by the life you left behind
Your face it haunts my once pleasant dreams
Your voice it chased away all the sanity in me
These wounds won’t seem to heal, this pain is just too real
There’s just too much that time cannot erase
When you cried, I’d wipe away all of your tears
When you’d scream, I’d fight away all of your fears
And I held your hand through all of these years
But you still have all of me
I’ve tried so hard to tell myself that you’re gone
But though you’re still with me, I’ve been alone all along
When you cried, I’d wipe away all of your tears
When you’d scream, I’d fight away all of your fears
And I held your hand through all of these years
But you still have all of me, me, me
About Symphony Series
Ang series na ito ay naglalaman ng mga “unfinished” chapters na pumapasok sa bawat utak ng isang manunulat. Ang layon ng series na ito ay mabigyan ng pagkakataon ang mismong istorya na ipagpatuloy ng ibang manunulat. Hindi man matapos ang series na ito, at least, mailalabas namin ang mga ideas na biglang pumapasok sa aming imahinasyon.
Sa ngayon, its either we continue the story or fully stop its production. But in the end, if we will receive comments on how we should continue the story, it would be much better in our part. At least, you’ve been warned. Read at your own risk. You may also submit your own piece as well if you like.
hindi ko alam kung babatukan ko yung author nito hahaha *hugs foo* hindi siya pang-halloween isang mystical ang labas ahehe… isa lang ang sasabihin ko about this… ganda ^^ sulat ka pa!!!
sisihin daw ba ag character,foo!cno kyang writer?e d xa ang madaldal..hahaha!serious na ko,hmmm..mssbi ko lng sa story mo mgnda xa kso sad nman..icontinue mo toh ha!pra maiyak nman kme,ahehe..kala ko nman ttakutin mo kme..thanks,foo lalo sa gnwa mong 3 tyms na bukol sken,hehe..
hahaha.. eto pala ang kalalabasan ng “horror story mo” este ng sci-fi romance pala.. Kailangan palang kulitin ka namin para matapos mo ito.. well suger ganda siya at take note bitin siya ah!at kahit dito inihulog mo si krizzy.. foo alam mo mas maganda kung may kasunod pa ito .. bitin eh! at wag mo sisihin na madaldal ang character ha! Serious foo sulat ka pa ha.. Love it
wow foo.. dkna na pla busy.. hehhehe.. sna my kasunod pato exciting my konte ktatakutan.. sulat kpa ha.. thanks.. *hugs foo*
foo: nagkataon lang na nagkaruon ako ng time. take care ka lagi nitz, bawi ako sayo pag ok na ako, hehe.
i cant beliv na yung mga kwentong sobrang nagagandahan ako, isa lang yung writer… idol tlga kta, foo! kakaiba talaga yung mga naiiisip mong isulat.
maikli pero maganda..malungkot sa huli..iiyak na sana ako kaso binitin mo..
hindi na 2loy lumabas,bigla ko kacng nabasa yung Author’s Note mo…ang kulit…hehe
Leave your response!
You must be logged in to post a comment.
Maghanap ng Istorya
Pagbotohan at Survey Natin!
Maging Fan Namin!
Kumonekta sa Google Namin!
TOPPER Ka Nga Ba?
Mga Istorya
TOP Kalendaryo
Arkiba Namin
Share Us!
Daily Clicks!
Click pets to level them up!
Pakainin si Fooxy!
"Enge aku candy!"
Makipaglaro kay Eggie!
Palakihin ang bahay natin!
Sponsor Namin
Alyansa Namin!
Sundan Kami
TOP Chatbox
Bagong Lathala
Komento Ngayon
About TOP
User Panel