Forever
CHAPTER 1
“HAAAY…” it was the third time she sighed. And everytime she does, she made sure the last was more noticeable than the previous.
“Honey, I’m sorry, don’t worry, we still have plans of going to Paris at hindi ako uuwi ng hindi ko nabibili ang red dress na sinasabi mo. “
It was her dad trying to pacify her. Kauuwi lang ng mga ito mula sa isang out of town trip at kaagad ay hinanap na niya ang inaasahang pasalubong mula sa mga ito – ang red dress na nakita niyang suot ng kaklaseng si Pamela.
“But I already waited for three long days , dad!” she winced.
“Yes, honey but your daddy is getting old and you have to accept that, nakalimutan ko talaga ang bilin mo and I’m so sorry…”
“See? How come you’re telling me you missed me when you forgot bringing me pasalubong?”
“Okey, okey, ganito na lang, honey, ask your mom for your allowance and go gather your friends to go out. Bring them along and watch movie. Will that be fine?” her dad really never fail to make her happy.
“Oh, I love you so, daddy! Nice to hear that! I’ll call my friends now and I’m sure they’re gonna like your idea! Thanks dad, I love yah!” siniguro pa niyang may tunog ang halik na ibibigay sa kaniyang ama.
Isa siya sa tatlong anak ng mag – asawang Mirah at Ruel Mercado. Ang kaniyang papa ay may advertising company samantalang ang kaniyang ina naman ay may dalawang boutique ng jewelry na hinahango pa nito quarterly sa Europa. Sa estado ng buhay niyang iyon ay hindi niya kailanman naranasan ang mahirapang kuhanin ang lahat ng bagay na maibigan niya. Ganoon siya pinalaki ng mga magulang niya. Ganoon siya minamahal ng mga ito.
Nang may nakita siyang isang red dress na suot ng isang kaklase niya, iniungot na niya iyon sa kaniyang mga magulang na sana ay magkaroon din siya. That’s how simple life is for her.
Nasa Unang Taon siya ng High School sa isang pribadong paaralang iyon sa bayan ng San Sebastian. Ang kaniyang kapatid na si JM ay nasa huling taon na sa mataas ring paaralang iyon at ang kanilang bunso naman na si Paul ay nasa Elementarya.
Sa kanilang tatlo ay kapansin – pansin ang pagiging malambing kumpara sa mga ito. Maging ang kaniyang Ninang Weng at Ninong Simon na kapitbahay lamang nila sa subdibisyong iyon ay malimit sabihing nais din nilang magkaroon ng isang babaeng anak na kagaya niya.
Isa lang kasi ang anak ng mga ito at lalake pa, ang kaklase at kaibigang matalik ng kaniyang Kuya JM na si Justin o Jat – jat kung tawagin. Malimit niyang lokohin ang kaibigang iyon ng kaniyang Kuya JM. Sabi ng kaniyang mama ay kuya rin ang dapat na itawag niya kay Justin pero dahil may crush siya dito ay hindi niya sinusunod iyon.
Kagaya lamang ng umagang iyon ng Sabado na inutusan siya ng kaniyang mama na sunduin sa kabilang bahay ang kaniyang kuya upang sabay – sabay silang makakain ng almusal. Tuwing weekend kasi ay naroon ito kung hindi man si Jat ang nasa kanila upang makipag – jamming sa kaniyang kuya.
“Kuya, tawag ka ni mama, kakain na raw tayo.”
Napalingon sa kanila ang magkaibigang nagkakatikot ng kung ano sa mga gitarang hawak ng mga ito. Sa tingin niya ay ngayon pa lamang nagsesetup ng gamit ang mga ito kaya napasimangot ang mga iyon sa biglang pagsulpot niya.
“Yeng, pakisabi kay mama dito na ko kakain kasi kalilipat ko lang dito. May inaayos pa kami ni Justin eh.”
Ang Justin na tinutukoy nito ay nakasalampak ng upo sa flatform ng music room na kaniyang pinasok. Ang kaniyang kuya naman ay nakaupo sa isang long tabl. Sa tabi nito ay nakita niyang may dalawang coke in can at platter na may lamang 5 slices of chocolate cakes na paborito niya. Naroon din ang dalawang supot ng Lays sa mesa na nasa malapit sa kaniyang kuya.
Kahit walang paanyaya ay lumapit siya sa mesa at kinuha ang kubyertos para tumusok ng isang maliit na bahagi ng chocolate cake.
“Wow, kuya! Ang sarap naman nito! Parang ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na cake ah!”
“Pssst, Yeng, mahiya ka naman kay Justin. Baka akala nito, hindi ka nakakakain ng ganyan noh! Para kang batang umasta!”
“Kuya, hindi iisipin ni Jat – jat iyon noh. I’m sure he understands I do really love chocolate cakes! Yummy!” ang naiwang tsokolate sa gilid ng bibig ay inabot pa niya sa pamamagitan ng kaniyang dila.
“Stop that, Marielle, go back to mama and tell her I’ll be home by 2pm okay!” tinangka nitong kuhanin sa kaniya ang tinidor na may cake sa dulo pero ipiniksi niya ang kamay at agad na lumapit sa nakayukong si Justin. Tumabi siya ng upo rito sa platform at tinangkang subuan ito ng cake.
Isang matalim na tingin ang isinukli nito sa kaniya na labis niyang ikinabigla. Noon pa man ay hindi na sila magkasundo ng kinakapatid niyang ito. Marahil daw ay nagseselos ito sa kaniya dahil palagi na lamang siyang bukambibig ng mga magulang nito partikular ng kaniyang Ninang Weng.
Although hindi naman siya nito pinakikitaan ng kagaspangan ng ugali ay hindi naman sila in nodding terms man lamang. Malimit ay siya ang gumagawa ng unang hakbang upang mapansin nito pero hanggang tango at simpleng ngiti lamang ang naisusuklit nito.
Hindi naman ito tahimik dahil iba ang ipinakikita nito kapag kasama ang kaniyang kuya. Naisip niyang marahil ay hindi lamang siya type na kausap nito at nakakainis ang bagay na iyon. Sa school, lahat ay nagnanais na mapagbigyan niya ng atensiyon samantalang si Justin ay hindi man lamang siya mapansin?
“Go, Justin, para sa iyo iyan.” Idinuldol pa niya sa bibig nito ang cake pero ayaw talaga nitong isubo iyon.
“Ano ba ang problema mo? Galit ka ba sa akin?”
“May dahilan ba para magalit ako sa iyo?” sa wakas ay sumagot naman ito, iyon nga lang, masama pa rin ang tingin sa kaniya.
“Wala nga eh kaya nga hindi ko maintindihan why you don’t like me.” She pouted her lips na ikinangunot ng noo nito.
“Do I need to like you?” yumuko na naman ito sa kuwerdas ng gitarang kinukutingting nito. Naramdaman naman niya ang paglapit ng kaniyang Kuya JM na bahagyang kumapit sa siko ng nakapameywang niyang braso.
“You don’t need to like me, Jat, you just have to be true to yourself.” Nakangiti siya habang sinasabi iyon pero pakiramdam niya ay hindi naman iyon umaabot sa kaniyang mga mata.
“Then get lost, Yeng. I don’t want you near me.” Kulang ang salitang nabigla siya sa narinig rito. Hindi niya kasi inaasahang maririnig iyon sa kaniyang kinakapatid. Kung hindi siya nito gusto, at least, maging civil man lang sa pakikitungo sa kaniya.
“Justin!” tatlo silang napalingon sa pinto ng music room. Ang Ninang Weng niya iyon na nakatayo sa dahon ng pinto. Batid niyang narinig nito ang sinabi ng anak kaya naman agad niyang nilambing ito upang hindi na nito kagalitanang kababata.
“Hi, ninang! We’re just having fun outta here! Kumusta na kayo?” agad siyang lumapit at umabrisiyete dito saka ito iginiya palabas ng silid. Habang palayo naman ay narinig niyang humingi ng pasensiya ang dalawang binatilyo sa isa’t – isa. Inihingi ng kuya niya ng pasensiya ang pangungulit niya. Bakit? Kasalanan ba iyon?
CHAPTER 2
“Hindi ko lang siya crush, kung hindi mag – on na kami noh. Oo naman, maniwala kayo sa akin.”
“Hoy, Yeng, tigilan mo nga iyan. Mamaya ay may makarinig sa iyo na nakakakilala kay Justin eh makarating pa sa tao ang pantasya mo!” it was her best friend Sarah trying to stop her from dreaming. Ikinukuwento kasi niya sa mga kaklase niya na may relasyon sila ng kinakapatid na si Justin.
Kilala kasi ang lalake sa campus dahil na rin sa madalas na pagpe – perform ng grupo nito sa lahat ng programa halos ng eskuwelahan. Marami na rin ang lihim na may gusto dito kaya naman wala siyang ibig na mangyari kung hindi ang mapansin nito.
“Sarah, let them know the truth ano ka ba? Bakit kailangan kong itago kung totoo naman hindi ba?” nakangiti pa siya habang sumesenyas – senyas sa grupo ng mga kaklaseng nagkukuwentuhan noong recess time nila na iyon.
“Kung boyfriend mo talaga siya, bakit never namin siyang nakita na sinundo ka o kasama mo man lang? Di ba girls?” si Marita iyon na secretary ng klase.
“Oo nga, Yeng, dapat siyempre, kahit paano ay makikita naming kasama mo si Justin noh.” At nag – ayunan na lahat ng kasama ni Marita sa sinabing iyon nito.
“Hello, girls, ano ba kayo? Ang bata pa kaya natin noh, siyempre pa ay hindi naman ito alam ng parents ko kahit pa nga ng kuya ko. Hindi muna namin ipinaaalam kahit kangino pero kapag ready na kami, why not di ba?”
Nasa ganoon silang pagkukuwentuhan nang may grupo ng kababaihang lumapit sa kanila. Sa pagkakatanda niya ay Third Year ang mga ito ayon na rin sa mga librong hawak ng isa sa limang babae. Napansin rin niyang ang isa sa mga ito na nanguna sa paglapit sa kanila ay madalas niyang makitang kausap ni Justin. Kinutuban siyang bigla.
“Sino sa mga ito ang tinutukoy mo, Carina?” nakahalukipkip ang babaeng nagsalita. Lalo niyang natiyak na ito nga ang babaeng laging lumalapit kay Justin, pamilyar kasi ang inis na naramdaman niya rito ng mga sandaling iyon.
“Siya, Dinah. Siya ang babaeng madalas kong marinig na nagkukuwento rito sa hallway eh, boyfriend daw niya si Justin mo.” Tinuro naman siya nito na halos ay magdikit ang mga mata niya sa pagkagulat.
“So, ikaw pala ha. Saan naman nanggaling ang pantasya mong boyfriend mo si Justin ha?”
“Bakit? Ano naman ang problema niyo kung ipagkalat ko man sa buong paaralan na kami nga ni Jat?”
“Jat ka diyan! It’s Justin for you dahil hindi naman kayo close na dalawa! Hindi ba ikaw ‘yung kapatid ng kaibigan ng baby ko? Si JM ang kuya mo, di ba?”
Baby? Si Justin ba ang baby na tinutukoy nito?
“So ano ngayon? At bakit baby ang tawag mo kay Justin?”
“Itinatanong pa ba iyon? Si Dinah ang girlfriend ni Justin ngayon noh. Kaya tigilan mo na ang kaiilusyon mo, bata!” nagtawanan pa ang grupo ng sumagot ang isa pa sa mga kasama nito.
“Baby mo si Justin? No wonder. Actually, you really look like a nursing mom!” sa pagkakataon namang iyon ay ang grupo niya ang nagtawanan. Nagpadagdag pa ritong may kalakihan ang hinaharap ng babaeng nagpapakilalang nobya diumano ni Justin.
Akmang susugod na ang mga ito nang marinig ang isang malakas na tinig sa likuran nila. It was Justin with her Kuya JM. He really looks gorgeous with that haircut and his being so tall made her looked smaller than her 5’2 actual height.
“What’s going on here?” naroon ang isang baritonong boses na naggaling dito. It was the first time she felt that, parang nag – uunahan sa pagtambol ang kaniyang puso. Bakit araw –araw naman niyang nakikita ito pero sa mga oras na iyon ay tila isang taon o higit pa ang namagitan sa kanila at sa tingin niya ay kaylaki ng ikinisig ng lalake.
“Nagkukuwentuhan lang kami rito nang biglang nanggulo ang Dinah na iyan, Kuya JM.” Si Sarah iyon na marahil ay nahalatang hindi niya kaya ang magsalita. Tulala pa rin siya kaya siniko na siya ng kaibigan. Natauhan naman siya at noon lamang niya napansin na nakakunyapit na pala si Dinah sa kaniyang kinakapatid.
“It was not true, baby. Kilala mo naman ako di ba. Kaya ko bang gawin iyon?” nagpaawa pa ito habang pinipilit na i – eye to eye si Justin.
“Then why are you here, Dinah? Sino ang sadya ninyo sa building na ito?” hindi agad nakakibo ang babae. Third at Fourth Year ang magkasama sa iisang building, ang sa First at Second Year naman ang naroon sa building nila.
“That clearly explains the situation, Jat. Sila ang dumayo sa building namin para manggulo.” Sinamantala niya ang pagkakataong makapagpaliwanag dito.
“Ginawa ko lang iyon dahil nabalitaan kong ipinagkakalat nitong batang ito na boyfriend ka daw niya!”
Sa kaniya naman nabaling ang tingin ng lalake. Halos ay lumubog siya sa kahihiyan dahil sa pinaggagagawa pero hindi niya mapapayagang ganituhin lang siya ng kahit sino sa harap pa man din ng kaniyang ultimate crush.
“Totoo ba, Yeng?” musika sa kaniyang pandinig ang boses nito. Malambing ang dating noon sa kaniya, although may panganib sa likod ng boses na iyon.
Yumuko siya at halos ay maiyak sa sobrang pagkapahiya. Hindi niya dapat inamin sa lalake ang ginawa, first time niyang hinayaang mapagtawanan ng ganoon sa harap ng maraming tao but she was left by no choice. Parang isang makapangyarihang boses ang narinig niya at sapat – sapat iyon para siya umamin.
“Hindi mo dapat iyon, ginawa, Marielle. May girlfriend na si Justin, at si Dinah iyon.” Ang Kuya JM niya iyon na sa halip na ipagtanggol siya ay pinagsabihan pa siya sa harap ng maraming tao. Bigla ang aksiyong ginawa niya, hindi na niya kayang tiisin pa ang pagkakapahiya sa mga oras na iyon na pati halos lahat ng dumaraan ay isa – isang naglalapitan. Tumakbo siya nang mabilis palayo sa mata ng mga nakasaksing naroroon.
CHAPTER 3
“Yeng, sige na naman oh, labas ka na riyan! Narito si Justin, gusto ka niyang kausapin sa nangyari kangina! Buksan mo na ang pinto please.” It was her kuya knocking at the door.
Mula kanginang tumakbo siya palayo sa mga kaklase at usyuserang nagpipiyesta sa kaniya ay hindi na siya bumalik. Minabuti niyang dumiretso nang uwi tutal naman ay dala niya ang backpack niya. Wala siyang mukhang maihaharap sa lahat ng naroon. Thank God it’s Friday kaya Lunes na siya muling papasok.
Hindi siya natinag sa sigaw nito. Iyon ang huling pagkakataong nanaisin niyang makaharap ang kinakapatid dahil sa hitsura niyang iyon. Mugto na ang mga mata niya sa kaiiyak mula pa kanginang dumating siya buhat sa eskuwelahan. Kahit ang Yaya Aning niya ay hindi niya pinansin nang nag – aalala itong sumunod sa pagpanhik niya sa kaniyang silid. Nawala ang kuya niya sa pinto pero narinig naman niya ang panibagong pares ng yabag na parating.
“Yeng, si Justin ito. Lumabas ka na, Let’s talk.” Iyon lang at naiyak na naman siya. Ibig niya sanang lumabas pero sa hitsura niyang iyon, labis siyang kahiya – hiya!
Ano ba ang ipinagsisintir niya? Kung tutuusin ay hindi marahil ang pagkapahiya lang sa ginawa niyang kalokohan sa campus. Mas higit yata ang malamang may girlfriend na pala ang kaniyang kinakapatid. Sa pakiramdam niya ay iyon pa ang mas matimbang na dahilan ng pag – iyak niya.
Nawala na si Justin sa pinto. Ipinagpatuloy na lamang niya ang tahimik na pagluha nang biglang magulantang ng kung anong bagay na mabigat na nalaglag sa bintana niya. Bigla siyang napatingin sa likod at muntik nang mapasigaw nang makitang may tao roon.
She was stunned. Si Justin, habang isinasara ang bintana ng kaniyang kuwarto. Nananaginip ba siya? Totoo ba ang lahat ng ito? Silang dalawa ni Justin sa kaniyang kuwarto?
“Ano ba ang ginagawa mo rito? Ano na naman ang drama mo?” para siyang sinampal sa narinig nang humarap ito sa kaniya matapos isara ang bintana. Akala pa naman niya ay concern ito sa kaniya kaya naroon, iyon naman pala ay sesermunan lang siya.
Prente itong humiga sa isang panig ng kaniyang kama, ang mga paang naka – rubber shoes ay lampas sa dulo noon at ang ulo ay nakahimlay sa mga braso nitong magkasalikop. Sa kisame ito nakatingin pero sa mga mata nito ay hindi naman maitatago ang pagkainis sa kaniya.
“Nagagalit sa akin si mama. Nagsumbong si Yaya Aning na umiiyak ka nang dumating kangina.” Wala kasi sa bahay ang kaniyang mga magulang kaya naisip niyang nataranta marahil ang kaniyang yaya kaya sa Ninang Weng niya nagsumbong.
Wala naman siyang sinabing dahilan rito pero natatandaan niyang nabanggit niya ang pangalan ng kinakapatid bago tuluyang makapasok at makapagkulong sa silid. Iyon marahil ang isa pang dahilan nang paglipat ni Yaya Aning sa bahay nila Justin. Akala nito ay kung napaano siya at ang anak ng mga ito ang dahilan ng ipinagkakaganoon niya.
“You know what, brat? You really have this power of manipulating everything in your hands. I pity you for having such attitude but I congratulate you as well!” bahagya lang itong tumingin sa kaniya at matapos ay sa kisame na naman ang pokus nito.
Bahagyang kumibot ang labi niya upang tumutol pero hindi naman niya naisatinig ang nararamdaman niya. Akala pa naman niya ay nag – aalala ito para sa kaniya. Iyon pala naman…
“Wala akong alam sa mga sinasabi mo. Wala rin akong magagawa kung iyan ang iniisip mo sa akin.” Naupo siya nang pasandal sa headboard habang nakatingin sa bintanang nasa kanilang paanan.
“Wala kang alam o wala kang pakialam?” naupo na rin si Justin at kagaya niya ay sumandal sa headboard. Ang rubber shoes ay hindi na nito pinag – aksayahan ng panahon na hubarin. Ipinatong nito iyon sa kaniyang kamang mabuti na lamang at brown ang bed sheet ng araw na iyon.
“Totoo bang girlfriend mo si Dinah?” inilayo niya ang usapan dahil bukod sa iniisip niyang walang mararating iyon, ibig rin niyang dito malaman ang totoo at hindi sa kuya lang niya.
“Why do you want to know?” asik nito sa kaniya. Hindi talaga niya alam kung ano pa ang dapat gawin para kahit minsan ay magkausap naman sila nito nang hindi nag – aangilan.Hindi niya alam kung ano ang nagawa niya rito para kainisan siya ng ganoon samantalang kung tutuusin ay pwede pa ngang maging malambing rin siya dito kagaya ng ginagawa niya sa kaniyang Kuya JM o sa mga magulang mismo nito.
“Wala ba akong karapatang malaman?” pa – cute naman niya kahit alam niyang mugtung–mugto ang kaniyang mga mata dahil sa maghapong pag – iyak. Nabigla pa siya nang inilapit nito ang mukha sa mukha niya. Bahagya pa tuloy siyang napapikit sa pag – aakalang hahalikan siya nito.
“Wala.” Diretso sa mata ang tingin sa kaniya ng kinakapatid habang sinasabi iyon.
“Meron.” She pouted.
“Wala nga.”
“Meron nga eh.” She insisted.
“Ano namang karapatan meron ka para malaman iyon?”
“May karapatan ako dahil ako ang babaeng pakakasalan mo pagdating ng panahon noh.” Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon, basta lumabas na lang basta sa bibig niya.
“What did you say?” matapos iyon ay tumawa ito nang ubod lakas na halos ay ikabingi niya. Ngayon lang niya nakitang tumawa ito ng ganoon, at her expense pa.
“Bakit ka natatawa? Umamin ka na kasi na may gusto ka rin sa akin, Jat – jat.”
“In your dreams, Marielle, at isa pa, huwag mo nga akong tatawaging Jat – jat. Hindi na ako bata at si mama lang ang tumatawag ng ganiyan sa akin, pwede ba?”
Totoo naman ang sinabi nito. Ayaw talaga nitong magpatawag ng ganoon sa kahit na sino pero pinipilit pa rin niya dahil pakiramdam niya ay hindi siya iba sa lalake kapag ganoon.
“Huwag ka nang maarte, Justin, basta aminin mo man o hindi eh alam ko namang importante ako sa iyo at isang patunay na narito ka ngayon sa kuwarto ko.” Siya naman ang naglapit ng mukha sa lalake. Akala niya kasi ay iiwas ito pero malapit na malapit na ang mukha niya ay hindi pa rin ito tumitinag.
Ang siste, nang malapit na iyon ay pinanlakihan pa siya ng mata ng lalake na tila tinutudyo siyang hindi niya kayang gawin ang hamon niya. Dahil sa takot at pagkapahiya ay tinangka niyang ilayo ang kaniyang ulo pero hinawakan nito ang batok niya na halos ikasigaw niya sa gulat.
“Ano? Akala ko ba, ikaw ang babaeng mapapangasawa ko? Alam mo na ba sa edad mong iyan ang ginagawa ng mag – asawa ha? Ipakita ko kaya sa iyo nang malaman mo at matauhan ka?” iyon lang at bigla siyang dinampian nito ng halik sa gilid ng labi. Napasigaw siya sa pagkabigla.
“Yaya! Yaya Aning! Yaya! Rape! Rapeee!” kinuha pa niya ang kumot at itinakip sa kaniyang katawan.
Histerikal na siya nang pumasok sa kuwarto si Yaya Aning. Takot na takot ito at may dala pang pamalo. Mataktika namang nakalabas ng silid si Justin.
“Nasaan? Nasaan ang rapist?” sa hitsura nitong handang manakit ng tao ay biglang bumalik ang katinuan niya.
“Ahh…errr…wala pala yaya, practice lang.”
“Sus, batang ire…”
CHAPTER 4
“Pare, sa canteen na lang tayo gumawa niyan. Wala namang masyadong tao doon ngayon eh.” Magkasama silang magkaibigan at naghahanap ng lugar na pupuntahan upang magawa ang assignment nila sa Math.
“Ayoko sa canteen pare, naroon si Jim ngayon.”
“Sinong Jim?”
“Sino pa eh di ‘yung kasama natin sa Science Club. Would you believe, pare, dumidiskarte ang loko kay Yeng ko. Hindi na nahiya, bata – bata pa ng kapatid ko eh pinopormahan na.”
Saglit siyang natigilan at binalikan sa isip ang lalaking tinutukoy ng kaibigan. Hindi naman siya nabigo dahil bigla rin niyang naalala na ang kakaunti lang naman sa Third Year ang miyembro ng Science Club at ang Jim na tinutukoy ng kaibigan ay tiyak na ang Jim na kaklase rin ng current girlfriend niyang si Dinah.
“May problema ba? I mean, ginugulo ba si Yeng?”
“Hindi naman, pare. Actually, hindi ko nga alam kung pumoporma na iyon sa kapatid ko kasi may nagtip lang sa akin ng planong panliligaw ng lokong iyon.”
“Pare, hayaan mo na si Yeng, malaki na rin naman ang kapatid mo para guwardiyahan mo pa di ba.” Hindi niya alam kung bukal sa loob ang sinabi niyang iyon dahil kahit naman siya ay nag – aalala rin para rito. Hindi niya alam kung bakit pero kilala niyang magiliw ang dalagita sa kahit na yata sinong makilala nito. Paano kung mapasagot ito ni Jim?
Ano naman sa kaniya kung magkagoon nga?
Nang hindi sumagot ang kaibigan ay nilingon niya ito. Sinundan niya ang tingin ng nakangunot na si JM. It was Marielle walking towards them with somebody following on her back. Nakilala niyang si Jim ang lalaking nakasunod rito.
“Jim!”
Napalingon naman sa kanila ang dalawa, partikular sa kaibigan niyang si JM.
“Pare, binibigyan ko lang siya ng merienda.” Agad ay nagpaliwanag ito kay JM dahil marahil sa bigla nilang paglapit sa mga ito.
“Pare, bata pa ‘yang kapatid ko eh.” Ani JM.
“Kuya, hindi na ako bata ano ka ba naman!” sa tingin niya ay hiyang – hiya ang dalagita sa ginagawang paninita ng kuya nito sa manliligaw na si Jim.
“…and besides Kuya, he’s just giving me…”
“Kaya rin kitang bilhan niyan,Yeng. Hindi ka dapat nagpapabili kung kangi – kangino.” It was him who spoke. Napatingin sa kaniya ang tatlo.
“Ang ibig kong sabihin, akala ko ba, pare, pupunta tayo ng canteen? Eh di isama na natin si Yeng kung nagugutom siya.”
“Wait,ano ba kayo,nakakahiya kay Jim! Hindi niya ko binilhan ng merienda because I am hungry or something, gusto lang niya akong bigyan because he wanted to make friends.”
“Yeng, hindi mo alam ang sinasabi mo. Pare, sa iba na lang ha, huwag sa kapatid ko kasi hindi ko pa ito pinaliligawan talaga eh.” Inakbayan pa nito ang kapatid at bahagyang inilayo sa lalake.
“Wala namang masama sa ginagawa ko, pare. Sabi nga ni Yeng, I’m just trying to be a friend to her…”
“Marielle ang pangalan niya, pare, eherm.” He cleared his throat at hindi niya maunawaan ang nararamdaman ng mga sandaling iyon.
“Kuya, Justin, sino naman ang nagsabi sa inyong nililigawan ako ni Jim? Wala naman siyang sinasabing ganoon, basta ang sabi niya, gusto niyang makipagkaibigan,ano naman ang masama roon?”
Hinatak niya ang dalagita sa isang tabi ng puno, may limang metro ang layo sa dalawang nag – uusap at saka niya kinausap ang dalagita. Kinausap naman ng kuya nito si Jim. Bahagya pang nakaawang ang labi ng dalagita marahil dahil sa pagkabigla sa mga pangyayari.
“Close your mouth, brat or I’m gonna kiss you here in front of everyone looking.”
Lalo itong napatanga sa sinabi niya. Siya man ay bahagyang nagugulat sa lahat ng mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig mula kangina kaya naman ipinilig niyang bahagya ang ulo upang magising.
“Ano ba ang nangyayari talaga, Justin? Can you please explain?”
“Ayoko ng makulit,Yeng. Ayoko ng maraming paliwanag but listen to what I am going to say and listen very well. Kung ikaw talaga ang babaeng mapapangasawa ko, ayoko ng nagpapaligaw ka kung kangi – kangino habang hinihintay ang tamang edad na pwede na tayong magpakasal, maliwanag ba?”
Mabilis pa sa dalawang segundo ang naging pagsang – ayon nito at sa kabila ng pagtataka, hinawakan na niya ito nang mabilis sa isang kamay at inilayo sa dalawang binatilyong nag – uusap.
KANINA pa niya hatak si Yeng sa kamay at ang plano ay ang ilayo lamang ito sa mga mata ni Jim pero may ilang building na rin ang nadaanan nila at sigurado namang hindi na agad – agad makasusunod ang lalake bukod pa sa kinausap ito ng kuya ni Yeng, pero hayun at lakad pa rin sila nang lakad.
Alam niyang nagtataka na ang dalagita pero hindi nito makuhang magtanong dahil sa mabilis nilang paglalakad. Huminto sila sa ilalim ng isang punong nasa kubling bahagi ng paaralan. Hindi niya alam ang sasabihin sa kinakapatid kaya naman naisip niyang gawin na lamang ang bagay na pinaka – safe sa lahat.
“Bakit tayo narito? Ang layo naman ng narating natin? Hindi na tayo makikita ni Jim rito.” Hindi niya alam kung bakit masakit sa tenga niya ang sinabi ni Yeng pero inignora niya na lamang iyon. Mas pinili niya ang magalit rito.
“You know what,you are not getting any younger,Marielle and you should not be acting like one!” pinangunot pa niya nang husto ang kaniyang noo to give the impression that he was really mad at her.
“Hey, hey bakit nagkaganyan kang bigla? Kangina lang eh halos mamaga ang mga kamay ko sa tindi ng hawak mo tapos ngayon naman eh nagagalit ka na sa akin? Dinala mo ba ako rito para lang pagalitan?”the girl pouted and he smirked to her.
“Naiinis kasi akong makakita ng batang nagfi – flirt kaya kita inilayo roon. Iyon lang po yon!”
“What did you say? Did you just say…hindi ako flirt! Kayo nga itong biglang – biglang OA ni Kuya samantalang hindi naman kayo inaano ni Jim! Nakikipagkaibigan lang naman sa akin ‘yung tao!” kitang – kita niya sa mga mata nito ang galit dahil sa sinabi niya pero hindi niya pinansin iyon.
“Ano ka ba? Inosente o nagtatanga – tangahan? Ano ba ang pakay ng isang lalakeng nakikipagkaibigan sa babae? Ginagawa ba iyon ni Jim para lang makisabay sa iyo at makipagshare ng secrets ganoon?” he was sarcastic and he knew it.
“Eh kung sakali mang totoo ang sinasabi mo eh ano naman ang masama? Binata naman siya at…”
“…at dalaga ka naman ganun? Kilabutan ka nga, Marielle! Bata – bata mo pa! Sumbong kita sa mama mo eh!”
“I hate you! You’re so mean!”
“I hate you, you’re so mean!” ginagad pa niya ito at nakita niyang namula ito sa hiya.
“Kangina lang, may sinabi ka ah, di ba sabi mo, ‘wag akong magpapaligaw dahil…”
“dahil bata ka pa at alembong lang ang batang nagpapaligaw sa ganiyang edad!” pareho silang napalingon ni Marielle sa taong nakisali sa kanilang usapan and they found Dinah eavesdropping behind their back.
“Dinah!”
“Hi baby! I’ve been looking for you kangina pa and that bitchy girl seems to enjoy your company here!”
“Dinah, may pinag – uusapan lang kami nitong si Marielle pero tapos na rin naman. O paano, bata, see you later.” He therefore held Dinah in her free hand and walked away from Yeng pero hindi nakaligtas sa kaniya ang pag – irap na ginawa nito habang patalikod sila. Mahirap nang doon pa magwala ang girlfriend niyang ito. Knowing her,kaya nitong gawin iyon.
Hindi nga niya maunawaan kung bakit sa dinami – rami ng babaeng nagkakagusto sa kaniya eh ito pa ang naisip niyang diskartehan. Well, the girl was so pretty but he didn’t like her attitude. She’s just a bummer and that’s all into it.
“ANO ulit ang sabi mo?” si Faye iyon, ang kaibigan niya at kaklase na nang mga oras na iyon ay kasama niyang kumakain ng pizza sa canteen ng kanilang paaralan.
“Ang sabi ko, pinag – iisipan ko pa ang invitation ni Jim. Well, wala naman masama kung sakali, ang magiging problema ko lang ay ang magiging reaksiyon ni Kuya kapag nalaman niya.”
“Reaksiyon ng kuya mo? Eh malinaw pa sa liwanag ng laser beam na magagalit iyon, Yeng! Alam mo naman na ayaw pa niyang nagpapaligaw ka tapos eh tatanggapin mo ang hinihiling ni Jim na siya ang kuhanin mong escort sa prom natin?” OA man sa tingin niya ang panlalaki ng mga mata ng kaibigan ay batid naman niyang totoo ang mga sinasabi nito.
Masyadong mahigpit ang kaniyang Kuya JM to the point na halos lahat ng kaibigan niya ay alam ang mga bagay na ipinagbabawal nito. Kahit naman ganoon ang kaniyang kapatid, alam naman niyang paraan lamang nito iyon upang maingatan siya at hindi naman siya nagtatanim ng sama ng loob dito dahil doon. Iyon nga lamang, may mga pagkakataong gaya nito na naghihimutok siya nang husto kung bakit nito nagagawang panghimasukan ang kaniyang personal na buhay.
Kaninang first period nila na papasok siya sa loob ng classroom ay nabigla pa siya nang biglang sumulpot sa kaniyang harapan si Jim. Akala niya ay kung ano ang sadya nito sa kaniya kaya’t nabigla pa siya nang abutan siya nito ng tatlong long – stemmed roses. Kasabay ng pag – abot niya ng bulaklak ay ang pagi – imbita nito sa kaniya na maging partner nito para sa nalalapit nilang promenade.
Sinabi niya ritong pag – iisipan niya muna ang imbitasyon nito. Gayundin ay ipagpapaalam niya iyon sa kaniyang kapatid. Hindi nakaligtas sa kaniyang paningin na umilap ang mga mata ni Jim nang sabihin niya iyon pero hindi naman niya naunawaan kung ano ang mensaheng hatid noon kaya’t isinantabi na lamang niya.
“Wala naman siyang dahilan para magalit dahil prom lang naman iyon at saka isa pa, partner lang naman. Wala naman akong makakasama sa prom natin kaya tamang – tama lang iyon di ba.”
“Does that mean wala ka nang planong gawing partner si Kuya Justin?” namimilog pa ang mga mata ng kaibigan nang itanong ang bagay na iyon. Hindi kasi lingid dito ang pagtatangi niya para sa kinakapatid. Para na rin niyang kaibigan si Faye at wala siyang kahit na anong bagay na inililihim dito. Gayundin naman ang turing nito sa kaniya.
“Siyempre ay meron, ang kaso eh siya naman ang walang balak na maging partner ako dahil alam naman ng halos lahat na si Dinah ang girlfriend niya di ba.” She made face upon saying that.
Hindi rin niya kasi matanggap na ang leader ng cheering squad ng Third Year ang siyang girlfriend nito. Maganda si Dinah, yes at bentaheng sikat din ito sa paaralan kagaya ni Justin pero hindi nangangahulugan iyon na bagay na ang dalawa sa isa’t – isa dahil para sa kaniya, ang tipo ng ganda ni Dinah ay tila sa isang Japayuki. Parati nang nakataas ang dalawang magkabilang pusod ng buhok nito at palaging naka mini skirt kapag nagpupunta sa bahay ng kinakapatid.
“So, ganoon na lang iyon? Tatanggapin mo na lamang nang ganoon ang mga pangyayari?”
“Bakit, may magagawa ba ako?”
“Bakit naman wala kung disidido ka talagang maging escort siya?”
“So, ano ang pinaplano mo?” naglalaro ang ngiti sa mga labi ng kaibigan nang ilahad nito sa kaniya ang nakalatag na plano nito para sa nalalapit na prom.
————————————————————————-
FOREVER is another unfinished story in my archive, Dec Xmas vacation po ang sked ko para gawin ang mga istoryang nasimulan na…once again, my apologies for all typo and gramma errors…
Always,
Yesha
ang ganda naman ng story!!
Kaka excite kung anong mangyayari s mga susunod n kabanata!!
Can’t w8 to read all of the chapters!!
Take ur tym writing the s2ry!!
Keep writing po!!!
tgal p non ah!!bka nman po pwdeng medyo mas maaga p don s sked u hahha… prang maganda kc kwen2 ni2 eh.bka nman po pwdeng nxt chapter n ang epost nyo?haha..khit d muna kau mg post ng badboy 8 basta e2 muna unhin nyo hahaha(kidding)ABUSO K N TAM….
Hmmm…sure ka? Ito muna bago ang BAD BOY? Cge, I’ll consider your suggestion
Bhala ka sumagot sa comments ng ibang readers ha lolzzzz
Ang ganda naman, sana naman masundan agad…..pwede bang November na lang hindi na ata ako makaintay ng December?
Yesha: Dear toppers, please don’t make me choose between my job and TOP kasi…I’ll lose my job waaaahhhhhhhh
mare..ang ganda nman nito.. khit matagal pa ang december mahihintay tlaga me.. (as if meron me choice) hehehhe.. labyu.. nakakilig ito.. ganda.. thanks.. ingatz. mwahh
very nice story! nakakakilig.keep up the good work.
-ang ganda..
wahhhhh….antagal pa pala bago masundan..
nice story!!!nxt chater pls tagal nman po yng dec.d po ba puweding taposin na muna 2 bago yng iba story tnx po?
yesh naman.. tapusin mo ‘to please.. kahit abutin ng forever, hihintayin ko, promise! hahaha kinikilig ako. yay!
gusto ko ang flow ng story.. haha! nagseselos c justin.. OMG! hehehe
aaayyyyyy….dec. pa! ang tagal naman…….pero ang ganda ng story. thanks!
hay ganda nga poh… il w8 nlang 4 da nxt chap..
[ls..ms.. yesha tapusin nyo po sana to.. nice story po
waaahhh… bitin na bitin… ganda p nmn ng kwento… waaahhhh. lapit n xmas break kya cguro lapit n din ng next chapter…. yeheyyyy…..
waaahhh… bitin na bitin… ganda p nmn ng kwento… waaahhhh. lapit n xmas break kya cguro lapit n din ng next chapter…. yeheyyyy…..
.bat po ganun?mag year 2010 na.endi pa din tp0z.ang ganda pa nman sna.xka andaming novels ng auth0r ang inaabangan q tlaga.kz andami niang mga cnv na bago.peo prang endi pdin nap02st ung mga un.haaay.sori po ah.alam q reader lng aq.heheh.hope u understand po.but no hard filings aman aq sa author eh.bow pa nga aq sa knya eh.mhirap tlaga pgnabi2tin.hehe.kung anu2 na 2l0i nassv.but anyway.suuper ganda.idol q tlaga ung author sana may gnyan din aqng talent.hehe.piz.hapi nuyir!
Yesha: Pasenxa na po. Madaling magsulat kung ang layunin ay lumikha lang ng kuwento pero yari naman ang mayakda sa mga komento ng mambabasa kung hindi naman paglalaanan ng sapat na atensiyon ang bwat isusulat niya hindi ba? Originally, it’s either Forever or If talaga ang Xmas project ko but since nagkaroon ng Xmas Special (Sana Ngayong Pasko), hindi ko po nagawa ang nkabimbing mga kuwento sa Sym. Pasenxa na po.
admin: dot dot dot…
wow ang ganda !!!!!
please naman po tapusin mo nA
PLEASE……MISS YESHA
ganda po ng story.
ganda po ng story sana po tapusin nyo na po
..oi.. ang ganda ng kwento ha.. yapusin mo naman.. jejejej
kailan poh tatapusin to???????????
Leave your response!
You must be logged in to post a comment.
Maghanap ng Istorya
Pagbotohan at Survey Natin!
Maging Fan Namin!
Kumonekta sa Google Namin!
TOPPER Ka Nga Ba?
Mga Istorya
TOP Kalendaryo
Arkiba Namin
Share Us!
Daily Clicks!
Click pets to level them up!
Pakainin si Fooxy!
"Enge aku candy!"
Makipaglaro kay Eggie!
Palakihin ang bahay natin!
Sponsor Namin
Alyansa Namin!
Sundan Kami
TOP Chatbox
Bagong Lathala
Komento Ngayon
About TOP
User Panel