BAKASYON
“ESMERALDA, sigurado ka bang uuwi ka sa probinsiya ngayong sembreak?”
Napatingin siya sa ama habang kumakain. Kaharap niya ang buong pamilya sa mahabang mesa na iyon.
“Dad, hindi maaaring hindi po ako umuwi dahil apat na taon ko nang hindi nadadalaw si Lola Simang. Gusto ko rin po sanang makita si Lolo kaya payagan niyo na akong umuwi.”
“Siya nga naman, daddy. Hindi nga naman nakasamang umuwi sa probinsiya si Esme mula nang tumuntong iyan ng kolehiyo. Hayaan mo na ang bata.” Sang – ayon naman ng kaniyang ina.
“Buweno, kung buo na ang pasya mo at maayos naman ang pag – aaral mo, sige, maghanda ka sa pag – uwi sa Bohol. Pero hindi kita masasamahan anak. Alam mo naman ang rayuma ko, malimit nang sumumpong nitong mga huling araw.”
“Hindi bale, dad. Naiintindihan ko naman po na sa side ni mama tayo dapat ngayong undas pero talagang nami-miss ko na po ang Bohol.”
Isang simpleng ngiti ang iginawad ng ama sa sinabi niya at batid niyang ngiti iyon ng pang – unawa. Masigla niyang itinuloy ang pagkain.
“ESME, bakit ngayon ka lang? Nagpamigay na ng classcard si Sir Cruz kanina.”
“Huh? ‘Diba two ang sabi niya? Past one pa lang ah.” Nakatingin pa siya sa sariling relo upang bigyan ng diin ang kaniyang sinabi. Usapan nilang magkakaibigan na magkikita – kita sa gate ng university ng eksaktong ala una y media kaya laking gulat niya na tapos na pala ang bigayan ng card.
“Oo nga pero alam mo naman ang propesor na iyon ‘diba. Dumating siya ng maaga at ipinamigay ang classcards ng lahat ng nasa attendance ni Clay.” ani Tam.
“Paano na iyan? Nasa faculty kaya siya? Kailangan kong makuha ang card ko. Maaga akong uuwi ng Bohol bukas. Paano kung hindi na kami magkita kung maisipan niyang magbakasyon? Enrollment na next week diba.” Nag – aalalang wika niya.
“Oo nga. Subukan nating tingnan. Sana ay naroon pa si Sir para abutan mo.” Tugon naman ni Khriz.
“Sige, unahin na natin ang classcard mo bago ang classcard kay Sir Antonio. Madali namang kausap si Sir Antonio hindi gaya ni Sir Cruz.” Ayon naman ni Marge na ang kasalukuyang inaayos ang sintas ng sapatos nito.
Sabay – sabay nilang tinungo ang faculty room upang puntahan si Mr. Cruz.
HINDI nila natagpuan sa faculty room ang propesor, bagkus ay itinuro sa kanila ng student assistant nito na si Glo na puntahan ito sa Science Room. Hindi niya agad naialis ang tingin sa estudyanteng nagtatrabaho kay Mr. Cruz bilang assistant. Mahaba ang buhok nito na hanggang baywang at ang maliit na mukha ay natatabingan ng ilang hibla niyon. Alam niyang sa likod ng makapal nitong salamin ay ang magandang pares ng mga mata nito subalit hindi niya iyon tuluyang maaninag.
Nagtataka siya kung paanong nakatatagal sa propesor ang isang gaya ni Glo na tila hindi marunong man lamang magalit sa tao. Si Mr. Cruz na yata ang pinaka – weirdo at pinakamahirap ispelengin na guro sa kolehiyong pinapasukan. Walang graduating student na hindi dumaan sa mga kamay nito at sinumang tanungin ay ang pagkakaroon ng hindi magandang ugali ang deskripsiyong ibibigay ng mga ito sa nasabing guro.
Boses ni Tam ang nagpabalik sa isip niya sa kasalukuyan. Iginiya na siya nito palayo sa lugar na iyon habang malungkot na nakamasid sa kanilang paglisan ang assistant ni Mr. Cruz.
“WALA na akong magagawa. That’s final.” Laglag ang balikat na napaupo siya sa stool na nasa harap ng propesor. Nasa Science Room nga si Mr. Cruz gaya ng sabi ni Glo. Nagulat pa sila nang hindi pa kumakatok sa pinto ay bumukas na ito at iniluwa noon ang matandang guro. Hinihintay ba sila nito?
“Pero sir, naipasa ko naman ang lahat ng requirements. Nasa dean’s list po ako kaya nakapagtataka ang grade na ito. I can accept 3 but 5? For Pete’s sake, my dad will kill me.” Nanginginig ang tuhod niya habang mahigpit na hawak ang classcard na may markang pulang tinta ng ballpen at nakasaad ang grade nakuha niya para sa subject na iyon.
“Ano ang ibig mong sabihin Rosario? Kinukuwestiyon mo ba ang grading system ko?” nakaasik na tanong nito. May suot din itong antipara gaya ni Glo pero kumpara sa suot ng estudyante, may tali iyon na magkasugpong sa likurang bahagi ng ulo nito. Puting – puti ang laboratory gown na suot nito at tila ito scientist na nag – eeksperimento ng kung ano sa maliit na kuwartong iyon.
Sa kabila ng pagkabalisa at pag – aalala ay hindi niya maiwasang libutin ng tingin ang kabuuan ng Science Room na iyon. Madilim ang paligid at isang dilaw na bumbilya lamang ang nagsasabog ng liwanang sa pinakagitnang bahagi ng kuwarto. Halos alas dos lang at tirik na tirik ang araw sa labas subalit walang anumang liwanag na naglalagos sa loob ng silid na iyon. Nang tingalain niya ang mga bintana ay nabatid niya ang dahilan; nababalot ng mga pinturadong itim na diyaryo ang buong paligid. Tila hindi akmang Science Room ang itawag sa lugar na iyon, mas bagay itong tawaging dark room.
Naalala niya ang Lola Simang niya na tila si Lola Basyang kung magkuwento noong panahong bata pa silang magkakapatid. Sa naisip ay bigla siyang napalingon sa propesor.
“Sir, maawa naman kayo. Hindi ko maaaring iuwi ang card na ito. Magagalit ang daddy ko at tiyak na hindi na ako makakauwi ng Bohol dahil dito. Please sir, kailangan kong umuwi sa amin.”
Hindi siya pinansin ni Mr. Cruz. Maging ang tatlong kasama ay halinhinang nakiusap rito pero tila buo na ang pasya nito na ibagsak silang apat. Labis na nakapagtataka dahil sila ang grupong binubuo ng matitinong estudyante. Nanginig ang kalamnan niya sa pagpipigil na maiyak. Paano niyang ihaharap ang grade na iyon sa mga magulang? Paano na ang plano niyang umuwi ng Bohol? Masamang – masama ang loob niya habang hindi makapaniwalang nakamasid sa maliit na papel na iyon.
Tumayo siya nang alalayan ni Khriz. Lulugu – lugong tinungo nila ang pinto palabas at halos ay pipihitin na lang niya ang door knob ng pinto nang marinig ang tinig ng guro.
“Pagbibigyan ko kayong pumasa sa isang kondisyon…” sabay – sabay silang napalingon dito. Punung – puno ng pag – asam ang kanilang mga mata na nakatutok dito.
“I’ll change your grades from 5 to INC if you’ll be willing to accomplish a very important mission.” Dugtong nito sa sinabi.
Nagkatinginan silang apat. Walang sinuman ang nakaimik sa sinabi ni Mr. Cruz. Tila anumang sasabihin nito ay may kaakibat na panganib. Dumoble ang kabang nararamdaman niya nang lumapit ito tumapat sa kaniya. Inalis nito ang antiparang suot saka matamang tumitig sa kaniya. Ilang saglit din nitong ginawa iyon na tila ba sinusuri ang mukha niya at matapos ay lumingon sa tatlo niyang kasama.
“Pupunta kayo sa lugar na sasabihin ko at mananatili roon ng dalawang araw upang isagawa ang isang napakalaking misyong ibibigay ko sa inyo. Papalitan ko ng uno ang mga INC cards ninyo matapos ninyong gawin ang kondisyon ko.”
Tila nalaglag ang panga niya sa narinig. Paano na ang plano niyang umuwi ng Bohol upang dalawin ang abuwelang pumanaw?
——————————————————————————————————-
whoaa!!!my kpangalan p aq d2 ah nkktuwa nman po 2 ms YESHA mukhang nkktkot 2 but i kinda lyk it..sna po ma epost n next continuation ni2 hehhe…
ganda,ate yesh!tuloy mo po..wag mo po kming bitinin..xmas gift mo na sa amin..thank you..takecare and godbless..
cge po, sulat me tom then post ko ng maaga bago ako umuwi sa bhay ng mom ko. Para sa inyo tlga ang story, goodnight
oh no! bad professor! di na uy! bugbugin ko pa yan kung ako ang nasa kalagayan ni esme. grrr! lintik lang ang walang ganti!
wow..ganda naman nito yesha. can’t wait na sa susunod na mangyayari..
mare………. wow nman.. mwahh.. thanks.. meron na nman aabangan basahin.. my gift me snyo sa christmas.. kya dpat kita kits tyo.. hehehhe..
Geh, set natin yey!
Yesha: Ay ako din jeje, may gift din me sa inyo
kabitin pa din po…..
Leave your response!
You must be logged in to post a comment.
Maghanap ng Istorya
Pagbotohan at Survey Natin!
Maging Fan Namin!
Kumonekta sa Google Namin!
TOPPER Ka Nga Ba?
Mga Istorya
TOP Kalendaryo
Arkiba Namin
Share Us!
Daily Clicks!
Click pets to level them up!
Pakainin si Fooxy!
"Enge aku candy!"
Makipaglaro kay Eggie!
Palakihin ang bahay natin!
Sponsor Namin
Alyansa Namin!
Sundan Kami
TOP Chatbox
Bagong Lathala
Komento Ngayon
About TOP
User Panel