Arcille’s First Love
PROLOGO
Masama ang loob na isinuot ni Arcille ang sapatos. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil nagagalit na ang kanyang Mama, kesyo sasama daw ang loob ng kanyang lola sa oras na makita nitong hindi niya isunuot ang ibinili nito sa kanya. Pakiramdam niya ay isa siyang manika sa sapatos na iyon, pati ang medyas nito ay may ruffles pa! Inis siyang napabuntonghininga at padabog na kinuha ang bag, kung bakit naman kasi sa dami ng ibibili ng lola niya sa kanya ay ganoong disenyo pa ang napili nito.
“Arcille! Huwag mo akong dadabugan ng ganyan ha! Sige na, baka mahuli ka pa sa klase mo.” Ani nito nang makita ang kanyang aktuwasyon.
“Opo.” Tamilmil niyang sabi.
“Huwag mong kalimutang ibigay sa lola mo yung suman.” Bilin pa nito bago siya tuluyang makalabas. Tango lamang ang isinagot niya dito.
Mula sa pribadong paaralan ay inilipat siya ng kanyang lola sa pampublikong paaralan kung saan ito nagtuturo. Na-accelerate nga siya sa pampublikong paaralan naman. Mula sa kinder one ay grade one na siya ngayon, bagay na ayaw sana sang-ayunan ng kanyang Mama subalit tulad ng isang masunuring manugang ay pumayag na lamang ito sa kagustuhan ng matanda.
“’LA, ito na po yung suman.” Aniyang inilagay sa desk nito ang plastic. Tumango naman ito bilang pagsagot at ipinapatuloy ang paghahanda ng lesson plan nito sa klase.
“Tignan mo iyan hija bagay na bagay sayo.” Nakangiti nitong sabi na sa sapatos niya nakatingin. Ngumiti lamang siya kahit labag sa loob. Sino ba naman kasi ang matutuwa? Saan ka naman nakakita ng papasok sa eskwela na ang sapatos ay kulay pula na makintab pa!
“Sige po, punta na po ako sa classroom.” Paalam niya dito. Tango lamang ang tanging isinagot nito sa kanya. Kahit ayaw niyang lumipat ng paaralan ay wala siyang magawa, lola at mama niya kasi ang nagdedesisyon sa mga bagay patungkol sa pag-aaral niya.
Sa murang gulang na anim ay alam niya ang malaking pinagkaiba ng private school sa public. Habang naglalakad siya kanina patungo sa paaralan ay nakasabay niya ang mga mag-aaral na doon din pumapasok. Karamihan sa mga iyon ay naka-tsinelas lamang, bilang lang siguro ang nakasapatos na itim tulad ng naaayon sa uniporme.
Patamad siyang naupo sa pangalawa sa dulo ng isang row, maingat niyang inilapag ang bag sa tabi ng upuan. Wala siyang kakilala kahit isa man lang sa mga estudyante doon. Ang ilan sa mga ito ay naulingan niyang nagsasalita ng ibang dialekto at sa kanya nakatingin. Malakas ang kutob niyang siya ang pinag-uusapan, but she never bothered to ask.
“Bata, bago ka?” tanong ng isang batang babae na tumabi sa kanya.
“Oo.”
“Ako si Claire.” Pagpapakilala nito. “Ikaw? Ano pangalan mo?”
“Arcille.” Tipid niyang sagot kasabay din ng tipid na ngiti.
“Sabi nila apo ka daw ni Ma’m Esmeralda.” Pagkukumpirma nito.
“Oo.” Muli niyang sagot.
“Pasensya ka na sa mga kaklase natin kung lahat sila sayo nakatingin.” Nakangiti nitong sabi na nakatingin sa isang tumpok ng kamag-aral na sa kanya naman nakatingin. Sinundan niya ng tingin ang sinasabi nito. “Ngayon lang kasi kami nagkaroon ng classmate na babae na kasing puti mo.” Anitong may halong paghangang nakangiti sa kanya.
“Good morning class!” putol ng guro na kapapasok lamang sa kanilang silid. Mabilis na nagsibalikan sa kanya kanyang upuan ang mga estudyante.
“Good morning ma’m, good morning classmates.” Sagot ng buong klase.
“Iyan si Ma’m Bariton, siya ang advicer natin.” Bulong ni Claire. Hindi siya umimik. Kilala niya ang advicer nila dahil matalik na kaibigan ito ng kanyang lola. Madalas pa nga itong maimbitahan sa kanila sa tuwing may okasyon.
Nagsimula ng magtawag ang guro ng pangalan upang malaman nito kung sino ang wala. Tahimik siyang nakikinig na tawagin ang kanyang pangalan. Pero bago pa man ay may dumating na isang estudyante na siyang nagpabaling sa atensiyon ng guro nila.
“William! Unang araw ng klase late ka na.” sita nito sa batang lalaking dumating.
“Sorry ma’m.” anito na dire-diretsong umupo sa katabing row sa kanyang tapat.
“You should set a good example sa mga estudyante dito, naturingan ka pa man ding anak ng principal tapos late ka.” Patuloy na sermon ng guro. Tila namang walang naririnig ang tinawag nitong William, bagkus ay prente itong nakaupo at ipinaong ang paa sa desk nito.
“Ibaba mo ang mga paa mo.” Iritableng sita ni Mrs. Bariton. Patamad naman itong sumunod sa guro. Sabay tingin sa kanya nang mapuna nito na nakatingin siya dito. Isang mapang-asar na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Inis na inirapan niya ito at muling tumingin sa gurong patuloy ang pagtawag ng pangalan.
“Bata, bago ka dito?” tanong ng isang batang lalaking nasa kanan niya. Tinignan niya ito, kulot at maitim na maitim ang buhok ng nito maging ang kulay nito ay kayumanggi.
“Oo.” Narinig niya itong nagsalita ng dialektong kanina pa niya nadidinig tsaka ngumiti sa kanya.
“Funtera!” narinig niyang tawag ng guro sa kanya.
“Present teacher.” Taas niya ng kamay. Nakita niyang nagbulungan ang mga katabi at kaklase.
“Ma’m nalang Arcille.” Pagtatama ni Mrs. Bariton. She nodded.
Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagngisi ng batang lalaking tinawag na William. Naiirita siya sa paraan ng pagngisi nito. Isang kontrabida sa pelikula ang tingin niya dito kaya naman isang matalim na tingin ang ipinukol niyang ganti sa ngisi nito. Pero sa halip na matakot ay tumawa ito. Hampasin kaya niya? Makuha pa kaya nitong tumawa? Natawa siya sa naisip.
“Okay class, ilabas ang inyong kwaderno sa Sibika at Kultura. Kopyahin ninyo ang ipapasulat ko kay Claire.” Wika ng guro.
Mabilis niyang inilabas ang kanyang notebook at pencil case. Ngayon lang siya makakaranas na kokopya sa blackboard na kaklase ang magsusulat para sa kanila. Mula sa pencil case niya ay inilabas niya ang kulay itim na lapis at nagsimulang magsulat. Napangiwi siya nang makitang mali ang kanyang nakopya kaya agad niya itong binura. Pero sa sobrang diin yata ng pagkakabura niya ay humulas ang pambura ng lapis mula rito. Nakita niya itong gumulong sa kabilang row.
Just as she was about to picked it up, she saw William picked it. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Thank you.” Pasalamat niya dito. Subalit hindi ito kumikibo at hindi rin iniaabot ang pambura sa kanya, instead he just kept on staring at her. “I said, thank you.” Ulit niya.
“Finders keepers.” Ngumising sagot nito. What? Ang buong akala pa man din niya ay ibibigay nito iyon sa kanya iyon pala ay aangkinin nito ang pambura niya? Marahas siyang tumayo upang bawiin iyon.
“Ibalik mo sa akin yan!” asik niya rito.
“No. It’s mine now.”
“Ibibigay mo sa akin ‘yan o isusumbong kita kay tea- ma’m.” hamon niya kay William na itinaas ang noo.
“Subukan mo, susuntukin kita.” Anitong ini-amba ang kamao nito sa mukha niya. Nabigla man sa reaksiyon ni William ay wala siyang planong magpasindak nalang dito ng ganoon. She does not care if he was a son of the principal. Tama siya at paninindigan niya iyon sa ngalan ng kanyang pambura!
“Subukan mo din kundi hahampasin kita ng payong ko!” aniyang ini-amba naman dito ang payong niyang nadampot.
Before she knew it, nasapul na ng kamao nito ang kanang mata niya. At dala ng pagkabigla ay hinampas naman niya ito ng payong. Sa nanlalabong mata ay nagawa naman niya itong tamaan. At ibinuhos niya ang galit dito sa bawat hampas na binibitawan niya. Ang sakit ng tama ng suntok sa kanyang mata ay tila mamamaga. Pero patuloy pa rin siya sa paghampas dito, kasehodang mabali pa ang payong niya.
“Arcille! William!” narinig niyang sigaw ng kanilang guro dahilan upang tumigil siya.
NOTE: Inilagay ko ito sa symfony kasi… simple lang, nais ko lang ilabas. Nakakatuwa kasi maalala ang isang bahagi na iyan ng buhay ng isang batang natutong umibig sa murang gulang. *wink* Kapag nagkaroon na ako ng sapat ng panahon ay ipagpapatuloy ko ito at ibabahagi sa inyo. — Louise
ganda mare, ituloy mo toh ha
muah!
ehem… naalala ko tuloy first love ko..ahahaha lou, continue!!!
lou.. may naalala me d2.. sana ituloy mo to..naku namimiss ko sya.. ganda.. thanks..mwahh.. labyu
parang aso’t pusa lang, haha!
ahehhehe… nakakatuwa nman..
wow..batang na inlove sa murang edad… nakakarelate ako ah…
feeling q matatagalan pa ma post ang next chap n2.
Louise: feeling ko din lolz. may dalawa pang kwento bago ito *grins*
please pakituloy po ng story ang cute po. salamat.
meron naba II
EHEM!EHEM!
PARANG MAY NAALALA AKO A……….
wow, naalala ko nung grade 4 ako at nakikipagsuntukan..nyahaha.. nakaka-relate ako sa kwento
I was like this before>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
ang cute naman.
Leave your response!
You must be logged in to post a comment.
Maghanap ng Istorya
Pagbotohan at Survey Natin!
Maging Fan Namin!
Kumonekta sa Google Namin!
TOPPER Ka Nga Ba?
Mga Istorya
TOP Kalendaryo
Arkiba Namin
Share Us!
Daily Clicks!
Click pets to level them up!
Pakainin si Fooxy!
"Enge aku candy!"
Makipaglaro kay Eggie!
Palakihin ang bahay natin!
Sponsor Namin
Alyansa Namin!
Sundan Kami
TOP Chatbox
Bagong Lathala
Komento Ngayon
About TOP
User Panel