Pst! Mag-subscribe upang mabasa ang aming mga bagong istorya sa inyong inbox! (ito ay LIBRE kaya huwag mahiya!)  
Home » Symfony Series

Arcille’s First Love – Chapter 2

29 December 2009 23 Comments

KANINA pa nag-iisip ng idadahilan si Arcille sa magulang para hindi makasama sa pasayaw ng pamilya nila William. Ikakasal na kasi ang kuya nito, at tradisyon na sa bayan nila ang magpasayaw dalawang araw bago ang kasal mismo. Para sa kanya napaka-baduy niyon, pero ganoon talaga, kanya kanyang trip lang ‘yan. Napailing siya. Hindi niya ma-imagine ang sarili na makipagsayaw para sa partido ng lalaki.

“Arcille!” Narinig niyang malakas na sigaw ng mama niya.  Kahit nasa ikalawang palapag pa siya ng bahay nila ay dinig na dinig niya ang tawag nito. Malamang pati ang mga ibon na nakatira sa mga puno sa tabi ng bahay nila ay nagulantang nang ito ay sumigaw.

“Po!” balik sigaw niya. Ilang sandali pa ay sumungaw ang mukha nito sa pintuan ng kanyang silid.

“Ang tagal tagal mo diyan, kanina pa kami bihis ng daddy mo pati si Arteya nakabihis na din.” Anitong ang tinutukoy ay ang bunso niyang kapatid. “Bilisan mo, nakakahiya kina Oliver.” Ani pa nito bago lumabas.

Napanguso siya. Kainis! Hindi man lang siya nakapag-isip ng idadahilan. At ngayon nga ay huli na ang lahat para magsabi pa siya na hindi siya makakasama dahil sa oras na gawin niya iyon ay siguradong matinding talak ang kanyang kakainin. Nakasimangot na kinuha niya ang blusa at maong sa cabinet at nagmamadaling nagpalit ng damit. Napangiti siya nang maisip na maaari niyang makita si William doon at ganun din ito sa kanya. ‘Kailangan maganda ako!’ bulong niyang nakataas pa ang isang kilay na may kaakibat ng tagong ngiti sa labi. Ngingiti-ngiti niyang dinampot ang face powder. Matapos makapaglagay ay nag-spray siya ng cologne. Ngayon William, Maduling ka!

“ATE, ang sakit naman sa ilong ng cologne mo.” Reklamo ni Arteya nang makasakay na sila sa kotse. “Ang tapang!” dagdag pa nito na nagtakip ng ilong.

“Oy Teya, atleast hindi ako kasing baho mo.” Aniyang pinaikot ang eyeballs.

“Teka, bakit hindi ka naka-skirt?” putol ng mama nila nang mapunang nakamaong siya. Napatingin siya sa suot. Disente naman, isa pa gabi naman. Ano ngayon kung nakamaong siya? “Magpalit ka.” Narinig niyang utos nito.

“Ma –“

“Magpalit ka.” Ulit nito.

Masama ang loob na muling bumalik siya ng bahay at nagpalit. Pinili niya ang denims din na skirt. Na-emphasized niyon ang kurbada ng kanyang balakang. Ang mga makinis niyang hita ay bahagya ding sumungaw. Napabuntong hininga siya. Kung siya ang masusunod itatapon niya ang paldang iyon. Pakiramdam kasi niya ay nakahubad ang kalahati ng kanyang katawan sa tuwing suot iyon.

“GOOD EVENING tita.” Nakangiting bungad ni Oliver na humalik sa pisngi ng ina niya. “Pasok po kayo sa loob nandun sila Papang at Mamang.”

Manghang inilibot ng tingin ni Arcille ang kabahayan ng mga Maranca. Moderno ang arkitektura niyon, malaki ang tahanan ng mga ito bagama’t bungalow. Maliwanag na maliwanag ang buong kabahayan, at puno ng mga puting bulaklak ang bawat plorerang naroon.

“Arcille, hinahanap mo ba si William ko?” tanong ni Mrs. Erlinda Maranca ang ina ng lalaking walang modo para sa kanya.

“Hindi po.” Mariing tanggi niya. Ano naman ang naisip ng ina nito at nasabi iyon?

“Erlinda, matatakot ng pumunta dito si Arcille kung lagi mong ibubungad sa kanya si William.” Natatawang sita ng ina niya sa kaibigan.

“Malay mo naman Nelie maging magbalae tayo baling araw.” Tumawang sagot ni Erlinda na ikinatawa din ng ina niya. Weird. Napailing nalamang siya sa mga ito.

“Nasa kanila na iyon. Kayo talaga. Pinangungunahan ninyo ang mga bata.” Sita ng ama niyang si Nuel. “May Crispy pata ba Erlinda?” ngingisi-ngising tanong nito na ikinatawa ng dalawang babae.

“Ang mabuti pa kumain na tayo. Nandito na din ang pamilya ni Filipina kaya maaari na rin tayong magsimulang kumain.” Yakag ni Erlinda sa kanila.

NAGSIMULA ng tumugtog ang mobile sa pasayawan pero hindi pa rin niya nakikita si William. Humulas na rin ang powder sa mukha niya ngunit kahit man lang anino nito ay hindi niya nakita. Napasimangot siya. Sayang lang pala ang pagpapaganda niya gayong wala naman pala ang binata.

“Arcille. Umupo ka na doon sa harapan.” Narinig niyang utos ng mama niya. Napatingin siya sa nakahelerang upuan sa bulwagan kung saan idadaos ang pasayaw. Nunca siyang umupo doon kahit kaladkarin pa siya ng ina.

Isang tradisyon sa bayan nila ang pasayaw. Dalawang araw bago ang kasal ay nagdadaos ang pamilya ng dalawang partido niyon at ginaganap lamang sa gabi. Ang magkabilang pamilya ay mayroong kadalagahan at kabinataan na siyang gaganap ng malaking papel sa tradisyong iyon. Ang mga dalaga ay marapat na umupo sa harapan ng bulwagan ng sayawan kung saan magsisilbing pilian ng mga binata sa kung sino ang nais nilang isayaw sa gabing iyon. At ngayon, ibinibilang siya sa tradisyong iyon. Napasimangot siya.

“Ayoko ma.” Mariin niyang tanggi na nagpadikit ng mga kilay ng ina.

“Hindi puwedeng ayaw mo. Nakakahiya ikaw lang ang tatanggi. Pumunta ka doon.” May awtorisasyong sabi nito.

Masama ang loob na tumungo siya sa mga upuang nakapila sa harapan ng bulwagan. Alam niya na kung magdadahilan pa siya dito ay lalo lamang itong magagalit sa kanya. Kung inaakala ng mama niya na may makapagsasayaw sa kanya sa gabing iyon ay nagkakamali ito. Pinagdikit niya ang mga kilay at pinatalim ang mga mata. Mukha siyang susugod ng gera! Natatawa man siya sa sarili ay pinigilan niya. Wala siyang planong makipagsayaw sa mga lalaking pakiramdam niya ay noon lamang makakapagsayaw ng mga babae.

Nagsimula ng umilaw ang bulwagan tanda ng simula ng pasayaw. Mababasa sa mukha ng mga katabi niyang kababaihan ang katuwaan sa mga mukha. Inaasahan ng mga ito na makakakilala sila ng magiging ‘prince charming’ nila sa gabing iyon. Ngayon ay alam na niya kung bakit siya pinagsuot ng skirt ng mama niya. Iyon ay para isali siya sa kalokohang ito. Napabuntonghininga siya. Sana lang ay magbrowout para makatakas siya. Napangisi siya sa naisip.

“May I have this dance with you?” Nabingi na yata ang tainga niya sa lakas ng kabog ng dibdib nang marinig ang pamilyar ng boses na iyon. Nalipat ang tingin niya sa pigurang nasa harap niya mula sa pagkakatingin sa mga ilaw. It was William. He was beautifully smiling at her. Tila ba siya lang ang pinakamagandang dalaga sa bulwagang iyon ngayong gabi. Ang mga mata nitong mapang-akit at ang matamis na mga ngiti nito ay talaga namang nakakamagneto. His hair was cleanly cut. At kahit may ilang dipa ang layo nila ay amoy na amoy niya ang napakabangong cologne nito.

“Alam kong gwapo ako Arcille, but please don’t stare at me like you want me to kiss you.” A naughty smile curved his lips. Aba’t! Lokong ito ah! Hambalusin ko kaya ng plastic na upuan ang mukha nito para malaman nitong nuknukan siya ng yabang?

“Excuse me! Tinititigan kita kasi akala ko galing ka sa ibang planeta. Mukha ka kasing monster.” Matalim ang mga matang inirapan niya ito.

“Fine. But you will dance with me tonight Arcille.” Ang mga mata nito ay tila nagsasayaw sa katuwaan habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam niya ay minamagneto siya ng kulay kapeng mga mata nitong nakatunghay sa kanya.

“And who told you?” aniyang itinaas ang isang kilay. Masyado naman yata itong confident para isiping papayag siyang makipagsayaw dito?

“You will. Kasi nakatingin sa atin ang buong pamilya nating dalawa. Nakakahiya din sa mga tao if you will reject my offer.” Napatingin siya sa direksiyon ng mga magulang at kapatid. Katabi ng mga ito ang mga magulang din at kapatid ni William, maging ang ikakasal ay sa kanila rin nakatingin. Bakit ganun? Napanguso siya. Parang sila yata ang ‘star of the night’ dahil lahat ay nasa kanila ang atensyon? Muli siyang napatingin sa nakalahad na kamay ng binata sa kanya. Then again, she looks on his beautiful eyes.

“So? Titigan mo nalang ba ako o makikipagsayaw ka na sa akin? You will have all the time to stare at me while we are dancing Arcille.” Tila nagliliwanag ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya ang mga ngiti nito ay mapang-akit. Bakit ba marinig lamang niyang sinasabi nito ang kanyang pangalan ay tila napagandang pakinggan? Napaawang ang kanyang mga labi, gusto niyang magprotesta pa sa sinabi nito pero mabilis na nitong nahawakan ang kanyang siko at iginiya siya sa gitna ng bulwagang iyon. Mainit ang mga kamay nitong nakahawak sa kanya na ngayon ay nakapaikot ang mga braso sa kanyang mga beywang. Gusto niyang tumutol pero tila ayaw naman sumunod ng kanyang katawan. She felt so good just to be this close to him. Pakiramdam niya ay tumigil ang tugtog dahil hindi na niya iyon naririnig pa. Tanging ang kabog ng tinatambol niyang puso ang kanyang nadidinig.

“Baka matunaw na ako, kanina mo pa ako tinitignan. Do you want me to kiss you?” Naaaninag niya ang kislap sa mga mata nito. Bakit nga ba siya tumititig dito? Luka-luka ka talaga Arcille, nagmumukha ka ng tanga! Paano maniniwala sayo iyan na naiinis ka sa kanya kung panay ang titig mo? Kastigo niya sa sarili na pilit iniba ang direksiyon ng tingin.

“No.” matigas niyang sabi. Baka himatayin na ako kapag ginawa mo iyan. Nakakahiya! Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi.

“I really love it when your cheeks blushed.” Unggoy! Inuuto mo na ako ha? Nakuuu! Huwag ka maniwala Arcille! Huwag kang maniwala! Sa kabila ng nararamdaman ay alam niyang titig na titig ito sa kanya. Kailan ba matatapos ang tugtog? Nagsisimula nang manlabot ang tuhod niya.

“Alam mo, mapapanis ang laway mo kung hindi mo ako kakausapin.” Nakangising sabi nito.

“I don’t care. Matatapos naman ang tugtog, I’ll be back on my seat, then someone else will dance me –“

“At sino may sabi sayo na bibitawan pa kita?” Bakas sa mukha nito na hindi ito nagbibiro. Nanlaki ang kanyang mga mata. “Actually this is our second song now.” He smiled handsomely. Talaga?? Pangalawa na? Bakit di niya narinig? Bigla siyang kumawala mula sa pagkakahawak ni William sa kanya. Alam niyang namumula na ang kanyang pisngi dala ng pagkapahiya.

“S-sorry.” Matapos niyon ay nagtatatakbo siya palabas sa bulwagan.

HINDI MAINTINDIHAN ni William ang kanyang sarili habang nakapaikot ang kanyang mga braso sa maliit na beywang ni Arcille. He felt so possessive. Nakita niya ang mga mata ng ilang kalalakihan na nakatingin sa dalaga, lalo na sa hita nitong bahagyang nakalitaw, at naiinis siya sa tingin ng mga ito. Nang sabihin niya sa dalaga na wala siyang balak na isauli itong muli sa upuan, ay hindi siya nagbibiro. He does not want those guys to even get a chance to be near Arcille. At iyon ang hindi niya maintindihan. Maybe he was just being protective… as a man. Nagkibitbalikat siya at pilit na iniaalis ang kakaibang nararamdaman.

Tulalang napatingin lang si William sa direksiyong tinakbuhan ng dalaga. Nagdadalawang isip siya kung susundan pa ba ito o hindi na. Pero nang makita niyang tumayo mula sa upuan ang isang kaklase na si James na mukhang tutungo sa tinakbuhan nig dalaga ay dali-dali siyang sumunod dito.

“William!” Narinig niyang tawag sa kanya ni Oliver. Huminto siya at nilingon ito. “What happened?” bakas sa mukha nito ang galit sa nakita. Sa tingin niya siya ang sinisisi nito sa nangyari kanina.

“Nothing.” Matabang niyang sagot. As usual sanay na siya na laging siya ang may sala ng lahat. Black sheep! Iyon siya sa kanyang pamilya. Thanks to his mom dahil hindi ganoon ang tingin nito sa kanya kundi isa pa ring anak.

“Kung wala, hindi aalis si Arcille. Fix it!” Puno ng awtoridad na sabi nito bago siya nito tinalikuran. Marahas siyang napabuga ng hangin. Kahit hindi nito sabihin iyon ay gagawin pa rin naman niya.

Mabilis niyang tinalunton ang daan patungo sa likod bahay kung saan tumakbo si Arcille. Mula sa kinatatayuan ay kitang kita niya ito mula sa liwanag na nagmumula sa loob ng bahay. Nakatalungko ito sa swing at nakatakip ang mga palad sa mukha. Is she crying? Napakunotnoo siya. Marahan siyang lumapit dito at tumabi.

“Huwag ka ng umiyak. Akala tuloy ni kuya may ginawa ako sayo.” Napabuntonghinga siya nang hindi ito umimik ni gumalaw man lang. Mula sa kinauupuan ay malaya niya itong pinagmasdan. Ang alon alon nitong buhok ay sumasayaw sa ihip ng hangin at napakagandang pagmasdan. Animo’y buhok ng isang diyosa ang nasa kanyang harapan. Ang palda nitong bahagyang umurong dahil sa pagkakaupo ay nagpalitaw sa maputi at makinis nitong hita.

“Hindi ako umiiyak.” Narinig niyang sagot nito na nanatili pa rin sa ganoong posisyon. “Naiinis lang ako.”

“Bakit?” Doon nito iniangat ang mukha at sinalubong ang kanyang mga mata.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin na tapos na pala yung unang kanta! Mukha akong tanga dun!” Matalim ang mga matang sigaw nito sa kanya. Amused, he laughed so hard he almost cried. “At anong nakakatawa?” He heard her hissed.

“Wala naman. Nagtataka lang ako, paano mo hindi maririnig? Abot nga yata hanggang kabilang kanto ang lakas ng mobile dito.” Nakita niyang lalong namula ang mapuputing pisngi nito. And how he love to touched those rosy cheeks if he could.

“Oo na tanga na ako!” halos umiyak nitong sigaw.

BAKIT BA hindi niya napansin na nakakadalawang tugtog na pala sila kanina? Napakalakas naman ng speakers ng mobile. Bakit tanging kabog lang ng dibdib niya ang kanyang naririnig? O baka naman hindi lang talaga niya napansin dahil namamagneto siya ng mapangakit na mata ni William? Marahas siyang napabuntonghininga. Nakakahiya, ano na ang mukhang ihaharap niya ngayon sa mga taong nakakita sa mga nangyari kanina? At lalong paano niya haharapin pa ng maayos si William?

“Hindi ka na nakaimik.” Narinig niyang komento ni William. “Ano ba ang iniisip mo?”

“Kung paano makakaalis dito ng hindi pinagtitinginan ng mga tao.” Aniyang naisuklay ang kamay sa buhok.

“Kunsabagay.” Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. “Masyado kang maganda para hindi nila mapansin.” Heto nanaman ang puso niya, nagsimula na naman ang pagsirko kasabay ng malakas na kabog. Kung patuloy siyang bobolahin ng ganito ni William ay baka tuluyan nang bumigay ang natitira pa niyang bait sa katawan. Ngayon, nakasisiguro siyang hindi lang crush ang nararamdaman niya sa lalaking unang nagbigay dungis sa maganda niyang mukha.

“Tumigil ka na dahil baka hambalusin kita ng kung anong madampot ko dito.” Inis niyang sabi. Kailangan niyang mapagtakpan ang anumang nararamdaman para dito. At kahit anong mangyari ay ayaw niyang mapansin nito na apektado siya sa ginagawa ng binata.

“Anong titigilan ko?” Napansin nalang niya na malapit na pala ang mukha nito sa kanya. She could even feel his breathing on her cheeks.

“’Y-yannigagawamumu.” Natutop niya ang bibig sa nasabi.

“Ano?”  Malakas ang tawang pinakawalan ni William. Ano nga ba ‘yung nasabi niya?

“Eiii… nakakainis ka!” aniyang hinampas ito, hampas na sinalo at ikinulong nito sa mga palad. Naramdaman niya ang init na nagmumula rito, at ang marahang pagpisil nito sa palad niyang hawak nito. Umalpas na yata ang lahat ng aalpas sa kanyang kuryente. Pati ang puso niya ay nalaglag na rin sa kinalalagyan nang mapagmasdan ang kulay kapeng mata na nakatunghay sa kanya. As if it was saying she was so special.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Panaginip lang ba ang lahat? Ngunit nanatili ang mukha nito sa kanyang harapan at ang mga mapang-akit na tingin nang idilat niya ang kanyang mga mata. It was real! Huwag kang ganyan William! Waaah! Mahahalikan kitaaa! Lumayo ka! If she could only kick herself, she would gladly do, just to break the spell that’s on her.

“B-bi-bitaw na.” aniyang binawi ang kamay mula dito. Nagmumukha na yata talaga siyang tanga dahil kanina pa siya nau-utal.

“Thank you Arcille.”

“Para saan?” buong pagtataka niyang tanong na hindi man lang ito nilingon.

“You just made my night a memorable one.” Ako din. Gusto sana niyang isagot pero pinigilan niya ang sarili. Pakiramdam niya napaka-cheap na niya sa oras na patulan niya ang kalokohan ng kausap.

“Ang mabuti pa bumalik na tayo sa loob.” Nakita niyang tumayo ito at tinungo ang puno ng daan palabas sa hardin.

“Hindi na ba tayo babalik sa sayawan? Baka mapagalitan tayo.” Napangiwi siya. Huli na para bawiin ang sinabi.

“Oh no sweetie, hindi ako papayag na may makapagsayaw pa sayo na iba. So, let’s just get back at the house and eat instead.” Hala! Ngayon hindi lang sumirko ang puso niya sa narinig mula dito, tumambling pa yata! Weee! Sana hindi na matapos ang gabi. Sana hindi magbago ang ihip ng hangin, dahil bukas… baka magising siyang panaginip lang palang talaga ang lahat.

 

23 Comments »

  • azyal said:

    mygAwd…mygAwd…kAkAkiLig n2 miSs lOu…ayyyYyeEeiii….sAna mEh Ending e2…

    anO kAyA nAkAin ni wiLLiam!! nyAhAhhA!! ayOoohh….kAkAkiLig tLga!!! prA nAh akOng baLiw sAh kAkAtawA….nyAHhAhhAhA……wEeEeEee

    Louise: hahaha! pasensya na lai, dami pang errors yan. di ko na kasi na-proof read antok na me lolz! thanks for reading! *hugs*

  • empresz23 said:

    hala ka! may new word nanaman kami nina ate yesh, ate glo at ate claire..nyahaha

    papampam talaga sina arcille at william! nyahaha
    mga yannigagawamumu sila..ehehe

  • leu said:

    hay grabe ang ganda naman………………excited n ko s sunod n chapter.

  • lhexchaufoir said:

    May na se-sense ako na kakaibang mangyayari sa next chapter… hmmm….

  • Claire_28 said:

    loka-loka tlga 2ng c empresz…..

  • tobiegene said:

    Nakakakilig talaga ang teenage romance, hay those were the days! :)

  • clariane said:

    woot ..

    am ganda nam story ..

    next chap ho ..

    hehe :)

  • glory2me said:

    wewetttt….. will nakakaadik ka… nyahahah..

    sakit tyan q sa kakatawa sau…

    ganda ate lou… nxt chapie na…

    adik na aq kay will

  • Louise (author) said:

    hahaha… loka ka glo ako din nababaliw dyan kay arcille! kainis naaalala ko talaga hahaha!

  • althealorin21 said:

    ayyyyyyyyyeeeeeeeeeeeeeiiiiii!!!! kakakilig aman!!! hahahaha next chap po plsss…….cant wait hahaha,,,,,

  • kris3515 said:

    yiii…. balik memory sa fisrt crushes!!!!..hahahah…

  • eizzy said:

    hahahaaha…kakatawa po si arcille..tnx po..next chapter..

  • marysolgrace said:

    hahahaha.. over k te az..! hmm.. baliw kna dati plng khit hndi k magbsa ng story na2… hahahaha..

  • sjyo_0208 said:

    wahhhh.. sa wakas nabasa ko rin to.. katuwa nman c arcille ngkanda utal utal.. nging mumu na ung ssabihin nya.. ahahahha.. thanks.. lou..ganda.. mwahh..
    Louise: Thanks for reading nitz! muah!

  • lyka said:

    and ganda po miss lou,salamat po 4 sharing such an enchanting story..madalang lng po ko magpost ng comment dto,kapag sobrang ngandahan talaga ako..kelan po lalabas next chatper nito?..thank you po talga..:-)

  • mrxin said:

    wow nagandahn ako sa story ahhaha ehehehe

  • tricxie said:

    omg napakaganda and nakakakilig… ano kaya ang next….thanks a lot.

  • khenjo said:

    Ms. Lousie KAw pala ulit ang nagsulat ang ganda kakakilig.. Kelan po next chapter?.. sAna malapit na..Thanks!

  • senti said:

    its almost 2:15 in the morning……..lou talagang tinapos ko na tong basahin! i cant wait for the next chap!

    bagong story na naman na pakakaabangan ng lahat!……go lou! aja!

  • Erickz said:

    ganda ng story.super nakakakilig.sana masundan na.

  • nhie said:

    ai…ang ganda.. next chapter po pls..

  • jonahbaby said:

    wow! ang ganda po….
    sana may kasunod na ‘to plssssss…..!!!

  • joyoj_joy said:

    sana may chapter 3 na.

Leave your response!

You must be logged in to post a comment.