Pst! Mag-subscribe upang mabasa ang aming mga bagong istorya sa inyong inbox! (ito ay LIBRE kaya huwag mahiya!)  
Home » Symfony Series

Arcille’s First Love – Chapter 1

20 December 2009 19 Comments

“ANG cute talaga ni Rex! Weeee!” animo’y kinukuryeteng hito ang kaibigan niyang si Vanessa habang panay ang hampas sa kanyang balikat nang matanaw ang papalapit na crush nito. Her eyeballs rolled as she gazed at her. Nagkakaroon talaga ng ganoong reaksiyon ang kaibigan sa tuwing nakikita nito ang ultimate crush.

“Baka gusto mo nang tumigil sa kakapalo sa akin Vane? Masakit na ang balikat ko noh?” mataray niyang sita dito na ikinatigil ng huli.

“Ikaw talaga  Arcille napaka – killjoy mo! Alam mo namang ang sight lang ni Rex kong iniirog eh naloloka na ako, tapos kontra ka dyan!” irap nito pero nanatili namang nakapagkit ang mga ngiti sa labi.

“Nakakahiya kaya?” nakataas ang isang kilay niyang sabi.

“Atleast hindi ako sinusuntok ng crush ko!” isang malutong na hagalpak ang pinakawalan nito. Napasimangot siya. Her friend always used that for her to shut up. Mula nang lumipat siya dito sa Marian Montessori na isang pribadong paaralan ay si Vane na ang kanyang naging kaibigan. Dito niya ikinukuwento ang lahat ng kanyang sikreto. At isa na doon ay ang pagkakagusto niya sa lalaking unang dumingis sa napakaganda niyang mukha.

“Alam mo minsan iniisip ko kung tama nga na pagkatiwalaan ka Vane? Nakakarami ka na ha?” Ingos niya. Ngali-ngaling ihampas niya ang hawak na bag sa kaibigan.

“Pikon! Ang mabuti pa pumasok na tayo dahil baka mapagalitan na tayo ni teacher kung ma-late tayo.” Mabilis siya nitong hinatak patungo sa classroom.

NAGSIMULANG sumakit ang ulo ni Arcille nang bigyan sila ng surprise quiz ng teacher nila sa Trigonometry. Ang subject na isinusumpa niya… ang math! Kanina ay nahuli niya si Vane na sumisilip sa notebook nitong nakasalaksak sa bag ng huli. Hindi siya nakapag-review kagabi kaya pihadong isang malaking itlog ang makukuha niya ngayon.

“Psst! Vane.” Tawag niya sa kaibigan ng pabulong. Nakita niyang pinandilatan siya nito ng mata sabay nguso nito sa guro nilang nasa harap ng desk nito. “Pakopya naman.” Bulong niyang muli. Sandali itong may isinulat sa tissue at iniabot sa kanya ng palihim. Nangunot ang makinis niyang noo nang mabasa ang nakasulat roon.

‘Pakokopyahin kita basta gawan mo ng paraan na mag-date kami ni Rex.’ Napailing siya. Baliw na talaga ang kaibigan niya. Gagawin ang lahat para lang makasama ang sinasabi nitong iniirog. Pati siya ngayon ay naisali pa sa kabaliwang iyon nito. Nanghahaba ang nguso na tinignan niya ito ng masama. Muli siyang pinandilatan nito ng mga mata, tila tinatanong kung papayag siya.  Marahas siyang napabuntong hininga bago tumango. Bahala na! Ang mahalaga ay makapasa siya.

Kahit na labag sa loob ang pagpayag ay wala na siyang pagpipilian pa. Paano naman niya gagawin iyon? Maganda si Vane maputi at makinis ang kutis subalit sa kabila nito ay may kabilugan din ang pangangatawan na siyang dahilan ng insecurities ng kaibigan. Alam din niya na may nagugustuhan si Rex na iba at iyon ay ang kaklase nilang si Carina. Bahala na nga! Basta sa ngayon pumasa ka Arcille! Pumasa kaaa!

KALAHATING oras ng nakatanga si William sa test paper subalit wala roon ang kanyang isip kundi sa magaganap na kasal ng kuya niyang si Oliver. Hindi niya lubos maisip kung paano ito basta nalang magpapatali kay Filipina. Alam niyang may mahal na iba ang kuya niya, kaya isang malaking palaisipan kung bakit ito ngayon magpapatali sa isang babaeng dahilan ng paghihiwalay nito at ng nobya nito dati. Bukod sa palaisipang iyon ay alam niyang darating ang pamilya ni Arcille. Mula nang mangyari ang isang bagay na hindi niya akalaing magagawa niya sa isang babae ilang taon na ang nakakaraan, ay naging magkaibigan ang pamilya nila maliban sa kanilang dalawa ng babae.

“William.” Tawag ng kaibigan niyang si Osef mula sa likod. Nilingon niya ito.

“Ipa-pass na ang test paper naka-tanga ka pa diyan.” Anitong inaabot ang test paper nito sa kanya. Agad niyang kinuha iyon at lumingon muna sa paligid. Nang makitang hindi pa naman pasahan ay dali-dali niyang kinopya ang mga sagot na naroon maliban sa ilang mali na nakikita niya.

“Okay class! Pass you papers in front.” Narinig niyang utos ng guro nila. Nagmamadali niyang ipinasa sa kaklase sa harap ang papel nila ni Osef. Hindi naman siguro mapupuna ng guro nila ang kinopya niya dahil pinalitan niya ang ilan doon. Sa tingin pa nga niya ay mas mataas ang score na makukuha niya kesa sa kaibigan.

“WILLIAM, kailan ba ang pasayaw sa inyo?” tanong ni Osef. Kasalukuyan silang nasa canteen ngayon dahil break-time. Mukhang interesadong interesado ito sa magaganap na sayawan sa kanila dahil sa kasal ng kuya niya. Sa probinsya kasi na tulad ng Villa Carmen ay normal ang pasayaw dalawang araw bago ang kasal. Kung siya ang masusunod ayaw niya niyon pagdating ang panahong siya ang ikakasal.

“Sa Sabado pa.” balewalang sagot niya.

“Bakit parang ikaw lang yata ang hindi excited sa kasal ng kuya mo?” nagtatakang tanong nito na ipinatong ang bote ng sofdrinks nito sa mesa.

“Hindi naman. It’s just that, I can’t understand why he would like to marry her.”

“Natural! Mahal niya kaya niya pakakasalan.”

“Hindi lahat ng nagpapakasal ay mahal ang isa’t isa. Some of them marry just for convenience.” Aniya nang maisip naman ang nangyari sa ate niyang si Tessila. Nagpakasal ito dahil lamang kailangan nitong isalba ang sarili sa kahihiyan. Nabuntis kasi ito ng wala sa oras at kahit hindi niya mahal ang ama ng dinadala nito ay pumayag pa rin itong magpakasal.

“Okay, fine. “ kibitz-balikat ng kaibigan.

“Siya nga pala, balita ko may date daw si Arcille ah!” that caught his full attention. Saan naman nalaman ni Osef ang tungkol sa date na iyon?

“Nagtataka ka kung paano ko nalaman?” ngingisi-ngisi nitong tanong sa kanya. Batid nitong hindi na niya kailangan pang sagutin ang tanong na iyon. “Kay Patrick.” Anito.

“Patrick?” ulit niya. Narinig na niya ang pangalan niyon sa kaibigan. Sa pagkakaalam niya ay naging kaibigan din iyon ni Osef mula nang maging magka-team mate ang mga ito sa liga.

“Ang sabi ni Patrick, Double date daw ‘yun.”

“Double date? At sino naman ang ka-date ni amasona?” Amasona ang tawag niya kay Arcille mula ng araw na hambalusin siya nito ng payong na animo’y isang mandirigma ang hitsura. Matapang at mabalasik ang anyo ng batang babaeng si Arcille. Nasa anyo nito ang hindi papayag na basta nalang maliitin at saktan ng sinuman. Ang batang babaeng tumatak sa kanyang isipan dahil ito ang kauna-unahang babaeng nakapagbuhat sa kanya ng kamay.

“Bakit selos ka?” malakas itong tumawa nang makita ang reaksiyon niya.

“Hindi. Nakakaawa lang yung magiging ka-date nu’n, mabubugbog lang.”

“Hanggang ngayon di mo pa rin makalimutan kung paano ka hinampas ng payong noon ni Arcille. Kasalanan mo naman, suntukin mo ba naman eh kababaing tao.” Nai-iling iling na sabi nito habang tumatawa. Ilang taon na nga ba ang nakakaraan mula nang mangyari iyon? Sampung taon na pala ang nakakaraan pero tila sariwa pa sa kanya ang galit na mukha ng batang si Arcille.

“Ten years?” muling untag ni Osef na namalayan niyang nagbibilang sa daliri.

“Tigilan mo na nga ako Osef.” Aniyang nairita na tumayo at din a tinapos ang inorder na spaghetti.

“Oy! Sa’n ka pupunta? Di ka pa tapos oh!” habol nito sa kanya. Bakit ba apektado siya sa tuwing naririnig ang pangalan ng babaeng iyon? Kung tutuusin napakatagal na noon at bata pa sila. Bakit para siyang hindi mapakali sa tuwing nababanggit ang pangalan nito?

NAKANGUSONG tinutusok tusok ni Arcille ang fishball sa kawali ng tinderong si Mang Aboy. Naiinis man sa kaibigan ay hindi naman niya ito magawang awayin. Sa kabila ng pagiging baliw nito kay Rex ay mahal niya ang kaibigan at ito lamang maitutring niyang tunay sa lahat ng kaklaseng may kanya kanyang ka-plastikan sa katawan. Muli niyang naisip kung paano niya napapayag si Rex makipag-date sa kaibigan, at iyon ay dail kay Roland. Ang masugid niyang manliligaw na nagkataong barkada ni Rex. Napanguso siyang muli, ayaw na ayaw niyang naliligawan, pakiramdam niya ay napakahina niyang babae na dapat ay kailangan pang suyuin. Isa pa ayaw niya kay Roland, at wala pa siyang balak magka-boyfriend, hindi pa panahon. Iyon ang paniniwala niya.

“Arcille, kanina ka pa nakanguso diyan. Aba’y pwede ng sabitan ng kawali ko iyang nguso mo sa haba.” Natatawang sabi ni Mang Aboy.

“Kasi naman manong naiinis ako kay Vane.” Parang bata niyang sumbong dito.

“Bakit naman?”

“Dahil sa kanya makikipag-date ako ng di oras kay Roland.” Muling sumama ang timpla ng mukha niya habang nginunguya ang fishball. Malakas na tawa ang isinagot ni Mang Aboy.

“Ang bata bata pa ninyo date na iyang iniisip ninyo. Mag-aral muna kayo.”

“Aba Mang Aboy wala akong ‘paki’ sa date na ‘yan. Iyan lang lukaret na si Vane.” Wala sa loob na isinawsaw niya ang natitirang fishball sa sawsawan na maanghang sabay kagat dito.

Wala pang ilang segundo ay nagsimula ng mamula ang mukha niya kasabay ng pag-iinit ng tainga. Gumuhit ang anghang sa kanyang labi na pakiramdam niya ay napapaso ito. “M-ma-mang Aboy!!! Ang anghang!!!” hiyaw niya na panay ang paypay sa nakabukang bibig gamit ang kamay.

“Tubig! Mang Aboy tubiiiig!!!” mangiyak ngiyak niyang sigaw. Nagmamadali namang sumalok ng gulaman si Mang Aboy at agad iyong ibinigay sa kanya. Halos magkanda-samid samid siya sa pagmamadaling lagukin ang laman ng baso.

“Dahan – dahan Amasona. Baka ma-aspirate ka niyan.”  Nasamid nga siya nang marinig ang boses na iyon. Hindi niya makakalimutan ang nagmamay-ari ng malamyos na boses na iyon. Namumula ang mukhang ini-angat niya ang paningin.

PAGKATAPOS ng klase nila William ay inaya siya ni Osef magtungo sa Marian Montessori. Nagpasama ang kaibigan sa kanya na kunin ang bola nito na hiniram ni Patrick. May halong excitement ang nararamdaman niya na maaaring makita niya roon ang laman ng kanyang isip nitong mga nakaraang araw. Alam niyang doon din nag-aaral si Arcille ngunit hindi niya akalaing makikita niya ang dalaga sa labas ng eskwelahan nito. Malayo palang ay natanaw na niya itong kumakain ng fishball. Mukha itong nagmo-modelo ng uniporme dahil bagay na bagay rito ang suot. Humahakab ang bawat kurbada ng katawan nito sa blusa at palda na uniporme. Hindi niya tuloy maiwasan ang hindi ito punain nang mapadaan sila ni Osef. Natawa siya nang makitang namula ito at natatarantang pinapaypayan ang bibig gamit ang kamay. Palagay niya’y nagkamali ito, sa halip na matamis ay ang maanghang ang nasawsawan. Pulang pula ang mapuputi nitong pisngi na siyang nagpatingkad sa mala-porselanan nitong kutis. Amused. He stopped in front of her. Nakita niya kung paano nito lagukin gulaman, concerned na baka masamid ang dalaga sa kamamadali kaya’t hindi niya napigilan ang sabihan ito.

Bumakas sa magandang mukha nito ang pagkagulat nang makita siya. Ilang sandali pa ay naningkit ang mga singkit na nitong mga mata. Mukhang nakabawi na ito sa pagkagulat. Habang hindi naman niya maiwasan ang mapangiti.

“Bakit ka nandito?” mataray nitong tanong.

“Why do you own this place?” hindi niya maiwasan ang hindi ito inisin. Her cheeks are blushing, if it is because she was annoyed by him or because of the spicy food she just ate. She still looked so pretty.

“Hindi!” matapang pa rin nitong sagot. “Sinusundan mo ba ako?” nakataas na ngayon ang isang kilay nito habang tinitignan siya ng diretso.

“Dream on princess!” aniyang humagalpak ng tawa.

“Naku Mang Aboy ‘eto na iyong bayad ko. Biglang namaho kasi ang hangin dito.” Annoyed, she marched away from them.

“Type mo talaga si Arcille noh?” ngising-ngisi na sabi ni Osef. Kanina pa ito tahimik na nanonood lang sa pagtatalo nila ng dalaga.

“No.” Paano niya magugustuhan ang katulad nitong amasona? Daig pa yata nito ang mga palaban na babae ng mga waray. Para itong bulkang sumasabog sa tuwing nakikita siya. At siya naman ay parang nakakita ng laruan sa katauhan ni Arcille. Masarap itong asarin dahil namumula talaga ang maputi nitong mukha sa tuwing napipikon.

“Kaya pala gustong gusto mo siyang inaasar.” May himig ng pagdududa sa boses ni Osef habang nakatingin sa kanya.

“Tigilan mo nga ako Osef. Ang mabuti pa ay puntahan na natin si Patrick para makauwi na tayo.” Kung anu-ano ang naiisip nito nang dahil lang sa isang simpleng pang-aasar niya sa dalaga. May gusto nga ba siya ka Arcille? Malabo. Natutuwa lang siya dito dahil pikon ang dalaga. Iyon lang at wala ng iba pa.

“VANE!” malakas na sigaw ni Arcille nang matanaw itong naglalakad palayo. Mabilis itong lumingon nang marinig siya at naglakad palapit.

“Oy, eskandalosa ka!” sita nito sa kanya nang makalapit ng tuluyan. “Bakit ano ba problema mo?”

“Nakakainis! Nasira na nanaman ang araw ko.” Nakanguso niyang reklamo. Pakiramdam niya ay naisahan siya ni William at sa harap pa ng ilang mag-aaral na naglalakad sa labas ng eskwelahan nila.

“Bakit nga?”

“Kasi may dumating na impakto, unggoy, halimaw at ufo!” inis niyang sabi. Nangigigil siya dahil hindi siya nakabawi sa mga pinagsasabi ng lalaki sa kanya kanina.

“Ha??” nalilitong tinignan lang siya nito. Ilang sandali pa ay nagliwanag ang mukha nito. “Nakita mo si William!” tumili nitong sabi na kulang nalang ay mabasag na ang eardrums niya sa lakas. Malakas niya itong himapas sa balikat upang patigilin. “Aray!” anitong hinimas ang balikat.

“Tumigil ka nga! Ano naman ang nakakakilig dun huh?” taas kilay niyang tanong dito.

“Pinuntahan ka niya? Oh my!” kilig na kilig pa rin nitong sabi.

“Ilusyunada!” she snapped. “Hindi noh!”

“Eh bakit daw siya nagpunta dito?” Hindi talaga siya nito titigilan. Dapat pala ay hindi na siya nagsalita pa rito. Wala naman kasi siyang mapaglabasan na inis kaya no choice siya.

“Aba malay ko. Kung gusto mo ikaw ang magtanong kasi ikaw ang interesado.” Inis siyang lumakad palayo sa kaibigan.

“Uy! Kunwari ka pa pero interesado ka din.” Anitong humabol sa kanya at sumabay.

“Hindi!” mariin niyang tanggi. Paano naman siya magiging interesado sa ‘crush’ lang naman niya? Hah! Maloloka na yata talaga siya. Hindi siya interesado pero crush niya! Nakakatawa na talaga siya.

“Friend, si William!” anitong ngumuso sa direksiyon ng kantina nila. Kausap nito si Patrick at kasama ng isang kaibigan nito kanina. “William!!!” malakas na sigaw ni Vane na kumaway pa.

“Ay! Ba-liw!” aniyang binatukan ang kaibigan at pinandilatan ito. Nakita niyang lumingon ang mga ito sa direksiyon nila. Kitang kita niya ang pagngiti ng mga mata ni William nang matanaw sila nito. Mga ngiting nang-aanyaya na lumapit sila. Hah! In his dreams! Inis niya itong inismiran sabay hatak sa blusa ng kaibigang pasaway na si Vane.

Note: Sana po ay maibigan ninyo ang kabanatang ito nang umuusbong na paghanga sa pagitan nila Arcille at William. Sisikapin ko pong maihatid sa inyo sa maiksing panahon ang pangalawang kabanata nito. ^^ Hanggang sa susunod… oyeah! hehehe…

 

19 Comments »

  • empresz23 said:

    ang ganda ate lou, ehe. kaso sa sobrang excitement mo e wrong spelling ang iba. what age na sila dito ate?highschool or college na ba?

    Louise: Haha… oo nga di bale aayusin ko nalang. di ko na kasi na-proof read. Anyway, highschool na sila dyan, fourth year high na ^^

  • babes78 said:

    nice story….. pls. po next chapter. thanks.

  • leu said:

    wow..akala ko wla nang kadugtong….keep on updating…… ang ganda po ng story…..

  • glory2me said:

    o gosh… amasonag babae.. exiting…..

  • lhexchaufoir said:

    Wahahaha

    kawawa nmn c Arcille nasapak =)

  • brokelyn14 said:

    loko nman si william sinapak si arcille =)) sa uuulitin :P

  • sjyo_0208 said:

    wow lou.. ganda nman, lokong Will ah,, manontok ba.. hehehhe.. ganda ng bayangan nila..
    lou..i like his name..William..thanks lou..mwahh

    Louise: Thanks nitz *kisses* Hope to see you on grand eb haha…

  • eizzy said:

    wow..ang ganda po nito..sana ma post na next chapter..tnx..same name of my ex..wahahaha william..

  • iscuteme_06 said:

    buti naman poh at may continuation na..
    heheh excited na ako..
    gudluck poh and keep it up!!!

  • iscuteme_06 said:

    **tuwing kailan poh yung posting nito?
    Louise: alamin po natin kay foo hehehe… *wink*

  • sweetypink said:

    hahaha.. NICE one!

  • kris3515 said:

    hahaha.. nice naman nito…sobrang ganda promise!!!

  • gwapay said:

    Kakabitin..pki bilisan pew ang pagtp0s nyo ng mga susun0d n chapter. :)

  • lumen said:

    nice nman …

  • azyal said:

    weEee…..gAndA n2 miSs loU..ahEhEhE….kAkAkiLig…ayYYeEeiii…..lyK kO ugaLi ni wiLLiam….nyAhAhAhAhA

  • Clay said:

    ganda ganda .. tuloy mo pa lou…

  • tammiaka143 said:

    wow!!ganda nman story ni2,dmi tlga mga 2rpeng guy ngaun so dapat mga girls n ang nanliligaw hehe…gogogo arcille kw n manligaw k william haha…kailan po nxt posting ni2 ms louise?

  • jhelayne said:

    hehe gnda pO ng stOry gaLing.gaLing neO po :)

  • "♫♥rAzY♥♫" said:

    ang ganda ng story bout’ high school love nice one
    break a leg!!!!
    and
    good luck 2 all author of TOP
    and also the founder thank kasi may
    TOP…..

    Sa Auhoer nito look luck sa you sna di ka magsawa sa pag share ng
    mga story mo

    BOW AKO SA MGA HUWARAN NG MGA WRITER …

    THANK YOU FOO :)

Leave your response!

You must be logged in to post a comment.