Pst! Mag-subscribe upang mabasa ang aming mga bagong istorya sa inyong inbox! (ito ay LIBRE kaya huwag mahiya!)  
Home » ~For Review

As Promised

28 November 2009 22 Comments

PROLOGO

1983.

HUMIHIKBING nakatalungko si Julianne sa isang sulok. Huling gabi na iyon ng burol ng kanyang ama. Hindi siya makapaniwalang nag-iisa nalamang siya ngayon. Sa edad na apat ay nawala ang kanyang ina dahil sa isang plane crash at ngayon sa gulang na pito ay ang ama naman niya ang nawala. Awang awa sa kanyang sarili ni Julianne, paano na siya ngayong wala na ang ama? Ang kanyang mga kamag-anak ay tila wala man lamang pakialam sa kanya. Hindi pa man naililibing ang ama ay itinatanong na nito sa kanya ang kanilang mga ari-arian.

“Julianne,tahan na. Huwag kang mag-alala kami nila mama ang bahala sayo.” Anang isang batang lumapit sa kanya. Marahan niyang itinaas ang mukha upang mapagsino ito. Pamilyar sa kanya ang mukhang iyon, tama, anak ito ng matalik na kaibigan ng kanyang ama. Minsan pa lang niya itong nakita kaya naman ni hindi niya alam ang pangalan nito. Tila nararamdaman ng batang lalaki ang pighating bumabalot sa kanya sa mga oras na iyon. Ang mga mata nito na kinababakasan ng awa habang nakatingin sa kanya.

“A-ano pangalan mo?”

“Rafael. Anak ako ni Conrad Arguilles. Kumain ka na ba?” Isang marahang iling ang ginawa niya. Mula pa yata kaninang umaga ay tanging tubig lamang ang laman ng kanyang sikmura. Hindi niya maramdaman ang gutom dahil mas nararamdaman niya ang sakit ng pagkawala ng nag-iisang taong nagmamahal sa kanya.

“Tara, kain tayo.” Nakalahad ang mga kamay na yaya sa kanya ni Rafael. Tila naman doon lamang siya nakaramdam ng pagkulo ng sikmura kung kaya’t agad siyang tumayo at tinanggap ang kamay nito.

BINAYBAY nila ang pasilyo patungo sa kusina. Tila kabisadong kabisado ni Rafael ang lugar sapagkat alam nito kung nasaan ang tutunguhin. Mahigpit ang mga kamay nitong nakahawak sa kamay niya, at unang pagkakataon mula nang araw na mawala ang kanyang ama ay naramdaman niya ang seguridad sa mainit na palad ng isang bagong tagpong kaibigan.

“Magandang gabi po. Kakain po sana kami manang.” Magalang na bati ni Rafael kay Aling Perla, ang kanilang mayordoma.

“Naku, oo naman hijo, mabuti nalang at napilit mong kumain iyang si Julianne.” Ipinahila sila nito ng upuan at hinainan ng pagkain. “Kanina ko pa siya inaalok kumain subalit talagang ayaw.” Patuloy nito habang nagsasalin ng tubig sa baso.

“Ikaw ba ‘yung anak ni sir Conrad?” tanong nito kay Rafael.

“Opo.”

“Aba’y tignan mo nga naman ano, napakalaki mo na. Ilang taon ka na ngayon?”

“Sampu po.”

“Ilang taon na pala ang lumilipas mula nang mamatay ang iyong ina.”

Naguguluhang napatingin si Rafael sa matanda. “Po? Hindi pa po patay ang mama.” Sagot nito.

Biglang natahimik ang matanda sa sinabi ni Rafael, naging mailap din ang mga mata nitong kanina lang ay nakatutok sa huli. “Ang mabuti pa ay kumain kayo ng marami, ako naman ay maghahanda na rin ng mga kakainin ng mga bisita sa labas.” Madali itong tumalikod at sinimulang maghanda ng mga pagkain. Nalilitong napatingin ang batang si Rafael sa kanya.

“Baka akala ni manang patay na mommy mo.” Mahinang bulong niya dito. Nagkibit ito ng balikat at nagsimulang sumubo ng pansit na inihain sa kanila.

HILAM NG MGA LUHA ang mga mata ni Julianne habang nakatingin sa kanilang tahanan. Na-imbargo na raw iyon ng banko ayon sa Tito Conrad niya. Hindi maintindihan ng kanyang murang isip ang ibig sabihin ng imbargo. Mula sa kinatatayuan nila ay nakita niyang isinabit ng isang lalaki ang karatula sa harap ng kanilang gate ‘Foreclosed property’. Naguguluhan siyang napatingin sa matalik na kaibigan ng kanyang ama. Tila naman naiintindihan siya nito kaya marahan itong tumalungko sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit.

“Kinuha na ng banko ang bahay ninyo Julianne.” Anitong hindi halos mamutawi sa labi ang mga sinabi.

“P-pero bakit po? Bahay po namin ‘yan.” Nanatiling nakatitig lamang sa kanya ang matanda, tila nag-iisip kung paano ba nito ipaliliwanag sa kanyang murang isipan ang mabigat na problemang hinrap ng kanyang ama bago ito pumanaw. “P-paano na ako? Saan na ako titira?” ang luhang kanina ay natuyo na’y muli na namang namuo sa kanyang mga mata.

“Sa amin ka na titira Julianne.” Tila nakakaunawang sabi ni Rafael matapos tignan ang ama nito.

“S-sa inyo? Nakakahiya naman –“

“Hija, ang ama mo ay parang kapatid ko na kaya huwag ka ng mahiya pa. Ituring mo na rin akong pangalawang ama magmula ngayon.” Nakangiting sabi nito na ginusot ang kanyang buhok.

 

22 Comments »

  • empresz23 said:

    wow new ba to?

  • leanne said:

    may aabangan na naman ako…he3

  • arcellaine said:

    wow may bago na naman…

  • brokelyn14 said:

    wao ganda netuh … can’t w8 sa nxt chapter …..

  • babes78 said:

    nice story… may bago na namang aabagang story. salamat po.

  • winter said:

    halla start palang sad na
    hayy
    i hate pain

  • eizzy said:

    hummm san na po ung next??ty

  • eizzy said:

    waahhhh…sobrang bitin po…

  • lumen said:

    wow panibagong story i love it ganda story tnx po?

  • sjyo_0208 said:

    wow, my aabangan n nmn story.. thanks..

  • sweetypink said:

    new author ito ahh…

    hmp.. sana nice yung kasunod na stories

  • tammiaka143 said:

    mukhang mganda 2ng isang 2 ah,mga bata p cla di2 pano n pg mllki n cla cguradong my kilig fac2r 2 my aabangan nman aq hehe…

  • rachel2202 said:

    yehey… may bago ulit na aabangan.. kelan po ang posting?

  • liana said:

    hay…..
    tagal naman ng kasunod….hehehhe
    maganda po….

  • railee anne said:

    next n poh… ^_^

  • Clay said:

    wow may bago na naman susubaybayan… ano po sked ng posting nito..
    next chapt na po.

  • Calla Lily said:

    nice story Ms. Arabella! interesting ang mangyayari sa pagitan ni Rafael and Julianne. Aabangan ko po ito. Thanks for sharing! :)

  • sweetheart said:

    im just curious how come kasi po ang gulo ng site d ko mahanap ung bagong kwento.sana po ibalik nyo sa dati ung site na pag open m andun na ng story n gusto m basahn

  • razylover said:

    wowww ang ganda nito ha kailan ang posting nito …
    new author din po ba kayo ang galing marami ng author ang TOP sana yon mga
    old author nakin mag post para ng mga story niya
    maganda din kasi ang mga story nila … :)

  • rossel02 said:

    anu ba ang simula nito…

  • senti said:

    hala!……sa wakas na post na rin….hi miss arabella…..! mwuahhh….miss you poh!

  • jenny09 said:

    wish q matapos lht ng chapter^^
    cmula plng kc maganda na

Leave your response!

You must be logged in to post a comment.