Love Takes Time – Chapter 8: The revelation
Kangina pa masakit ang ulo niya. Wala nang ginawa si Rina mula kanginang nagpunta ito sa klase niya hanggang sa makauwi siya ng bahay kung hindi ang tawagan at awayin siya sa cell phone dahil sa isang simpleng bagay – nagseselos ito sa isang bata.
Natatawa lang siya rito kaya naman lalo itong galit na galit sa kaniya. Paano naman siyang hindi matatawa eh sa dinami – rami ng pagseselosan nito, yun pang bata ang napili and worst – estudyante pa niya! Sino ba naman ang hindi matatawa?
Pero wala nga ba talaga itong rason para pagselosan si Francine? Sino ba ang fiancée na hindi magseselos kung makita nitong nakasampay sa balikat ng fiancé nito ang isang babae – ano pa man ang maging dahilan noon?
Ayon dito ay natanaw nito mula sa malayo nang lumabas siya ng classroom na bitbit si Francine. Hindi lamang ito agad na sumunod dahil bigla raw napadaan ang common friend nila na isa ring guro sa paaralang iyon kaya’t doon pansamantalang natuon ang atensiyon nito.
Nang makasunod naman ay nakita nga nitong nagmamadali nang tumatakbo palayo sa kaniya si Francine kaya panay ang pilit nito sa kung ano ang bagay na pinag – usapan nila ng dalagita.
Ang sabi niya rito ay napilitan lamang siyang buhatin si Francine dahil hindi ito mapigil sa pakikipag – away sa kaklase at kinausap lamang niya ito nang sarilinan sa garden ng paaralan. Hindi nakinig sa kaniya si Rina at hindi raw nito paniniwalaan ang paliwanag niya dahil na rin diumano sa akto ng estudyante na kung makasagot ay tila mayroon silang relasyon.
After taking his supper, nagpunta siya sa veranda sa labas ng kaniyang silid, nakaharap ito sa kanilang bukirin na pinagtamnan ng kaniyang ama ng mga gulay, partikular ng talong, kamatis at ampalaya. Hindi man niya natatanaw ang bukid dahil sa dilim ay naaamoy naman niya ang pinong hangin sa paligid na nagpapatotoong nasa isang lugar siyang tila malapit sa kalikasan.
Sariwang hangin ang lagi na ay hatid ng tanawing iyon sa kaniya kaya’t malimit sa hindi ay sa veranda siya namamahinga tuwing may pagkakataon siya at tapos na sa kaniyang mga gawain sa school para sa susunod na araw. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili, nito kasing mga huling araw ay madalas siyang naiinis sa mga nararamdaman niya.
Noong unang magpakita ng interes sa kaniya si Francine ay hindi niya ito pinagtutuunan ng pansin but when she started to consistently show her motives towards him, he felt overwhelmed. Marami naman siyang estudyanteng alam niyang may lihim na pagtatangi sa kaniya but they never made him aware of it and he can not deny the courage and spirit this Riva girl had. And worse – it truly affected him!
Maraming pagkakataon na nahuhuli niya itong nakatingin mula sa malayo, should he say stalking him? Kaya naman he expected to see her everywhere he goes, parang pakiramdam niya parati nang nakasunod ito sa bawat kilos niya and he must admit he felt a little bit strange feelings when he doesn’t see her following him.
Well, nasanay na siya marahil kaya nga hinanap niya ito sa isang kaklase nito nang umabsent kinabukasan ng araw na hindi niya ito payagang sumabay sa kaniya pauwi. Much as he wanted to – siyempre pa ay mag – aalala siya kung may mangyaring hindi maganda sa bata dahil alam niyang sadya siyang hinintay nito, iyon nga lang hindi na talaga pwede.
Narinig niya kasi sa isang kwentuhan sa faculty na nagsadya roon ang isang kaklase ni Francine na si Sheena upang magsumbong na diumano ay hinihintay siya nito araw – araw para makisabay pauwi. Gustuhin man niyang sumabad sa kwentuhan na iyon ay hindi naman niya magawa dahil hindi maganda para sa isang gaya niya ang makisawsaw sa kwentuhan ng iba.
Ang tanging iniisip niya ay kung paanong poprotektahan si Francine mula sa issue na iyon. Ngayon niya napagtanto ang hidwaang namamagitan sa magkaklase at ibig din niyang malaman what is the hidden issue about the fighting scene they had in front of him early morning that day which caused him to carry the girl out of the room – tagpong nasaksihan ng kaniyang fiancée.
Nang tanungin siya ng mga kasama tungkol doon ay sinabi niya sa mga ito na isang beses lang nakisabay si Francine sa kaniya at pinagbigyan na niya ito dahil siya naman ang dahilan ng pagiging late nito sa pag – uwi.
Ikinatwiran niyang binigyan niya ito ng special report kaya naman ito ginabi. Nagtanong rin ang mga co – teachers niya kung bakit kailangan niya itong bigyan ng special report pero ang tanging naisagot niya ay “nakita ko kasi siyang nakatingin sa papel ng katabi.” He didn’t know if they believed him because everybody knows that Francine is very smart – wag lang tanungin si Madam Brachera dahil sintunado sa lahat ang komento nito. He doesn’t even know if he would believe the old teacher but just in case she was telling the truth about Francine, maybe because that brat girl didn’t like the subject at all or the subject teacher herself! Basta iyon na ang ikinatwiran niya ang he didn’t bother a bit whatever they may think of him.Kaya nga napilitan siyang sabihin sa mga ito that he would get married soon, of course to avoid the issues that will connect him to Francine.
Alam naman niyang totoo ang mga sinasabi ng mga ito but he doesn’t want the girl to be greatly affected, nor see her deeply hurt. He already saw that sadness on her eyes when he didn’t let her come along with him kaya ayaw na niyang muling saktan ito.
Hindi niya gustong sa murang edad nito ay magkaroon ito ng trauma dahil lamang sa kaniya. He made himself satisfied when he saw her entered the gate of their house that night. Hindi nito alam ay palihim niya itong sinundan nang gabing iyon, of course tungkulin niya iyon bilang isang teacher na siguraduhing nakauwi ng maayos ang isa niyang estudyante – lalo pa at siya ang dahilan kung bakit naatraso ng uwi iyon.
Pumarada lang siya sa isang kubling lugar matapos lumabas ng gate ng paaralan upang hindi makita ni Francine, doon sa isang lugar na hindi siya matatanaw nito mula sa waiting area ng mga estudyanteng nag – aabang ng jeep.
Matapos niyang makitang nakasay na ito ay pinatakbo na rin niya ang kaniyang sasakyan at iyon nga – naihatid din naman niya si Francine sa bahay nito nang hindi nga lamang nito alam!
Pinutol ng ringing tone ng kaniyang cell phone ang pagmumuni – muni niya. Si Rina ang nakita niyang caller, paniguradong kukulitin na naman siya nito.
“What is it this time, Joshua?” iyon ang tawag sa kaniya ni Rina kung nag – aaway silang dalawa. Masyado nga namang maikli ang Lee para ipahatid ang nararamdaman nitong galit sa kaniya.
“Ano naman ba iyan, Rina? Pwede ba akong mamahinga naman sa issue na iyan? I told you, wala kaming relasyon ng batang iyon. You should know it, Im a teacher and I’ll never do things like that!”
Kaya? Napapikit siya.
“Yes, Joshua. Hear what your lips are saying, dear. You are a teacher, so please BE!” kung mataas ang boses na bungad niya rito ay higit ang taas ng boses nitong sadyang hindi magpapatalo. Ewan ba niya kung paano niyang nagustuhan ang babaeng ito.
Basta ang alam niya, childhood crush niya ito at hindi siya nito pinapansin kahit minsan sa panahon ng kanilang kabataan kaya nang makasilip siya ng pagkakataong makalapit rito ay wala na siyang sinayang na sandali. Agad rin naman itong nagpakita ng atraksiyon sa kaniya and they have been steady for 3 years now.
Pinagpapasensiyahan na lamang niya ang mga tantrums nito, alam naman niyang marami ang magkakagusto sa girlfriend niya and it was an ego – booster for him na siya ang nagustuhan nito. Iyon nga lang, parang hindi na kagaya noon ang nararamdaman niya para rito lalo pa at wala na silang ginawang dalawa kung hindi ang mag – away.
Sinabi lamang niya sa mga kasama ang issue ng pagpapakasal para madivert ang atensyon ng mga ito pero wala pa iyon sa isip niya, lalo pa ngayong mga huling araw na masyadong nagiging demanding ang babae sa oras niya that she even get jealous with the time he spend with his work.
Nagpropose lang naman siya ng kasal dito a year ago dahil matagal na itong umuungot noon at sa tingin niya ay isang kapirasong singsing over a candle light dinner lang ang makapagpapapatag rito na wala siyang ibang babaeng pinagtutuunan o pagtutuunan ng pansin maliban dito.
But the date of the wedding is too far from his mind yet, wala pa silang planong ganoon.
“Kaya pala ka – text ko ngayon ang estudyante mo at kung anu – ano ang pinagsasasabi sakin! Wait for the forwarded messages, Joshua, ipapasa kong lahat sa iyo para makita mo! I can’t even believe she has my number, why thanks to you!” at matapos iyon ay click na lang ang narinig niya.
Si Francine, may number nito? Ibang klase talaga ang batang iyon! How did she do that? Wala naman siyang pinagbibigyan ng number ni Rina at lalong hindi niya iyon ibibigay kay Francine. Hanga na talaga siya sa batang iyon, she looks like very much able of getting everything she wants. Pero paano ngang nalaman nito ang number ng kaniyang nobya?
“What? Ano ka ba naman Francine? When will you refrain from doing such crazy things ha? Paano mong nagawa iyon? Pati si Sir Capule, inabala mo makuha mo lamang ang number ng girlfriend ni Sir Lee?”
Gulat na gulat si Cleo nang umagang iyon after what she had admitted in her. Ibinalita niya ritong coincidentally, of all people ay siya pa ang napagtanungan ni Sir Capule kung nakita ba niya ang babaeng dumalaw kay Sir Lee nang umagang iyon.
Si Mr. Arnel Capule ay dati nilang teacher sa isa sa mga subjects nila noong second year High school siya at sa kabilang building naman ang faculty room nito.
Nasa canteen siya nang makilala nito at itanong kung teacher ba niya ng umagang iyon si Sir Lee na sinagot naman niya ng mabilis na ‘opo’. Natuwa pa nga ito nang malamang kilala rin niya ang babaeng itinanong nito at sinabing nakita rin niya nang dumalaw rito ang babae.
Kung maari raw ay mautusan siyang humingi ng cell phone number ni Sir Lee at nang sinabi niyang meron siya at siya na ang magsa – save sa cell phone nito ay mabilis nitong ibinigay sa kaniya ang Samsung unit nito.
Siyempre ay kabisado naman niyang talaga ang number ng guro at matapos i – save iyon ay mabilis na hinanap ang number ni Melanie Rina Villador. Napakasuwerte niyang sa pag – scroll down ng lahat ng Melanie sa phonebook nito ay makitang meron doong Melanie Rina V. at presto, nakuha niya nang walang kahirap – hirap ang nais niya. Salamat na lang at sa canteen siya tumuloy sa halip na sa classroom!
She manipulated the situation very smoothly without having the person smell the fishy idea she has in mind all along! Saka na lamang siya hihingi ng tawad at magpapaliwanag pag kinailangan! Thanks to him at kagabi ay nasimulan na niya ang planong nasa isip niya. Tinext niya si Rina at mabilis naman itong sumagot ng “hu u?” matapos basahin ang quotes na pinadala niya.
“Never get tired of watching your boyfriend.”
“So, it’s you brat girl! How’s your day?”
Ipinagtaka niyang kilala agad siya nito, marahil dahil ng araw lang na iyon nangyari ang pagkikita nila ng babae sa classroom nila.
“-perfectly fine, as always! Thanks to him for giving your number to me so that I can talk to you!”
“Really? Well, maybe because she wants me to handle everything about you. What do you think, bata?” nainis siya sa reply na iyon. Siya, bata? Eh 34 na nga ang size niya samantalang napaka – flat chested nito in comparison to her!
“This bata you are referring to will be the next bata of your ex – boyfriend Lee! harharhar!” sinagad na niya ang pang – iinis dito and she even imagine the disgust in its face.
“Ex – boyfriend? Excuse me…?”
“Oh well, so he was not yet able to spill it out? I can’t believe this! He told me he’s gonna tell you everything about us this afternoon! I’m sorry you learned it from me, I’m so sorry.”
Iyon ang huling text niya rito dahil hindi na ito nakasagot pagkatapos noon. Ewan niya kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na sabihin iyon sa babae pero siguro ay talagang iyon ang epekto ng nararamdaman niya – that she can do everything for the love she feels for Sir Lee! May naramdman rin siyang sundot ng kunsensya kahit paano pero sa tuwing naaalala niya ang hitsura nito nang magkita sila ay nabibigyan niya ng katwiran ang ginawa nyang kapangahasan. Bahala na kung makagalitan siya ni Sir Lee, ang importante ay naka – first base siya sa plano niya!
Wala na ring nagawa ang kaibigang si Cleo kung hindi ang kutusan siya nang mahina sa ulo matapos marinig ang kaniyang buong kuwento kung paanong nakuha niya ang number ng kasintahan ng kanilang Math Teacher.
kakabitin talaga……..next chapter pls……………
Yesha: Pssttt…dhenisse, may tampo me sau…:-(
yesha
heheh me too is so bitin!!!
next chapter please!
goodluck yesha!
grabe.. biliv talga me ky francine..thanks yesha. ganda talaga. excited nko sa next chapter… ngkakaroon me ng idea sa pinagggawa ni francine.. hehehe.
Yesha: :Loka, idea ka jan! Huwag mo gagayahin yan ha wahehe…lokang Francine…
Yesha
ewwwwwwww….nice story again… thats the spirit of love. whehehehe…. next chapter plzzz…… cant wait…. sorry guys nagmamadali ako… bitin kc!
ahmmm… hehehe.. ok sa friday ulit.
Dear readers,
Thanks for spending time visiting my stories, guys! umuah!
Yesha
.. ate yesha!! nextym ibida muh ung name ko ha??? hheheh..,, hehehhe…ganda..tlga
Yesha: Sure, champ…sa susunod ha…
Ate Yesha
,, to d next level na tlaga ito,, nice talaga!! sana pwde i.release yung iba pra ‘d na bitin!!,, ^^ tyvm sa pag release nito!! ^^
grabeh mare! matindi talaga itong si francine! hanep sa fighting spirit hehehe! galing mare nadala ako dun ha? feel ko ding mangontrabida ang dating hahahaha!
@champolita
..hehehehe..tnx..asahan ko yan…ahahahhah
kakaasar! ayoko na maging admin! hindi tuloy ako nakakapagbasa ng maayos! grrr..! nanay yesh, hanap ka na ng bagong foo! ayaw ko na!
Yesha: jejejeje….loko…
like it talaga!
haha..naughty girl!..
desperada na si francine…..wahahaah
di ko nlng to tataposin…wala na ako gana eh!!!!
Yesha: salamat
hello yesha, you are a good writer…i read all your work…hope you can make another story like high school life because it reminds me of my past…thank alot…..
Leave your response!
You must be logged in to post a comment.
Maghanap ng Istorya
Pagbotohan at Survey Natin!
Maging Fan Namin!
Kumonekta sa Google Namin!
TOPPER Ka Nga Ba?
Mga Istorya
TOP Kalendaryo
Arkiba Namin
Share Us!
Daily Clicks!
Click pets to level them up!
Pakainin si Fooxy!
"Enge aku candy!"
Makipaglaro kay Eggie!
Palakihin ang bahay natin!
Sponsor Namin
Alyansa Namin!
Sundan Kami
TOP Chatbox
Bagong Lathala
Komento Ngayon
About TOP
User Panel