Pst! Mag-subscribe upang mabasa ang aming mga bagong istorya sa inyong inbox! (ito ay LIBRE kaya huwag mahiya!)  
Home » Love Maze 2: Faith and Destiny

Love Maze 2: Chapter 14

22 June 2009 20 Comments

HINDI namalayan ni Lornah na nakatulog pala siya sa upuan habang nakatungo sa kama, hawak parin ang kamay ni Foo. Pagmulat niya ng mga mata ay mataas na ang sikat ng araw. Dumating ang magulang ni Foo sa ospital at pinauwi siya ng mga ito. Gustuhin man niyang manatili sa ospital upang bantayan si Foo, alam niyang kailangan parin niya maging responsableng ina kay Blaise.

Dumiretso siya sa bahay ng mga Fontanillia kung saan nandoon si Blaise. Alasdiyes y medya na siya nakarating at naabutan niya itong naglalaro kasama si Yesha at Louise. Sigurado siyang nasa opisina na sila Erin at Rhein. Nang makita siya ni Blaise ay agad na naglakad ito papunta sa kaniya.

“Mama.” Sigaw nito habang kumakapit sa damit niya.

Pagkatapos magpabuhat at humalik sa kaniya ay pinasok nito ang kamay sa loob ng damit niya upang abutin ang dibdib niya. Nakuha naman niyang nagugutom na marahil ito. Ngunit pagod pa siya kaya sinuway nalamang niya ito at binaba.

“Ayaw niya dumede sa bote sis.” Wika ni Yesha habang umuupo sa tabi niya.

“Oo nga. Ayaw na ayaw niya talaga sa bote. Pinakain nalang namin ng cerelac para hindi magutom. Tapos hinele namin para makatulog.” Wika naman ni Louise.

“Thanks ha. Pasensya na kayo kung nahihirapan pa kayo dahil kay Blaise. Magpapahinga muna ako sandali. Ako na ang magpapaligo at magpapakain sa kaniya ng lunch. Tapos sabay kami matutulog.”

“Hindi ka ba nakatulog sa ospital? May sofa naman sa roon diba?” Tanong ni Yesha.

“Nakatulog ako pero ilang oras lang. Sa silya ako nakayulog, nakatungo lang ako sa kama.”

“Sige na sis, magpahinga ka na muna.” Wika naman ni Louise.
“I miss him so much. I just want to be with him.”

Nagsimula nanamang tumulo ang luha niya. Tinakip niya ang dalawang palad sa mukha at hindi na pinigilan na humagulgol. Sadyang masakit parin sa kaniya ang nangyayari. Kahit pagod siya ay nangingibabaw ang maghihirap ng kalooban niya.


UNTI-unting minulat ni Lornah ang mga mata niya. Hindi pamilyar sa kaniya ang silid na iyon ngunit naaalala niya na silid iyon ni Foo. Doon sila sabay na natulog ni Blaise ilang oras lamang matapos sila mananghalian. Tinignan niya ang relo sa side table. Alas-kwatro na ng hapon. Naisipan niya na bumaba upang kumain at pagkatapos ay didiretso na siya sa ospital upang magbantay muli kay Foo.

Matapos kumain ay dumiretso siya sa banyo upang maligo. Narinig niyang nagring ang cellphone niya ngunit hindi naman niya masagot iyon. Hinayaan na lamang niya iyon, tutal ay wala naman siya sa mood makipag-usap sa kahit na sino ngayon. Maya-maya pa ay nag ring ang telepono. Hindi naman nagtagal at huminto din iyon, marahil ay may sumagot na.

Matapos siya maligo at magbihis ay bumaba na siya. Bago siya makalabas ng pinto ay tinawag siya ni Louise at may sasabihin umano.

“Sis, wag ka na daw pumunta sa ospital sabi ni Mama. Mas mabuti daw kung umaga ka magbabantay, para maayos ang tulog ni Blaise sa gabi.”

“Ahh. So bukas na ako ng umaga pupunta doon. Sige. Babalik nalang ako sa kwarto.”

“Gusto mo lumabas? Mamasyal tayo. Ipasyal natin si Blaise.” Alok ni Yesha sa kaniya.

“Okay sige. Pagkagising ni Blaise aayusan ko nalang siya.” Nakangiting sagot niya dito.

Napansin niya ang pagkagulat ng mga ito, marahil ay hindi inaasahan ng mga ito na ganoon siya kadaling papayag. Ngunit sandali lamang ang gulat na iyon at agad napalitan ng tuwa.


NAGLALAKAD sa park si Lornah habang karga si Blaise. Nasa kanan niya si Yesha. Sa kaliwa naman niya ay si Louise na akay ang anak nito. Nang mapagod ang mga bata sa kakalaro ay naisipan na nilang humanap ng makakainan. Hindi man sila gaanong nakapamasyal ay halata namang nag-enjoy ang dalawang batang kasama nila kaya masasabi nilang nag enjoy narin sila.

Matapos makakain ay nagpahinga sila sandali. Pagkatapos ay naisipan ulit nila maglakadlakad ng mabagal upang magpababa ng kinain. Nang marating nila ang playground ay naglaro muli ang mga bata. Naupo si Yesha sa bench habang binabantayan nila ni Louise ang kaniya-kaniyang anak nila na naglalaro.

Hindi pa man sila nagtatagal doon ay nagring ang cellphone niya. Nakita niyang ang Daddy nila Foo ang tumatawag kaya nagbilin muna siya kay Yesha na pakibantayan muna si Blaise habang sinasagot niya ang tawag.

Lumayo siya ng bahagya sa mga kasama at Sinagot ang tawag. Hindi naman ang Ama ni Foo ang nakausap niya kundi si Erin. Hindi nito sinabi ang dahilan ngunit pinapupunta sila nito sa ospital.


HABANG nasa daan papunta sa ospital ay takot na takot siya sa maaaring nangyari. Parang sasabog na ang dibdib niya sa sobrang kaba. Napakabilis ng tibok ng puso niya at hindi siya mapalagay. Pakiramdam niya, ano mang sandali ay bibigay na ang mga tuhod niya. Nanghihina ang katawan niya sa sobrang nerbiyos.

Hindi niya alam kung anong gagawin niya kapag nawala si Foo. Hindi niya alam kung pano pa niya ipagpapatuloy ang buhay niya ng wala ang binata. Naiiisip niya ang lahat ng posibilidad kung bakit sila pinatawag. Maaaring nagising na ito at nais ng magulang nito na makita nito ang buong pamilya. Ngunit maaari ding may masamang nangyari dito. Paano kung nagka amnesia pala ito. O kung malala pa doon ang nangyari.

Ayaw niyang isipin na iyon ang dahilan. Ngunit hindi niya maalis sa isipan ang masasamang bagay dahil sa kaba at takot na nararamdaman niya. Kailangan niyang magpakatatag. Hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan ngayon. Kailangan siya ni Blaise. Kailangan siya nito.
Pinilit niya magpakatatag. Kahit sobrang sama na ng pakiramdam niya ay pinilit parin niyang pinalalakas ang kaniyang loob.

Pagdating sa silid ni Foo ay agad nilang napuna ang mga doktor at nurses na nagkakagulo. Dinig nila ang inak ng ina ni Foo. Lalong lumalakas at bumibilis ang tibik ng puso ni Lornah sa bawat hakbang ng paa niya palapit sa silid.

Nang makapasok sila ng tuluyan ay nabungaran nila ang mga doktor at nurse na kinakabitan ng kung ano anong tubo si Foo. Naramdaman niyang mula sa likod niya ay yumakap nang mahigpit si Rhein sa kaniya. Nakatayo lamang siya habang nakatingin sa mga taong nakapalibot sa hinihigaan ni Foo. Alam niyang nanghihina ang tuhod niya at umaaani na lamang ng suporta ang kaniyang katawan mula sa mga braso ni Rhein.

Wala siyang maintindihan sa naririnig niya. Maliban sa tunog na nanggagaling sa isang machine. Mabagal. Matagal ang pagitan ng mga tunog. Nakita niyang tila kinukuriyente sa dibdib si Foo. Narinig niya ang salitang revive, vital, heartbeat. Pero wala talaga siyang maintindihan sa mga nangyayari. Ang tanging pumasok lang sa utak niya ay ang posibilidad na mawala si Foo.

Maya-maya pa ay wala na siyang marinig, nanlalabo na ang paningin niya. Patuloy ang agos ng luha mula sa mata niya, ngunit maging sarili niya ay hindi niya marinig. Naramdaman niyang humigpit ang pagyakap sa kaniya ng mga brasong umaalalay sa kaniya ngunit hindi na niya maalala kung sino iyon. Lalong lumakas ang mga iyak na naririnig niya. Nararamdaman din niya ang bahagyang panginginig ng mga brasong nakapulupot sa kaniya.

Hanggang sa madinig niya ang isang malakas at tuloy-tuloy na tinig mula sa isang machine. Isang tunog na alam niya ang kahulugan. Ngunit ayaw tanggapin ng utak niya iyon. Ayaw tanggapin ng puso niya ang dahilan ng tunog na iyon. Tuluyan nang magdilim ang paningin niya. Nawalan ng lakas ang buong katawan niya. Napapikit siya ng mariin at nawalan ng malay. Ang huling narinig niya ang mga taong umiiyak. At ang tunog na hindi humihinto. Ang nakakatakot na tunog na iyon.


“WOW. Ang ganda naman dito.” Tanong ni Lornah kay Foo.
Hindi alam ni Lornah kung nasaan sila. Ngunit para silang nasa tuktok ng isang maliit na bundok. Kung saan kitang-kita niya ang magandang sunset. Ang kulay orange na langit kasama ng konting ilaw na nagmumula sa syudad. Napaka sariwa ng hangin sa lugar na iyon.
Naglatag si Foo ng blangket at niyaya siyang maupo doon. Pinanood nila ang araw hanggang sa tuluyang lumubog ito. Halos isang oras silang hindi nagkikibuan at ninamnam lamang ang simoy ng hangit at ganda ng tanawing nakikita nila.

Naramdaman ni Lornah ang paghawak ni Foo sa kamay niya. Nang lingunin niya ito ay hinalikan nito ang kaniyang palad. Pagkatapos ay dinampi iyon sa pisngi nito. Nakatingin lamang siya dito at tila gustong kabisaduhin ng kaniyang utak ang mukha nito.

“Ito ang paborito kong lugar. Dito ako nagrerelax at namamahinga.” Wika nito nang lingunin siya.

Ngumiti naman siya at sinagot ito. “Maganda dito. Nakakarelax talaga. Parang nakakawala ng stress.”

“Kapag may mga iniisip ako. Masama ang loob ko. O kapag napapagod na ako sa buhay. Pumupunta ako dito para magpahangin. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nandito ako.”

“Favorite place ko narin ito, form now on.”

“You know what Lornah? Ever since I met you, I started thinking that when I die, I wish to be a wind. So that I can always be with you. So that I can always watch after you. I’ll gently blow away your fears, pain and sadness. Everytime you’ll feel the breeze touching your skin, you’ll feel me hugging you tight and giving you comfort. Evetytime You hear the wind blows, you’ll hear me whisper my love for you. Even if you can’t see me, I will always be beside you no matter what. You never left my heart, and you never will.”

Nakapikit ang mata ni Lornah habang inaalala ang mga sinabi ni Foo. Paulit-ulit niyang binabalikan sa diwa niya ang mga masasayang ala-ala nila. Maging ang mga malulungkot. Lahat ng pinagdaanan nila. Lahat ng nagbago mula ng dumating ang binata sa buhay niya.

“You never left my heart, and you never will.”

Maybe that was the sweetes words he ever said to her. Ang salitang Tumunaw sa puso niya. That day, was one of the happiest day of her life.

“Aray! Naiipit ako!”

Biglang bumalik sa kasalukuyan ang takbo ng utak niya at napamulat ang mata dahil sa sigaw na iyon. Napatingin siya sa apat na taong gulang na bata na yakap yakap niya ngayon. Ang batang halos walang pinagkaiba ang itsura sa Ama nito na siyang lalaking minamahal niya ng lubos. Iyon nga lang, saksakan ng sungit ito, na hindi niya maintindihan kung kanino namana nito. Marahil ay natutunan nito ang pagsusungit sa tito Rhein nito.

“Mommy, ayos po kayo ng upo para makakalong din po ako ng maayos. Please. Nangangawit na po ako eh.” Kumamot pa sa ulo ang bata.

Napaka-cute talaga nito. Nakikita niya kay Blaise ang itsura ni Foo noong bata pa ito. Marami din naman siyang nakitang pagkakapareho sa ugali ng mag-ama. Pansin nga niya na mas malaki ang minana nito sa Ama, hindi lang itsura kundi pati sa ugali.

Umayos siya ng upo at niyakap ulit ito ng ubod ng higpit. Agad namang nagpumiglas ito at pilit kumawala. Nagsisisigaw din ito at halatang naiinis na sa kaniya.

“Mommy naman eh!”

“Alam mo anak. Masayang masaya ako pag nandito ako. Ito ang favorite place namin ng Daddy mo.”

Nakabusangot parin ang mukha ni Blaise ng magreklamo ito. “Alam ko na po yan Mommy. Ilang daang beses mo na sinabi yan eh.”

“I love your Dad so much.” Nakangiting wika niya dito.

“Asan na po ba si Daddy?”

“Your Dad once told me that when he die, he wants to be the wind. So he can always be with us, and we can feel his love anywhere we go.”

“Ang weird nyo naman po Mommy. Buti nalang po, hindi ako nagmana sayo.” Tumawa ng malakas ang bata matapos sabihin iyon.

“Ha-ha, ang bata bata mo pa pero ang lakas na ng sense of humor mo. Sinong may sabi sayong hindi ka sa akin nagmana ha?”

“Silang lahat po.” Tumawa muli ng malakas si Blaise ng mapansin nitong inis na inis na siya.

“Ah ganon ha!”

Bigla niyang kiniliti ito. Tawa ito ng tawa. Bumawi siya sa pang-aasar nito. Kahit pinapatigil siya nito ay hindi niya binitawan ito. Kiniliti niya ito ng kiniliti. Napuno ng tawa nilang mag-ina ang buong paligid.

 

20 Comments »

  • - said:

    oh…

  • abygl said:

    and.. dont tell me namatay tlga ang ama.. ha.. hmmm…

  • lecyram19 said:

    ay so sad naman nsan na si foo?

  • Ekis Malayba said:

    parang…..parang….wag naman ganyanan….sad ending ba?patay ba si foo?parang ayoko ko ng basahin ang susunod na chapter…..

  • nar_es30 said:

    please.. please.. wag naman po….ibalik naman si foo.. wawa naman si Blaise, di na nya nakita Daddy niya…

  • jalugznd said:

    siguro….siguro…buhay si FOO…

    sabi ngmahiwagang bola ko…harharhar

  • sweetheart said:

    ay i dont like the story bkit nmatay c foo my goodness ano ba yan i thought the story is interesting but its not anymore.i hope buhay c foo

  • railee anne said:

    bkt gnun??

    wat happen? nsan n c foo?

    wak nmn gnyan… hmmmmmm,.. so sad nmn..

  • swtbaby said:

    bakit ganun? namatay na ba talaga si foo? bakit inaalala na lang ni Lornah? nakakalungkot naman…

  • kace1426 said:

    in reality, ngy2ri e2.
    but i guess, there are more shocking revelations for the next chapters..
    ngi2ng interesado lalo ang kwento.
    goood job ms. nadinekyut.. :-)

  • kris3515 said:

    ohmigosh…. what have you done foo? ba’t mo inawanan si lornah? sino ng love niya ngayon….i beleive in you foo kaya mo pasayahin ulit si lorns…sana sila sa huli!

  • cheena07 said:

    last na pho 2??????

  • iscuteme_06 said:

    whaaaaaat! namatay na si foo?
    hnd pede,,,,,huhuhu

  • cath14 said:

    Hanggang sa madinig niya ang isang malakas at tuloy-tuloy na tinig mula sa isang machine. Isang tunog na alam niya ang kahulugan. <– ayaw ko din marinig yang tunog na yan..

    patay na foo? eh? how sad.. bakit namatay? naman eh.. nadzie, buhayin mo ulit.. patayuin mo sa hukay.. daliiiiiiiiiiii..

  • pretty_14 said:

    nmatay ba tLga xa???
    filing q hindi!!!
    hahaha…

  • kris3515 said:

    @cath14 i think ate cath ndi pa patay si foo(nako sana tama toh) kasi sabi sa wedding vow teaser “…find the secrets behind fausin, yelinna shaira, and rhein’s happy marriage..ibig sabihin ikakasal pa si foo..di niya pwedeng iwan si lornah at blaise..sana sa epilogue buhay pa si foo..maguhay si foo..sana nga tama me!

  • jhay_jhayski@yahoo.com said:

    OMG grabeh..kong san alam n ni lornah n mahal sya ni foo madidids pa.
    weeeeee hwag nman sna.i think hnd sya mamatay.

    hehehe…

  • muziclover said:

    wAaahh…gOsh,,,
    sAna buHAy p poh c fOo…plEase poH!

  • elainevital said:

    bakit naman po namatay si foo?? sayang at di nya nakita man lang ung anak nya.. huhuhu.. sana may twist ung story kasi very sad talaga sya.. para naman dalawa sila ni louise na masaya..

  • cactus_21 said:

    anu nangyari ky foo?

Leave your response!

You must be logged in to post a comment.