Pst! Mag-subscribe upang mabasa ang aming mga bagong istorya sa inyong inbox! (ito ay LIBRE kaya huwag mahiya!)  
Home » Whatever It Takes

Whatever It Takes – Chapter XIII

23 November 2009 17 Comments

HABANG pinag-uusapan nila ni Mundo ang gagawing paghuli sa mag-ama ay hindi maintindihan ni Kyro ang kabang biglang umalipin sa kanya. Hindi rin niya maipaliwanag ang tila panlalamig ng kanyang mga kamay at ang kabog ng kanyang dibdib. There was really something wrong. Nagulat siya nang makitang tumatawag ang ama niya sa kanyang cellphone.

“Pa?” Natutuwa man dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay tumawag ito sa kanya ay hindi pa rin maalis alis ang kaba sa kanyang dibdib.

“Kyro, Kairi left the house.”

“What?” Nervous totally ruled him now. Where can she be? “Saan daw pupunta?” hindi niya mapigilan ang pagsinghap nang sabihin ng ama niya na hindi ito nagsabi kung saan dahil nagmamadali daw ito.

“DAMN!” malakas siyang napamura matapos nilang mag-usap ng ama.

“Ano’ng nangyari pare?” tanong ni Mundo na kanina pa nananatiling nakatingin sa kanya.

“Kairi left the resthouse.” He gritted his teeth. Ano ba ang pumasok sa kukote nito at basta nalang itong umalis ng hindi nagsasabi sa kanya? Alam naman ng dalagang nasa peligro ang buhay nito. Matigas ang anyong tumayo siya at dire-diretsong tinungo ang pinto palabas ng opisina ni Mundo.

“Kyro!” malakas na sigaw nito. Nilingon niya ito. His eyes determined and worried at the same time. “Where do you think you’re going?” galit na sabi ng kaibigan.

“I’m gonna look for her.” Iyon lang at inihakbang na niya ang mga paa palabas. Narinig pa niya ang mga babala ni Mundo sa kanya pero wala na siyang pakialam pa. He should see her before its too late.

“HELLO Cathy, is Kairi with you?” ang mga kaibigan ng dalaga ang unang pumasok sa isip niya na maaring puntahan nito.

“Hindi namin kasama si Kairi.” ang pagkabahala ay dama sa boses nito. “Anong nangyari, Kyro?”

“She left the rest house and I’m beginning to lose my sanity. I’ll call you later for updates, Cathy.” and he hung up.

Isa nalang ang maaaring puntahan ni Kairi…ang bahay nito. He just wished she was not there, dahil sigurado siyang inaabangan ito ng mag-ama roon. He felt his heart beat so loud, thinking what might possibly happen to Kairi just in case she’s there. Pinasibad niya agad ang sasakayan nang makasakay roon. God help her! I could strangle you for making me feel fear for the first time in my damn life!

KAIRI felt so hopeless. She was now facing death. His father’s eyes are glittering with evilness. She can feel the anger in his eyes. How could her own father do this to her? She loves him but she can’t understand him. Why does he want to kill her? What has she done to deserve all these when she was always been there for him?

“Maupo ka muna hija.” Iminuwestra nito ang kamay sa katapat nitong single sofa. “Let’s have a talk before we end this fairytale of yours.” Halos pangapusan siya ng hininga sa pagpipigil ng kabang nag-uunahan sa kanyang dibdib.

Hindi niya sinunod ang sinabi ng ama, bagkus ay nanatili lamang siyang nakatayo. He does not want them to think she is a weakling. Maaaring napapasunod siya nito noon pero hindi sa pagkakataong ito na buhay na niya ang nakasalalay.

“Well then, kung ayaw mo, that’s fine.” Ngumisi lamang ito. “We could chat still so that before you go, nasagot na ang mga katanungan diyan sa isip mo.” Tumikhim ito nang hindi siya sumagot.

“Marahil nagtataka ka kung bakit ka narito. Simple lang. It’s all because of your mom.” Tumayo ito at tinungo ang maliit na bar na naroon. Nagsalin ito ng alak sa baso bago siya muling hinarap. “Ang haliparot mong ina ay wala man lamang iniwan sa akin! Ang lahat ay inilagay niya sa iyong pangalan Kairi! Sa iyong pangalan!” may diin ang bawat salitang binibitawan nito. Emphasizing that she was the only heir of everything her mom had left. His father’s eyes fiery as he flashes his gaze on her. Nagsimulang gumitil ang mga pawis niya sa noo. She felt cold. She wanted to run away but she couldn’t move her feet. Nais niyang pakinggan ang mga sasabihin nito kung ito lang ang tanging paraan upang malaman niya ang buong katotohanan.

“I’m sure you want to know why we want to shut you off.” Muli itong umupo sa tapat niya at sinimsim ang baso ng alak. “Dahil makukuha ko lang ang lahat kung… mawawala ka sa buhay namin.” Anitong tinignan si George na nananatiling tahimik at pinakikinggan lang ang ama. Nagtayuan ang lahat ng balahibo niya sa sinabi nito. Nanlalaki ang ulong natutop nalang niya ang kanyang bibig. They really want her dead!

“H-how could you dad? H-how could you k-kill me? I’m your daughter.” Ang pinipigilang luha ay tuluyan nang umalpas sa kanyang mga mata. Nagsisikip ang dibdib niya sa mga nalaman. Magagawa siyang patayin ng sariling ama para lamang sa kayamanan? Anong klaseng tao ito?

“Dahil hindi ka naman anak ng Papa, Kairi. Isa kang putok sa buho ng ina mong taksil.” Punong puno ng panlilibak ang mga huling katagang binitawan nito sa kanya; maging ang tingin nito ay nanunuya. Gulat na napatingin siya sa kaniyang kinikilalang ama. Now she knew why he could do things like this. He was not his daughter!

“Fresia was so stupid. Nang malaman ko na hindi kita tunay na anak, nagalit ako. Binalaan ko siyang papatayin ko ang lalaki niya! Pero binantaan niya akong iiwan sa oras na gawin ko iyon. I told her I will kill both of you if she would do that. But if she would stay, I’ll let both of you live. Iyon ang akala niya…” tukoy nito sa ina niya bago nagpakawala ng malakas na tawa na nagpadagundong sa buong kabahayan.

Nakakatulig ang tawa nito, nakakapanginig ang tunog. Tawa ng isang gahaman at wala sa sarili.

“Ako ang nasa likod ng car accident ng mommy mo, Kairi, sinabotahe ko ang preno niya bagay na naging dahilan ng kanyang aksidente. Isn’t that so good?” Humakbang itong muli sa mini bar. Noon niya lamang napansin na may baril doon na nakapatong. Kinuha nito iyon at ikinasa.

Fear flooded her as she saw him walked towards her. She can not die! Mabilis ang mga kilos na itinulak niya si Lance dahilan upang matumba ito. Nanginginig ang mga kamay na binuksan niya ang pinto. Malakas na sigaw ang pinakawalan niya nang mahatak ni Lance ang mga braso niya niya nang makabawi ito. She tried kicking him but it was no use.

“You can’t run now, Kairi. Ito na ang matagal na panahong hinintay ko. You can’t just get away.”  Marahas na hinaklit ni Arturo ang maiksi niyang buhok. Napangiwi siya sa sakit. Naramdaman niya ang pagtutok ng malamig na bakal sa kanyang likod. She feels like she was going to faint, her heart was racing so fast and her hands were so cold and wet from sweat. Hindi siya maaaring mamatay! Hindi siya papayag na manalo ito! She gathered all her strength to nudge Lance’s stomach. Napamura ito sa sakit. Then she forced to turn around and bit Arturo’s hand that was holding the gun. He flinched as pain registered his face. Mabilis ang takbong ginawa niya palabas roon at hindi na lumingon pa. All she could think now was saving her life. And she should get away as far as possible.

Isang umalingawngaw na putok ang narinig niya. Naramdaman niya ang isang mainit na likidong tumulo sa kanyang balikat. She knew she was hit. Mariin siyang napapikit at itinakip ang kanang kamay sa kaliwang balikat na natamaan.  She could feel the pain and her blood flowing down her arm, but she did not stop running. Oh Lord! Help me!

Hindi na niya alam kung gaano na siya kalayo sa mag-ama dahil hindi na niya marinig ang mga ito na nagsisigawan. Nakita niya ang ilang mga sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada. Magkukubli muna siya roon bago pa siya maubusan ng dugo. Malakas siyang napasigaw nang yakapin siya mula sa likod ng isang malaking bulto. Buong pwersa siyang nagpumiglas. No!

“Hush honey… It’s me, Kyro. I’m here now…” Napahinto siya. She could feel his warmth and she felt safe. Bahagyang naibsan ang kirot at sakit ng natamong sugat nang malamang ito ang yumakap sa kanya. Doon na niya naramdaman ang paghina ng kanyang depensa. Nanlalambot at nanginginig ang mga tuhod na humarap siya dito at niyakap ito ng buong higpit. She felt home again. “Oh God! You’re bleeding!” Hintakot itong napatingin sa kamay nitong nabahiran ng dugo. His eyes widened with so much fear.

“I’m- I’m okay, Kyro.” Tinignan niya ang natamong tama at nakitang malakas na ang agos ng dugo mula roon. Ang totoo ay nanlalambot na talaga siya, marahil ay dahil sa marami na din ang nawalang dugo sa kanya dahil sa pagtakbo. Makirot na makirot din kaniyang ang sugat at pakiramdam niya’y napaka-init niyon.

“You’re not okay!” angil nito. “Here.” Kyro ripped off a piece of his shirt and tied it around her shoulders. Napangiwi siya nang higpitan nito iyon. “Feel better?” Tumango siya. Yes, she felt better… now that he is here.Kahit yata ano ay kaya niyang harapin. She felt his hands holding hers and squeezed it tightly. He gazed at her like there’s no more tomorrow. Isinuklay nito ang mga daliri sa kanyang buhok na sumabog. It was so gentle and she felt peace in her heart.

“Bakit ka umalis sa rest house?” ang maamo nitong mukha na puno ng pag-aalala ay napalitan ng galit.

“K-kasi –“

“You don’t really know the word danger, don’t you Kairi?” Naglapat ang mga ngipin nito sa tinitimping galit. “Look what happened because of your being stubborn!” asik nitong nakatingin sa balikat niyang may sugat.

“Would you –“ Napahinto siya nang marinig ang malakas na pagtawag ng pangalan niya mula sa kung saan. She was sure it was Lance. Napatitig siya kay Kyro.

“Let’s go.” Hinatak siya nito patungo sa isa sa mga sasakyan na naroon. Ikinubli nila ang sarili sa gilid nito. “Damn! My car is on the street.” Inis nitong sabi.

“Bakit kasi hindi mo dinala dito?” Gusto niya itong kutusan dahil doon.

“I saw you running when I parked, so I followed you.” Marahas itong napabuga ng hangin at kinuha ang telepono.

“HELLO Mundo. Yes, I’m with her now. Call for back up and an ambulance as well, Kairi’s hit.” anito sa kaibigan na tinawagan bago pinatay ang telepono. Muli siya nitong tiningnan  ng masama at nagpakawala ng buntonghininga.

“You should have listened to me. Disin sana ay wala ka sa peligro ngayon. You really are hard headed and stupid!” He snapped. That’s it! Hindi pa nga nito alam kung bakit siya bumalik ng Maynila pagkatapos ay pagsasalitaan siya nito ng ganoon?

“Fine! I am hard headed and stupid! And how about you, huh?” hamon niya dito. She couldn’t bear his insults anymore. Kung hindi lang siya tinawagan ng kung sinong herodes na iyon noong nasa Tagaytay pa siya at sinabing nasa ospital si Kyro at nag-aagaw buhay ay hindi siya aalis doon! Because she felt peace in that place! She felt safe and she felt she was inside Kyro’s heart! Damn him for accusing her just like that! Hindi na niya napigilan ang sariling hindi magalit. She wanted to get away from him!

Sa isang iglap ay natagpuan niya ang sariling tumatakbo palayo kay Kyro. She was hurt… emotionally, she was bleeding inside out. Mas masakit iyon kaysa sa sugat na natamo niya. How could he insult her just like that? Hindi ba nito alam kung gaano siya halos mamatay sa pag-aalala dito nang dahil lang sa tawag na iyon?

“KAIRI!” malakas na sigaw ang narinig niya na nagmumula sa kanyang tagiliran dahilan upang mapaharap siya dito. She saw Arturo pointing the gun on her.

Umalingawngaw ang dalawang magkasunod na putok kasabay ng pagbagsak niya sa semento. With her eyes closed, she felt numbed. Her body was so heavy and she couldn’t breathe. She felt her wound ached as she tried to move but she couldn’t, something heavy is pinning down on her. Dahan dahan niyang iminulat ang namimigat na mga mata. Sinalubong siya ng namumungay na mga mata ni Kyro. He was holding her, shielded her from the shots! Panicked aroused her.

“Kyro! Oh my God!” He didn’t utter a word; instead, he just smiled at her. “Kyro!” She could hear his heart beat slowing and his breath touching her pale face. Kasabay niyon ay narinig niya ang pagdating ng mga sasakyan at sigawan ng ilang kalalakihan na nasa paligid. She heard shots.

“Help!” Ibinaling niya ang mukha sa mga sasakyang dumating. “Tulungan nyo kami!” she shouted. Muli niyang tinignan si Kyro. He was as pale as hell! His lips are starting to get bluish.

“A-are y-ou hurt?” his voice fading. Kahit na hirap itong magsalita at kinakapos ng hininga ay nakuha pa nitong alalahanin siya. Her eyes started to water. How can he be so stupid! Bakit nito sinalo ang balang dapat ay sa kanya!

“Don’t talk!” she snapped. “Damn you Kyro! Don’t you dare die!” now she was crying histerically as she enveloped him in her arms. Mauuna pa yata siyang mawalan ng malay sa sobrang takot para dito. She could not even think what would happen to him. “I love you.” She heard him whisper, and then he never moved. Sari saring emosyon ang bumaha sa dibdib niya nang tignan ito. His eyes were now closed as tears fell down from his cheeks. No! Please wake up! Kyro… Ang lahat ng agam agam sa kanyang dibdib ay pinawi ng tatlong salitang binitawan nito sa kanya. Pero tila naman gustong sumabog ng puso niya nang makita ang kinahinanatnan ng pagmamahal nito. His love was beyond anything else she could imagine. Ang akala niya ay tanging sa pelikula at telenobela lamang nangyayari but it happened to her. And it hurts like hell! Mahigpit niya itong niyakap feeling his warmth pressing her body. “I’m sorry…” She whispered.

Naramdaman niya ang paggaan nito sa kanyang katawan. Then she saw two men in paramedics’ uniform carefully rolled him off her and put him on a stretcher. “Kairi.” Maingat siyang itinayo ni Mundo mula sa pagkakahiga. She was in shocked. Her eyes never left Kyro while they were carrying him to the ambulance. “He’ll be fine.” Anito nang mapansin ang pag-aalala sa kanyang mukha. Napatitig siya kay Mundo. Sa nanlalabong mata ay pinilit niyang basahin ang katiyakan sa mga mata nito. But he avoided her eyes. That’s when she cried frantically.

“Liar!” she shouted at Mundo while punching his chest. “He is not fine! He is not!” Gusto niyang ilabas ang lahat ng sama ng loob niya. Ang sakit sakit ng puso niya, naninikip ang dibdib niya sa pinagsamang hapdi at hinagpis. Mabuti pang hindi nalang dumating si Kyro, mabuti pang nanatili nalang ito kung nasaan man ito sa mga oras na iyon… Sana ay hindi ito nangyari… Sana ay hindi ito nabaril… She felt so guilty and angry at herself. Kung hindi siya tumakbo palayo dito ay hindi nito kailangang iharang ang sariling katawan para sa kanya. She was so selfish! And yes, he was right she was stupid!

Pakiramdam niya ay tumigil ang ikot ng mundo para sa kanya. Once she was there in his arms and now… Oh! She wished it was her. Bakit hindi nalang siya? Bakit si Kyro pa? Punong puno ng hinaing at paghihirap ang puso niya. It’s supposed to be her! Nanghihinang napasandal siya kay Mundo habang patuloy ang humihinang paghampas sa dibdib nito. Dapat ay sa kanya ang mga balang iyon! Dapat ay siya ang nakahiga sa stretcher at nasa loob ng ambulansya! Dapat ay siya ang nag-aagaw buhay at hindi ang tanging lalaking nagturo sa kanyang magmahal. She felt so weak and alone that she wanted to scream. Pero hindi niya magawa. Tuluyan nang bumigay ang nanlalambot niyang tuhod. Mabilis naman siyang naagapan ni Mundo bago pa siya tuluyang bumagsak. “Tama na Kairi. Be strong. You can surpass all these.” He heard his assurance and sympathy.

Sa nanghihinang tuhod ay pinilit niyang itayo ng maayos ang sarili. She remembered the reason why she was now in pain. At iyon ay dahil sa mag-amang Arturo at Lance! Her eyes fiery when she gazed upon Mundo.

“Where are they?” tukoy niya sa mag-ama. Nilingon nito ang direksyon ni Lance. Naka-posas ito at hawak ng mga pulis. He was wounded, but his wound wasn’t as bad as Kyro’s. Mabilis ang mga paang tinungo niya ito.

Isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa lalaking nagbigay ng permiso upang guluhin ang tahimik niyang buhay. “You’ll pay for this!” Nanggigigil niyang sigaw. Muli sana niya itong sasampalin nang awatin siya mula sa likod ni Mundo na hinawakan ang kanyang braso. “I’ll make sure you will rot in hell!” Galit na galit niyang sigaw. Nanginginig ang katawang ipiniksi niya ang brasong hawak ni Mundo. “Where’s that bastard!” malakas niyang sigaw kay Mundo nang mapansing wala roon ang ama ni Lance. She saw Arturo’s lifeless body lying on the floor almost a meter away from them when she faced Mundo.

Sa galit na nagsusumigaw sa puso niya at sa kirot na nararamdaman ay agad niya itong tinungo. Saglit niya itong tinitigan habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata. Ang lahat ng pagmamahal niya ay nabura ng mga kasamaang ginawa nito sa ina at sa kanya. Nagsisikip ang mga dibdib niya habang tinititigan ito. Ang lahat ng tinitimping galit ay umalpas sa kanya. She kicked Arturo’s lifeless and bloody body as hard as she screamed and cried. It was so painful she didn’t want to stop. Kung nabubuhay ito ay sisiguraduhin niyang iindahin nito ang bawat sipa na ibinibigay niya pagkatapos ng lahat ng ginawa nito ay kulang pa ang buhay nitong kabayaran.

“Kairi!” Pinigil ng yakap nila Danica, Yehni at Cathy ang ginagawang walang habas na pagsipa niya kay Arturo.

“Tama na.” umiiyak na sabi ng mga ito. She could feel their pain for her, but not as bad as it hurts her. She felt her world just crushed in front of her. And her life stumbled down. “Tama na… We couldn’t do anything about this anymore.” Danica paused. “But you can do something for Kyro, he needs you now more than anything else.” That struck her. Yes, Kyro needs her now, more than she needed him. “Let’s go. Kailangan na tayo sa ospital. You are also wounded.” Ani Danica na inakay siya patungo sa sasakyan.

I’ll be there Kyro… Don’t you give up please? Just the thought that something bad happened to him made her heart squeezed. Hindi na yata matutuyo pa ang mga luha niya. But  she knew that only the sight of Kyro would… only Kyro…

NOTE: Gusto ko lang magpasalamat sa aking ever dearest mare ^^ Thanks for your patience in editing this he-he! lav yah!

Sa pagwawakas ng susunod na kabanata nito matututunan ng bawat isa sa atin ang kahalagahan ng buhay at pagmamahal. Sana ay naantig ko ang puso ninyo. Salamat din sa matiyagang paghihintay. lav yah all! *kisses*

 

17 Comments »

  • sjyo_0208 said:

    nku nman.. ano mangyayari ky fafa kyro..mkakaligtas sya.. d pwedeng hindi.. bka ako ang kumutos sa knya.. hehehhe. pra paring aso’t pusa, nsa peligro na nga..

    “Bakit kasi hindi mo dinala dito?” Gusto niya itong
    kutusan dahil doon…..

    lou, excited nko sa last chapter.. nkakaangat sa upuan mgbasa nito.. pigil ang hinga.. labyu lou.. ganda ganda..*hugs* mwahh.. thanks..

    fafa resty.. susunod kna…

  • zaffriecam said:

    hay nakakaabang tlga..sana ipost na ung last chapter..ang galing mo tlga lou.keep up the gud work..

  • glory2me said:

    grrrrrrrrrrr…. ate lou…
    kakainin na tlga kita ng buhay…
    lulunukin ng buong buo..

    bitttttttiiiiiiiiinnnnnnnn….

    ganda nya.. huhuuhh

  • babes78 said:

    ay nakakiyak naman but sobrang ganda po. sana po next chapter na. salamat po.

  • one luv said:

    grabe..
    thumbs up!

    we will patiently wait for the next episode.
    thank you author…
    galing…*clap*clap*clap*

    bilis nio mag update…=)

  • tammiaka143 said:

    whew!!!muntik n akong d nkhinga don ah,wawang kyro nsa peligroso kya ung mga ng iilusyon jan mgdasal n kau pra k fafa kyro tantanan nyo n kc xia dhil s akin lng xia wahaha….nxt chapie n ms louise bka d n aq mkhinga s pg aantay weeeeh…

  • Clay said:

    hay.. cat stop reading parang tumigil ang puso ko, but at least wala nang matatangkang pumatay sa kanya.. lets pray that kyro would be fine.. Louise tanggal mo kami pinaghintay ah! pero worth it naman.. hehehe. miss u

  • lumen said:

    bitin nman ang story pero maganda maraming salamat po?

  • Louise (author) said:

    salamat po sa mga matiyagang sumusubabay ng story na ito. sa pagwawakas po sana ay kasama ko pa rin kayo hehe… love you all! muah muah! ^^

  • winter said:

    grabe munitkan na malaglag luha ko dito
    buti na lng napigilan ko
    makita pa ko sabihin para akong baliw

    hahayyy

    nice story
    ~,^

    thank you thank you

    when we’ll be the last chapter be posted eh?
    kaabang abang

  • purplegurl03 said:

    nice talaga yung story!
    nakakabitin! ehe sana ok lang si kyro..
    naku.. kelan yung next posting????

  • Calla Lily said:

    super action saka super suspense! para akong nanonood ng movie! Lou, isa lang masasabi ko, don’t you dare kill Kyro!!! waaahhh magwewelga ako pag namatay siya.

  • azure said:

    kyro please don’t leave kairi.. hehehe

  • dandalet21 said:

    waaaa!!! bitin!!kakainlove naman e2ng story n2!! galing mu tlga at lou!! ur d best!!

  • sweetlovestories said:

    hello po..Im really excited at the same time nervous if what will happen sa last chapter of this story..I cant wait for it.. I hope its going to be a happy ending..ASAP..tnx

  • eizzy said:

    hayyy..kabitin naman po kelan po ang post nung last chapter..??
    ty po..

    Louise: After po ng posting ni Ms. Yesha. ^^

  • aerianmae said:

    3 thumbs up, ate Louise!

    pti thumb ng paa q pnilit kong i-thumbs up, ma-praise ka lang, hehehe. Grabe, ngaun q lng nbasa ung mga previous chapter, ang ganda grabe.

    Pls, mabuhay ka fafa Kyro!!! d q kyang mbuhay… I mean, ni kairi ng wala ka!!! huhuhu

    can’t w8 4 d nxt chap. i love this!

Leave your response!

You must be logged in to post a comment.