Whatever It Takes – Chapter XII
MATAPOS makipag-usap ni Kyro kay Mundo sa telepono ay nagmamadali na itong umalis at ibinilin na lamang siya sa isang private nurse na naroon. Masama man ang loob sa basta nalang nitong pag-abandona sa kanya dito ay wala na siyang nagawa pa.
“Miss Kairi, ito po ang gagamitin ninyong kwarto.” Nakangiti nitong sabi nang ihatid siya ni Chelsea, ang private nurse raw ng ama nito.
“Thank you.”
“Maiwan ko na po muna kayo. Papakainin ko pa po kasi si sir.” Anitong ang tinutukoy ay ang ama ni Kyro.
Hinayon niya ang kabuuan ng silid. She felt relaxed. Mula sa kinatatayuan ay kitang kita niya ang mangasul-ngasul na bulkang Taal mula sa glass sliding door patungo sa sariling balkonahe ng silid. Higit na maganda ito kaysa sa nakikita niya sa telebisyon at postcards.
Maingat niyang inilapag ang mga gamit sa isang tabi at naisipang lumabas patungo roon. Nang buksan niya ang glass sliding door ay nanoot sa kalamnan niya ang lamig ng hangin ng Tagaytay. Sinamyo niya ang preskong hangin; wala niyon sa Maynila kaya naman talagang na-appreciate niya ang lugar. Malayo ito sa mapolusyon at maingay na syudad na kanyang nakagisnan. Matagal na panahon na din mula nang makapunta siya sa lugar na katulad nito. She closed her eyes and feels the serenity of the place.
“Sir kumain na po kayo.” Napakunot-noo siya nang marinig ang pakiusap na iyon ni Chelsea.
Napalingon siya sa pinanggalingan niyon. Nasa kanugnog na balkonahe ang mga ito. Hawak ni Chelsea ang kutsara habang ang matanda naman ay tila tulala lamang sa kawalan. She suddenly felt the urge to take care of the old man. He reminded her of his dad during that time he was so devastated when they lost her mom.
Tahimik niyang nilisan ang balkonahe at nagdesisyong tunguhin ang mga ito sa kabilang silid. Sa lahat ng kabutihang idinulot sa kanya ni Kyro ay nais niyang makatulong rito. Pero higit na nais niyang makatulong sa matandang tila bilanggo ng kalungkutan.
“CHELSEA.”
“Miss Kairi. May kailangan po ba kayo?” bahagyang nagulat nitong tanong. Maaaring hindi nito namalayan ang kanyang pagpasok.
“W-wala naman.” She smiled. Natuon ang paningin niya sa matandang lalaki na nakatingin sa malayo. Ang hapis nitong mukha at pusyaw ng balat, ang nanlalalim na mga mata at nangingitim ay larawan ng isang taong nababalot ng matinding depresyon. Fine lines in his face are more visible than she thinks it was before. Mukhang mas tumanda din ito kasya sa tingin niya’y tunay nitong edad. Sympathy embraced her heart just by looking at him.
“Mula daw po nang mawala ang asawa niya ay nagkaganyan na si sir.” Napuna nito marahil ang awa sa kanyang mga mata. Bakas din sa mukha nito ang habag sa matanda.
“Ganu’n ba?” Tila nagsikip bigla ang kanyang dibdib sa nalaman. Alam niya ang pakiramdam ng mawalan ng isang minamahal. She felt it. Ngayon ay mas lalong umigting ang pagnanais niyang mapalapit dito at matulungan kahit sa maliit na paraan lamang. “Ako na ang bahala dito Chelsea.” She smiled and took the tray of food at her.
“O – S-sige po.” Anitong hinayaan siya. “Kung may kailangan po kayo, tawagin nalamang po ninyo ako sa labas.” Nakangiti nitong sabi bago lumabas.
ISANG malalim na buntonghininga muna ang kanyang pinakawalan bago hinarap ang matanda na nakaupo sa isang silyon. Tulad ng inaasahan ay tila wala itong nakikita. Nanatili ang blankong ekspresyon sa hapis nitong mukha. Umupo siya sa katabing silya nito. Mataman muna niyang pinagmasdan ang kagandahan na handog ng tanawin. Ang pagkislap ng animo’y pilak na tubig dahil sa pagtama ng sinag ng araw rito ay nagbibigay ng mala-paraisong impresyon ng lugar. Ang mga huni ng ibon na nagliliparan sa himpapawid ay nakadagdag sa napakagandang paraisong yaon. Kasiyahan ang hatid ng lugar sa puso ng bawat makakakita nito. Kabalikataran sa nararamdaman ng matandang nasa tabi niya.
“Napakaganda po dito.” Aniyang patuloy na minamasdan ang tanawin. “Para sa mga pusong sugatan at nagnanais ng katahimikan ay ito ang perpektong lugar.” She paused. Muling pumasok sa kanyang isip ang inang namayapa. “Siguro, kung nasaan man ang mommy ko ngayon ay napakasaya na niya. Walang problema, sakit at sakripisyong hatid ng buhay. Malaya siya katulad ng mga ibong iyan sa himpapawid. Nakakalipad sa kalawakan ng kalangitan.” Now her tears started falling, but she smiled. She knew her mom was truly happy whenever she was now.
Muli niyang nilingon ang matandang kanina lamang ay walang anumang reaksiyon. His tears are falling just like her. Inilapag niya ang tray sa kanyang kandungan at hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa braso ng silyon. Marahan niya itong pinisil, ipinahihiwatig na nararamdaman niya ang pighati sa puso nito.
“Ni sa panaginip ay hindi ko lubos naisip na iiwan niya ako.” His voice was harsh. Nanatili lamang itong nakatingin sa malayo habang tumutulo ang mga luha nito. “Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangang mawala siya.” He continued. She felt the pain stabbed her heart as he said those.
“Tinanong ko din sa sarili ko iyan. Maraming beses akong naghanap ng kasagutan.” Mapait siyang ngumiti. “Pero napakahirap hanapin ng isang sagot na tanging ang Panginoon lamang ang siyang nakakaalam.”
“Bakit hindi niya sabihin sa akin para maintindihan ko?” Damang dama niya ang paghihirap ng loob nito. Tila napakatagal na panahon nitong itinago sa damdamin ang pighating dulot ng pagkamatay ng pinakamamahal nitong maybahay.
Napabuntong hininga siya. She’s torn between pain and sympathy. “Ang buhay natin ay hiniram lang. Katulad ng mga ibong iyan, katulad ng bawat nilalang na nilikha niya. Ang bawat isa ay may misyon, misyon na may hangganan.” Muli niyang tinanaw ang mala-pilak na kislap ng tubig mula sa Taal Lake. Ang pagkislap nito’y animoy nagpapaliwanag tungkol sa buhay. “At lahat tayo ay may kanya kanyang takdang panahon sa mundo.” Mapait siyang napangiti. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga kanyang sinasabi. Sa loob ng napakatagal na panahon ay wala din siyang maisagot sa mga sariling katanungan. But this place certainly healed her grieving soul somehow. “Kaya habang nabubuhay tayo ay marapat nating ipahatid sa mga mahal natin sa buhay ang ating pagmamahal. Pahalgahan sila, lasapin ang bawat minuto na kasama natin sila.”
Naramdaman niya ang marahang pagpisil nito sa kamay niya. Mula sa bulkang Taal ay nalipat ang tingin niya rito. She saw him smiled; a genuine one. Alam niyang malaking bahagi ng pagkatao nitong nagtago sa madilim na parte ng buhay ay muling nasinagan na ngayon ng araw. Araw na siyang magbibigay ng isang pag-asang mabuhay muli para sa mga minamahal nito.
“Thank you hija.” Madamdaming pasasalamat nito na ngayon ay sa kanya na nakatuon ang paningin. “Thank you for making me realized these things.” He was teary eyed but his eyes now full of life. And she was glad that somehow she had helped a broken heart much as she had helped herself realized the importance of life.
MASAYANG nakatingin si Kairi sa tanawing walang sawa niyang pagmamasdan. The cold breeze of air brushed her face smoothly. She filled her lungs with fresh air and closed her eyes. She had just find peace in her heart. It was the most fulfilling feeling she ever had and it made her feel so good of herself. Nilinga niya ang silid na siya niyang magiging tahanan ng ilang araw. Ang mga gamit ay nananatiling nakalapag lamang sa isang tabi. Pumasok siya at nagdesisyong ilagay ang mga laman niyon sa nakita niyang walk-in closet.
Naupo siya sa kamang katabi lamang ng mga gamit at sinimulang ilabas ang laman niyon isa-isa. Hindi pa man siya nangangalahati nang tumunog ang kanyang telepono. Kunotnoong tinignan niya ang rumehistrong numero mula doon. It was a private number. Atubili niyang sinagot ang telepono.
“Hello?” Napuno ng kaba ang dibdib niya nang hindi agad sumagot ang nasa kabilang linya. “Hello.” Ulit niya.
“Kairi?” Binundol siya ng kaba nang marinig ang tinig ng isang lalaki.
“Y-yes?” Ilang sandali pa ay tila siya namanhid sa mga sumunod na sinabi ng lalaki. Nanlalaki ang ulo niyang nasapo ang noo at napatayo. “Nasaan siya?” Nanginginig ang boses niyang tanong. Tears started their way down her cheeks. “I’ll be there.” She almost whispered.
Muli niyang isinauli sa bag ang mga gamit na nailabas niya kanina lamang. Nagmamadali ang mga kilos sa isinalaksak nalang niya ang mga ito sa bag at pilit na isinara. She let out a blusterous breath before stepping outside the room. Her steps are certain to wherever she was going.
“MISS Kairi!” tawag sa kanya ni Chelsea na naabutan niyang nakikipaglaro ng chess sa ama ni Kyro. Masaya siya dahil mukhang bumalik na sa normal ang buhay nito. “Saan po kayo pupunta?” nagtatakang tanong nito nang makita ang hawak niyang bag.
“Kailangan ko nang umalis Chelsea, Tito Frederico.” Pinipigil niya ang luhang sabi. She does not want the old man to be worried about what she had found out.
“Hija, hintayin mo muna si Kyro.” Anitong tumayo at nilapitan siya.
“Hindi daw po makakauwi si K-Ky-Kyro.” God! She can’t even say his name. Pigil ang panginginig sa boses niya.
“Ganoon ba?” tila napaisip ang matanda sa sinabi niya. “But –“
“I have to go Tito. I’ll be back soon. Thank you for everything.” She forced herself to smile. Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin nito at nagmadaling tinalunton ang daan palabas sa gate. Narinig pa niya ang malakas na pagtawag ng matanda subalit hindi na niya ito nilingon pa.
“MUNDO, thank you for everything.” Mahigpit niyang kinamayan ang kaibigan.
Mula sa isang abandonadong bahay ay natunton nito si Danica at ligtas na nabawi mula sa kapahamakan. Nagtataka man sila dahil wala man lamang naabutang bantay si Dan. Natagpuan nila itong nakakulog sa isang silid ng bahay na iyon, natali ang mga kamay at paa at may busal sa bibig. Mabuti nalang at may isang may pusong mamamayan ang tumawag at ipinaalam sa kanila na nakita nila ang isang lalaking bitbit si Danica na nakatali at may takip sa bibig.
“Walang problema pare. Kahit matagal na akong bumitiw sa propesyong ito, basta kayo ang nangangailangan ay handa akong tumulong.” He smiled.
“Thank you so much Mundo.” Danica thank Mundo emotionally while wiping his tears.
“Nalaman na namin kung sino ang totoong nasa likod ng lahat ng ito.” Mundo sat on his swivel chair and looked at him. “Si Lance Justero at Arturo Montañez.”
“We already knew that from the very start of the investigation Mundo.” Ani Kyro na ipinaalam dito na matagal na nilang alam iyon.
“Yes. But do you know that Lance Justero and George Venosa are only one?” pinagsalikop nito ang mga palad sa ibabaw ng desk.
“What?” Imposibleng may kinalaman ang kaibigan niya sa mga nangyari. How could that happen? Kilala niya ang kaibigan mula pa noong kolehiyo sila.
“Danica, Tell him.” Mundo turned on Dan who was sitting next to him.
“Totoo ang sinabi ni Mundo Kyro. It was George that abducted me. I asked him why, he told me. His name was not really George, he is Lance Justero. Anak siya ni Arturo Montañez sa isang babaeng dapat sana ay siyang pakakasalan ng ama niya. But his father met Kairi’s mom, Tita was the answer to his financial problems, he was in debt because of gambling. Most of all he was blinded by money that tita have.” He paused and took a deep breath.
“He married Kairi’s mom on purposed. Binuntis niya ito. The only way for him to obliged tita to marry him. But after a month of marriage, he gave tita a drug that led to miscarriage. And now, Kairi’s mom is dead, all her assets and money are named after Kairi. It was written in the testament George told me. Arturo never loved Kairi, simply because he was not her own flesh and blood. Anak si Kairi ng ina niya sa dating nobyo nito na naging kalaguyo niya habang kasal pa kay Arturo.” Humugot ito ng hangin at pinuno ang dibdib.
He couldn’t believe what he was hearing from Danica. It was one hell of a revelation he does not know how will Kairi accept it. “Kung may testamento pala, hindi ba alam ni Kairi ang tungkol dito?” tanong niya kay Dan.
“No. Dahil bago pa daw malaman ni Kairi ang tungkol dito ay tinapos na nila ang buhay ng lawyer na may hawak ng testamento. Nakasaad kasi sa testament na mapapasakamay lang ni Arturo ang lahat kung –“ Dan paused. He swallowed hard. “Kung mawawala si Kairi.” Nakita niya ang takot na gumuhit sa mga mata ni Danica.
Naisuklay ni Kyro ang mga daliri sa buhok. Pakiramdam niya ay nahapo siya sa mga sinabi ni Danica. Talagang desidido pala ang mag-ama na mawala sa landas ng mga ito si Kairi. Kailangang makagawa sila ng paraan upang mahuli na ang mga ito sa lalong madaling panahon bago pa tuluyang… He couldn’t even think what Arturo and George could do to Kairi. He gritted his teeth. He was damn angry he could kill them with his own bare hands once they touch her!
PUNO ng kaba ang dibdib niya habang sakay ng taxi patungo sa sinabi sa kanyang lugar ng tumawag. She can hear her heart beat trice faster. Nag-sign of the cross siya at idinasal na sana ay walang anumang masamang nangyari. She can’t imagine her life without him. Her cellphone’s ring caught her attention. Muli, katulad ng nauna ay isang private number ang rumehistro dito. Oh God! Please don’t let anything bad happen to him. She prayed. Pakiramdam niya ay nalunok na yata niya ang puso sa kabang bumabalot sa kanya sa pagdaan ng oras.
“Hello?”
“Ligtas na si Danica. Kasalukuyan na siyang nagpapahinga ngayon sa bahay mo. Puntahan mo daw siya dahil may sasabihin siya sayo.” Anang boses ng lalaki.
“Where is he? Can I talk to him?” relief flooded her heart. Danica was now safe. Daig pa niya ang nabunutan ng tinik sa dibdib sa nalaman. “Hello? Hello.” But there was no more answer from the caller. She sighed and decided to go at her place to check on Danica. Sinabi niya sa driver ng taxi ang pagpalit ng desisyon bago pa man makarating sa ospital.
SA nagmamadaling mga hakbang ay tinalunton niya ang pinto patungo sa bahay niya. Strange. It was so quiet. Walang anumang bakas na may tao doon. But she went on still. Dahan dahan niyang ipinasok ang susi sa seradura, only to find out it was already open. Napakunotnoo siya. Hindi man lang ba nila ni-lock ang pinto? Ipinilig niya ang ulo. Baka nakalimutan lang nila. Then she went inside.
“HELLO my dear.” Para siyang ipinako sa kinatatayuan nang makita kung sino ang naroon at naghihintay sa kanya. It was her dad Arturo Montañez sitting on the couch infront of her. Narinig niya ang pagsara ng pintong nasa likod niya, dahilan upang mapatingin siya roon.
“G-george?” Buong pagtataka niya itong tinignan. Anong ginagawa nito dito? Her eyes grew widewhen she realized what’s happening. This couldn’t be! He couldn’t be! “Y-you’re my br-brother?” halos hindi lumabas ang tinig sa lalamunan niya, tila may bikig iyon.
Ngumisi ito sa kanya bago nagpakawala ng nakakatulig na tawa. “I wished I were Kairi, I could have helped you splurge all the money in your hands, but I’m not.”
“Don’t I deserve a kiss and a hug?” tanong ng ama niya na siyang nagpabaling ng kanyang atensiyon dito. “You should atleast welcome me before we put you into a deep sleep my dear.” Ang mga mata nito ay kinababakasan ng panganib. It was fiery that made her heart wanted to jump off. She knew she was in big trouble, not only in big trouble but in danger! She swallowed hard, and controlled her herself from shaking. Kyro…. She bit her lower lip as she remembers him. I love you no matter what… I’m sorry…
NOTE: I felt the grief of Kyro’s dad here, as i had felt it when I lost my dad. For those who lost their love ones, this chapter is for you.
To our dear author Erin… Happy birthday to you! TOP misses you badly.
THEME: Easier by Kandi
well, what can i say. this chapter says it all. na reveal na lahat ng dapat na malaman. alam na natin kung ano ang motibo ng mga gustong pumatay kay kairi at kung sino talaga ang mga ito.
ikaw mundo, isa kang mahirap na karakter na mahirap gawan ng storya pero humanda ka, dahil ikaw na ang susunod! nyahaha!
ikaw naman, arturo, pag nakita kita, yare ka sa akin, dahil kukunin ko ang bituka mo at ipapakain ko sa mga malalaking isda na kumakain ng laman. ang sama mo. period.
ikaw naman kairi, nakita mo na ang pasaway mong kapatid, wala ka man lang ginawa kung hindi makipagtitigan? susmeyo. wala ka man lang bang kutsilyo o naiisip na paraan para patumbahin yang kapatid mo? ay correction, hindi mo pala siya kapatid, kaaway mo pala siya.
sa author nito, isa kang alamat. hahay.. next time, comedy naman tayo. hahaha!
Louise: Emily, hindi ako isang alamat haha! wag mo naman akong patayin. kadalasan nagiging alamat lang ang mga taong pumanaw na lolz. thanks so much *hugs*
aatkihin ata aq s puso s sobrang suspense hehe…ganda n nxt chap n ms louise…..
ang puso ha? muah! labyah!
Louise: salamat tam
asar nman c kairi cnabi na ngang danger tigas talaga ng ulo nxt chapter pls tnx po?
akala ko horror to
natatakot man din akng mgbasa ng ganun
haha
paganda ng paganda ung story
feel ko malapit na to mgwakas
hayy
wag naman sana
haha
Louise: salamat po. there are two more chaps to go. ^^ hehehe…
mare, nkaka-touch jujuju…alala ko yung dad mo saka touching ang scenes sa part na un…life and death huh?
Louise: yah mare. mahirap ang pakiramdam ng ganun *cries* pero sobrang kabado ako sa last scene mare. i can feel my heartbeat habang sinusulat ko yun, nanlalamig ako waaah!
ang tigas kasi ng ulo ni Kairi yan tuloy napahamak sya.. tsk! nakakatouch yung scene na nagusap ang papa ni Kyro at si Kairi.. haaaayy.. next chapter na ms. louise.. (demanding?!) ehehe
Louise: salamat gurl ^^ ako man sobrang touch dun *sigh* i’ll try to post the next chapie on Monday. Thank you
Hi Ms. Louise.. galing mo po talaga.
Louise: salamat khenjo ^^
wahhhhhhhhhhhh.. tigas ng ulo mo kairi..
(sapak pra matauhan ka)
muahh… ate lou..
nxt chapie plz….
lou, grabe..ansikip sa dibdib. i really felt what Kyro’s dad felt. super heavy drama talaga. nararamdaman ko talaga yung emosyon nila. also when kairi faced her dad and lance. i felt fear. parang yung feeling ni bella nung ma-meet niya yung volturi (isali daw ba ang twilight). no kidding, i felt danger for kairi. parang ilang sandali lang at kakainin na siya ng dalawa. nanlalamig ang kamay ko sobra. next chap na lou! sana dumating si Kyro. so he can rip off both of them with his bare hands!
lou til now tulo parin ng tulo luha ko.. buti nlng wla pa tao d2 sa office.. pra me ewan na iyak ng iyak.. mas msarap umiyak ng malakas.. namimiss ko lola ko sa knya na kc me lumaki eh.. cna will..
kaawa nmn c kairi.. sna maligtas sya ni kyro.. thanks lou.. ganda.. labyu..mwahh
Wahh, I love this story sana next chapter na :p and i will love to read about Mundo and Yehni’s story ayy kakagilig at the same time kakapuzzle . Thanks poh ng marami! God bless.
..Next Chapter na Ate Lou..ahehe..
waaaaa…
dami naman narereveal mula sa pagkatao ng mga tauhan sa kwento…
nxt chapter puh…
wah..ang ganda tlaga…mis lou nxt chapter na po…
Leave your response!
You must be logged in to post a comment.
Maghanap ng Istorya
Pagbotohan at Survey Natin!
Maging Fan Namin!
Kumonekta sa Google Namin!
TOPPER Ka Nga Ba?
Mga Istorya
TOP Kalendaryo
Arkiba Namin
Share Us!
Daily Clicks!
Click pets to level them up!
Pakainin si Fooxy!
"Enge aku candy!"
Makipaglaro kay Eggie!
Palakihin ang bahay natin!
Sponsor Namin
Alyansa Namin!
Sundan Kami
TOP Chatbox
Bagong Lathala
Komento Ngayon
About TOP
User Panel