Pst! Mag-subscribe upang mabasa ang aming mga bagong istorya sa inyong inbox! (ito ay LIBRE kaya huwag mahiya!)  
Home » Whatever It Takes

Whatever It Takes – Chapter XI

5 November 2009 17 Comments

“KUMUSTA hija?” ang baritonong boses ng ama mula sa kabilang linya ng telepono ang narinig niya.

“Daddy.” nagsimulang mag-unahan ang mga luha niyang bumagsak. Sa ilang taon nilang pagkakahiwalay at ilang buwang hindi pagkikita hindi maiaalis sa kanya ang matinding pagkasabik dito.

“How are you? I heard what happened.” Dama niya ang pag-aalala sa boses nito.

“You knew –“

“Sinabi sa akin ni Cath.” Tumikhim ito nang hindi siya umimik. “Why didn’t you call me? I should have go there para ma-protektahan kita.” Bumigay na ang puso niya. Ang tahimik na pagluha ay nauwi na sa hagulhol. Tama ito. Kung narito ang daddy niya tiyak na hindi siya nito papabayaan.

“I don’t want you to worry about me.” Humugot siya ng malalim na hininga upang pigilin ang pag-iyak. She has never been like this to her dad. Tanging sa mommy lang niya siya umiiyak sa tuwing may problema siya. But this is different, and she needed him more than anyone else.

“Darating ako diyan in three days, then we’ll fix everything.” He said assuring her. Gumaan ang pakiramdam niya sa mga sinabing iyon ng ama. Now atleast she knows that he is still there for her.

Ngayong darating na ang ama niya ay wala ng dahilan upang manatili pa talaga siya sa bahay ni Kyro. Malungkot siyang napangiti. She will keep all the memories of Kyro in her heart. Kahit sa napakaiksing sandali ay nagkasama sila, hindi man masasabing sa isang relasyon, sapat na sa kanya ang nakapiling niya ito.

Speaking of Kyro. Nasaan na ba iyon? Gumuhit ang pag-aalala nang maalala ito. Ang sabi sa kanya ni Resty ay darating ito kinabukasan pero manananghalian na ay wala pa rin ito.

Mabilis ang mga kilos na tinungo niya ang front porch na kinaroroonan ni Resty. Alam niyang may nalalaman ito kung nasaan si Kyro.

“Miss Montañez –“

“Si Kyro?” putol niya dito. Nakita niya ang pagsilay ng malisyosong ngiti sa sulok ng labi nito. “What?” naiirita na siya at nag-aalala nakukuha pa nitong ngumiti.

“Wala.”

“Wala? Wala pa si Kyro?” napataas ang isang kilay niya. Saan namang lupalop iyon nagtungo? “I have to go home now Resty. Darating na ang daddy ko, kailangan makapag-ayos man lang ako ng bahay, he’s staying with me.”

“I’m so sorry Miss Montañez but I will not allow you to leave.” Ang mga ngiti nito ay dagling napalis nang marinig ang kanyang sinabi. “Dumating si Kyro kanina natutulog ka pa.”

“Magkano ba ang ibinayad niya sayo? Dodoblehin ko paalisin mo lang ako.” Nauubos na ang pasensya niya kay Resty, lalong lalo na kay Kyro. Ang kapal ng mukha nitong iwan nalang siya kasama ang king kong na ito na hindi man lamang nakuhang magpakita sa kanya.

“I’m sorry Miss Montañez, I’m not being paid. I’m just giving my friend a favor.” Muling bumalik sa mga labi nito ang mapanuksong ngiti. Ang nakataas niyang kilay ay umabot na yata hanggang kisame. Hindi ito binabayaran ni Kyro? Napakaswerte naman nitong magkaroon ng isang kaibigang katulad ni Resty. But she needed to go, and she will do anything just for Resty to let her leave. Kung kailangan niyang umiyak at maglupasay ay gagawin niya para lamang payagan siya nito.

“Wala siyang karapatang gawin ito.” Her eyes started to water. “Bakit ganyan kayong mga lalaki? Matapos ninyong makuha ang gusto ninyo ay may karapatan pa kayong saktan ang damdamin namin? Isn’t that too much?” Naramdaman niya ang pagtulo ng likido mula sa kanyang mga mata. It was real, she was hurting.  She doesn’t care if she looked stupid infront of Resty, sasabog na ang sakit sa puso niya. It’s slicing her into pieces giving her so much pain she can no longer hide.

“He is doing this because he loves you. Alam natin na may nagtatangka sa buhay mo, and he can’t afford to take chance.” Lumapit ito sa kanya at kinabig siya. Dama niya ang sinseridad nito, and she was thankful how the way Resty comfort her, it somehow eases the pain she is having.

Isang malakas na tikhim ang nagpahiwalay sa kanila ni Resty. It was coming from Kyro standing only a few meters away, looking dangerously. Matalim ang tingin nito kay Resty na tila ba anumang oras ay sasagpangin niya ito. Napatingin siya kay Resty na ngayon ay nakikipagtagisan ng tingin. What’s going on? Nais niyang itanong, pero nanatiling nakapinid ang kanyang mga labi. Two dangerously looking man are dwelling through their eyes and she does’nt feel good about it.

Humakbang patungo sa kanila si Kyro habang binabayo naman ng kaba ang dibdib niya. She saw him looked at her but saw anger in his eyes. Hindi niya maintindihan, isang araw itong nawala pagkatapos ay ito pa ang may ganang magalit? Awtomatikong nahawakan niya si Resty, siya ang haharap dito tutal ay narito na rin lang naman ito. Madilim ang mukha nitong napatingin sa kanyang kamay na nakahawak kay Resty. Nakita niya ang panibugho sa mga mata nito. Saan naman iyon nanggaling?

“Thank you Resty. Ako na ang bahala dito.” He said firmly but anger flashes in his eyes. Marahang tango lamang ang ibinigay ng kausap sa kanya.

“He loves you, always remember that.” Bulong sa kanya ni Resty bago tuluyang umalis. Parang piniga naman ang puso niya sa sinabi nito. How could a man who loves a woman could be as cold as ice? Hindi nga niya maintindihan ng takbo ng isip ni Kyro, noon sinasabi nito kung gaano siya kahalaga dito, ngayon naman matapos ang mga pangyayaring iyon noong nakaraang gabi ay bigla nalang itong nanlamig sa kanya. Idagdag pa na hindi man lang umuwi at ikinulong siya sa sarili nitong tahanan. Okay, granted that her life is in danger, but that is not a reason para lamang ikulong siya ng ganoon.

“What are you doing here outside?” madilim ang mukhang tanong nito sa kanya.

“I’m going home now Kyro.” Matapang niyang sagot na itinaas ng bahagya ang noo. Try to prevent me! Makikita mo ang hinahanap mo. Napangiwi siya nang haklitin siya sa braso nito, his lips almost touching hers.

She closed her eyes when her heart started racing. Waiting for his kiss seems like a lifetime, she wanted to feel him and touch him. “Did’nt you miss me Kairi?” agad niyang naimulat ang kanyang mga mata, amusement was clearly shown in his eyes. “You are not leaving as much as I want you to.” Marahas nitong binitawan ang braso niya. “Dumating na ang daddy mo kaya lalong hindi ka maaaring umalis dito.”

“What?? That can’t be possible I just talked to him –“

“Hindi ka ba nagtataka Kairi? Bakit ngayon lang siya tumawag sayo at alamin kung ano ang kalagayan mo?” nagtagis ang mga bagang nitong sabi. Nakita niya ang bahagyang pagsingkit ng mata nito habang nakatingin sa kabilang dulo ng kalye.

“Dahil ayokong malaman niya! Ayokong mag-alala siya.” Bakit tila may gustong ipahiwatig sa kanya si Kyro. Ano ngayon kung dumating na ang daddy niya? Hindi ba’t masmabuti iyon dahil magkakasama na sila?

“No. Dahil – Dapa!” malakas na sigaw ni Kyro na agad siyang hinatak.

Isang humahagibis na sasakyan ang bigla nalang nagpaulan ng mga bala sa kanila. Abot abot ang kabang pumaloob sa kanya. Dinig na dinig niya ang pagkabasag basag ng mga paso ng halamang naroon. Pakiramdam niya ay katapusan na ng kanyang buhay, mahigpit siyang napakapit sa mga braso ni Kyro na katulad niya’y nakadapa rin. Somehow it made her feel secured with him by her side. “Wala na sila.” Narinig niyang usal ni Kyro. Marahan siya nitong itinayo at binistahan kung nasaktan ba siya. “Are you okay?” anitong kinabig siya palapit sa dibdib nito. She can hear his heartbeat beating so fast. “You are shaking!” Mahina itong napamura. Maingat siya nitong inakay papasok sa loob ng bahay.

“S-sino ‘yun Kyro? What do they want from me?” nanginginig ang boses niyang tanong.

“It must be your brother.” Kumuha ito ng baso ng tubig at iniabot sa kanya. “Drink this. It’ll make you feel better.” Kinuha niya iyon at ininom, it did make her feel good somehow.

“Brother?” Kailan pa siya nagkaroon ng kapatid? Sa pagkakaalam niya ay nag-iisang anak lang siya. How come she has a brother and never knows about it?

“Yes, you have a brother Kairi. Lance Justero. At hanggang ngayon ay kinakalap pa ng tauhan ni Mundo ang anumang impormasyon tungkol sa kanya at kung bakit pinagtatangkaan niya ang buhay mo.”

“Great! I found out I have a brother and now he wants to kill me!” she said sarcastically. How can she not know about it? Wala man lang siyang nakitang hint sa mga magulang patungkol rito.

“I’m calling Mundo, kailangang malaman nila ang nangyari ngayon upang mai-report na at hanapin kung sino talaga ang mga iyon.” anitong dinukot ang telepono sa bulsa.

Mataman niyang pinagmasdan si Kyro habang nakikipag-usap kay Mundo. Damn this man for looking so good! Sa kabila ng mga pangyayari kanina lang at sa natuklasan ay hindi niya maiwasang hindi purihin ang lalaki sa itsura nito. His tight muscles are all in the right places, hindi kalakihan pero nakakapaghatid ng kakaibang karisma. His broad chest and shoulders made her feel she wanted to be wrapped around with. Ang height nitong hindi lalagpas sa anim na talampakan ay napagmumukha na siyang maliit sa height niyang 5’3. Tumingin ito sa kanya nang maramdaman nito ang ginagawa niyang panunuri rito. Iniiwas niya ang paningin at nilagok ang natitirang tubig sa basong hawak.

“We have to leave.” Anito matapos makipag – usap kay Mundo.

“What? I can’t leave now, darating si daddy.” Desidido siyang hindi sumama dito kahit magunaw pa ang mundo!

SO much for her protest! Dahil ngayon ay nakasakay na siya sa sasakyan ni Kyro at tinatahak na nila ang south expressway. Hindi niya alam kung bakit hinahayaan niya itong manipulahin ang bawat galaw niya, ang bawat desisyon na gagawin niya. Sira na yatang talaga ang ulo niya dahil napakadali siya nitong mapa-’oo’. She sighed and look at him on the driver seat. He looked bothered.

“May problema ba?” hindi niya napigilang tanungin ito. Mukha kasi itong aburido matapos siyang mapapayag na sumama rito.

“Your dad is here now Kairi.” Anitong pinaglapat ang mga labi.

“Yes. Isn’t that great? Atleast hindi na ako magiging pabigat ngayon sayo.” She crossed her arms on her chest. Bakit ang bigat sa dibdib niyang sabihin iyon?

“It’s not good.” Sandali itong sumulyap sa kanya bago muling itinuon ang paningin sa daan. Ayaw ba nitong magkahiwalay sila tulad ng nais niya? Parang matutunaw ang puso niya sa kilig sa naisip. Maybe he really love me after all. Napangiti siya. “Kung gusto mong makalayo sa akin ngayon, lalo na ako.” Daig pa niya ang pinulbos sa sinabi nito. Ang sakit sakit ng dibdib niya, pero ano nga ba naman siya dito. Hindi ba’t iyon naman talaga ang gusto niya? Nag-iinit ang mga matang ibinaling niya ang paningin sa labas ng bintana. Nagkamali pala siya, he wants to get rid of her.

“Kung ganu’n i-uwi mo na ako sa bahay ko.” Pigil ang nginig sa boses niyang sabi.

“No.” Matigas nitong tanggi na siyang napalingon sa kanya dito.

“I don’t understand you Kyro. You want me to stay away pero ayaw mo akong ihatid. What’s your problem?” Naningkit ang mga mata niya at punong puno ng pagdadalamhati ang puso niya.

“Because your dad wants to kill you.”

Kill her? Nasisiraan na yata ng bait si Kyro. At bakit naman siya nanaising patayin ng sariling ama? Napailing siya sa narinig dito. Pagod na siya sa walang kabuluhang pagtatalo tungkol sa mga nangyayari sa buhay niya. If she will die and it’s her time? Fine!

“You don’t know what you’re saying.” Gusto niyang ipamukha dito na nagkakamali ito ng akala, pero hindi niya makapa sa sarili ang kasiguraduhan.

“Kairi, Mundo just found out that your dad is the one who killed your mom.” Narinig niya ang marahang pagpakawala nito ng buntonghininga.

“That’s a lie! It’s an accident and you don’t have proof!” Hindi na niya napigilan ang pagtaas ng boses. Now he is telling him that her dad was the one who killed her mom? It’s bullshit!

“We have evidences now Kairi. It’s proven. Nandito na ang daddy mo ngayon because your brother can not do what he is asked for. And he will do anything he can to kill you.” Inihilamos nio ang isang kamay sa mukha na tila pagod na pagod.

“W-why?” Naghihina siya sa mga narinig na rebelasyon mula dito. “Hindi ko maintindihan.” Tuluyan nang dumaloy ang mga luha niyang nagbabantang tumulo kanina lang.

“Iyan ang aalamin natin. Don’t worry. You’ll be safe as long as I’m here.” Nakakagaan ng pakiramdam ang mga binitawan nitong salita. His assurance made her feel she’s somehow special to him. Sandali niyang ipinikit ang mga mata, she suddenly felt so tired she does’nt care wherever he is taking her.

ISANG kulay puting two storey house ang nabungaran ni Kairi nang siya ay magising. Napapaligiran ito ng mga iba’t ibang kulay ng mga bulaklaking halaman; may ilang pine trees din na nasa paligid nito na nakadagdag sa napakagandang ambiance ng lugar. Sumasaliw ang mga ito sa ihip ng hangin, maging ang mga bulaklak ay sumasabay din. Tiyak na magugustuhan niya nag lugar na ito. She smiled.

“Dito ka muna pansamantala hangga’t di pa natin naaayos ang problema sa daddy mo.” Anitong nagpalingon sa kanya. It seems that he’s been staring at her for quite a while. She can see his eyes sparkle as he looked at her, or is it just her imagination?

“Siguro naman ay hindi na niya matutunton ang rest house namin.” Anitong bumaba at pumakabila sa kanya upang pagbuksan siya. She can smell his manly cologne from where she is. And it’s gives a tingling sensation down to her spine. Being close to him sure made her forget everything that has been going on.

“Kairi.” Untag nito sa kanya na nagpabalik sa kanyang huwisyo. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi dahil sa hiya. Malamang ay napansin nito na sinisinghot niya ito. Agad siyang bumaba at binitbit ang shoulder bag na dala.

“Kairi.” Muli nitong tawag na nagpalingon sa kanya rito. “Thank you.” Nangunot ang noo niya. Bakit ito nagpapasalamat? “Thank you… for trusting me.” Ang kunot na noo ay nawala at napalitan ng pagtaas ng isa niyang kilay.

“I don’t have a choice. Do I?” hindi niya mapigilan ang hindi maging sarkastiko. Paano namang hindi? Sapilitan ang pagsama nito sa kanya dito kahit anong tanggi niya wala na siyang nagawa ng buhatin siya nito at isakay sa sasakyan kasabay ng pag-auto lock ng mga pinto.

Malakas na tunog ng telepono niya ang nagpawala ng atensiyon niya sa papalapit na si Kyro sa kanya. Nakita niya ang pagrehistro ng isang private number. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tila bigla siyang kinabahan. Tinignan niyang muli si Kyro, tila ba doon kumukuha ng kasagutan kung sasagutin niya iyon. He saw him nodded.

“H-Hello?” May bikig sa lalamunan niyang sagot sa telepono.

“Nasaan ka Kairi?” galit na tono ng ama ang kanyang narinig.

“Dad?” Napakunot ang noo niya. Tumawag ito para lang tanungin kung nasaan siya? At bakit ito nagagalit? Nakita niya ang marahang paglapit ni Kyro sa kanya.

“Where are you?” ulit nito na nagtaas pang lalo ang boses. Napatingin siya kay Kyro, her eyes asking what will she tell him.

“I-I I’m having a-a v-vacation.” Pakiramdam niya ay nanuyo bigla nag lalamunan niya.

“Umuwi ka na Kairi! I’m here in your house now!” galit nitong sabi matapos niyon ay wala na siyang narinig pa.

“Dad? Dad?” Paanong nasa bahay niya ang daddy niya samantalang wala itong susi niyon dahil pinalitan niya ang lahat ng door locks ng bahay?

“I told you he’s already here.”  Anitong inakay siya papasok sa front door ng bahay. “What’s the problem?” anito nang mapansing hindi siya kumikibo.

“He’s inside my house Kyro. Pa –Paanong –“

“I’ll call up Mundo. For now, take a rest and don’t worry about it. I’ll take care of that.”  Sa tuwing kinokonsola siya ni Kyro ay nakakaramdam siya ng katahimikan sa loob at kapayaan sa puso. She does’nt know how he do it, pero nasasanay na siya.

Note: Pasensya na po sa medyo natagalang posting nito. Thank you for bearing with me ^^

Theme: Dangerously Inlove by Beyonce Knowles

 

17 Comments »

  • kris3515 said:

    nakakaloka naman… sana next chapter nah… kahit kelan…maghihintay ako…. ganda eh… heheheh

    Louise: Thank you kris. *hugs* labyou!

  • lumen said:

    hay bitin na nman nxt chapter pls

  • krizia said:

    ganda2,ms louise!knight in shining armour tlg c kyro..hehe!ok lng na ntgalan ang pgpopost worth it nman eh..mgnda ang result kso bitin..huhu!thank you,ms louise til nxt chapter..takecare and gobless..

  • purplegurl03 said:

    ang ganda talaga ng story!
    may bagong twist nanaman..
    ok lang ms. louise..
    maghihintay kami sa next chapter.. =)

  • Calla Lily said:

    waaahhhh! grabe.. super thrilled na ako sa pangyayari… so it was Kairi’s Dad, her brother and Celeste… OMG talaga.. and what’s with Kyro? bakit ganun siya? tuloy, naconfused si Kairi.. waaaahh lou, post ulit next chap hehe i love Resty na!!!

  • PV said:

    her dad wants her dead? why?

  • Clay said:

    nababaliw ako..kinakabahan.. what will be next.. hay ganda talaga..

  • sjyo_0208 said:

    ako ang kinakabahan ah.. hehehhe.. todo bigay sa pagbabasa.. ganda tlaga lou. next chapter na pls.. hehehhe.. labyu.. mwahh.. ingatz

    Louise: Salamat ^^ labyou! muah!

  • kay said:

    kakaloka naman…
    lalo akong kinakabahan sa mga nangyayari ah…
    hahaha (feel na feel!)
    ganda po nang story sobra…thanks sa pag post.
    next chapter na po! :)

  • muziclover said:

    nGEeekk..bAt pUu gAnun?…
    hnD b xa ang tOtoong dad n2?…
    haaytz,,,
    bTw,,ganda puU ng s2ry!!,,wag pu sana kaung magasawang magsulat!

  • bunso said:

    wow different story so nice!!!!! sobrang may twist…

  • babes78 said:

    thanks po…next chapter pls.

  • 07041981 said:

    kelan po next chapter?excited na po ako

  • Yesha said:

    mare, bkit ganun? mas na-iimagine ko si Mundo ajejeje…Feeling ko, super macho xa saka…alam mo na…mabait ajejeje…next chapter pls, more Mundo scenes

    Louise: Mare, ahmm si Mundo eh si Mundo hahaha…

  • bench said:

    waaaaaahhhh..pati si yesha naeexcite kay globe! lou,yung kay globe na…pleaaaaaaaaaassssssssssssseeeeeeee…missed you!

  • lynshin said:

    i love this site.. all the story is really good…

  • ifcastro said:

    hi lou! when next chap? and hanngang anong chapter po ito? thanks.

    Louise: hello po. hanggang chapter 14 po. hopefully bukas maipost ko na, (pray for me hehe)

Leave your response!

You must be logged in to post a comment.