Pst! Mag-subscribe upang mabasa ang aming mga bagong istorya sa inyong inbox! (ito ay LIBRE kaya huwag mahiya!)  
Home » Uncategorized

Whatever It Takes – Chapter X

31 October 2009 15 Comments By Louise

ISANG malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Kairi bago niya dahan dahang binuksan ang pinto. Nagrerebelde man ang puso niya sa gagawing pag-alis ay mas nanaig pa rin sa kanya ang kagustuhang pumunta sa shop na ilang araw niyang napabayaan. Mabuti nalang at nandyan ang mga kaibigan niyang umaayos niyon kahit windang siya.

Maingat siyang humakbang palabas upang hindi makalikha ng ingay na maaaaring marinig ng asong si Resty. She closed the door silently and prays that the dog is sleeping.

“Miss Montañez.” Muntikan na siyang mahulog sa tatlong baitang ng hagdan ng front porch sa malaking boses na narinig niya.

Lukot ang mukhang hinarap niya ang pinanggalingan niyon. And there stood a man she thinks was more than six feet towering over her, looking so gorgeous. Maang siyang napatanga rito. May iba pa palang gwapong nilalang bukod kay Kyro. She grinned.

“Miss Montañez.” Ulit nito.

“Yes? Do I know you?”

“I’m Resty, Kyro hired me to look after you.” Whaat?? Aba! So, tao pala ang Resty na tinutukoy nito. Ang buong akala niya kasi ay isang imported breed na aso ang tinutukoy ng binata sa kanya. Well, not bad for a rare breed, hindi nga lang ito aso. Napangisi siya. “Ibinilin sa akin ni Kyro na huwag kitang hayaang makalabas ng bahay na ito. So, if I were you, better head back if you don’t like me to do it for you.”

Aba’t antipako! Inismiran niya ito. Mukhang hindi nga siya makakalusot sa king kong na lalaking ito. But she’ll make sure na babagsak ito. Napangisi ulit siya sa naisip. Yes, babagsak ka sa sahig. Then she head back inside.

MULA sa coffee shop ay nagtungo na siya sa shop. Hindi pa rin mawala sa isipan ang mga katanungang gumulo sa kanya. Ano ba talaga nag pakay ni Celeste a.k.a. Amelia? Pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng panahon upang makasigurong ligtas si Kairi. Dan is missing, batid naman niyang ginagawa ng mga tao ni Mundo ang lahat ng maari nilang magawa upang makita ito. Pero hindi pa pa rin maalis sa kanya ang takot nab aka isang araw ay si Kairi naman ang mawala. Hindi ko kakayanin. Napatiimbagang siya sa naisip.

“Sir, ito na po ‘yung kape ninyo.” Magiliw na bungad ni Amelia. Tinignan lamang niya ang inilapag nitong tasa sa kanyang harapan.

“Tapos na ako magkape Amelia, salamat.”

“Sige sir, sa labas lang po ako kung may kailangan kayo.”

“Amelia.” Muli niyang tawag dito nang makitang papalabas na ito ng pinto. Huminto ito at muling tumingin sa kanya. “Take a seat.” Agad itong tumalima.

“Sir?”

“Tell me. Sino ka?” alam niyang hindi dapat malaman nito na ini-imbestigahan ito but he could  not help himself not to ask.

“Sir?” Ulit nito na tila naguguluhan sa tanong niya.

“Sino ka talaga Celeste Mabaran? Anong pakay mo?” Pigil ang galit niyang tanong.

“Hindi ko kayo maintindihan Sir Kyro.” Napansin niya ang biglang pag-ilap ng mga mata nito.

“Really? Magsalita ka na Amelia, or Celeste, dahil ilang araw ka ng under surveillance.” Naikuyom niya ang mga kamao sa pagpipigil na hindi ito sakalin sa galit na nararamdaman. How could a woman like Amelia do something as evil like that?

“S-sir –“

“Magsalita ka or you will see yourself inside the cold bars of precinct for falsification of documents.” He gritted his teeth. Yumuko ito at huminga ng malalim bago muling inaangat ang paningin sa kanya.

“Hindi ko alam ang sinasabi ninyo. Kaya ano ang sasabihin ko? At wala akong ginagawang labag sa batas kaya bakit ako makukulong?”

“Natuklasan ko na ang ginagawa mong pang-uumit dito Amelia at may ebidensya ako. Kaya kung ako sayo huwag kang pakakasigurong hindi kita kayang ipakulong.” Nanlaki ang mga mata nito sa narinig.

“Ano ang kasalanan sayo ni Kairi Montañez? Bakit mo pinagtatangkaan ang buhay niya?” He has to do this now. Dahil maging siya ay nahihirapan na rin sa dalaga. He does not want Kairi in his house. Pero bago iyon ay kailangan muna niyang ayusin ang mga dapat.

“Kasalanan?” Malakas itong tumawa. “Bakit naman ninyo naisip na may kasalanan sa akin si Miss Kairi Montañez? Dahil ba malandi siya?” Nag-uuyam na sabi nito bago muling tumawa. Rumehistro sa mga mata ang nagbabagang galit. He can sense danger in her.

“Don’t you ever dare to say that again!” Malakas niyang pinukpok ang lamesa. Pero hindi man lang natinag ang babae, sa halip ay ngumisi lang ito.  God help him pero hindi na yata niya kayang pigilan ang sariling hindi pilipitin ang leeg ng kausap. He can see pure evilness in her eyes glittering.

“Huwag mong hintayin na pilipitin ko ang leeg mo Celeste! Dahil sa oras na may mangyari kay Kairi sisiguraduhin kong hindi nga kita ipapakulong, pero mapapatay kita.” Punong puno ng galit niyang sabi. And he will surely do that sa oras na kantiin nito ang dalaga.

Mataman niyang pinagmasdan ang kakaibang reaksiyon ng babae, mula sa pagiging mailap ay naningkit iyon at nagbabadya ng panganib. Ang mga ngiti nito dati, ay tila may pangil na. “Magaling ka Kyro Sandoval.” Pumalakpak na sabi nito. “Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, tulad ng pag-ibig na iniukol ng asawa ko sa naging kabit niyang si Kairi.” Hindi makapaniwalang napatayo siya sa narinig. Si Kairi naging isang kabit? Nagtatanong ang mga mata sa kung tama ang kanyang narinig.

“Tama ka. Ang tunay kong pangalan ay Celeste Mabaran, married to Adan Mabaran who happened to be Kairi Montañez boyfriend. May isang taon na ang nakakaraan mula nang mamatay ang asawa ko.” Mapait itong ngumiti.

“Mahal na mahal ko siya. But sadly hindi nawala ang pagiging palikero niya, nagkaroon siya ng maraming babae. I ruined all of them. Then I found out about Kairi, nag-iba kasi ang pagtingin niya sa akin mula nang maging girlfriend niya ang babaing iyon.” He saw a flash of danger in her eyes as she said Kairi’s name. “Natakot ako. I told Adan to stay away from her kung ayaw niyang patayin ko ang babaing ‘yun.” She grinned evilly. “And he did. Akala ko okay na ang lahat, na sa akin na muli siya. Pero nagkamali ako, nasa akin nga siya, katawan lang pala. Dahil naiwan ang puso at utak niya sa Kairi Montañez na ‘yun!”

“Nakiusap siya sa aking huwag saktan si Kairi, tinanggap ko, because he is dying dahil sa sakit na cancer of the bone. Pero ang hindi ko matanggap, na hanggang sa huling hininga niya ay pangalan ni Kairi ang tatawagin niya at hindi sa akin, samantalang ako ang kanyang asawa at ang kanyang kasama hanggang sa huli. I swear I would do anything I can para iparamdam kay Kairi ang sakit, I want her dead pero hindi ko kaya. Tao pa pala ako at may konsensya. And all that I can do is to threaten her.”

“Oo inaamin ko, ako ang nagpadala sa kanya ng inaagnas na palaka sa halip na ang iniutos ninyo sa akin. Gusto kong mamatay siya sa takot, makunsensya na may isang nagmamahalang pamilya na sinira niya –“

“Wala siyang alam tungkol diyan.” Pagtatanggol niya sa dalaga.

“Kung talagang matalino siya, magtatanong siya sa iba tungkol kay Adan!” Galit nitong sigaw sa kanya. “Masyado siyang malandi, dahil pati ikaw na natutunan ko ng mahalin ay sa kanya naman ngayon nahuhumaling. How ironic!” she said sarcastically. “Hindi ko akalaing makikita ko siyang muli nang dahil sayo.” Kitang kita niya ang pagningning ng mas nanganganib pang buhay ni Kairi sa mga mata nito. Ang Amelia na kanyang kilala ay nabalutan na ng isang madilim na pagkatao, ng isang kahapon nito. Natakot siya, hindi para sa sarili kundi para sa babaeng nagpabago ng buhay niya.

NGINGISI NGISI si Kairi habang tangan ang tray ng pagkain. Sigurado siyang magugutom si Resty sa amoy ng pagkaing niluto niya. It’s her specialty. Chicken Pastel, now improved with Zolpidem. Mabuti nalang at nakapagdala siya niyon, it’s her medicine for her insomnia. Ngayon sigurado siya na mapapabagsak din niya sa sahig ito gaano man kalaki si Resty.

“Hi again Resty.” Magiliw niyang bati.

“Miss Montañez –“

“Alam kong hindi ka pa kumakain ng lunch kaya naman naisipan kong ipagdala ka nitong niluto ko. It’s my specialty.” Yari ka sa akin ngayon! SIguradong hihilik ka ng kasing lakas ng busina ng barko matapos mong kainin ito.

“I’m sorry to disappoint you Miss Montañez, may dala akong baon at kumain na rin ako.”

“You could have atleast taste it.” Nang-eenganyo niyang inilapit rito ang dala. Tikman mo na! Sigaw niya rito sa isip.

“No thank you.” Mariin nitong tanggi. Kainis! Nakakagutom ang amoy ng kanyang niluto at sigurado siya doon. Nakita niya itong napalunok nang malanghap nito ang niluto niya. Paanong hindi ito tinablan?

“Sigurado ka?” pagbabakasakali niyang muli. Tikman mo na! Ang hirap hirap magluto eh! Kulang nalang yata ay ipagduldulan niya rito ang pagkain.

“Yes. But thank you.”

INIS na inilapag ni Kairi ang tray sa dining table. Sayang naman. Umupo siya at nakapangalumbabang tinitigan ang pagkain. Ano na ang gagawin ko sayo? Napangisi siya. Alam ko na! Yeeba! Makakaganti na din ako! Ha-ha!

“Cath?” Tinawagan niya ang kaibigan. Kailangan na niya ng tulong, ilang oras nalang ang natitira at grand opening na ng shop niya.

“O, kumusta naman ang bagong Mrs. Sandoval?” hindi man niya nakikita ay alam na alam niyang nakangisi ito.

“Bruha! Hindi iyan ang itinawag ko sayo. Bukas na ang grand opening ng flower shop ko. Buti nalang at may nakuha si Yehni na supplier ng bulaklak –“

“Ano naman ang problema?” singit nito.

“Hindi ako pinayagan ni Kyro lumabas.” napabuga siya ng hangin. She still can’t believe that he is going to manipulate her. Isang malakas na tawa ang isinagot sa kanya ng kaibigan.

“Wow! And you’re letting him do that? That’s new.”

“No. Pero wala akong magawa kasi nag-hire siya ng taong magbabantay sa akin.” Lalong lumakas ang tawa ng kaibigan sa sinabi. Kung katabi niya ito baka nasakal na niya sa inis. Nakuha pang tumawa samantalang heto siya at namo-moblema. “It’s not funny Cath!” asik niya dito.

“I know, because it’s sweet!” tila nai-imagine pa niya ang kaibigan na kinikilig.

Sweet? Ano naman ang sweet doon? At kelan pa naging sweet ang mabilanggo? Napasimangot siya. Kapag hindi pa tumigil ito ay si Yehni naman ang tatawagan niya. Naiinis na siya dahil hindi nito sineseryoso ang sinasabi niya. “I’m serious!”

“Okay okay. Ano naman ang magagawa ko diyan?”

“I want you to help me.” Halos pagmamakaawa niya sa kaibigan.

“Paano?” tanong nito. Narinig nalang niya itong biglang napamura.

“Bakit Cath?” Napakunot-noong tanong niya.

“I’ll call you later sis, papatay muna ako ng babaeng malandi!” Then she heard a busy tone. She sighed. Now she’s back to square one.

She dialed Yehni’s number, hoping she could help her out. Pero hindi nito sinasagot ang cellphone nito. Inis na naihagis niya ang telepono. Nakita niyang naghiwa-hiwalay iyon nang tumama sa sahig. Ay tange! Paano na ako tatawag ng tulong? Muli niyang pinulot ang mga parte ng cellphone at muling ibinalik sa dali. Please work. She prays as she press the on button. Nakahinga siya nang maluwag nang makita niyang umilaw ito.

KANINA pa siya hindi mapakali. Alas onse na ng gabi ay hindi pa rin dumarating si Kyro. Nasaan ka na ba? Naku mababatukan talaga kita Kyro sa oras na dumating ka! Mukha na akong tanga dito sa kakahintay sayo. Tama na! Hindi na ako makakatagal pa. Dahan dahan siyang sumilip sa labas ng pinto kung saan naroon si Resty. Agad naman itong tumayo nang makita siya.

“Miss Montañez –“

“Wala pa ba si Kyro?” aniyang lumapit rito.

“Katatawag lang niya. Hindi daw siya makakauwi ngayon.”

“What?? At hindi man lang siya tumawag sa akin?” masama ang loob na napasimangot siya. Napakamaalalahanin mo talaga Kyro! Hmpf!

“Nag-aalala ka sa kanya?” sumilay ang mga ngiti nitong tanong sa kanya.

“Hindi! Bakit naman ako mag-aalala? Ano ko ba siya?” Nakuuu! Gagawin kitang kulugong Kyro ka kapag hindi ka nagparamdam sa akin.

“Defensive!” natawang bulalas ni Resty sa kanya. Marahas siyang napalingon.

“Hindi!” ismid niya dito.

“Kung hindi, bakit hindi ka pa natutulog? Kanina ka pa palakaad lakad sa living room, at bakit kailangan nga ba niyang tumawag sayo kung hindi ka nag-aalala? Ano mo nga ba siya?” tuloy tuloy nitong litanya.

“At kailan ka pa naging madaldal?”

“Kapag hindi ako pinagtatangkaang takasan at hindi pinagtatangkaan ng masama.” Kumindat ito. Gwapo talaga ang king kong! Kung hindi lang siguro ako na-inlove kay Kyro nahulog na ang panty ko sayo. Napangiti siya sa naisip.

“He’ll be here tomorrow before you know it. Matulog ka na dahil late na. You woul’nt like him to see your eyebags bigger than your face.” Malakas itong tumawa sa sinabi. Nahawa na din siya sa nakakaaliw nitong pagtawa.

“Yeah. Sige, mauna na ako sayo.” She stood up and headed for the door. Pero bago siya pumasok roon ay muli niyang sinulyapan si Resty. “Resty?” Lumingon ito sa kanya. “Thank you.” He just smiled and waved.

“KYRO, Amelia can’t do any harm now. Matapos mo akong abisuhan tungkol sa mga ginawa niyang pang-uumit sa shop at sa mga pagbabanta niya kay Kairi ay nadampot na siya kaagad ng mga tauhan ko.” Muli siyang nakipagkita kay Mundo para sa malaman ang progress ng kaso ni Kairi.

“Thank you Mundo.”

“Pero may isa pa tayong problema.” Inilatag nito ang isang green folder sa kharapan niya. “Buksan mo at alamin mo.” Kunotnoo niyang kinuha iyon at binuksan.

“That is Lance Justero.” Turo nito sa litratong nakapaloob doon.

“And what has this got to do with me or Kairi?”

“Nakalimutan mo na ba? Iyan ang pumasok sa bahay ni Kairi at nagtangka sa buhay niya? Tignan mong maigi ang litrato.” Medyo luma na nga iyon dahil bata bata pa ang itsura ng tinutukoy nitong Lance. Napakunotnoo siya, he seemed familiar.

“Bakit Kyro?” Napansin nito ang reaksiyon niya.

“Parang – parang familiar kasi.” Imposible! Masyado itong bata kumpara sa kakilala niyang iyon kaya malabong ito iyon.

“Basahin mo ang profile na nasagap naming sa susunod na pahina.” Untag ni Mundo. Binuklat niya iyon. Ang kunot na noo ay napalitan ng pagkabigla. “P-pa – paanong?” Buong pagtatakang napatingin siya kay Mundo.

“Yes, Kyro. Lance Justero is Kairi’s unknown brother.” Para siyang nabingi sa narinig. May kapatid ito at hindi nito alam iyon? Ano pa bang sikreto mayroon ang pagkatao ni Kairi na hindi niya alam? At bakit nito pinagtatangkaan ang buhay ng sariling kapatid?

 

15 Comments »

  • Yesha said:

    “Yes, Kyro. Lance Justero is Kairi’s unknown brother.” Para siyang nabingi sa narinig. May kapatid ito at hindi nito alam iyon? Ano pa bang sikreto mayroon ang pagkatao ni Kairi na hindi niya alam? At bakit nito pinagtatangkaan ang buhay ng sariling kapatid?

    Susme…papatayin namn kami sa suspense ng mga characters na ito jejeje…gogogo mare…thanks for the update :-)

  • emily said:

    omg! akala ko…. *bilang sa daliri* yun lang ang mga sekreto na mabubunyag sa chapter na to! yun pala, ang dami pa pala! sosmeyo, hihimatayin na talaga ako! huwah!

  • maoleifranz said:

    hehe i like the ending.,. cguro ung lance justero na kapatid ni kairi is si resty rin hehehe nanghuhula lang poh!!!

  • Clay said:

    susmeyo naman.. akala ko tapos na ang panganib eh meron pa palang kasunod.
    Next Chapter please…….

  • tammiaka143 said:

    nkk2wa nman c kairi kla nya aso ang bantay hehe…un pla fafalicious,danda tlga super suspense!!!sulat n po uli kau pra ma epost n nxt chapie hehehe…

  • lumen said:

    ay nako kaasar nman kala ko tapos na ang panganib yon pala my nabunyag pang sekrito….nxt chapter pls tnx po?

  • marbhie said:

    super suspense naman nito haha..

    grabe..

  • Calla Lily said:

    grabe lou!!! pwede next chap na? haha kakawindang! btw, parang love ko na si resty. parang ano siya… parang man of my dreams ang dating. ahaha

  • kay said:

    naku muntik nako atakihin sa puso…hahaha supspense pala itoh… ganda ng pagkakagawa…thanks po sa pag post! goodluck and more power!

  • leu said:

    …..ang ganda maraming suspense effect……go..go…go….

  • angeljovie said:

    DIYOS KO DAY!! PARA NAMAN AKO KINILIG SA STORY NITO,DAMI KAYANG FAFALICIOUS D2 HEHEHE,DALIAN NAMAN ANG PGPOST SA NEXT CHAPTER,EXCITED NA PO ME…

  • purplegurl03 said:

    wow! may bagong twist nanaman sa story! haayyy.. nakakabitin talaag.. thank you po sa update..

  • sjyo_0208 said:

    tagal ngbakasyon ngayon lng uli nkapgbasa.. hehehhehe
    hayyy.. dami pa problema.. next chapter pls… thanks lou.. ganda….. mwahh

  • winter said:

    hmmmn
    cnu naman kaya ung resty na un?
    bodyguard lng ba?
    d naman cguro
    haha

    sa iba nagkainteres e noh?
    haha

  • muziclover said:

    haayz!ang gulo nmn!…kfatid nia taz ggwan xa ng masama?..
    anuh b tlaga!..kakalito…ahhmmff!..nxt chapter n puu!

Leave your response!

You must be logged in to post a comment.